•Pag aalipusta – paghamak •Armas de Salon – sandatang pambulgaw o pandekorasyon •Apyan – opyo •Pag aalsa- paghihimagsik •Masusugpo - mapipigil MGA TAUHAN: Kapitan Heneral Padre Camorra Padre Silbyla Padre Irene Simoun Don Custodo Padre Fernandez Kalihim Ben-zayb BUOD Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at Padre Irene ay naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Banos.Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na mangyari sa panahon na iyon ay kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Ngunit maraming iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa.Ang paaralan ay hindi ganoon ka- importante sa Kapitan. Nagalit naman si Padre Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan.Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene ang binata na ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat wala namang maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako.Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani. Tinanong nila ang binata kung para saan ang kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa kalinisan at kapayapaan ng bayan. MAHALAGANG PANGYAYARI Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal ni Padre Irene na ikinapanalo ng Kapitan. Punyales, si Kristo na ang makipagsugal sa inyo! Ani Padre Camorra at tumayo na.Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang hesuwita. Nagsabad- sabaran ang magkakaharap at di naunawaan ang lahat. Pumasok ang kura sa Los Banos upang sabihing nakahanda na ang pananghalian.Siyang pagbulong ng mga Kawani sa Heneral. Ang anak noong si Kab. Tales ay humihiling na palayain ang kanyang nuno na napipiit kapalit ng ama.Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya. Sumang- ayon ang Heneral. SAKIT NG LIPUNAN Pinapakita sa kabanatang ito ang kaugaliang Pilipino na nasusunod ang lahat ng utos at gusto ng isang makapangyarihang tao at dapat natin respetuhin at suyuin ang taong iyon. ARAL SA KABANATA 11 Ang kapangyarihan ay maaring magamit sa mabuti o masama at ito ay maaring maging sanhi ng labis na Pagtitiwala sa sarili o pang abuso sa kapwa.