You are on page 1of 2

Buod ng kabanata

XI

Los Baos
Nangangaso ang kapitan heneral ng pilipinas ngunit sa kasamaang palad ay wala ni isa mang hayop na nahuli. Kaagad ipinag-utos ng kapitan ang pagbabalik sa Los baos .Habang naglalakbay ay nagkwento siya ng kanyang mga karanasang sa mga ganitot ganoong mga pook at hinamak ang pangasuhan sa Pilipinas. Mabuti pa raw ang pamamasyal sa paliguan sa mainit na lawa ng dampalit at paglalaro ng tresilyo sa palasyo. Matatapos na ang Disyembre, habang naghihintay ng pananghalian ay naisipan ng kanyang kamahalan ng maglaro ng tresilyo. Nasisiyahan siya nang labis dahil sa maraming beses siyang nananalo habang kalaro sina Padre Irene at Padre Sibyla na sadyang nagpapatalo. Huling dumating si Padre Camorra na naiinis sa paglalaro. Nanggagalaiti sa galit at inis si Padre Camorra. Sa tuwing mamamali ng kuha ng baraha si Padre Sibyla, bagay na hindi nya mapagsalitaan dahil may paggalang siya sa dominiko kaya si Padre Irene ang kanyang hinamak. Sa isang dulo ng sala ay makikita ang kalihim sa harap ng isang mesitang may nakapatong na mga papeles. Masipag ang kanyang kamahalan kaya habang naglalaro ng baraha ay ginagampanan niya ang kanyang opisyal na gawain. Masiglang naguusap naman sila Don Custodio at si Padre Fernandez. Sa kabilang silid naman ay maririnig ang ingay ng pangbubungguan ng bola ng bilyar, halakhakan. Nakikipaglaro si Ben Zayb kay Simoun. Maya mayay tumayo si Padre Camorra at inihagis ang baraha sa ulo ni Padre Irene, na sa palagay nyay nagpapabaya o sinasadya ang pagpapatalo. Namumula sa galit na ginawang tagahatol ang tatlong nakatayong naguusap at sinasabing hindi siya namumulot lamang ng pera. Inanyayahan ni Padre Sibyla si Padre Fernandez ngunit ito ay tumanggi kaya naisipan gn kapitan heneral na ipatawag si Simoun at pasalihin sa kanilang paglalaro. Naitanong ng mataas na kawani kung naong makukuha ni simoun sa kanyang kahilingan. Ayong kay Simoun ay marami dahil sawa na syang makarinig ng kabutihan. Ibig nya ang lahat ng iyon para ilagay sa sako at gawing pabigat sa kanyang brilyante. Sinabi ni Simoun na siyay pinigil ng mga tulisan sa loob ng isang araw, kinuha ang kanyang mga baril at bala at sinabing nagpapaabot ng pangungumusta sa kanyang kamahalan. Nabanggit din ni Simoun na kumpleto sa de kalibreng baril ang mga tulisan kaya naman nagpalabas ang kapitan heneral ng isang kautusan tungkol sa armas para mapigilan ang pagdami ng sandata ng mga tulisan. Pinigilan ng mag-aalahas ang kapitan heneral at sinabing Sa aking palagay ang mga tulisan ang marangal na tao sa bansang ito sapagkat kumikita sila ng kanilang ikinabubuhay sa tamang paraan.

Ipinagbawal ng kapitan heneral ang paggamit ng armas de Salon. Tinutulan ito ng mataas na kawani ngunit nawalan ng kwenta ang kanyang sinasabi. Nagmungkahi naman si Simoun na sa halip na ipagbawal ang armas na sais milimetro ay pailliin na lamang at gawing legal ang pagbili nito. Sumang ayon naman ang lahat sa sinabi ni Simoun. Namamagitan si padre sibyla , na ang sinuman dawn a ibig magturo ay nakapagtuturo kahit saan tulad ni Socrates sa lansangan , si Plato sa halamanan ng akademya , at si Hesukristo s kabundukan at karagatan. Nagpasya ang kapitan heneral na suspindihin ang guro dahil hindi napagtutuunang mabuti ang pagtuturo. Ayon sa kapitan heneral kalabisan na ang hinhingi ng guro gayong maraming nagugutom sa espanya. Nagmungkahi si Don Custodio nag awing paaralan ang sabungan kung may pintakasi ay walang aral na hindi naman sinangayunan ng kamahalan dahil ayaw niyang ipasara ang paaralan para lamang makapagsugal. Nagpasya ang kapitan heneral na putulin na ang pagtatalo at pagtuunan na nila ng pansin ang usapinsa akademya ng wikang kastila na anim na buwan nang nabinbin at naghihintay ng pagpapasya.Tinutulan naman ni Padre Sibyla, sabay sabi Hindi napapanahon ang panukala bukod na humahamak sa aming tungkulin. Kinuha ang mga pangalan ng mga mag-aaral na nangunguna sa pagbuo ng akademya. Nabanggit din ang pangalan ni Isagani na pamangkin ni Padre Florentino at mag-aaral ng mapanganib dahil mahilig sa pagbabago at pagsulong. Ipinagtanggol ni Padre Fernandez at sinabing mabuting tao si Isagani. Nabanggit din ang pangalan ni Macaraig na paborito ni Padre Irene at ang pangalan ni Basilio na mag-aaral ng medisina, may nakaraan si Basilio na si Pdare salvi lamang ang nakakaalam. Hindi dapat matutong magsalita ng kastila ang mga Indio. Tutol ni padre Camorra, Kapag nagkagayon ay makikipatalo na sila sa atin. Si Padre Sibyla na kanina pa nauubos ang pasensya ay nagwika, Hindi lamang usapin sa pagtuturo ang nakataya kundi ang karangalan naming mga dominiko. Nagsalita si Padre Fernandez na isa ring dominiko, sinsabi na kailangan nilang mamulitika sa halip na labanan ay sang-ayunan at purihin sa kanilang balak ang kabataan. Ikinagalit ng lubusan ni Padre Sibyla ang sinabi ni padre Fernandez. Sinundan iyon ng pagtatalo ng lahat. Kulang nalang ay magsuntukan sila , nakalimutan na kaharap nila ang kapitan heneral. Tumayo ang kapitan heneral at inanyayahan ang lahat na ipagpatuloy ang pagtatalo habang naghihimagas. Binulungan ng kawani ang kapitan heneral ukol sa pagdating ng anak ni kabesang t ales na tatlong araw nang pabalik-balik para idulog ang kalayaan ng kanyang lolo na may sakit at ikinulong kapalit ng kanyang ama. Sinigundahanito ni Padre Camorra kaya nagpasya ang kapitan heneral na pasulatan ang kalihim ng isang utos sa tinyente ng gwardiya sibil na palayain ang matanda. Ang pagpayag na ito ay para hindi masabing hindi siya marunong magpatawad at maawa.

You might also like