You are on page 1of 13

Learning Activity Sheet

FILIPINO 11/12
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Pangalan: Jafphet Grengia Lebel: 11


Seksiyon: Ampere Petsa: 11/11/2020

4.Talumpati

Pamamaraan

GAWAIN 1:

Panoorin at pakinggan mo ang isang talumpati ni dating Pangulong Benigno S.


Aquino na binigkas niya sa Pambansang Kongreso ng wika. Pagkatapos mong manood,
sagutin mo ang mga katanungan na ito.

Ano ang paksa ng talumpating iyong napakinggan?


Wikang Pilipino, ang wikang ipagkakaisa
ang bayan.

Sa pamamagitan ng dalawa hanggang tatlong


pangugusap, ilarawan mo ang paraan ng
pagtatalumpati ni dating Pang. Aquino.
Sa mahusay na pamamaraan na malinaw
at may tiwala sa sinasabi. Pati din sa
pamamaraan ng kaniyang paglalahad sa
talumpati. Hindi rin nalalayo sa paksa
ang kaniyang mga ibinibitaw o sinasabi
na mga salita.
GAWAIN 2:

Ngayon ay iyong balikan ang talumpating napakinggan sa pamamagitan ng pagbasa


sa halimbawang nasa ibaba at sagutan mo ang mga pagkatapos nito.

Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal


Binigkas sa pagdiriwang na Ika – 150 Anibersaryo
ng Kapanganakan ni Jose Rizal
Calamba, Laguna, 19 Hunyo 2011
Pangulong Benigno Simeon Aquino III

Nagsimula ang kwento ni Rizal hindi sa kanyang kapanganakan, kundi sa


mga pangarap ng kanyang mga magulang na bigyan ng maginhawang buhay ang
kanilang pamilya. Bago pa man italaga sa kanila ang apelyidong Rizal, tumungo
ang mag-asawang Mercado dito sa Calamba upang itaguyod ang kanilang tahanan
at sakahin ang lupaing ipinaupa sa kanila ng mga Dominiko.
Gawa na rin ng pagsusumikap, naabot ng mga Mercado-Rizal ang
kanilang mga mithiin. Isinilang po si Jose Protacio Rizal sa isang bahay na bato,
na bibihira noong mga panahong iyon. Hindi tulad ng marami sa ilalim ng
rehimeng Espanyol lumaki siyang nakakakain ng masasarap na pagkain,
nakatira sa isang tahanang hindi natatangay ng bagyo ang mga pader at
bubong, at nakapag-aaral sa mga tanyag na paaralan.
Ngunit ang kanilang marangyang pamumuhay ay hindi po nagtagal.
Labing-isang taong gulang si Rizal nang dakpin ang kanyang ina, palakarin ng
limampung kilometro patungong Sta. Cruz, at itapon sa bilangguan. Wala po
siyang naging sala, napag-initan lang ng isang alkaldeng sinasabing alipores ng
mga fraile. Hindi pa rito natapos ang kalbalyaro ng kanilang pamilya. Di
nagtagal, nagsimula na rin ang pagsamsam ng mga fraile sa mga lupain at ilang
ari-arian ng mg Mercado-Rizal.
At kung sa may-kayang pamilya, nagagawa ng mga nasa katungkulan
ang ganitong kalupitan, paano pa kaya sa mga Filipinong sa kubo lamang
nakatira? O ang mga pamilyang ni hindi makapagpaaral ng kanilang mga anak?
Silang mga nakontento na sa bansag ng Indio; silang yumuyukod sa pagdaan
ng fraile o guwardya sibil; silang mga kayumangging nakayapak na kinukutya
ng mga de-kalesang Espanyol.
Marahil, ang ganitong mga sitwasyon ng kawalang-katarungan ang
unang gumising sa malay at damdamin ni Jose Rizal: may mali sa lipunang
kanyang kinabibilangan; may ilang nasanay na sa baluktot na utos at
panlalamang ng mga nasa kapangyarihan; at may mga Filipinong tila manhid
at bulag na sa kanilang pagiging alipin at sunud-sunuran.
Humarap din sa sangandaan si Jose Rizal: sa isang banda, maaari
niyang huwag pansinin ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Puwede
niyang gamitin ang mga pinag-aralan niya sa iba’t ibang pamantasan sa
Maynila at sa ibang bansa para magpayaman at maghanap ng magandang
mapapangasawa. Maaari siyang magpatangay na lamang sa agos ng baluktot
na sistema, at kahit pa alam niyang mali, ay makipagplastikan na lang sa mga
fraile tuwing may handaan.
At sa sunod-sunod na pagharap niya sa sangandaan-mula sa
pagkabinatang pinagkaitan ng ilang karangalan, hanggang sa pagkabayaning
tinawag na mag-alay ng buhay para sa bayan-hindi naligaw si Rizal sa tuwid
na daan.
Nasanay tayo na ang ipinagdiriwang ay ang araw na barilin si Rizal sa
Bagumbayan. Marahil, pinakatanyag nang sagisag ng kanyang pagkabayani
ang pagharap niya sa balang babaon sa kanyang dibdib. Maaari siyang
naglupasay o lumuhod, ngunit hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay,
buong-tapang siyang nagpamalas ng paninindigan.
Sa harap ng sinasagisag ng kanyang pagkabitay, madaling matabunan
ang marami pang ibang pagpapasiyang ginawa ni Rizal na nagsilbing punla ng
atin pong kalayaan.
Kung sa loob ng isang silid na puno ng insulares ay tratuhin kang
mababang uri dahil sa kulay ng iyong balat, ilan po kaya sa atin ang
makatatagal upang magtapos ng medisina? Kung sa harap ng taglamig ay
napilitan tayong pagkasiyahin ang isang latang biskuwit mula almusal
hanggang hapunan, mapili pa kaya nating magtapos ng nobelang magsisilbing
mitsa ng himagsikan? Kung pagmalupitan ang iyong mahal sa buhay, magawa
mo kayang tumugon sa paraang mapakikinabangan ng buong bayan?
Pang-araw-araw na sangandaan po itong kinakaharap ni Rizal, at di
nalalayo rito ang mga sangandaaang kinakaharap ng marami rin sa atin.
Maaaring may ilang bagay na sa unang tingin ay simple at walang agarang
epekto sa malawakang sakop ng lipunan, ngunit paglaon ay mag-iiwan ng
bakas at magdudulot ng malaking ginhawa sa kapuwa. Mga simple at pang-
araw-araw na desisyon gaya ng: gagamit ba ako ng overpass, o mag-jay
walking nalang?Magbabayad ba ako ng tamang buwis, o ilulusot ko ang
puwedeng ilusot?Kung may makita akong mali, magwawalang-kibo ba ako, o
gagawa ng paraan para itama ito?
Hindi po lahat ay pinapalad na tawagin upang magbuwis ng buhay
para sa bayan. Subalit para sa nakararami, nasusukat ang pagkabayani sa
araw-araw nating pagharap sa maliliit na sangandaan: Ang pagsunod sa batas,
ang paggalang sa kapuwa, ang paggawa ng tama sa sinumpaan nating mga
tungkulin, at ang manindigan sa atin pong prinsipyo.
Marahil po, matapos ang isa’t kalahating siglo, mababaon lamang sa
mga libro ang mga ginagawa ng inyo pong gobyerno. Ang pagpapasabay ng
ARMM elections sa pambansang halalan; ang pagbabantay sa mgamonopolyo;
ang pagbubuhos ng pondo sa edukasyon, kalusugan, at conditional cash
transfer program – lahat po ito, sakaling mabasa o maikuwento natin sa ating
mga apo, ay marahil tatapatan lamang nila ng hikab at kibit ng balikat. Hindi
po mauukit sa ginto ang lahat ng ating mga Executive Order, ang mga batas na
pinagpuyatan ng ating lehislatura, at maging ang pinakamalalalim na desisyon
ng hudikatura.
Tinatanggap ko po ito, at ilang ulit ko na pong idiniin na hindi
palakpakan o pagpupugay ang nagtutulak sa aking bumangon araw-araw
upang maglingkod sa akin pong mga Boss. Nagtatrabaho tayo para sa bata sa
lansangan na kayang maghibla ng isang kuwintas ng sampagita, ngunit ni hindi
pa nakakatapak sa loob ng eskuwela. Nagtatrabaho tayo dahil sa isang
malayong baryo, sa isang maliit na isla ng Filipinas, maaaring may sanggol na
magiging tulad ni Rizal: tapat ang puso, walang-kapantay ang talino, walang-
hanggan ang malasakit sa kapuwa, at may wagas na pag-ibig sa bayan.
Nagtatrabaho po tayo upang wala nang Filipino ang mangailangan pang
magbuwis ng buhay para sa kapakanan ng mga susunod sa kanya.

Noong ika-19 ng Hunyo, 1861, isang sanggol ang isinilang dito sa


bayan ng Calamba. Wala pong kakaiba sa kanya: Marahil kasinlaki lang ng
isang nakakuyom na kamao ang kanyang ulo, at ni hindi kayang humawak ng
GAWAIN 3 :
Basahin ang mga sumusunod na katanungan at sagutan ito sa isang buong papel at
pagkatapos ay ilakip mo ito sa iyong Learning Activity Sheet. Kung mayroon kang mga
katanungan, mag-txt o mag-personal message ka lamang sa akin at tutulungan kitang
malinawan.

Mga Katanungan:
Paglalahad Pangangatwiran
1. Sino ang tagapagsalita ng talumpati 1. Isa-isahin ang mga inihaing
at sino ang tagapakinig? argumento ng tagapagsalita batay
2. Kailan binigkas ang talumpati at sa usaping inilahad.
ano ang okasyon? 2. Magbigay ng 1-2 ebidensya na
3. Ano ang usaping inilahad ng sumuporta sa bawat argumento.
tagapagsalita? 3. Naging mabisa ba ang
4. Naging mabisa ba ang paglalahad? pangangatwiran? Ipaliwanag ang
Ipaliwanag ang sagot. sagot.

Paglalarawan Pagsasalaysay
1. Ibigay ang mga katangian ni Rizal 1. Isalaysay ang buod ng isang
na inilarawan ng tagapagsalita. kwentong ginamit ng tagapagsalita
2. Ilarawan ang tuwid na daan batay sa talumpati.
sa talumpati. 2. Naging mabisa ba ang
3. Naging mabisa ba ang pagsasalaysay? Ipaliwanag .
paglalarawan? Ipaliwanag ang
sagot.

PAGLALAHAD
1. Kapangulong Benigno Simon Aquino, Ang mga mamamayang Pilipino.
2. Pagdiriwang ng ika-150 na anibersayo ng kapanganakan ng ating bayani na si Rizal
3. Ang talambuhay at kabayanihan ni Rizal.
4. Oo, Marami din ako natutunan at may malinis na pananalita.
PAGLALARAWAN
1. Makadiyos, Masipag, Makabayan, Matapang, Marangal, Matalino, Matapat,
Makakalikasan at handang ibuwis ang buhay sa ikabubuti ng bansa.
2. Lumaban sa pangaabuso ng ibang tao ng may buong tapang at karangalan upang
ipaglaban ang Karapatan ng pilipinas.
3. Oo, Dahil inilarawan ito ng mabuti at hindi nalalayo sa paksa ng talumpati.

PANGANGATWIRAN
1.
a. Labing-isang taong gulang si Rizal nang dakpin ang kanyang ina, palakarin ng
limampung kilometro patungong Sta. Cruz, at itapon sa bilangguan. Wala po
siyang naging sala.
b. Nasusukat ang pagkabayani sa araw-araw nating pagharap sa maliliit na
sangandaan
c. Pinakatanyag nang sagisag ng kanyang pagkabayani ang pagharap niya sa balang
babaon sa kanyang dibdib.

2.
a. Napag-initan lang ng isang alkaldeng sinasabing alipores ng mga prayle.
b. Ang pagsunod sa batas, ang paggalang sa kapwa, ang paggawa ng tama sa
sinumpaan nating mga tungkulin, at ang manindigan sa ating prinsipyo dahil
hindi lahat ay pinapalad na tawagin upang magbuwis ng buhay para sa bayan.
c. Maaari siyang naglupasay o lumuhod, ngunit hanggang sa huling sandali ng
kanyang buhay, buong-tapang siyang nagpamalas ng paninindigan.

3. Oo, Mabisa ang pangangatwiran dahil napagtibay nito ang mga ebidensyang
sumusuporta dito. Kaya’t nagkaisa sa paniniwala ng mga mambabasa at hindi sila
nagdalawang isip na paniwalaan ang mga pahayag na pang argumento dahil
matagumpay na naipahayag ng tagapagsalita ang kanyang ipinaglalaban.
PAGSASALAYSAY
1. Ipinanganak si Jose Rizal ng may kaya, sa Calamba Laguna noong Hulyo 19, 1861 sa
isang mayaman na pamilya at nag aral ng medisina ngunit naainis ang isang
alkayde sa kanyang magulang at ininadala sa isang bilanguan at ninakawan ang
mga ari arian nito, nakakakain ng masasarap na pagkain at nakapapasok sa mga
magagandang paaralan. Hindi nagtagal, unti-unting nawala ang mga ari-arian nila.
Dinakip ang nanay ni Rizal noong siya ay 11 taong gulang. Hindi rin nagtagal,
kinuha ng mga Espanyol ang kanilang mga lupain.
2. Oo, dahil naisalaysay niya ito ng malinaw at walang gulo ang nabuo sa aking isipan.
Simple na simple at hindi balbal ang mga nagamit na salita na isinalaysay.

GAWAIN 4:
Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong makapagsalita sa araw ng inyong
pagtatapos, paano magiging mabisa ang iyong talumpati? Ano-ano ang dapat taglayin ng
iyong talumpati?Paano mo ito bibigkasin sa harap ng mga tagapakinig?

Paraan ng pagtatalumpati Dapat Taglayin ng isang


Isasagawa ko ang pagtatalumpati ko
sa harap ng mga nakikinig sa
talumpati
Nakasaayos ang mga salita at
pamamagitan ng paggamit ng tamang
pagkakasunod-sunod ng mga
lakas, hina, at diin sa pagsasalita. Pati
pahayag. May panimula na
narin ang pagsasalita ng may tiwala
magpapahayag ng paksang
sa sarili. Magtitiwala rin ako sa Diyos
tatalakayin. May paglalahad na
at sa aking kakayanan upang ‘di ako
magbibigay ng detalye upang
kabahan at matagumpay kong
mapalawak ang paksa. May
matapos ang aking talumpati ng may
paninindigan upang mapatunayan
kaayusan. Gagamit din ako ng angkop
ang nais bigyan ng punto at ang huli
na galaw, tindig, at kumpas upang
may pamimitawan na syang tatatak
mas maramdaman ng mga
sa mga tagapakinig, nagsisilbi itong
tagapakinig ang aking salitang
buod ng iyong buong talumpati.
binibigkas.

Hakbang sa pagsulat ng talumpati


Pumili ng paksang batay sa iyong kaalaman at karanasan. Pagtitipon ng mga materyales na
kung saan magkakaroon tayo ng pagkakataong humanap ng mga materyales na may
kaugnayan sa paksang magagamit sa pagsulat ng talumpati. Pagbabalangkas ng mga kaisipan
na kung saan dito isinasaayos ang nakalap na mga kaisipan bilang panimula, katawan at
wakas ang talumpati. Paglinang sa mga kaisipan na kung saan inilalahad ang mga
mahahalagang impormasyon na sumusuporta sa pangunahin kaisipan ng paksa.

Pagwawakas
Magaling! Ngayon ay may sapat ka ng kaalaman tungkol sa mahahalagang konsepto
ng talumpati. Sigurado ako ngayon na magagawa mo nang mahusay ang huling gawaing
aking inihanda para sayo.

Bumuo ka ng maikling talumpating nakabatay sa mga sumusunod na sitwasyon:


(Pumili ka lamang ng dalawa)

SITWASYON 1: Kinatawan ka ng mga mag-aaral sa Grade 11 na magbibigay ng


talumpati para sa mga bagong pasok na mag-aaral sa Grade 11 sa pag-uumpisa ng klase sa
senior high school.

SITWASYON 2: Kinatawang mag-aaral ka ng paaralan na magbibigay ng talumpati


sa lahat ng mga mag-aaral ngayong taon, na tinaguriang “new normal” tungkol sa
responsableng paggamit ng online na teknolohiya sa pag-aaral.

SITWASYON 3: Kinatawan ka ng mga mag-aaral sa Grade 11 na magbibigay ng


talumpati para sa araw ng pagtatapos ng klase sa senior high school na may temang
“Kabataang Mula K to 12, Tagapagdala ng Kaunlaran sa Bansang Pilipinas.”

SITWASYON 4: Kinatawang mag-aaral ka ng paaralan na magbibigay ng talumpati


sa isang paaralan sa junior high school upang himuking pumasok sa inyong paaralan para
mag-aral sa senior high school.
SITWASYON 4

Magandang umaga sa inyong lahat lalong-lalo na sa aking mga kapwa kamag-aral, mga guro, sa
lahat ng administrasion ng JRL na nandito ngayon at lalo na sa Diyos sa pagkakaloob sa
mapagpalang araw na ito.

Maraming mga bata na hindi nakakapag-aral at hindi nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral dahil
sa kahirapan at kawalan ng oportunidad sa buhay at iilan lang ang mga masisipag na lumasok.
Ito ang aking masasabi sa mga bagong pasok na Grade 11 sa JRL SHS.

Alam kong ginaganahan kayong pumasok dahil kakatapos lang ng summer vacation at dahil
umpisa na ng pasukan, At sa unang klase niyo wala pang aral at makikipagkwentohan ka muna
sa iyong mga bagong kaklase kung ano yung mga pinaggagawa niyo nung summer vacation at sa
susunod na mga araw diyan na kayo maraming gagawin na ikaiinis mo at alam ko mayroong
mga subject na nahihirapan kayo isa na diyan ang math laging problem solving kahit mahirap
sinasagutan mo pa rin kahit di ka sigurado sa iyong sagutin. Alam kong gagawin mong lahat para
matutunan ang isang subject na hindi mo alam kahit nahihirapan kang pag-aralan ito.

Masasabi ko lang sa mga bagong pasok na Grade 11 sa Senior HighSchool, mag-aral kayo ng
mabuti at wag niyo dapat sayangin kung may pagkakataon na pag-aralin kayo balang araw ay
kayo rin ang makikinabang at magagamit niyo din niyan sa paghahanap ng inyong magandang
mapapasukan na trabaho.

Normal lang yong mahirapan ka sa pag-aaral kahit papano may natutuklasan ka kaysa
nahihirapan ka na lumaki kana walang pinag-aralan at dahil pinagdaanan din namin yan mga
ginagawa niyo ngayon tulad ng pag gawa ng assignment,activity,project at iba pa. Kapag natapos
niyo ang pag-aaral ng grade 11 at grade 12 ay pwede na kayong magtrabaho o puwede niyo
pang ipagpatuloy ang inyong pag-aaral sa kolehiyo para maabot niyo ang inyong mga pangarap
sa buhay.

Pinag aral kayo ng inyong magulang para lumaki kayo na mayroong pinag-aralang o may
ipinagmamalaki sa inyong sarili o para di kayo lumaki ng mahirap at para nadin sa inyong mga
kinabukasan at para nadin sa kanila upang matulungan niyo sila upang guminhawa ang inyong
pamilya at lagi niyong intindihin ang kanilang sinasabi at sila ang gawin ninyong inspirasyon sa
inyong pag-aaral. Kahit sa pagtatapos natin sa pag-aaral kailangan parin nating alalahani ang
mga aral na itinuturo ng mga ating guro upang kapakipakinabang sa mamayan.

At bilang isang mag-aaral wag nating kalimutan na magpasalamat sa Panginoon na lagi tayong
binabantayan, minamahal at pinapatawad.At pasalamatan din natin ang mga taong nagmamahal
sa atin lalo na ang mga magulang natin na nagtulak sa atin na mag-aral at mga guro na magturo
sa atin.At magpasalamat tayo sa mga magulang natin dahil pinalaki tayo ng maayos at salamat sa
walang sawang pag’gabay niyo pag suporta at pagmamahal sa amin tuwing ramdam namin na
hindi na namin kaya lagi kayong nandyan at nagpapalakas ng loob sa amin para mag-aral kami
ng mabuti.

Ito ang panukat sa huling gawaing iyong gagawin.

RUBRIK SA PAGSULAT NG TALUMPATI

Katangian 5 4 3 2

Pokus at May isang May isang May isang Hindi malinaw


Detalye malinaw at tiyak malinaw at paksa. Hindi ang paksa at
na paksa, na tiyak na paksa, gaanong ang mga
sinusuportahan ngunit hindi malinaw ang argumento.
ng mga detalyado ang mga
detalyadong mga suportang suportang
impormasyon o impormasyon impormasyon
argumento. o argumento. o argumento.

Organisasyon Kawili-wili ang May introduk- May Hindi malinaw


introduksyon, syon, mahusay introduksyon ang
naipakilala nang na pagtalakay, , pagtalakay, introduksyon
mahusay ang at may at pagtatapos pagtalakay sa
paksa. Mahalaga karampatang o konklusyon. paksa, at ang
at nauukol sa pagtatapos o pagtatapos o
paksa ang mga konklusyon. konklusyon.
impormasyon na
ibinahagi sa
isang maayos na
paraan. Mahusay
ang pagtatapos o
konklusyon.
Tinig ng Malinaw ang May intensyon May kaunting Hindi malinaw
Manunulat intensyon at at layunin ang kalinawan sa ang intensyon
layunin ng manunulat. intensyon at at layunin ng
manunulat. May kaalaman layunin ng manunulat.
Kapansin-pansin ang manunulat manunulat.
ang kahusayan sa paksa. Limitado ang
ng manunulat sa kaniyang
paksa. kaalaman.

Pagpili ng mga Malinaw ang Malinaw ang Nasasabi ng Limitado ang


angkop na paggamit ng mga paggamit ng manunulat paggamit sa
salita salita. Angkop mga salita ang nais mga salita.
ang gamit ng bagaman sa sabihin,
mga salita, ilang bagaman
natural at hindi pagkakataon walang
pilit. ay hindi baryasyon sa
angkop at paggamit ng
natural. mga salita.

Estruktura, Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa Hindi maayos


Gramatika, pagkakaayos ng pagkakaayos ng mga ang mga
Bantas, mga salita at ng mga salita at pangungusap pangungusap at
Pagbabaybay pangugusap. pangungusap. na may hindi
Walang May kaunting saysay. maunawaan.
pagkakamali sa pagkakamali sa Maraming Lubhang
gramatika, gramatika, mga maraming
bantas at bantas at pagkakamali pagkakamali sa
baybay. baybay. sa gramatika, gramatika,
bantas at bantas at
baybay. baybay.

Kabuuan = 25

Mga Komento
at mungkahi
Pagpalain ka ng Panginoon!

Mga Sanggunian

● Teaching Guide, Pahina 46-57, Learner’s Materials, pahina 73-86


● https://www.youtube.com/watch?v=0WXGhpnhcg4

You might also like