You are on page 1of 11

Zamora Memorial College

Sto. Niño St., Brgy. 9, Bacacay, Albay

YUNIT IV FILIP
El Filibusterismo

MODYUL 2

Pagtukoy sa Papel na
Ginampanan ng mga Tauhan
at Pagtalakay sa mga
Karapatang-Pantao

IKAAPAT NA MARKAHAN
(IKALAWANG LINGGO)

CORE VALUES:
Character and Compassion (pag-unawa sa mga hinaing ng ordinaryong mamamayan hinggil sa pantay
na karapatang-pantao)

PVMGO:
Anchored on lifelong learning, ZMC aims to develop and produce socially responsive graduates who
are equipped with life skills, imbued with a strong belief system, appreciation for the arts, and a sense of
nationalism.

To provide opportunities for all learnersto acquire knowledge, skills, and values necessary to enable
them to adapt to a changing society.

SPECIFIC OBJECTIVES:
Make informed and values-based decisions
- form choices that are values-based
- decide employing values that are data and values-based
Demonstrate cultural awareness by integrating such consciousness in refining unique Filipino values.
Perform and produce to evidence, the transfer of learning in real-life situations

Inihanda nina:

Carlo B. Echemane
Guro sa Filipino

Edgardo Barrameda
Pinuno ng Departmento
I. INTRODUKSIYON

Sa modyul na ito, mababasa mo ang ika-apat na kabanata ng El Filibusterismo na pinamagatang


Kabesang Tales. Ito ay nakasentro sa buhay ng isang magsasakang nanindigan at naniwalang makakamit ang
katarungan sa kabila ng mga suliraning kinaharap ng pamilya dulot ng mga taong mapang-abuso at
mapansamantala.

Mabibigyang-kahulugan mo ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa kabanata. Matutukoy mo


ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa pamamagitan ng: pagtunton sa mga pangyayari; pagtukoy sa
mga tunggaliang naganap; pagtiyak sa tagpuan; at pagtukoy sa wakas. Matatalakay rin sa modyul na ito ang
mga kaisipan tungkol sa karapatang pantao, kahirapan, kalupitan, at pagsasamantala sa kapwa, paggamit sa
kapangyarihan at ang kapangyarihan ng salapi.

II. PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin. Pumili sa mga salita sa ibaba at isulat
ang iyong sagot sa nakalaang linya.
A. PINAKAMASAMA D. PITAKA
B. MASUKAL E. PAG-ALALA
C. KALOOB NA SALAPI O BAGAY BAGO MAGPAKASAL ANG BABAE
1. Nilinang at pinaunlad niya ang MADAWAG na bahagi ng kagubatan sa kanilang lugar ngunit ang mga ito ay
inangkin ng mga prayle kahit wala silang kasulatang magpapatunay na kanila nga ang nasabing lupa.
2. Nang lumaon, para na lamang maiwasan ang di pagkakaunawaan sa mga prayle at pamunuang panlokal,
ay nag-aabono na siya mula sa sariling LUKBUTAN sa mga pangalang naitatala na nagsisilipat na ng baryo o
nangamatay na.
3. Ang isa ay may kapatid na babaeng mag-aasawa na kailangan ng DOTE.
4. Gayon na lamang ang PAGKABALISA ng dalawa nang malaman ito – sila na parehong mahina at walang
mapagkukunan.
5. Ang PINAKAGANID ay si Hermana Penchang, isang batikang pangginggerana kagagaling lang sa Maynila
dahil sa pagdalo sa pagsasanay na panrelihiyon sa Beaterio de la Compania.

MGA MAHAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


LAYUNIN:
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na naipamalas mo ang mga sumusunod:

A. nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng nobela


(F10PT-IVb-c-83)
B. natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng: pagtunton sa mga
pangyayari; pagtukoy sa mga tunggaliang naganap; pagtiyak sa tagpuan; at pagtukoy sa wakas
(F10PB-IVb-c-87)
C. natatalakay ang mga kaisipan tungkol sa karapatang pantao, kahirapan, kalupitan, at pagsasamantala sa
kapwa, paggamit sa kapangyarihan at ang kapangyarihan ng salapi (F10PB-IVd-e-89)

III. PROSESO

SIMULAN MO!
Suriin mo nang mabuti ang ibinigay na larawan,
at sagutin mo ang ibinigay na tanong. Isulat ang
kasagutan sa ibinigay na sagutang papel.

Ano ang ideya mo kapag nababasa o naririnig


mo ang mga salitang Karapatang Pantao o
Human Rights? Ano ang kahalagahan nito sa iyo
o maging sa kapuwa mo?

2|MODYUL 2 – IKAAPAT NA MARKAHAN


PAYABUNGIN MO!
Panuto: Tukuyin ang tamang salitang bubuo sa crossword puzzle. Gawing gabay ang pagpapakahulugang
ibinigay sa pahalang at pababa. Isulat ang sagot sa loob ng puzzle.

BASAHIN MO!
Buod ng Kabanata 4
KABESANG TALES

Mabuti, mapayapa, at masipag ang anak ni Tata Selo na si Telesforo. Tinawag siyang Kabesang Tales, sapagkat
siya ang naunang umunlad sa kanilang lugar dahil sa kanyang kasipagan at kagandahang-asal. Siya ang nangolekta ng
buwis sa kanilang barangay at kung hindi makabayad ang ilan ay kanyang inaabonohan.

Nilinang at pinaunlad niya ang madawag na bahagi ng kagubatan sa kanilang lugar ngunit ang mga ito ay inangkin
ng mga prayle kahit wala silang kasulatang magpapatunay na kanila nga ang nasabing lupa. Ngunit dahil sa kanyang
pagiging matimpi ay pumayag na lamang siyang buwisan sa prayle ang nasabing lupa na halos taon-taon naming tumaas
kaya’t dumating sa hangganan ang kanyang pagtitimpi at lumaban. Dahil sa pait at kawalang-katarungang nakamit ay
idinaan na lamang ni Kabesang Tales sa sariling mga kamay ang paglaban at paghihiganti.

Ang mangangahoy na tumangkilik kay Basilio noong siya ay bata pa ay buhay at malusog, bagama’t puti nang lahat
ang kanyang buhok. Hindi na siya nangangaso o nangangahoy. Bumuti ang kanyang kalagayan, kaya ngayon ay gumagawa na
lamang ng walis bilang aliwan.

Ang anak niyang si Telesforo, o Tales, na dating kasama matapos magkaroon ng dalawang kalabaw at makapag-impok
ng ilang daang piso, ay nagsarili na sa tulong ng kanyang ama, asawa, at tatlong anak.

Hinawan nila ang masukal na bahagi ng kagubatan sa may labas ng bayan na sa palagay nila ay walang may-ari.
Habang hinahawan nila ito, ang mag-anak ay isa-isang nilagnat; ang asawa ni Tales, at ang pinakamatandang anak niyang
babae, si Lucia, na nasa kaasibulan pa lamang ay pumanaw. Ito ay inaasahan dahil sa hirap ng kanilang naging gawain subalit
ang sinisisi ng mag-anak ay ang mapaghiganting espiritu ng kagubatan. Kaya itinalaga na nila ang kanilang sarili at nagpatuloy
sa pagbubungkal sa pag-asang titigil na rin ang espiritu. Nang gagapasin na nila ang unang ani, isang orden ng mga prayle na
may lupain sa karatigbayan ang nag-aangkin ng bagong kahahawang lupain. Sinasabi nila na ito raw ay nasa loob ng
hangganan ng kanilang lupain at para patunayan ang kanilang sinasabi ay nagtangkang maglagay ng pananda sa hangganan.
Ngunit ayon sa tagapangasiwa ng nasabing orden dahil sa kanyang awa sa mag-anak ay babayaan niya si Tales na patuloy na
linangin ang lupain sa kundisyong magbabayad siya ng maliit na halagang dalawampu o tatlumpung piso taon-taon.

Si Tales na ang gusto’y payapang buhay at nag-iisip na wala siyang alam sa Kastila at walang perang pambayad sa
abogado ay napilitang sumang-ayon. Isa pa’y napag-isip-isip niya na walang laban ang kanyang palayok sa kawaling bakal. Sa
ganitong pangyayari ay pinayuhan siya ni Tandang Selo na kanyang ama.

“Magtimpi! Mas gugugol ka sa isang taong paghihintay sa usapin kaysa magbayad ng sampung taon sa mga paring
dayuhan. Hmm! Marahil ay babayaran ka naman nila ng mga misa. Isipin mo na lamang na natalo ang tatlumpung piso mo sa
sugal. O kaya’y nahulog sa ilog at kinain ng mga buwaya.”
Masagana ang naging ani at naibenta sa mabuting halaga, kaya naisipan ni Tales na magpagawa ng bahay na table sa
baryo ng Sapang, sa bayan ng Tiani, na karatig ng San Diego.

Isang taon pa ang lumipas. Masagana pa rin ang ani. Dahil sa iba’t ibang mga dahilan itinaas ng mga prayle ang buwis
sa limampung piso. Binayaran ito ni Tales para umiwas na lang sa gulo at sa pag-asang maibebenta ang kanyang asukal sa
mataas na halaga.

“Magtimpi,” ani Tandang Selo para siya ay aluin. “Isipin mo na lang na lumaki ang buwaya!”

3|MODYUL 2 – IKAAPAT NA MARKAHAN


Nang taong iyon nagkatotoo ang kanilang pangarap – ang manirahan sa bahay na tabla sa baryo ng Sapang.
Pinangarap na ng mag-ama na papag-aralin ang tatlong bata. Lalo ang batang si Juliana, Juli kung tawagin, na kababanaagan
ng kagandahan at katalinuhan. Ang kaibigan ng mag-anak na si Basilio ay nag-aral na sa Maynila at ang kanyang pinagmulan ay
hamak ding tulad nila.

Ngunit ang pangarap na ito ay hindi nagkatotoo. Nang unti-unting bumuti ang buhay ng mag-anak, napuna ito ng mga
kababayan at inatasan ang pinakamasipag sa mga mag-anak na si Tales bilang pangunahing maniningil ng buwis sa baryo. Ang
kanyang anak na lalaki noon na si Tano ay labing-apat na taong gulang pa lamang nang siya ay tawaging Kabesang Tales, ibig
sabihin ay si Tales ang nangunguna. Siya ay nagpagawa ng isang tsaketa, bumili ng sombrerong piyeltro, at humanda sa iba
pang mga gastusin. Nang lumaon, para na lamang maiwasan ang di pagkakaunawaan sa mga prayle at pamunuang panlokal, ay
nag-aabono na siya mula sa sariling lukbutan sa mga pangalang naitatala na nagsisilipat na ng baryo o nangamatay na at
mahabang panahon ang kanyang ginugugol sa pagkolekta ng buwis at paglalakbay sa kabisera.

“Magtimpi,” ani Tandang Selong nangingiti. “Isipin mo na lamang na nagsidating ang mga kamag-anak ng buwaya.”

Tuwing maririnig ni Kabesang Tales ang mga sinasabi ng anak na babae tungkol sa pag-aaral ni Basilio sa Maynila ay
nagsasabing, “Sa susunod na taon ay ipapadala kita sa Maynila para mag-aral, bihis na bihis, tulad ng mga kadalagahan sa
bayan.”

Subalit hindi na dumating ang susunod na taon. Sa halip ay itinaas na naman ang buwis sa lupa at napakunot na si
Kabesang Tales at nagkamot naman ng ulo. Ang lamang kanin ng palayok ay napupunta na sa kawaling bakal.

Nang umabot na sa dalawang daan ang buwis sa lupa ay hindi na nakuntento sa pagbubuntong hininga at pagkamot
ng ulo si Kabesang Tales. Tumutol na siya at nagreklamo. Pinagsabihan siya ng tagapangasiwa na kung hindi siya magbabayad
ay ibang tao ang paglilinangin ng kanyang lupain. Maraming naghahangad sa lupain na nag-aabang.

Akala ni Kabesang Tales ay nagbibiro ang prayle subalit hindi pala, katunayan ay bumanggit siya ng isa sa mga utusan
na hahalili kung sakali. Ang kaawa-awang si Tales ay namutla, umugong ang tainga, at pinagdiliman ng paningin. Para niyang
nakita ang kanyang asawa’t anak na maputla, yayat, at naghihingalo sa lagnat. Nakita niya ang dating madawag na gubat na
kanyang hinawan, naalala niya ang pagtulo ng kanyang pawis na siyang dumilig sa mga pinitak; nakita nya ang sariling
nagsasaka sa kainitan ng araw, sugatan ang paang nakatapak sa mga bato at ugat ng mga punongkahoy habang ang prayle ay
nakasakay sa karwaheng sinusundang parang alipin ng kanyang kapalit. Hindi siya makapapayag na angkinin nito ang kanyang
pinaghirapan. Mabuti pang lumubog na ang kanyang bukirin sa ilalim ng lupa. At ano ba ang karapatan ng dayuhang ito para
angkinin ang kanyang lupain? May dala ba ito kahit isang dahok na lupa sa kanyang bayan? Nagkilos ba ito ng kahit isang daliri
para bumunot ng damo?

Sa galit dahil sa pagbabanta ng mga prayle na nagpipilit ng kanilang kapangyarihan sa anumang paraan dahil sa
naroroon ang iba pang magsasaka, si Kabesang Tales ay naghimagsik. Tumanggi siyang magbayad ng kahit na isang pera. At
matigas na nagsabing ipagkakaloob niya lamang ang kanyang lupain sa unang lalaking didilig dito ng dugo.

Nang makita ang mukha ng anak ay hindi nagkalakas-loob si Tandang Selo na banggitin ang ukol sa buwaya. Sa halip,
pinilit niya itong payapain sa pamamagitan ng pagbanggit ukol sa palayok na putik at pagpapaalalang sa mga usapin ay
nahuhubaran din ang nananalo.

“Sa alikabok tayo babalik, Tatang, at wala tayong saplot nang tayo ay isilang,” sagot ng anak.

Tinotoo ni Tales ang hindi pagbabayad ng buwis at ang di pagbibigay ng kahit na kapiraso ng kanyang lupain hangga’t
hindi nakapaghaharap ng malinaw na dokumento na ito nga ay sa mga prayle. Ngunit ang mga prayle ay walang ganoong
dokumento kaya nakarating sa korte ang kaso. Lumaban si Tales sa paniniwalang kundi man lahat ay mayroon pa rin namang
mga hukom na nagmamahal sa katarungan at nagpapatupad nito.

“Napaglingkuran at pinaglilingkuran ko ang hari sa pamamagitan ng aking salapi at lakas,” salita niya sa mga pumipigil
sa kanya. “Ngayon naman ay hinihingi ko sa kanya ang katarungan at kailangang ibigay niya ito sa akin.”
Sa kasamaang-palad niya at ng kanyang mga anak sa usapin, unti-unting naubos ang mga ipon niyang pera sa
pagbabayad sa mga abogado, eskribyente, at mga ahente bukod pa sa mga opisyal at eskribano na nagsamantala sa kanyang
kamangmangan at kaawa-awang katayuan. Nagpabalik-balik siya sa kabisera. May mga pagkakataong hindi siya nakatitikim ng
pagkain at may mga gabing hindi siya natutulog. Ang kanyang laging sinasabi ay ang mga hinaing, kasulatan, paghahabol, at
lahat ng bumubuo sa batas. Ito ay labanang ngayon lamang nangyari sa Pilipinas: isang dukhang Indio, mangmang, at walang
kaibigan, subalit umaasa sa kanyang karapatan at sa kadakilaan ng kanyang ipinakikipaglaban, lumalaban sa isang
makapangyarihang korporasyon na pinagyuyukuran ng ulo ng Katarungan, kung saan pinabayaan ng hukom na hindi magpantay
ang timbangan at isinuko ang espada. Buong giting siyang nakipaglaban, tulad ng langgam na nangagat pa rin kahit batid na
siya’y mapapatay, tulad ng langaw na nakakikita ng puwang sa salamin. Ay, ang palayok na lumalaban sa mga kawali na
nadudurog sa kung ilang piraso ay kahanga-hanga. Sa kawalang pag-asa ay matatag pa rin ito. Sa mga araw na wala siyang
nilalakad ay lumilibot sa kanyang bukirin, may dalang baril na ang katwiran ay maraming naggalang tulisan at kailangan niya ito
upang ipagtanggol ang kanyang sarili nang huwag mahulog sa kamay ng mga kalaban at matapos ang usapin. Upang maging
asintado ay namamaril siya ng mga ibon, bungangkahoy, at paruparo. At nawala ang mabuting layunin sapagkat natanim sa isip
ng isang Indio na ang katarungan ay dapat na makapangyarihan hindi lamang sa lupa kundi ganoon din sa langit. Aba, iyan ay
kakatwa! Ang mga hukom ay may mga pamilyang ang pangangailangan ay higit kaysa pangangailangan ng pamilyang Indio.
May hukom na nagpapadala ng pera sa kanyang ina. Alin ang higit pang banal kaysa pagdakila sa isang ina? Ang isa ay may
kapatid na babaeng mag-aasawa na kailangan ang dote. Ang ikatlo ay maraming anak na siguradong magugutom kung
mawalan siya ng trabaho. Ang ikaapat ay nagaalala sa kanyang asawang iniwan sa malayo na maaaring matukso kung hindi
matatanggap ang kanyang buwanang kita. At ngayon ang lahat ng mahistrado at mga hukom, na may malinis na budhi at
dakilang layunin, ay naniniwalang ginagawa nila ang nararapat sa ganitong pagkakataon sa pamamagitan ng pagpapayo kay
Tales na magbayad na lang ng buwis. Ngunit si Tales na may malinis na budhi ay hindi matinag sa kanyang paninindigan. Ang
tangi niyang hangad ay ang katarungan. Humihingi siya ng mga katunayan, dokumento, nasusulat na katunayan, titulo, na wala
sa mga prayle na ang tanging pinagbabatayan ay ang pagbabayad niya ng buwis noong nakaraan.

4|MODYUL 2 – IKAAPAT NA MARKAHAN


Ang sagot naman ni Kabesang Tales ay: “Kung nagbibigay ako ng limos sa pulubi para mawala na siya, mapipilit ba
akong ituloy ko ito kung nakita kong sinasamantala niya ang aking kagandahang-loob?”

Walang makapagbago sa kanyang paninindigan. Anumang pananakot at pagbabanta ay hindi makapagbabago sa


kanyang isipan. Ang Gobernador ng lalawigan ay nakipagkita na sa kanya para papagbaguhin ang kanyang isipan. Subalit
sinasagot niya ang gobernador nang ganito: “Gawin na ninyo ang inyong ibig, Ginoong Gobernador. Ako ay walang pinag-aralan
at walang mapagkukunan, subalit pinaghirapan ko ang aking bukirin. Ang asawa ko at anak ay namatay sa pagtulong sa akin,
ibibigay ko lamang ito sa makagagawa nang higit sa aking ginawa. Babayaan ko munang diligin niya ito ng dugo at malibing dito
ang kanyang asawa at anak.”

Dahil sa katigasan ng ulo ni Tales ay pinanigan ng hukom ang mga prayle. Pinagtawanan siya ng lahat at sinabing ang
usapin ay hindi naipapanalo sa pamamagitan ng mga argumento. Ngunit naghabol pa rin si Tales, nagkarga ng baril, at
matahimik na nagbantay sa kanyang mga hangganan. Parang nahihibang na si Tales, ang kanyang anak na si Tano, na halos
kasintaas na niya at kasimbait ng kapatid, ay nahirang na magkawal, pinayagan na ito ng ama upang maglingkod, kaysa
ipagbayad pa niya ng kapalit.

“Kailangang magbayad ako ng mga abogado,” ang sabi niya sa humahagulgol na anak na babae. “Kung mananalo ako
sa usapin, malalaman ko na kung paano siya mapababalik. Kung matatalo ako, hindi ko na kakailanganin ang anak na lalaki.”

Ang anak ay lumisan at wala nang narinig sa kanya maliban sa siya ay nagpagupit ng buhok at natulog sa ilalim ng
kariton. Makalipas ang anim na buwan, napabalitang siya ay ipinadala sa Carolinas. Ang iba naman ay nagsasabing nakita siya
na nakasuot ng uniporme ng guardia civil.

“Si Tano, guardia civil! Susmaryosep!” bulalas ng lahat na napadaop-palad. “Si Tanong napakabait at napakatapat.
Papaghingahin nawa ang kanyang kaluluwa.”

Hindi kinausap ni Tandang Selo ang kanyang anak nang mahabang panahon. Nagkasakit si Juli ngunit hindi pumatak
ang luha sa mata ni Kabesang Tales. Dalawang araw siyang hindi lumabas, marahil ay sa takot sa nanunumbat na tingin ng mga
kapitbahay. Natatakot siyang matawag na berdugo ng sariling anak. Subalit nang ikatlong araw ay lumabas siyang muli na may
bitbit na baril.

Pinaghihinalaan siyang may balak pumatay. May isang kapitbahay na nagbulong sa iba na narinig niyang nagbanta si
Tales na ibabaon ang uldog sa lupaing sinasaka nito. Gayon na lamang ang takot ng mga prayle. Dahil dito, nagpalabas ng
kautusan ang Kapitan-heneral na nagbabawal sa pagdadala ng baril at nagpapahayag ng pagsusuko nito. Isinuko ni Kabesang
Tales ang kanyang baril ngunit mahabang itak naman ang kanyang dinala.

“Anong magagawa ng iyong itak?” tanong sa kanya ni Tandang Selo. “Ang mga tulisan ay may sandata.”

“Kailangang bantayan ko ang aking pananim,” sagot niya. “Ang bawat tubo ay parang buto mula sa katawan ng aking
asawa.”

Kinuha ng mga maykapangyarihan ang kanyang itak na umano’y napakahaba. Ang pinasan naman ni Tales ay ang
palakol ng ama sa kanyang kahindik-hindik na pagbabantay.

Sa tuwing lalabas siya ng bahay ay nag-aalala sina Tandang Selo at Juli sa kanyang buhay. Bibitawan ni Juli ang
kanyang habihan, tatanaw sa bintana, magdarasal, mamamanata sa mga santo, at magnonobena. Hindi naman maiwasto ng
matanda ang ginagawang walis at nasabi nitong mabuti pang magbalik na sila ng gubat. Naging pahirap nang pahirap ang
pananatili sa bahay na iyon.

Sa wakas ay nangyari rin ang kanilang kinatatakutan. Sapagkat malayo ang lupain sa kabahayan, si Kabesang Tales,
kahit na may palakol, ay nahulog sa kamay ng mga tulisan na may mga sandata at baril. Sinabi nila sa kanya na dahil mayroon
siyang perang pambayad sa abogado at mga hukom ay dapat din siyang magbigay sa mga kawawa at api. Kaya’t humingi sila
ng pantubos na limandaang piso sa poamamagitan ng pag-uutos sa isang magbubukid. Nagbanta ang mga itong papatayin ang
bihag kung mahuhuli sa dalawang araw ang pagbibigay ng pantubos.

Gayon na lamang ang pagkabalisa ng dalawa nang malaman ito – sila na parehong mahina at walang mapagkukunan.
Si Tandang Selo ay hindi mapalagay, hindi malaman kung tatayo o uupo, iniisip kung saan pupunta, kung kanino hihingi ng
tulong. Si Juli ay lumuhod sa harap ng kanyang mga santo. Binilang nang paulit-ulit ang kanyang pera. Subalit ang kanyang
dalawang daan ay hindi na nadagdagan pa. pagkuwa’y nagbihis ito, inipon ang mga alahas, hiningi ang payo ng nuno.
Magsasadya raw siya sa gobernadorsilyo, sa hukom, sa eskribyente, sa tenyente ng mga guardia civil. Sumang-ayon ang
matanda sa lahat at sumang-ayon din nang magbago siya ng isipan. Nagdatingan ang ilang kapitbahay, ang ilan ay mga kamag-
anak, ang iba ay mga kaibigan. Ang ilan ay mahihirap pa sa iba ngunit ang lahat ay maiingat sa pagpapahayag ng kanilang
pagkaawa. Ang pinakaganid ay si Hermana Bali, isang batikang panginggera na kagagaling lang sa Maynila dahil sa pagdalo sa
pagsasanay na panrelihiyon sa Beaterio de la Compania.

Napagpasiyahang ipagbibiling lahat ni Juli ang kanyang mga alahas maliban sa relikaryo na may brilyante at Esmeralda
na ibinigay ni Basilio. May kasaysayan ang alahas na ito; ito ay ibinigay ng isang madreng anak ni Kapitan Tiago sa isang
ketongin. Ibinigay naman ito ng ketongin kay Basilio matapos niya itong gamutin. Hindi niya ito maipagbili nang walang pahintulot
ng binata.

Mabilis na napagbili ang mga suklay, hikaw, at rosary ni Juli sa pinakamayamang ginang sa baryong iyon.
Dalawandaan at limampung piso pa ang kulang, isasanla ba niya ang relikaryo? Umiling si Juli. May kapitbahay na
nagmumungkahing ipagbili ang bahay, bagay na sinang-ayunan naman agad ni Tandang Selo pagkat maligaya siyang babalik
sa gubat at mangunguha ng kahoy na gaya ng dati. Ngunit naisip ni Hermana Bali na hindi maaari ang gayon dahil wala ang
tunay na may-ari.

5|MODYUL 2 – IKAAPAT NA MARKAHAN


“Minsan ay ibinenta sa akin ng asawa ng hukom ang kanyang tapis sa halagang piso, ngunit ang sabi ng hukom ay
balewala raw ang bentahan sapagkat wala siyang pahintulot. Aba, binawi niya ang tapis ngunit hindi naman ibinalik ang aking
piso. Kaya hindi ko siya binabayaran kapag nananalo sa panggingge. Sa ganyang paraan ay nakabawi na ako sa labindalawang
(12) sentimos. Sa katotohanan iyan ang dahilan kung bakit ako nagpapanggingge. Hindi ko mababayaang may mga taong hindi
nagbabayad ng utang.”

May magpapaalala sana kay Hermana Bali tungkol sa kanyang utang subalit mukhang naramdaman nito kaya hindi
siya binigyan ng pagkakataong magsalita at nagpatuloy sa pagsasalita.

“Alam mo ba kung ano ang dapat mong gawin, Juli? Humiram ka ng dalawang daan at isabnla mo ang inyong bahay.
Sabihin mong babayaran mo pagkapanalo sa usapin.”

Mukhang ito ang pinakamabuting gawin kaya ginawa nila ito noong araw ding iyon. Sinamahan ni Hermana Bali si Juli
at nagsadya sila sa bahay ng mayayaman sa Tiani. Ngunit walang pumayag na tumulong sa kalaban ng mga prayle. Ang
pagtulong daw rito ay paghanap ng hirap ng katawan at kamatayan. Sa wakas ay may naawa sa kanyang isang matandang
babaeng madasalin. Pinahiram siya ng halagang kailangan niya sa kondisyong maninilbihan si Juli sa kanya hanggang
makabayad. Hindi naman mahihirapan si Juli. Ang gagawin lamang niya ay manahi, magdasal, samahan ang matanda sa
pagsisimba, at mag-ayuno paminsan-minsan. Umiiyak na tinanggap ito ni Juli. Kinuha ang pera at nangakong magsisimulang
manilbihan kinabukasan, araw ng Pasko.

Nang malaman ng nuno ang kasunduan, nanangis itong parang bata. Diyata? Ang kanyang apo ay maninilbihan,
kagagalitan at parurusahan, magkakaroon ng makakapal na palad. Patutulugin sa kung saang sulok at gigisingin ng anumang
oras. Ang kanyang apo na ni hindi niya pinapayagang mabilad sa araw. Si Juli, na maninipis ang palad at magaganda ang hubog
ng paa’t kamay. Ang pinakamaganda sa baryo at marahil ay sa bayan. Ang hinaharana gabi-gabi ng mga binata? Ang kaisa-
isang apong babae, ang tanging ligaya ng kanyang hapong paningin. Ang dalagang napapanaginip niyang naka-sayang may
buntot, nagsasalita ng Kastila, at namamaypay ng abanikong tulad ng mga anak-mayaman. Si Juli, maninilbihang parang utusan.

Nanangis ang nuno na nagsabing siya’y magbibigti o hindi kakain.

Kapag umalis ka,” lagi niyang sabi, “tutungo ako sa gubat at hindi na muling magbabalik.”

Pinilit siyang amuin ni Juli. Sinasabi nitong kailangan niya itong gawin upang makabalik ang kanyang ama. Sabagay ay
malapit na silang manalo sa usapin at kapag nangyari iyon ay mababawi na siya sa paninilbihan.

Naging malungkot ang gabi para sa kanilang dalawa. Kapwa sila hindi makakain at ang matanda ay ayaw matulog,
nasa isang sulok, hindi kumikibo at hindi gumagalaw. Si Juli naman ay nagpipilit matulog ngunit hindi maisara ang kanyang mga
mata.
Hindi na niya masyadong inaalala ang kalagayan ng kanyang ama. Iniisip niya ngayon ang kanyang sarili at siya ay
naiiyak. Iniimpit ang mga hikbi upang huwag marinig ng nuno. Kinabukasan ay maninilbihan na siya. Ito pa naman ang mga araw
na karaniwang dumarating si Basilio buhat sa Maynila na may dalang alaala. Mula ngayon ay kailangan niya nang limutin ang
kanyang pag-ibig. Si Basilio na malapit nang maging manggagamot at hindi dapat mag-asawa sa isang kahabag-habag ang
kalagayan, at naguguniguni niyang lumalakad itong patungo sa simbahan kasabay ang pinakamaganda at pinakamayamang
dilag sa bayan, kapwa bihis na bihis, nakangiti, at masayang-masaya. Samantalang siya ay lumalakad sa likod ng panginoon,
may dalang nobena, buyo, at nganga. Parang may bumara sa kanyang lalamunan, parang huminto ang tibok ng kanyang puso
at dumalangin siya sa birhen na bayaan na muna siyang mamatay bago mangyari iyon.

“Sabagay,” naisip niya, “malalaman niyang pinili ko pa ang manilbihan kaysa isanla ang relikaryo na bigay niya.”

Ang alalahaning ito ay pumayapa sa kanyang isipan at nagkaroon siya ng iba’t ibang guniguni. Sino ang nakaaalam?
Baka bilang magmilagro. Baka makakita siya ng dalawandaang piso sa ilalim ng imahen ng birhen. May mga nabasa na siyang
mga milagrong tulad nitp. Baka hindi na sumikat ang araw at hindi na dumating ang kinabukasan. At baka manalo sila sa usapin.
Baka sumipot ang ama o dumating si Basilio. Baka makatagpo siya ng sako ng ginto sa mga bulaklak o maaaring padalhan siya
ng tulisan o ni Padre Camorra na laging nagbibiro sa kanya. Kung ano-ano ang kanyang naiisip hanggang makatulog dahil sa
dalamhati at pagod. Napanaginip niya ang kanyang kabataan sa gitna ng gubat. Naliligo siya sa batis kasama ang mga kapatid.
Maraming sari-saring kulay na isda ang nagpapahuli sa kanya ngunit hindi siya nasisiyahang manghuli ng isda. Nasa tubig din si
Basilio ngunit hindi niya malaman kung bakit ang mukha niya ay ang kay Tano. Pinapanood sila ng kanyang panginoon mula sa
pampang.

SAGUTIN MO!
Panuto: Sagutin at ipaliwanag mo ang ibinigay na mga tanong.
1. Kung ikaw si Kabesang Tales, sasang-ayon ka rin ba sa pagbubuwis sa iyong sariling nilinang na lupa?
Susunod ka rin ba sa payo ng iyong ama na huwag lumaban sa maykapangyarihan?
2. Kung sa una pa lamang ay hindi na nagbayad ng buwis si Kabesang Tales sa mga prayle, ano kaya ang
nangyari sa kanyang buhay? Maghinuha.
3. Bakit nagbago si Kabesang Tales mula sa pagiging maamong tupa tungo sa pagiging mabangis na
nilalang? Ano ang kinalaman ng panggigipit na pinagdaanan niya sa kamay ng mga prayle sa malaking
pagbabagong ito?

TUKUYIN MO!
Panuto:

6|MODYUL 2 – IKAAPAT NA MARKAHAN


Tukuyin ang papel na ginampanan ng mga piling tauhan sa kabanata na makikita sa ibaba sa
pamamagitan ng pagkompleto sa talahanayan. Gawing batayan ang ibinigay na talahanayan sa ibaba.

TALAKAYIN MO!
Panuto:
Napakaraming isyung panlipunan ang ipinakita ni Rizal sa kabanata. Ilan sa mga ito ang tungkol sa
karapatang pantao, kahirapan, pagmamalabis sa kapangyarihan, at pananamantala sa kapwa. Ang mga ito ang
tinatawag niyang kanser ng lipunang mahirap nang mahanapan ng lunas at unti-unting pumapatay lalo na sa
mga ordinaryong mamamayan ng bansa.
Talakayin mo ang ilang kaisipan tungkol sa mga isyung panlipunang nabanggit sa pamamagitan ng
pagsagot sa graphic organizer. Magbigay ng mga patunay na naganap ang mga ito sa kabanatang natalakay.
Magbigay rin ng sariling pananaw kung paano ang tamang paraan upang mahinto o maiwasan ang mga ito sa
inyong henerasyon. Gawing gabay ang ibinigay na graphic organizer sa ibaba.

ILAHAT MO!
Matapos mong mabasa ang ika-apat na kabanata ng nobelang El Filibusterismo na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Sagutin ang ibinigay na tanong. Isulat ang iyong kasagutan sa ibinigay na sagutang papel.
Anong mapait o mapapait na karanasan sa buhay ang iyo nang naranasan? Paano mo nilabanan ito o paano
mo napagtagumpayan ang mga ito?

IV. PAGTATAYA

Panuto:
Tukuyin ang mahahalagang detalyeng kaugnay ng bawat tanong. Higit sa isa ang inaasahang sagot.
Lagyan ng ekis ang titik na hindi sumasagot sa tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit hindi sumang-ayon si Hermana Penchang na ipagbili ni Kabesang Tales ang relikaryo ni Juli kay
Simoun?
a. Ayaw niyang matubos si Juli.
b. Naaawa siya sa alaala ni Maria Clara na may-ari dati ng relikaryo.
c. Mawawalan siya ng alila kung maipagbibili ni Kabesang Tales ang relikaryo.

7|MODYUL 2 – IKAAPAT NA MARKAHAN


2. Bakit kaya ipinagpatuloy pa rin ni Kabesang Tales ang paglinang sa masukal na bahagi ng kagubatan
gayong ang naging dahilan nang pagpanaw ng kanyang asawa at pinakamatandang anak ay dahil sa hirap
ng kanilang gawain dito?
a. Ayaw niyang mapunta sa wala ang mga pinagpaguran.
b. Nais niyang guminhawa ang buhay niya at ng kanyang pamilya.
c. Ang lupaing nilinang ay nais niyang magsilbing alaala ng kanyang asawa at anak.
3. Bakit hinayaan ni Kabesang Tales ang kanyang anak na si Tano nang mahirang ito na magkawal?
a. Nais niyang maglingkod ito sa bayan.
b. Hindi na niya kailangan ng lalaking anak.
c. Wala siyang salaping maipambabayad sa abogado.
4. Bakit hindi nagawang ipagbili o isanla ni Juli ang relikaryo sa kabila ng labis na pangangailangan ng salapi?
a. Ayaw niyang mabigo si Basilio
b. Natatakot siyang masumbatan ni Basilio
c. Ito na lamang ang alaala ni Basilio na nais niyang itago at pakaingatan
5. Bakit sa kabila ng mga pakiusap kay Kabesang Tales na magbayad na lamang siya ng buwis upang
matapos na ang usapin ay patuloy pa rin siyang tumanggi at nagmatigas?
a. Ayaw niyang mamihasa ang mga prayle.
b. Dahil kapag nagpatuloy siya sa pagbabayad ay tataasan muli ng mga prayle ang buwis.
c. Walang maipakitang dokumento ang mga prayle na nagpapatunay na sa kanila ang lupaing nililinang ni
Kabesang Tales.

V. SUSI SA PAGWAWASTO

*Guro ang magbibigay ng rubriks o magwawasto ng sagot.

VI. SANGGUNIAN

-Marasigan Emily V. at Del Rosario Mary Grace G. (2019) Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.
-Pheonix Grade 10 Learning Guide at Teacher Guide
-DepEd Learning Material at Teacher Guide -Curriculum Guide
-ZMC-Filipino Dept. Curriculum Map.
-SLM, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-
Lungsod Pasig

G. Carlo Echemane (Guro sa Filipino 10)


Mobile Number: 09478192861
Facebook: carlo betito echemane
Email Address: carlobetitoechemane1989@gmail.com

G. Edgardo Barrameda (Pinuno ng Departamento)


Mobile Number: 09217619681 Facebook:
Edgardo Barrameda
Email Address: gardobarrameda1963@gmail.co

8|MODYUL 2 – IKAAPAT NA MARKAHAN


GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 10
MODYUL 2/IKALAWANG LINGGO/IKAAPAT NA MARKAHAN
Pangalan: _________________________________________________________________________
Antas at Seksiyon: __________________________________________________________________

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin. Pumili sa mga salita sa ibaba at isulat ang
iyong sagot sa nakalaang linya.
A. PINAKAMASAMA D. PITAKA
B. MASUKAL E. PAG-ALALA
C. KALOOB NA SALAPI O BAGAY BAGO MAGPAKASAL ANG BABAE

_____1. Nilinang at pinaunlad niya ang MADAWAG na bahagi ng kagubatan sa kanilang lugar ngunit ang mga ito
ay inangkin ng mga prayle kahit wala silang kasulatang magpapatunay na kanila nga ang nasabing lupa.

_____2. Nang lumaon, para na lamang maiwasan ang di pagkakaunawaan sa mga prayle at pamunuang panlokal,
ay nag-aabono na siya mula sa sariling LUKBUTAN sa mga pangalang naitatala na nagsisilipat na ng baryo o
nangamatay na.

_____3. Ang isa ay may kapatid na babaeng mag-aasawa na kailangan ng DOTE.

_____4. Gayon na lamang ang PAGKABALISA ng dalawa nang malaman ito – sila na parehong mahina at walang
mapagkukunan.

_____5. Ang PINAKAGANID ay si Hermana Penchang, isang batikang pangginggerana kagagaling lang sa Maynila
dahil sa pagdalo sa pagsasanay na panrelihiyon sa Beaterio de la Compania.
SIMULAN MO!

Suriin mo nang mabuti ang ibinigay na larawan, at


sagutin mo ang ibinigay na tanong. Isulat ang kasagutan
sa ibinigay na sagutang papel.

Ano ang ideya mo kapag nababasa o naririnig mo ang


mga salitang Karapatang Pantao o Human Rights? Ano
ang kahalagahan nito sa iyo o maging sa kapuwa mo?

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

PAYABUNGIN MO!
Panuto: Panuto: Tukuyin ang tamang salitang bubuo sa crossword puzzle. Gawing gabay ang
pagpapakahulugang ibinigay sa pahalang at pababa. Isulat ang sagot sa loob ng puzzle.

9|MODYUL 2 – IKAAPAT NA MARKAHAN


SAGUTIN MO!
Panuto: Sagutin at ipaliwanag mo ang ibinigay na mga tanong.
1. Kung ikaw si Kabesang Tales, sasang-ayon ka rin ba sa pagbubuwis sa iyong sariling nilinang na lupa?
Susunod ka rin ba sa payo ng iyong ama na huwag lumaban sa maykapangyarihan?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Kung sa una pa lamang ay hindi na nagbayad ng buwis si Kabesang Tales sa mga prayle, ano kaya ang
nangyari sa kanyang buhay? Maghinuha.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
3. Bakit nagbago si Kabesang Tales mula sa pagiging maamong tupa tungo sa pagiging mabangis na
nilalang? Ano ang kinalaman ng panggigipit na pinagdaanan niya sa kamay ng mga prayle sa malaking
pagbabagong ito?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

TUKUYIN MO!
Panuto:
Tukuyin ang papel na ginampanan ng mga piling tauhan sa kabanata na makikita sa ibaba sa
pamamagitan ng pagkompleto sa talahanayan. Gawing batayan ang ibinigay na talahanayan sa modyu 2l,
pahina 7. Gawin mo ito sa isang long bond paper.

TALAKAYIN MO!
Panuto:

Talakayin mo ang ilang kaisipan tungkol sa mga isyung panlipunang nabanggit sa pamamagitan ng
pagsagot sa graphic organizer. Magbigay ng mga patunay na naganap ang mga ito sa kabanatang natalakay.
Magbigay rin ng sariling pananaw kung paano ang tamang paraan upang mahinto o maiwasan ang mga ito sa
inyong henerasyon. Gawing gabay ang ibinigay na graphic organizer sa modyul 2, pahina 7. Gawin mo ito sa
isang long bond paper.

ILAHAT MO!
Matapos mong mabasa ang ika-apat na kabanata ng nobelang El Filibusterismo na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Sagutin ang ibinigay na tanong. Isulat ang iyong kasagutan sa ibinigay na sagutang papel.
Anong mapait o mapapait na karanasan sa buhay ang iyo nang naranasan? Paano mo nilabanan ito o paano
mo napagtagumpayan ang mga ito?
_______________________________________________________________________________________

10 | M O D Y U L 2 – I K A A P A T N A M A R K A H A N
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

PAGTATAYA ( Ang panuto at mga tanong sa gawain na ito ay makikita sa modyul 2, pahina 7 hanggang
pahina 8.)

1.

2.

3.

4.

5.

11 | M O D Y U L 2 – I K A A P A T N A M A R K A H A N

You might also like