Professional Documents
Culture Documents
“Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang, isang palasak na salawikain subalit
makatotohanan. Ang tao upang manatiling buhay ay kailangang makipagtalastasan sa kanyang kapwa
at ang pahayagan ang isa sa epektibong pamamaraang nakikita niya upang makabalita sa iba’t ibang
sitwasyong nakakaapekto sa kanyang buhay”
INTRODUKSYON
Bukod sa impormalidad nito mailalarawan din ang mga salitang balbal sa kakaiba nitong bigkas at
istilo. Maiuugnay ito sa mga pangkaraniwang tao o tinatawag na “masa” at higit na kilala sa tawag na
“salitang kalye”. Bagaman, lalo itong nagiging popular, unti-unti nitong napapasok ang mass media
partikular ang pahayagan. Para sa mga tagapaglathala o pabliser, may pangangailangan sa paggamit ng
mga impormal na salita upang higit na maabot ang kanilang target na mambabasa, mabili at maparami
ang pang-araw-araw nitong sirkulasyon. Samantala, may mga manunulat din ang gumagamit ng mga
terminolohiyang ito upang maiwasan ang monotoni sa kanilang mga kuwento at higit na mabigyang buhay
ang kanilang mga artikulo.
nitong higit na kapana-panabik at sensational. Ang resulta, nabibili ang kuwento at balita at higit itong
tinatangkilik kaysa sa broadsheet.
Dahil sa popularidad ng paggamit ng balbal na salita, mabilis nitong nasakop ang dominanteng
kultura. Sa katunayan, ang salitang balbal ay pangunahing komponent ng pang-araw-araw na usapan. Ang
mga salitang balbal ay nalilikha nang hindi namamalayan ng tao. Nalilinang ito sa pamamagitan ng
metapora, simili, folk etymology, pagpapalit ng tunog o pagbigkas ng salita, generalization, panghihiram
sa dayuhang wika, panghihiram sa ibang dayalekto, paghahalo o kumbinasyon, paggamit ng salitang
Tagalog na may ibang kahulugan at iba pa.
Sa Pilipinas, sinasabing ang salitang balbal ay pagkilala sa pagiging malikhain ng mga Pilipino at
kakayahang paglaruan ang mga salita’t gawin itong kakatwa o naiiba. Ang mga salitang balbal ay
karaniwang nabubuo mula sa panghihiram sa mga dayuhang salita, pagbibigay ng bagong kahulugan sa
dating salita, paglikha, o paggamit ng iba pang natatanging koda ng isang partikular na pangkat. Ang
salitang kalye (mula sa Kastilang calle), salitang kanto (street corner) at salitang balbal ay tawag sa varayti
ng wikang ginagamit ng mga pangkat sosyal gaya ng mag-aaral, drayber, artista, politikal na organisasyon
at mga bakla, na kadalasang nagiging paksa ng mga artikulo o balita partikular ng tabloid.
Ang mga manunulat ng tabloid ay gumagamit ng salitang balbal sa mga headline at subheading ng
kanilang mga artikulo. Layuning nitong makakuha ng pansin sa mga mamimili na basahin ang mga balita
at bilhin ito. Bagaman, ang layunin ng paggamit ng salitang balbal ay makapagdagdag ng atensyon at
makaiwas sa monotonong paggamit ng wika, may mga pagkakataon na nagagamit ito upang palakihin o i-
sensationalize ang mga balita partikular sa mga headlines na tumatalakay sa krimen, karahasan at pang-
aabusong sekswal.
Ang paggamit ng varayti ng mga salitang balbal na kaugnay sa seks at karahasan ay komon na sa
mga tabloid sa Pilipinas partikular na ang Abante, Bulgar at Remate, tatlo sa mga pangunahing tabloid sa
bansa sa ngayon. Gumagagamit ng mga salitang balbal ang mga tabloid na ito upang grapikong maipakita
ang akto ng seks at karahasan, na karaniwang nadebelop mula sa pagkakaugnay ng akto sa partikular na
bagay na nagsasalo o nagtataglay ng isang komon na katangian. Bilang karagdagan, ang paggamit ng mga
terminong ito ay hindi lamang naglalayong maiwasan ang pag-uulit-ulit kundi ang epektibong mailarawan
kung paano ang isang akto ng karahasan ay isinagawa at hanggang saan ito humantong.
Ang paggamit ng mga salitang balbal ay karaniwan nang ginagawa ng mga manunulat, ngunit, hindi
ito nangangahulugan na sila ang bumubuo o lumilikha ng mga bagong termino o salitang ito. Ayon nga
kay Pat Sigue ng RP Daily Expose, ang mga salitang balbal na ginagamit ng mga manunulat ay nagmumula
sa mga salitang sinasalita ng mga target na mambabasa ng tabloid. Kung gayon, ang tabloid ay nagsisilbing
salamin sa wikang ginagamit ng lipunan upang higit na maunawaan ang mensahe at nilalaman ng balita.
Sa paggamit ng imahinasyon ang mga manunulat at mambabasa ay nakalilikha ng mga bagong terminong
maglalarawan ng pangyayari, partikular sa akto ng karahasan at pang-aabusong sekswal. Maraming salita
ang tumutukoy sa karahasan ang nalikha sa pamamagitan ng pag-uugnay o asosasyon gaya ng binurdahan
upang ilarawan ang kawing-kawing o magkakasunod na saksak gamit ang matulis na bagay; o grinipuhan
upang ilarawan na ang biktima ay nagtamo ng saksak sa tagiliran na kanyang ikinamatay. Ang kahulugan
ng mga salitang ito ay magkatulad kung susuriin: pareho itong may konotasyon ng akto ng karahasan,
ngunit magkaibang intensidad. Maraming mambabasa ang hindi nakakaunawa sa paggamit ng mga
salitang balbal sa mga pahayagan. Malinaw na ipinakikita ng mga ginamit na halimbawa ang kaligiran o
rasyunale ng pag-aaral na ito, na maipakita o mapatotohanan na may varayti ng mga salitang balbal sa
mga tabloid at ito ay hindi lamang ginagamit upang manlibang o magdagdag ng kulay sa balita. Ito ay
ginagamit din upang maiwasan ang monotono ng mga balita partikular ng isyung seks at karahasan.
Ang pag-aaral ding ito ay magpapatunay na ang mga Pilipino ay talagang malikhain sa paggamit ng
mga salita at kung paano nagkakaiba ang mga terminong ginamit ng mga manunulat ng tabloid. Layunin
din ng pag-aaral na makapagtipon ng mga terminong ginagamit sa mga tabloid bilang pagpapayaman at
pagpapaunlad ng wikang Filipino.
Isandaang taon matapos ang imbensyon ng palimbagan ay siyang paglabas ng isang prototipikal
na pahayagan na siyang binabasa sa ngayon. Ang layunin nito ay magpaabot ng balita kaugnay sa
internasyunal na pakikipagkalakalan at komersyo. Ginagamit ito sa pagbibigay ng impormasyon,
pagrerekord, adbertisment, dibersyon o paglilibang at pagkalat ng mga tsismis dahil nakilala ito bilang
materyal na babasahin, komersyalisado, pampubliko at may iba’t ibang gampanin. Noong pagsapit ng ika-
20 siglo lamang kinilala ang pahayagan bilang makatotohanang midyum ng masa, sa kadahilanang direkta
at regular na sinaklaw nito ang malaking populasyon.
Dahil sa naging malaking pangangailangan ang pahayagan, maramihan kung ito ay ipalimbag at
nakilala bilang isang “komersyal na pahayagan” sa dalawang kadahilanan: una, monopolistiko itong
pinagkakakitaan; ikalawa, nakadepende ito adbertisment ng mga produkto, na nagbunga ng mababang
bilang ng mga mambabasa. Ang komersyalisasyon ng mga pahayagan ay nakaimpluwensya sa nilalaman,
anyo at estilo ng presentasyon. Gayundin, nagresulta rin ito sa paglitaw ng bagong uri ng pahayagan na
higit na magaan at nakalilibang at nakapokus sa buhay ng tao, na may praktis ng sensationalism at
nakatuon sa superpisyal na tipo ng balita ukol sa seks, karahasan, iskandalo at enterteynment.
Ang kauna-unahang tabloid na inilabas at patuloy na inilalathala ay ang Enquirer. Nagsimula ang
operasyon nito noong 1952, si Generoso Pope, Jr. ang pabliser nito. Nakilala ang tabloid na ito dahil sa
mga gawa-gawang kwento upang lumikha ng kita gamit ang gayuma ng headline. Nakasentro ang kanilang
mga artikulo sa mga artista sa Hollywood.
Ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas ay Del Superior Govierno, na nailathala noong 1811.
Kaalinsabay ng La Esperanza, nakilala ito bilang pangunahing pang-araw-araw na pahayagan sa bansa, na
inilabas para lamang sa mga elitistang Kastila. Sa kasawiang-palad, ang Diario de Manila na itinuturing na
pinakamagandang lumabas na pahayagan ay pinigilan matapos ang mahabang taon nito mula nang unang
mailabas noong 1848. Inakusahan itong nag-iimpluwensya sa kaisipan ng mga Pilipino na mag-aklas laban
sa Kastila. Ang La Solidaridad ang sinasabing pinakapopular na pahayagan. Malaki ang naitulong nito sa
Propaganda. Nagbigay-daan ito sa mapayapang pakikibaka ng mga Pilipino para sa repormang panlipunan
at pampolitika.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang lahat ng mga publikasyon, maliban sa mga
ginagamit ng mga Hapones, ay pinigilang mailathala. Iilang pahayagan lamang gaya ng Manila Tribune,
Taliba, at La Vanguardia ay pinahintulutang mailathala sa ilalim ng sensorsyip ng Hapon. Kaugnay sa
pangyayaring ito, maraming “underground” na mga pahayagan, karamihan ay typewritten o
mimeographed, ay ipinamigay ng mga makabayang elemento upang makapagbigay ng mga impormasyon
sa tao.
Ang panahon ng post-war hanggang pre-martial law (1945-1972) ay tinawag na “Gintong Panahon
ng Pamamahayag sa Pilipinas”. Ang pamamahayag sa Pilipinas ay nagsimulang makilala bilang
“Pinakamalaya sa Asya”. Ang pamamahayag ay nagsilbing tagabantay ng pamahalaan. Sensitibo sa mga
isyung pambansa at kritikal sa mga pagkakamali at pang-aabuso ng pamahalaan.
Nang ideklara ang batas militar noong Setyembre 21, 1972, ang unang kautusang ipinalabas ng
dating Pangulong Marcos ay isailalim sa kontrol ang lahat ng pribadong pahayagan, magasin, radyo at
telebisyon at maging ng iba pang komunikasyon.
Ang isang pahayagan na pinayagang mailathala matapos ang isang buwang proklamasyon ay ang
Times Journal. Ang pahayagang ito ay tinawag na “establishment press”. May 14 na pambansang pang-
araw-araw na broadsheet at 23 tabloids na nilalathala sa Kalakhang Maynila (1998 Philippine Media
Factbook). Sa 14 na broadsheets, dalawa lamang ang nasa Filipino ang Kabayan at Numero Uno. Sa mga
pahayagan na may malaking bilang sirkulasyon ay ang Manila Bulletin (280,000 sa karaniwang araw at
300,000 naman tuwing Linggo), Philippine Daily Inquirer (260,000 at 280,000) at Philippine Star (271,687).
Ang mga tabloid na may kabuuang kalahati ng bayad ng broadsheet ay may malaking bilang ng sirkulasyon
at higit na binibili at binabasa ng mga nasa antas C, D, at E ng lipunan.
pagkakalathala ng US Enquirer. Ang mga tabloid sa Pilipinas ay karaniwan nang naglalabas ng mga balita
na kaugnay sa rape, malalaswang larawan, eskandalo, pagpatay at iba pang akto ng imoralidad. Batay sa
benta at sirkulasyon sa merkado ay mapupunang higit itong tinatangkilik ng mga Pilipino. Ayon sa 1998
Philippine Press Fact Book, ang Bulgar ay may pinakamalakas na benta, kasunod ang Abante at Remate.
May iba pang nagsulputang tabloid gaya ng Tiktik, Text Tonite, Abante Tonite, Daily Expose, Bandera,
Saksi, Toro, Bomba, PM at marami pang iba. Bagaman, may iba pang tabloid na naglalaman ng mga tipikal
na balita gaya ng People’s Journal, People’s Tonight, Balita, Taliba at Tempo.
Ang praktis sa pagbebenta ng pahayagang tabloid sa bansa ay malaya at madaling mabibili ng mga
tao. Halos lahat ng mga tabloid ay nagkakaisa sa anyo nito na may malalaswang larawan, bastos at
mahahalay na salita at mga misleading na headlines, ito ay isa mga dahilan sa maling gamit ng mga salita
at direktang nakaiimpluwensya sa wikang sinasalita ng mga mambabasa, karaniwan ng mga nasa antas ng
C, D at E. Karamihan sa mga ito ay yaong hindi nakatuntong ng pormal na pag-aaral o di kaya ay hindi
nakatapos, samakatwid madali para sa kanila na matutuhan ang mga terminong ginagamit sa mga tabloid.
Kalikasan ng Tabloid
Ang tabloid ay isang pahayagan na may limang kolum na lapad, 18 pulgadang haba at may 12
pahina. Ito ay ipinagbibili sa merkado pitong araw sa isang lingo. May ilang tabloid na nagpapalabas ng
panghapon na isyu gaya ng Abante Tonite, upang makapagbigay ng bagong balitang naganap na hindi na
naisali sa pang-umagang isyu. Nakasulat ito ang mga ito sa Filipino. Sinasabi ring higit itong mabili kaysa
sa mga broadsheet. Isa pang katangian ng tabloid ay ang paggamit ng mga salitang balbal sa paglalahad
ng mga balitang kaugnay sa seks at karahasan. Ang paggamit ng mga terminolohiyang ito ay lumilikha ng
kakaibang larawan o konsepto sa mga isip ng mga tao. Ang mga salitang balbal ay may varayti ng paggamit
depende sa mga gumagamit gaya ng mga mag-aaral, drayber, artista, sundalo, at mga bakla. Dahil sa
popularidad, naging gawi ang paggamit ng salitang balbal sa mga headline ng mga tabloid. Ang tabloid ay
hindi matatawag na tabloid kung wala ang paggamit ng mga salitang balbal. Bunga nito, maging ang bawat
publikasyon o manunulat ay nagkakaiba sa paggamit ng salitang balbal upang maiwasan ang monotoni ng
balita.
Sosyolinggwistika
A. Teoretikal na Balangkas
Ang wika ay kapwa itinuturing na malaking tulong sa pakikipag-ugnayan ng mga tao sa lipunan at
dahilan din ng maraming suliranin ng sangkatauhan. Anumang wika ay koleksyon ng mga simbolo na
pinamamahalaan ng iba’t ibang tuntunin at gamit sa pagpapahayag ng mensahe sa tao. Dahil sa simboliko
nitong katangian, ang wika ay hindi sapat at akmang kagamitan sa komunikasyon: ang kahulugan ay nasa
tao, at wala sa salita. Ang wika ay hindi lamang nagagamit sa paglalarawan ng tao, mga ideya, proseso, at
mga pangyayari, hinuhubog din nito ang ating persepsyon sa iba gaya ng istado, kredibilidad, at kaasalan
ukol sa paano sila nakikipagtalastasan. Maraming pagkakaiba kung paano ang bawat indibidwal ay
nagsasalita. Ang nilalaman ng usapan ay nagkakaiba gaya rin ng layunin at istilo ng pagsasalita. Subalit,
hindi lahat ng pagkakaiba sa paggamit ng wika ay dahil sa kasarian at istado sa buhay ng nagsasalita. Ang
pilosopiya at oryentasyon sa kultura ng pangkat na kinabibilangan ay may malaking ambag sa pagkakaroon
ng varayti ng wika.
Hindi nga ba malaki ang impluwensya ng kultura sa paraan kung paano ang isang sistemang
panlinggwistika ay nalilinang at natutuhan? Ang wika ay binubuo ng mga set ng senyales, simbolo at signal
na may gramatika. Ang lahat ng wika ay may sariling unikong padron ng organisasyon. Kung kaya, ang
komunikasyon ay nagiging posible kung ang mga indibidwal ay nagkakasalo sa isang sistema ng kaayusan
o gramatika. Iminungkahi nina Benjamin Lee Whorf at Edward Sapir na ang sistemang panlinggwistika na
ating natutuhan mula sa ating kultura ay may malinaw na impluwensiya sa kung paano ang isang tao ay
nangungusap o nagpapahayag at nagpapakahulugan sa mga bagay sa daigdig: “Language shapes
perceptions of reality”.
Ayon kay Schegloff (hango sa aklat ni Schiffrin, Handbook of Discourse Analysis, 2003),
“…the fundamental or primordial scene of social life is that of direct interaction between members of a
social species, typically ones who are physically copresent. For humans, talking in interaction appears to
be a distinctive form of this primary constituent of social life, and ordinary conversation very likely the
basic form of organization for talk-in-interaction”.
Samakatuwid, bahagi ng sistema ng buhay ng tao sa lipunan ang pakikipagtalastasan at ito ang
batayan at primitibong pamamaraan sa paglinang, paggamit, at pagkatuto ng natural na wika. Hindi
nakapagtataka kung bakit karamihan sa mga katangian ng natural na wika ay hinubog ayon sa lugar ng
taong gumagamit nito. Mahihinuhang nagkakaiba ang gamit at katangian ng natural na wika depende sa
tao at lugar na kinabibilangan. At dahil, daynamiko ang wika madali itong sumasabay sa pagbabago sa
pamamagitan ng panghihiram sa iba pang wika. Bunsod nito, naiimpluwensyahan nito ang nakagawian ng
wikang ginagamit at minomodipika naman upang umangkop sa sitwasyon at taong kinakausap. Dito
pumapasok ang pagkakaroon ng varayti o varyasyon ng wikang ginagamit ng tao sa isang partikular na
organisasyon gaya ng unibersidad.
“…ay isang katotohanan sa lipunan na nakabuhol sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga salik
panlipunan na nakakikilala sa iba-ibang grupong sosyal, kultural at etniko. Bilang isang uri ng behebyor
ng wika ay ang pagkakaiba ng panlipunan ng isang uri at iba pa”.
“Ang wika ay isang panlipunang penomenon. Ibig sabihin, mahalaga ito hindi lamang sa
indibidwal kundi lalo na sa lipunang kanyang kinabibilangan…” dagdag pa niya, “…ang wika ay maaaring
tingnan bilang mahalagang kasangkapan sa pag-unlad kapwa ng indibidwal at ng bansa at ito ang
nagbibigay ng istatus at humuhubog sa sosyalisasyon ng indibidwal”.
Samantala, ang negatibong atityud sa pagsasalita ay nagsimula sa paniniwala na ang bernakular
o diyalekto ay mababa kumpara sa istandard na bersyon ng wika. Ang katotohanan, ang sistemang
pangwika ng iba’t ibang grupo ay nagkakaiba, subalit walang sistema ang likas na magaling kaysa sa iba.
May pananaliksik na sumusuporta sa posisyon na ang varyasyon ng wika ay isang natural na repleksyon
ng kultura at pagkakaiba ng komunidad (Labov, 1972).
Kahit na may linggwistikong ekwalidad o pagkakapantay sa mga diyalekto, ang wika ng mga mag-
aaral at kaligirang kultural ay nakaiimpluwensya sa kanilang magtagumpay. Kapag ang mga mag-aaral
mula sa labas ng pangkat ay pumasok sa unibersidad, nahaharap sila sa mga bagong kalakaran ng
pagtingin sa daigdig at makabagong pamamaraan ng pagkilos. Ang paggamit ng wika, kapwa pasalita at
pasulat, ay sentral na kasangkot sa bagong kulturang ito. Sa pag-aaral ni Heath (1983), ay ipinakita niya na
ang wika at kultura ng dalawang komunidad (rural working class communities) ay malinaw na nagpapakita
ng tunggalian sa pagitan ng wika at kulturang paniniwala ng komunidad at unibersidad. Upang
makaagapay sa ekspektasyon ng unibersidad, ang mga mag-aaral ay kailangang makaangkop sa mga
istraktura at padron ng paggamit ng wika na iba mula sa kanilang dati o nakagawian nang ginagamit.
Sa kabilang banda, ang Semiotika ay binigyang katuturan ni Charles Saunders Pierce bilang
pagkakaugnayan ng senyales, bagay o obyekt at ang kahulugan. Ang senyales ay kumakatawan sa bagay
o referent sa isip ng nagbibigay interpretasyon at ang representasyon ng isang bagay sa pamamagitan ng
senyales bilang interpretant. Ang lahat ng mga elementong ito ay kinakailangan sa isang triad upang
maisagawa ang senyales. Malinaw nai pinakita nina C.K Ogden at I.A Richard ang tatlong-bahagi ng
pagkakaugnayan sa isang kilalang modang ipinakikita ng figyur 2.
Figyur 2. Ogden at Richard’s MeaningTriangle
Ayon kay Umberto Eco, kailangang isali sa semiotika ang “theory of codes” at ang “theory of sign
production”. Ang teorya ng koda ay tumatalakay sa estraktura ng wika at iba pang senyales habang ang
produksyon ng senyales ay kailangan upang maipaliwanag ang pamamaraan sa paggamit ng senyales sa
sosyal at kultural na interaksyon. Binigyang-katuturan ni Eco ang proseso ng pagrerepresinta ng mga
bagay sa pamamagitan ng mga senyales bilang isang signipikasyon o semiosis, na ayon sa kanya ay apat
na bahagi ng sistema na binubuo ng: 1) kondisyon o mga bagay sa daigdig; 2) senyales; 3) repertoire; at 4)
isang set ng kaukulang tuntunin ng senyales at ito ay ang: a) rekognisyon o pagkilala kung saan nakikita ng
tao ang senyales bilang pahayag o ekspresyon ng mga bagay na tangible, b) pagbibigay ng halimbawa
upang tukuyin ang isang bagay, c) replica, ang makatotohanang paggamit ng arbitraryong simbolo o
senyales na may kumbinasyon ng iba pang senyales at ang huli, d) imbensyon o pagmumungkahi ng
panibagong paraan ng pagkilala sa koda.
Ang teoryang una nang tinalakay ay nagpapakita kung papaano ang kahulugan ay nakukuha mula
sa isang wika, na batay sa stimuli na taglay sa isang kapaligiran at kung paano ang wikang ito ay ginagamit
sa lipunan. Ipinaliliwanang ng teoryang ito kung paano ang M, na ipinapalagay ng pag-aaral na ito na isang
tao, natatangap o nakikita ang pangyayari, na pinapalitan ng isang senyales o pahayag ng pangyayari. Ang
pahayag na ito ay kinilala bilang mensahe. Ang mensahe ay may dalawang elemento: ang anyo (S) at ang
nilalaman (E). Ang mensahe ay ipahahayag sa awdyens. Ang mensaheng ito ay may konotatibo at
denotatibong kahulugan. Ang konotatibong kahulugan ay tumutukoy sa kumakatawan sa isipan ng
nagbibigay-interpretasyon habang ang denotatibong kahulugan ay ang representasyon ng bagay. Ang mga
teorya ay tumatalakay kung paano ang wika ay nalikha at nalinang bilang isang pormal na wika.
C. Operasyunal na Balangkas:
Ang kahulugan ng salita ay nagbabago mula sa isang katuturan sa iba pa depende sa kung paano
ito ginamit at sino ang gumamit. Halimbawa, ang pangyayari ay isang tao ang sinunog hanggang mamatay.
Ang manunulat ay magsusulat na ang isang tao ay pinatay at ang gagamitin niyang termino ay nilitson, na
pisikal na may kaugnayan sa katangian ng isang litsong baboy. Ang midyum na ginamit ng manunulat ay
ang tabloid. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay-tuon sa kung paano ang senyales ay may kaugnayan sa iba
pang kahulugan gayundin sa iba pang senyales upang makilala o matukoy ang varayti ng wikang ginagamit
ng mga manunulat ng tabloid.
METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay palarawang pananaliksik na ang layunin ay kumparatibong masuri ang
varayti ng mga leksikong ginamit sa mga tabloid na lumabas sa sirkulasyon ng buwan ng Hulyo ng taong
2007. Nakatuon ang pag-aaral sa mga headline ng balita at isa-isang tinipon at itinala ang varayti ng mga
terminong ginamit at pagkatapos ay pinaghambing ang mga ito. Matapos mabigyang-suri ay itatala ang
mga terminong ginamit bilang register ng pamamahayag sa tabloid.
A. Pagtukoy at pagsusuri sa mga terminong ginamit sa mga headline ng mga tabloid mula Hunyo ng
taong 2007.
Ang mga sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng listahan ng mga terminong ginamit sa mga
headline ng bawat tabloid.
Hulyo 6, 2007
dakip
Ang mga terminong ginamit ay may kahulugang nahuli o dinakip na nagkaroon ng iba’t ibang
paggamit. Kung susuriin ang PM ay naging matipid at higit na direkta sa pangyayari at sa taong sangkot.
Samantala, ang People’s Tonight ay gumamit ng pagpapaikli sa pangalan ng sangkot, bagaman hindi nito
direktang tinukoy ay mahihiwatigan na kung sinong artista ito at ginamit din ang panghihiram sa Ingles ng
na-detain. Ang Bulgar naman ay gumamit ng pamilyar na panawag sa aktor.
Hulyo 7, 2007
ipinabuwag
binura
Nagkaroon ng varayti sa paggamit ng lugar na Vietnam village sa Quiapo (Little Vietnam). Ang
ipinabuwag (Balita) at binura (PM) ay varayti ng inalis o tinanggal na kung susuriin ay higit na nagkaroon
ng intensidad.
Tabloid Headline Leksikon
pinaslang
pinatay
Kapwa gumamit ng pinaikling salitang “Sekyu” (security guard) ang dalawang tabloid ngunit,
nagkaiba naman sa pandiwang “pinaslang” at “pinatay” at “nalipasan ng gutom” at “na-praning sa
gutom”.
Tila nagkaiba naman sa paggamit ng “tumor” ang People’s Journal na nagdagdag ng “s” na
nagpapahiwatig na karamihan kung kaya ginamit ang salitang “wala na”. Samantala, pangkalahatan
naman ang sa PM kung kaya ginamit ang “natunaw na”.
Hulyo 12, 2007
Intsik
Chinese
timbog
Iba- iba naman ang paggamit ng pangngalang “Intsik” na may variant na Chinese at Tsino ang
mga tabloid. Samantala, nagkakaiba naman sa pandiwang “timbog”, “tiklo”, at “inaresto” na varayti ng
salitang “nahuli”.
nag-suicide
Kapwa gumamit ng hiram na salitang “nag-suicide” ang dalawang tabloid ngunit nagkaiba naman
sa paggamit ng akto, “pinatay” (TIKTIK) at “dinedo” (NGAYON) na mula sa hiram na salitang “dead”.
bakbakan
sagupaan
Bakbakan (BULGAR) at sagupaan (TIKTIK) ay varayti ng salitang “giyera” at ang “tepok” ay varayti
ng “patay”.
Eba
kelot
todas
Gumamit ang TIKTIK ng Eba na patungkol sa babae, samantala gumamit ang NGAYON ng salitang
“kelot” para itumbas sa salitang lalaki. Ang “todas” ay variant ng “patay”.
patay
boga
todas
baril
Gumamit ng salitang “boga” korapsyon ng salitang “buga”ang TIKTIK na varayti ng salitang “baril”
(NGAYON).
“Nalagasan” naman ang ginamit ng NGAYON bilang panumbas sa “napatay” na sa literal na gamit
ay “nabawasan”.
Hulyo 21, 2007
Tila iba naman ang maaaring ipakahulugan sa “nabawi” (TIKTIK) na ibig sabihin ay nagkaroon ng
pagkilos upang ito ay “makuha” mula sa dumukot. Samantala, ang “pinalaya” (NGAYON) ay
nangangahulugang nagkoon ng “pagkukusa”.
kasama
patay
napraning
kabaro
Tila malayang nagpalitan ang mga ponemang “e” at “i”; “u” at “o” sa salitang “sekyu”. Gumamit
naman ang REMATE ng salitang balbal na “napraning” na korapsyon ng salitang “paranoid”na varayti ng
salitang “nabaliw”.
Gumamit ng varayti ng “di nakapunta” kapwa ang dalawang tabloid, “di nakaporma” o “walang
nagawa”(BULGAR) at “di nakalitaw” o sa literal “di nakita”(REMATE).
extended
pinalawig
pinalawig
pinahaba
Ang lahat tabloid ay gumamit ng salitang hiram na “registration” ngunit bukod tangi ang TANOD
na naging tiyak sa paggamit ng “voters”. Naging matipid naman ang NGAYON dahil hindi na dinetalye
ang lahat. Gumamit ng pagpapaikli ang TONITE at PM sa salitang “SK” at “BRGY.” Nagkaisa naman ang
NGAYON at TANOD sa paggamit ng “pinalawig” samantala, nanghiram naman sa Ingles ang TONITE ng
salitang “extended” na varayti ng “pinahaba”
Hulyo 25, 2007
Iba-iba ang paggamit ng mga tabloid sa salitang “papunta” na may variant na “pa-Japan”
(ABANTE), “susugod sa Japan” (TIKTIK), “lilipad sa Japan” (TUMBOK). Gayundin ng salitang
“makikipaglaban” o “sasali sa laro” ay may variant na “sumabak”, “lumaban” at “makalahok”.
niratrat
patay
binistay ng bala
todas
Nanghiram sa Ingles ang lahat ng tabloid ng salitang “insurance companies” maliban sa TIKTIK na
“insurance firms”. Nagkaiba naman sila sa salitang “hinimok”, “nanawagan” at “kinalampag” na varayti
ng salitang “nakiusap”.
kabaro
bibitayin
bibigtihin
patay
shootout
bumulagta
tigbak
parak
Nagkakaisa ang lahat ng tabloid sa paggamit ng salitang hiram na “holdaper”. Ngunit nagkakaiba
naman sa paggamit ng deskripsyon gaya ng sa ABANTE na ginamit ang salitang “patay”; NGAYON
“bumulagta” na tila salitang Tagalog na nagbago ng kahulugan; sa REMATE naman ay “napatay”; sa
TUMBOK naman ay higit na balbal na salita “tigbak” na maaaring galing sa salitang “to back” na ang
kahulugan sa Filipino ay “binalikan”. Gumamit din ang TUMBOk ng salitang “parak” sa halip na “pulis”.
Samantala, gumamit din ng salitang Ingles ang ABANTE “shootout”.
teenager
naglason
nagpatiwakal
naglason
itinumba
tinodas
pinatay
Nagkaisa ang mga tabloid sa panghihiram ng salitang “chairman” ngunit nagkaiba naman sa
paglalarawan, ABANTE “itinumba” na salitang Tagalog na naiba na ang kahulugan, NGAYON “tinodas” at
REMATE ay “pinatay”
KONGKLUSYON
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral masasabing ang mga balita ay hindi lamang sumasalamin sa
mundo gaya ng tinuturan ng mga mamamahayag. Kundi, tumatalakay din ito sa sinasabing ang balita ay
lumilikha ng isang larawan ng realidad gaya ng ipinahayag ni Lippmann (1972) “…news makes sense within
a social context: if it acts at all as a mirror, it reflects preoccupations within that society, and when it
constructs a picture of the world, that picture is often very close to what members of that society already
know”. Ang mamamahayag ay hindi lamang nakaharap sa isang malinis at blangkong papel na kanyang
paglilikhaan ng daigdig o magrerekord ng matapat na tala, kundi isang espasyo na ating iniimajin ay puno
na ng mga kumbensyon. May dalawang kumbensyon kung paano ang teksto ay sinisimulan at tinatapos,
kung saan interesado ang mga mambabasa, ano ang dapat nilang malaman at kalian tama ang isang balita.
At may malawak na kumbensyon, kung saan ang balita ay ibinabatay at nakatutulong sa paghubog sa kung
ano ang gusto ng mga mambabasa, ano ang kahulugan ng mga salita, ano ang natural at makatotohanan
sa lipunan. Sakop ng mga kumbensyong ito ay ang pagpili ng mga leksikong gagamitin sa pagsulat ng balita.
Bunsod ng pagkakaiba sa estilo ng mamamahayag at sa intensyong maiba ay nagkakaroon ng malawakang
paggamit ng varayti ng leksikon. Sa pagtatasa sa mga nakalap na datos, lumitaw ang iba’t ibang proseso
ng pagbubuo ng mga leksikong ginamit sa mga pahayagan:
sagupaan bakbakan
kelot lalaki
boga baril
nabawi napalaya
kabaro Kasama, kapwa
di-nakaporma di-nakasipot
bibigtihin bibitayin
tinedyer teenager
REKOMENDASYON
Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging sagunian ng katulad ding pag-aaral subalit
nangangailangang mapalawak pa ang sakop at limitasyon.
3. KWF
Ang resulta ng pag-aaral ay maaaring maging batayan sa lalo pang pagpapaunlad ng bokabularyong
Filipino sapagkat ang pahayagan ay karaniwang binabasa ng higit na nakararami.
BIBLIOGRAPIYA
Allen, R.E. (1990) The Concise Oxford Dictionary. Oxford: Clarendon Press.
Fang, Irving. (1997). A History of Mass Communication: Six Information Revolutions. Focal Press.
McQuail, Dennis. (1994) McQuail’s Mass Communication Theories 4 th Edition. London: Sage
Publications