You are on page 1of 7

5,NapipFILIPINO

QUARTE 4

WEEK 3

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: FACT o BLUFF

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag na naglalarawan sa pangunahing tauhan ng EL
FILIBUSTERISMO. Lagyan ng tsek ang hanay ng FACT kung makatotohanan ang pahayag at BLUFF kung
mali.

MGA PAHAYAG FACT BLUFF


1. Tinaguriang tagapamansag ng mabuting kuro si Isagani dahil /
sa husay niya sa pakikipagpalitan ng kaisipan, damdamin, at
kuru-kuro.
2. Si Padre Florentino ang paboritong pari ni Simoun na /
tagapagsalita ng kaisipang kontra rebolusyon kaya sa kanya niya
ipinagkatiwala ang lihim ng kaniyang pagkatao.
3. Kinilala si Simoun bilang makasarili at mapanulsol na tauhan /
ng El Filibusterismo.
4. Nahimatay si Pari Salvi habang nanonood ng palabras ni Mr. /
Leeds dahil sa init ng sopas na kaniyang kinakain.
5. Nagampanan ng mga guro ang kanilang tungkulin na /
mapagyaman ang kaalaman ng mga mag-aaral.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Basahin at unawain ang mga piling kabanata ng El Filibusterismo. Pagkatapos, sagutan ang mga
tanong kasunod sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Tanong:

1. Bakit natalo si Kabesang Tales sa asunto sa lupa?

Nang di na kinaya ng Kabesa ay nakipag-asunto ito sa mga prayle. Dinala ni Kabesang Tales sa
korte upang maayos ang problema. Ngunit natalo ang Kabesa dahil nasa ilalim ng impluwensya ng
mga prayle ang gobyerno. Nang tuluyan nang hindi makabayad ng buwis si Kabesang Tales ay
ipinaglaban pa rin niya ang lupa sa pamamagitan ng pagbabantay dito.

2. Ilarawan ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas noong panahon na nasulat ang akda batay sa
nialalaman ng Kabanata 13 at 27.

Kabanata 13-Para sa akin,a ng kabanatang ito ay tungkol sa mga suliranin na kinakaharap ng


mga kabataan noon sa klase. Sa kabanatang ito, si Placido ay napahiya sa buong klase dahil sa
kagagawan ng isa niyang kamag-aral na si Juanito Pelaez. Tinawag ng guro na si Padre Millon si
Placido at siya ay ipinahiya at inalipusta sa harap ng buong klase. Hindi tama ang naging pagtugon ni
Padre Millon sa pagsigaw ni Placido at alam ito ni Placido. Nang uminit ang usapan, hindi na natiis ni
Placido ang maling pamamaraan ni Padre Millon at ito’y umalis sa klase. Makikita rito na gustong
sabihin ni Rizal ang mga suliranin sa pamamalakad ng paaralan noong panahon na iyon. Unang una sa
lahat, hindi dapat inaalipusta o minamaliit ang kahit sino mang tao. Wala tayong karapatan para
maliitin o laitin ang kahit sino man. Sumunod, ang mga guro ay dapat mayroong pantay na pagtingin
sa mga mag-aaral kahit sino man sila. Ang mga ipinakita ni Rizal sa kabanatang ito ay maaaring
nangyayari pa rin sa kasalukuyan, kaya ang aral na matututunan ditto ay angkop pa rin para sa
panahon ngayon.

Kabanata 27-Ayon kay Isagani, Ang paraan ng edukasyon ay napaka bagal, paulit-ulit at wala
silbe.Bawat taon, walang bagong impormasyon ang pumapasok sa kanyang isipan, na ang edukasyon
ay maaaring maituring na isang armas. Ipinapagkait ito ng mga prayle sa taumbayan bilang isang
paraan upang hindi magtanong at maghimagsik ang mga ito sa mapang-abusong pamamahala ng mga
kolonyalistang Kastila.

3. Sa iyong palagay, bakit kaya nahimatay si Pari Salvi matapos marinig ang salaysay ng espinghe?

Kilala si Mr. Leeds na isang Amerikanong nagpapalabas na kung saan dinarayo ng maraming
panauhin. Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ay siniyasat muna ni Ben Zayb ang buong
bulwagan. Hinahanap niya kung anu-ano ang mga taktika niya sa kanyang kislap matang palabas. Ang
mga manunuod ay hindi makapaniwala sa mga palabas ni Mr. Leeds. Naglabas ng maitim at luma na
kaha si Mr.Leeds. Sinabi niya na natagpuan niya ito sa isang lumang libingan. Pagkatapos niyang
sumigaw ng mga salitang banyaga ay kusang nabuksan ang kaha.

Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa
pamamagitan ngpagbigkas ngunang salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang isang ulo at
pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa dating kinalalagyan nito. Kinilabutan ang lahat ng
mga nanonood lalo na si Padre Salvi.

Ang palabas ni Mr. Leeds ay tila tumatama at animo’y sinasalaysay ang buhay ng isang api sa
kamay ng mga taong simbahan mula sa kanyang lipi.Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang
sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang
ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe habang nagsasalita ito. Dahil
sa takot hinimatay ang prayle.

Nahimatay si Padre dahil sa tindig balahibong palabas ni Padre Salvi tungkol sa buhay ng isang
tao na pinakitaan ng hindi maganda patungkol sa mga taong simbahan na nagtatago sa kanilang abito.

4. Bakit mas pinili pa ni Simoun na mamatay kaysa mahuli nang buhay ng mga guardiya sibil?

Mas ninais ni Simoun na mamatay kesa sa mahuli ng buhay. Sinabi din nya kay Padre
Florentino na sya si Crisostomo Ibarra na nagbagong anyo upang maghigante. Mas ninais nyang
mamatay dahil ang talagang layunin nya sa pagbabalik ay upang iligtas at pakasalan si Maria Clara.
Ngunit namatay si Maria Clara at di na nya naisagawa ang pagbangon.

5. Bakit itinapon ni Padre Florentino sa karagatan ang mga yaman ni Simoun?

Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simouon sa dagat at umaasang
matatagpuan ityon at magagamit para sa kabutihan ng taumbayan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto: Magbigay ng mga tiyak na pangyayaring may kaugnayan sa mga sumusunod na tauhan batay sa
mga binasang kabanata.

Tauhan Pangyayari
Isagani Para sa akin ang mahalagang pangyayari ay ang pag-uusap nina Isagani
At Padre Fernandez pinag-usapan nila ay tungkol sa pagtatalumpati ni
Isagani, at ang kanyang mga paninindigan, Napag usapan at
napagtalunan din nila ang mas angat na sa katarungan at maging sa
kalayaan.napag usapan\ din nila ang \sabuwatan ng pamahalaan at ng
mga Pilipino upang manatili sa kamangmangan ang mga ito.
Padre Fernandez Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani sa kanyang tanggapan upang
kausapin. Pinag-uusapan nila ang mga bagay na may kinalaman sa mga
kabataang lumalaban sa mga prayle. Sa isang banda ay tila nagtatalo sila.
Sinabi ni Isagani na ang mga prayle ang may kasalanan kung bakit naging
ganoon ang pakikitungo ng mga ilang estudyante nila: nakangiti
pagnakaharap, nang-aalipusta pagnakatalikod na ang mga pari. Nang
tanungin ni Padre Fernandez si Isagani kung ano ang gusto nilang gawin
ng mga estudyanteng Pilipino, ang isinagot ni Isagani ay ang tuparin nila
ang kanilang mga sinumpaan. Pagkatapos ng usapan nila ay nagtungo si
Isagani sa gobyerno sibil.
Kabesang Tales Nakisama muna si Tales sa isang namumuhunan sa bukid.
Nangmakaipon ay naghawan ng gubat na walang may ari at
ginawangtubuhan. Nang ito ay umunlad ay inangkin ito ng mga prayle at
siKabesang Tales ay pinagbubuwis. Tinaasan ng tinaasan ang
buwishanggang sa hindi na ito kinaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto
siyasa mga prayle at nahulog siya sa kamay ng mga tulisan at
pinatubos.Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas ngunit hindi ito sapat
napanubos kaya’t nagpasya siyang mangutang kay Hermana Penchang at
maglingkod dito bilang utusan.
Simoun Si Simoun ay sugatan at nagtungo kay Padre Florentino. Si Padre
Florentino ay huminto sa pagtugtog at si Simoun ay pumasok sa
kuwarto. Napagisipan ang pari na uminom ng lason si Simoun. At si
Padre Florentino ay humanap pa ng lunas. Tinanong ni si Simoun kung
bakit hindi isinakatuparan ng Diyos ang kanyang kagustuhan. Sabi ni
Padre Florentino na ito ay dahil masama ang kanyang pamamaraan.
Pagkatapos nito ay dinala ni Padre Florentino ang alahas ni Simoun at
hinagis sa talampas.
Pari Florentino Ng magtapat si Simoun ng kanyang lihim kay Padre Florentino at
uminom ng lason si Simoun. Ang wika ni Padre Florentino kay Simoun na
di umimik, “Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali,
ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng
kanilang bayan? Saan naroon ang handang magpakamatay upang
hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat
ang pagpapakasakit ito’y kailangang malinis at busilak. Nasaan ang
kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng
diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa aming
puso? O kabataan, kayo’y aming hinihintay!” Nangilid ang luha sa mga
mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun. Lumapit sa durungawan.
May kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Sa
tulong ng isang lampara ay tinanglawan si Simoun. Hinipo ito; nabatid na
ito ay patay na.Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino.

Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si


Padre Florentino Kinuha ang takbang bakal ni Simoun. Dinala ito sa
talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang
kalaliman ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante
at alahas ni Simoun. Nilulon ng dagat ang kayamanang yaon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Panuto: Bigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag na may salungguhit sa pangungusap at


magbigay ng halimbawa.

Matatalinghagang Pahayag Kahulugan Halimbawa


1. Ang pakikipag-asunto ni Pagmamaliit na kayang tapakan, Ang pangungutya ng isang tao
Kabesang Tales sa mga prayle ay kawalan Ng Katarungan dahil hindi ito nakapagtapos ng
parang palayok na bumangga pag-aaral
sa kaldero.

2. Ang karunungan ay Pagiging responsable Pagbabalik ng malasakit ng


ipinagkakaloob sa mga karapat- isang tao sa kanyang
dapat lamang, sa mga may puso pinagkakatiwalaan
at marunong mag-alaga ng
karangalan

3. Ang katubusan ay kabutihan; Paglabas ng saloobin o emosyon Ang paggawa ng kasalanan na


ang kabutihan ay hindi sinasadya at nadala
pagpapakasakit, ang lamang ng emosyon
pagpapakasakit ay pag-ibig.”
1. Ako’y nangibig sa anak ng Maganda, maayos, marangal Paghanga ng isang lalake sa
saserdote, isang babae dahil sa kanyang
dalagang kasinlinis ng liwanag. natatanging karisma
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5

Panuto: Batay sa binasang mga kabanata ng El Filibusterismo, tukuyin ang iba’t ibang tunggalian na
naganap sa nobela. Isulat sa loob ng tatsulok ang kabanata at pangyayari na may kaugnayan dito. Isulat
ang sagot sa papel.

TAO laban SA TAO TAO laban SA LIPUNAN

Kabanata 13-
Napagbalingan ng inis si Kabanata 39-
Placido sapagkat nautal-utal
siya sa pagsagot kaya naman Pagbabalak na
binigyan pa ng mababang marka. Bukod mapabagsak ang
rito, namura at nilait pa ng pari. pamahalaan.
Kabanata 18- Pagtugis at pagpatay kay Imuthid
sa lawa. Nakita rin niya sa kabilang buhay ang
panghahalay ng pari sa isang Abydos.

TAO laban SA SARILI

Kabanata 27-

Hindi makapagpahayag ng
opinyon sa pamamaraan ng
pagtuturo ng Prayle dahil
sa takot na maparatangan
ng Pilibustrero.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6

Panuto: Magsalaysay ng mga pangyayari sa napanood mong pelikula o teleserye na may kaugnayan sa
binasang mga kabanata ng El Filibusterismo. Isulat ito sa iyong sagutang papel

Kabanata 27 Kabanata 39
He is Psychometric (2019) Youth of May (2021)
Mayroong eksena dito na Umiikot sa istorya na ito ang
nagpapakita ng maling turo o pagpoprotesta ng mga
pagbibigay ng hindi kaaya-ayang mamamayan laban sa Martial
pananaw ng guro kung saan may Law. Hindi man nila nais
mga estudyanteng nananahimik pabagsakin ito ngunit tutol sila sa
na lamang. Ngunit dito, makikita desisyon ng pamahalaan at nais
na mayroong estudyante na may nila itong baguhin ng
lakas loob ng ipahayag ang pamahalaan.
kanyang opinyon ukol dito.

Kabanata 13 Kabanata 18
Front of the Class (2008) What's Wrong with Secretary Kim (2018)
May isang eksena dito na Makikita sa kabanata na mayroong batang
nagpapakita na may isang pari na umibig rin sa babaeng iniibig ni
estudyante na hindi masagot ng Imuthis. Kaya naman gumawa siya ng guli at
maayos ang kanyang guro ibinintang kay Imuthis. Gayun din sa
sapagkat siya ay medyo nauutal at teleseryeng ito, magkapatid sila, matagal na
nakakagawa ng mga tunog na ang tunggali ni lang dalawa. Ganunpaman,
hindi sinasadya. Dulot ito ng ginamit ito ng isang kapatid upang ipalabas
kanyang Tourette Syndrome. Kaya na siya ang biktima. Hindi man umabot sa
naman napagbalingan siya ng inis kamatayan, makikita pa rin ang
ng kanyang guro. pagkakahawig ng dalawa.
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 30 Minuto)

Panuto: Isulat kung ano ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa bawat pahayag. Isulat ang P kung
ang tuon ay sa pangyayari, T kung tunggalian at TP kung tagpuan at W kung wakas ng kuwento. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

P 1. Nahimatay si Padre Salvi matapos na marinig ang salaysay ng espinghe hinggil sa sinapit ng dalagang
inibig ng batang pari.

T 2. Hindi nagustuhan ni Placido Pinitente ang panlalait ni Padre Millon kaya lumabas siya ng silid-aralan.

P 3. Bago magsimula ang pagtatanghal ni Mr. Leeds, siniyasat munang mabuti ni Ben Zayb ang buong
bulwagan at pilit na hinahanap ang salamin na karaniwang ginagamit sa kadayaan.

W 4. Sa katapusan, itinapon ni Padre Florentino ang mga alahas at yaman ni Simoun upang di ito
magamit sa paggawa ng kasamaan.

T 5. Matapang na nakipagpalitan ng kuro-kuro at saloobin si Isagani kay Padre Fernandez hinggil sa


kahilingan ng mga magaaral sa mga guro.

You might also like