You are on page 1of 2

Kb 27: Ang prayle at ang Estudyante

Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani upang pag-usapan ang pagkakadawit nito sa


pangyayari sa panciteria. Umikot ang kanilang usapan sa mga sakit ng pagtuturo ng mga
prayle. Isinapunto ni Isagani na sinasadya ng mga prayle na bawasan ang kaalamang
intinturo upang mapatay ang sigla at sigasing ng mga mag-aaral. At hindi lang iyon,
tinatawag na pilibustero ang sino mang maghangad ng karunungan. Sinagot naman ni
Padre Fernandeez si Isagani na nagawa na niya ang kanyang makakaya at hindi lahat ng
prayle ay kumkontra sa paghangad ng mga estudyante sa karunungan. Iginiit pa nya na
Ang karunungan ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang.
Mga Tanong at Sagot

1.Ano ang ibg sabihin ni Isaganina walang ginagawa ang mga prayle kundi magrasyon ng
kaisipang luma?

Sagot

Huling-huli sa takbo ng panahon ang itinuturo ng mga prayle bukod sa kakatiting pa.
Batid ito ng kabataan dahil sa may ilang nanggaling sa Europa ang matapos
maghambing-hambing ay nakapagsabing huling-huli ang Pilipinas sa panahon.

2. Ano ang puna ni Rizal sa pagkakaroon ng ordeng Dominiko ng tanging karapatan sa


pagtuturo sa mga Pilipino?

Sagot

Parang isinubasta raw ng pamahalaan ang pagpapaturo sa mga Pilipino at hindi man
ginagawa ng Dominiko ang tungkulin ay di pinapansin ng pamahalaan dahil kapwa sila
nakikinabang. Inihambing ni Rizal ang paraan ng pagtuturo ng Dominiko at ibang orden
sa pagpapakain sa bilanggo na isinusubasta sa mga komersiyante.

3. Ang kahuluganng kasabihang latin na Vox populi ,vox dei ? Ipaliwanag.

Sagot

Ang tinig ng bayan ay tinig ng Diyos. Kung bayan na ang humihingi ng isang bagay
ipinalalagay na iyon ay Diyos na rin ang may kahilingan. Ang paghihimagsik ng bayan ay
paghihimagsik na rin ng Diyos laban sa may masamang pamamahala.

4. Bakit daw walang mangahas sa mga estudyante na gawin nang harapan ang pamumuna
sa mga prayle ayon kay Isagani?

Sagot

Baliw raw ang sino mang gumawa nang sapagkat pag-uusigin.


Kb 39: Huling Kabanata
Isang sugatang Simoun ang dumating sa bahay ni Padre Floentino upang magtago sa mga
guwardiya sibil na balak siyang dakipin. Pagkatapos uminom ng lason, ipinaalam ni
Simoun ang kanyang tunay niyang pagkatao kay Padre Florentino, na siya ay si Juan
Crisostomo Ibarra. Inilahad niya ang kanyang buhay at karanasan at ang plano niyang
maghiganti at pabagsakin ang gobyerna sa pagsisimula ng isang rebolusyon. Sinabihan
naman ni Padre Flotentino si Simoun na naging mali ang pamamaraan nito at ang
kalayaan ay hindi nakakamit gamit ang dahas. Ito ay makakamit sa paggawa ng mabuti,
tapat, at marangal hanggang kamatayan.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit kina Padre Florentino nagtungo si Simoun?

Sagot

Siyang inaakala ni Simoun na makauunawa sa kanya ng higit sa iba.

2. Ano ang taglay na hiwaga ng malungkot at mapangutyang ngiti ni Simoun nang


mabatid niyang siya ay darakpin kinagabihan?

Sagot

Buo na isipan niya ang pagpapatiwakal.

3. Bakit nagtakip ng mukha si Padre Florentino nang maipagtapat ni Simoun ang tunay
niyang pangalan?

Sagot

Upang ituring na ang pagtatapat na iyon ni Simoun ay isang pangungumpisal. Kung sa


gayon, hindi siya mapipilit ng sino mang kapangyarihan na ibunyag ang mga nabatid sa
mag-aalahas sapagkat yaon ay lihim ng kumpisalan.

4. Ayon sa salita ni Padre Florentino, makaitlong nabigo ang mga balak ni Simoun. Alin
ang una, pangalawa at pangatlong pagkabigo?

Sagot

Una ang kabiguang bunga ng di-inaasahang pagkamatay ni Maria Clara. Nalito si


Simoun. Hindi niya naisagawa ang hudyat ng pagbabangon. Ang ikalawa ay sa kawalan
ng ingat sa maaring mangyayari. Ang ikatlo ay dahil sa kaparaanang lubhang mahiwaga.

You might also like