You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Lanao del Norte
LALA NATIONAL HIGH SCHOOL
Maranding, Lala, Lanao del Norte

Suring Basa
Ang pagsusuri tungkol sa isang kabanata ng Noli Mi Tangere

Kabanata 5: Tala sa Karimlan


(Talata 1-6)

Pangalan: Victor P. Pepito III Ipinasa kay: Divina B. Pahaganas


Baitang/ Seksyon: 9 SSC A Ipinasa: Marso 15, 2019
Tala sa Karimlan

I. Introduksiyon

Ang Noli Mi Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal at inilathala noong
1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang “huwag mo akong
salingin.” Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena
na "Huwag mo akong salingin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking ama." Mas madalas
itong tinatawag na Noli; at ang salin nito sa Ingles ay Social Cancer. Sinundan ito ng El
Filibusterismo.

Ang susuriin ng manunuri ay tungkol sa isang kabanata ng Noli at ito ay may pamagat
na Tala sa Karimlan. Ang mga mahahalagang tauhan na napapabilang sa kabanatang ito ay
sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Si Crisostomo ay isang binatang anak ni Don Rafael
Ibarra at si Maria naman ay isang magandang dalaga na bumihag sa puso ni Crisostomo at
sumasalamin sa mga katangian ng isang babaeng Pilipina. Ito ay nangyari sa Fonda de Lala,
isang sikat na hotel sa Maynila noon. Ito ang tinitirhan ni Crisostomo na kung saan ang
kanyang silid ay nakaharap sa ilog.

II. Pagsusuri sa mga Mahahalagang Pangyayari

Tinahak ni Crisostomo ang isang tinutuluyang hotel. Ito ay ang Fonda de Lala, isang
sikat na hotel sa Maynila noon. Pumunta siya sa kanyang silid at pinagmasdan sa bintana ang
isang napakasayang pagdiriwang. Ang silid ni Crisostomo sa hotel ay nakaharap sa ilog.

Maraming pangitain ang kanyang natanaw mula sa malayo at kasali na dito si Maria
Clara. Gusto sanang makita ni Crisostomo ang ubod ng gandang diwata sa gitna ng bulwagan
ngunit marami pang gagawin ang binata.

Gusto ni Crisostomo na mawala ang kanyang pagod subalit ang pilit na sumisiksik sa
kanyang mga mata ay isang marusing na silid kung saan ang isang matanda ay nakahiga sa
banig na halos malapit nang pumanaw lalo na ng marinig ang kanyang pangalang tinatawag
ng matanda. Nagigising ang kanyang damdamin sa sinapit ng amang nasa isang madilim na
piitan na may nanlilimahid na pader.
Narinig niya ang tunog ng isang tanikalang bakal sabay ang pagdaing ng matandang
humahagulgol na tila humihingi ng tulong upang siya’y damayan.

Ang pangitaing iyon ay naganap habang siya ay nasa malayong lugar, nagpapakasaya
kasama ang kanyang mga kaibigan, at nagpapakalasing sa kaligayahan. Masakit ito kay
Crisostomo sapagkat hindi man lang niya natulungan ang kanyang mapagkandiling ama.
Halimbawa nito ay mayroon ka sanang gusto pero ng nalaman mo, huli ka na pala at
sinayang mo lang (Narravosa, 2017).

Sa kabanatang ito, nalalaman natin na si Crisostomo ay malungkot ng hindi niya


magawa ang isang bagay na kanyang gustong gawin. Ito ay may malaking koneksiyon sa
ating buhay ngayon at kagaya niya, gusto ng bawat Pilipino na magawa ang kanilang gusto
para hindi ito madismaya at walang masayang na panahon. Sa ating pamilya naman,
kailangan tayo maging masaya kasama sila at mas mabuti na hindi susuway sa mga payo para
magkaroon ng magandang koneksyon, at magkaroon ng masayang alaala habang sila ay
buhay pa (Hularjervis, 2014).

Ating mai-ugnay rin sa ikalimang kabanata na ito ay maaring na karamdaman ni Rizal


ang kanyang nais iparating. Ang pangulila ni Ibarra sa kanyang ama ay sumisimbolo sa
kanyang panglulila sa kanyang pamilya at gaya ngayon, maraming tao ang nangulila dahil sa
iba’t ibang mga pangyayari, aksidente man o hindi (Balon, 2013).

III. Konklusyon

Sa kabanatang ito, ang maging konklusyon nito ay dapat tayong may malinis na
budhi upang tayo ay pagpalain lalo na sa ating mahal na Panginoong Diyos. Tayo’y maging
matatag at walang iniisip na masama sa ibang tao. Gawin natin ang gusto nating gawin para
walang masayang. Tayo ay maging masaya sa ating mga ginagawa at maging totoo sa sarili at
magkaroon ng maayos na koneksyon sa ibang tao. Gaya ni Crisostomo, lahat ng Pilipino ay
maalahanin sa kapwa. Lahat tayo ay may katangian na gustong tulungan lalo na sa ating
pamilya na sila ang dahilan kung tayo ay lumaki ng maayos.

IV. Rekomendasyon
Ang rekomendasyon ng manunuri ay gandahan pa ang estilo ng pagkakasulat lalo’t
may mga salitang mahirap intindihin. Kailangan mababaw na salita lamang ang gagamitin
upang madali itong mapahiwatig sa mga mambabasa. Kailangan ring dagdagan kung ano ang
magiging kultura na masasalamin ng akda.

V. Reperensiya

Balon G. (February 2, 2013); Noli Me Tangere Kabanata 5: Isang Tala sa Gabing Matanglaw;
kinuha mula-https://prezi.com/ltejesnjtc1t/noli-me-tangere-kabanata-5-isang-tala-sa-gabing-
matanglaw/

Hularjervis (September 25,2014); Noli Me Tangere Kabanata 5: kinuha mula-


https://www.slideshare.net/Hularjervis/noli-kabanata-5-isang-bituin-sa-gabing-madilim
Navarossa, K. (February 5, 2017); Noli Me Tangere 5: Buod: kinuha mula sa-
https://www.slideshare.net/kiannanavarrosa/kabanata-5-71773119

You might also like