You are on page 1of 2

1.

PAGSUSURI SA LUPANG TINUBUAN ni Narciso Reyes Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. Ang ating susuriing kwento ay ang LUPANG TINUBUAN ni Narciso Reyes. Ang kwentong ito ay nagkamit ng parangal. Ang mga tauhan dito ay sina nDanding, ang pangunahing tauhan, Juana at Tiyo Gorio. Isa si Danding, kasama ang kanyang Tiya Juana at Tiyo Gorio sa mga taong naroon na uuwi sa lalawigan upang makipaglibing sa kanyang Tata Inong na pinsan ng kanyang ama. Sa kanyang pag-uwi ay marami pala siyang mga kamag-anak sa Malawig. At doon niya nakilala ang kanyang mga di-kilalang kamag-anak. Isa nga sa mga kamag-anak niya ay si Lolo Tasyo. Nagkuwento ang matanda kay Danding tugkol sa knayang Ama. Masasabing nabibilang ito sa toeryang historikal sapagkat gumamit ang awtor ng flashback sa buhay ng isang tauhan sa kwento. Nabibilang iton sa teoryang historikal spagkat tumutukoy ito sa mga kwento ng isang matanda sa pinagdaanan ng ama ni Danding noong bata pa siya. Kaparis ka ng iyong ama, Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama. Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala koy hindi siya titigil sa kaiiyak. 2. Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna- unahan niyang tulaisang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo. Ang mga katagang iyan ang ginamit ng awtor upang magbalik-tanaw sa mga pangyayari sa kwento. Kung ating papansinin ang katagang ito: pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita ng isang tao o indibidwal. Para bagang isa itong karanasan ng isang tao. Ang mga ito ay masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog ng awtor. Naipakikita rin rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin kagaya ni Danding nabigyan ng linaw ang kanyanmg mha tanong tungko sa kanyang ama. Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalungat sa bagyo at baha makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio. Dito na pumasok ang teoryang historikal dahil nabanggit ng may-akda ang kadakilaan ng ating mga bayani na si Rizal at Bonifacio. Hindi man deretsahang sianbi ng may-akda na nabuwis ng buhay ang dalawang bayani ginamit niya naman ang dugo upang maging simbolo sa katapangan ng mga ito Sinuri ni: Rodel Moreno Jr. BSEd III-A

un Cruz Reyes
Author profile

About this author edit data (photo by FidesRenovatio1202 of deviantART.com) (mula sa panitikan.com.ph) Si Jun Cruz Reyes ay isa sa mga natatanging muhon ng wikang Filipino at kamalayang Bulakenyo ng ating panahon. Mula 1993 hanggang 2004, kung kailan siya ay Assistant Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas, nakapaglabas siya ng maraming libro, kabilang ang Etsa-Puwera na nagkamit ng unang premyo sa National Centennial Literary Contest noong 1998 at National Book Award mula sa Manila Critics Circle noong 2001. Isa rin siyang magaling na guro na binigyan ng parangal bilang pinakamahusay na Assistant Professor ng College of Arts and Letters sa UP Diliman, Most Outstanding Faculty sa Polytechnic University of the Philippines, at ng is...more

You might also like