You are on page 1of 1

PANALANGIN NG LUMAD

Dakilang Lumikha, bukal ng aming buhay,


Ang araw-araw naming pagbangon sa evacuation
Ay araw-araw naming pasasalamat
Na kami'y buhay pa at humihinga.
May
May
May
May

sumusunog sa aming tahanan.


sumusunog sa aming paaralan.
umaagaw sa aming lupain.
kumikitil sa buhay namin.

Ngayong nakatingala kami sa langit,


Taimtim sa aming panalangin,
Iisa lang ang tanong namin:
Bakit ito ginagawa ng gobyerno sa amin?
Wala kaming ginagawang masama.
Kami ang ninanakawan
Ng korporasyong nagmimina!
Kami ang pinapaslang ng mga militar!
Pagod na pagod na kaming lumikas.
Ang bawat paglikas ay puno ng panaghoy.
Gusto na naming bumalik sa sariling bayan.
Gusto na naming bumalik sa sariling bayan!
Kaming mga Lumad, bata man o matanda,
Kami ay mamamayan ng bansa!
Kami ay may karapatan!
Kami ay lalaban!
-Mykel Andrada

You might also like