You are on page 1of 1

Nasa 125% ang suplay ng bigas ng NFA

Mykel Andrada
Nagtataka ang unyon ng mga empleyado ng National Food Authority (NFA) kung
bakit sa gitna ng kalamidad ng El Nino sa North Cotabato ay walang kahilingan mula
sa lokal na pamahalaan ni Gob. Lala Talino-Mendoza para sa suplay ng bigas.
Nagtataka at nagagalit rin sila dahil ang 15,000 sako ng bigas na hiling ng mga
magsasakang nagprotesta sa Kidapawan ay, kung tutuusin, maliit lamang kumpara
sa 125% na stocks ng bigas na mayroon ang NFA.
Sa katunayan, ayon Roman Sanchez, Pambansang Pangulo ng NFA Employees
Association, mayroong hindi bababa sa 20 milyong sako ng bigas ang NFA na
matatagpusan sa samu't saring warehouse nito sa buong bansa. May warehouse
ang NFA sa North Cotabato at maging sa Sultan Kudarat at Coronadal.
Ipinaliwanag rin ni Sanchez na sa nakalipas na 43 taon, walang rason ang NFA na
hindi maglabas ng suplay ng bigas laluna kung nasa state of calamity ang isang
bayan. May memorandum of agreement (MOA) ang NFA sa mga local government
unit (LGU), kung kaya't kailangan lamang na humiling ang LGU tulad ng North
Cotabato na mag-withdraw ng bigas. Nakasaad sa MOA na kailangan ang request
for withdrawal upang mapasinayaan ang paglalabas ng suplay ng bigas. Kung
walang order mula sa LGUs, hindi makapaglalabas ng kahit ano ang NFA, dagdag ni
Sanchez.
Inilinaw ni Sanchez na walang ipinag-utos o hiniling ang lokal na pamahalaan ng
North Cotabato o maging ng pambansang pamahalaan ni BS Aquino III. May sapat
na suplay ng bigas para sa kahilingang 15,000 sako ng bigas na hinihiling ng mga
magsasakang dinahas at pinaslang ng mga pulis.

You might also like