You are on page 1of 2

LAPIS at ang Makabayang Pagsusulat ng Album na Magalay sa Bayan

Marjo Malubay
Nakaiindak man ang mga musikang popular tulad ng kina Justin Bieber at
Ariana Grande, iba pa rin ang kurot sa puso ng tugtuging sariling atin. Sabi
nga ng Juan dela Cruz band sa kantang Ang Himig Natin: Ang himig natin /
Ang inyong awitin / Upang tayo'y magsama-sama / Sa langit ng pag-asa.
Higit na malapit sa damdamin ang mga awiting nagpapatampok sa mga isyu
ng taumbayan. Isang halimbawa nito ang adbokasiya ng grupong LAPIS o
League of Authors of Public Interest Songs na kolektibong lumikha ng
makabayang album na Mag-Alay sa Bayan. Produkto ito ng kolaborasyon ng
mga beterano at bagong-dugong musikero tulad nina Gary Granada, Boogs
Villareal, Karl Ramirez, Plagpul, Jimmy Melendrez, Xandra Bisenio, at ang
TRES Marias na binubuo nina Lolita Carbon, Bayang Barrios at Cooky Chua.
Katuwang rin ng LAPIS para sa produksyon ng nasabing album ang
MISEREOR at ang ArtisteConnect.
Ang Mag-Alay sa Bayan ay binubuo ng 16 na makabayang awitin na
nagpapatampok sa isyung kinakaharap ng mga Pilipino. Hindi karaniwang
naririnig sa radyo ang mga awiting kasama sa album na ito tulad ng Bayan
Muna, Guro, "Kababaihan Makapangyarihan," "Migranteng Manggagawa,"
at Katribo Ko na tumatalakay sa mga isyu tulad ng pambansang
soberanya, edukasyon, at mga katutubo sa Pilipinas.
Sa panahong ito na patuloy ang panggigipit sa mga karapatan ng mga
mamamayan, mahalaga ang papel ng kultura tulad ng awit para maging
buhay na praxis sa pagpapaalab ng diwang makabayan. Ayon sa LAPIS, nais
nila na magsilbing "platform" para sa mas maayos na bansa ang mga awiting
handog nila sa album. Magandang inisyatiba ang paglalabas ng mga
makabayang awitin dahil binubuksan nito ang kamalayan ng tao sa mga
bagong ideya. Tulad ng sinabi ni Mao Zedong, 'A single spark can start a
prairie fire."
Hindi lamang pinalalago ng mga inisyatibang tulad nito ang kaisipan ng
mamamayan. Hinihikayat rin nito ang mga batang musikero na lumikha ng
mga musikang makabayan.
Nananawagan ng kolektibong aksyon ang album, tulad ng maririnig sa
kantang "Mag-alay sa Bayan" na isinulat ni Karl Ramirez at itinanghal niya
kasama si Boogs Villareal:
"Ikaw ba'y naghahanap ng lunas?
Magsama tayo upang lumakas.

At ito ang panahon


Mag-alay sa bayan
Kumilos kayo
Baguhin ang mundo."

SIPON
Mykel Andrada
Bukas raw ay magtataas na naman ng presyo
ang langis. Dumaloy ang masaganang
sipon mula sa kanang kuweba ng aking ilong.
Ipinampunas ko ang kamisetang
may mukha ni Superman.
Kumapit ang ilang natirang lagkit
sa aking kaliwang hintuturot hinlalaki.
Piningot ko ang sariling ilong
at dahan-dahang suminga para bumulwak
ang naimbudong hangin sa aking mga tainga.
Humikab ako at narinig kong lumabas
mula sa mga tarangkahan kong labi
ang urong-sulong na hilik ng madaling araw,
ang paghaharutan ng mga pusa,
ang namamaos na tilaok ng tandang,
ang garalgal ng konstruksyon ng condo,
ang nangangasong sipol ng takore,
ang nagmumumog na makina
ng mga jeep, bus at iba pang sasakyan.
Hindi pa naiuutot ng aking mga tainga
ang lahat ng bigat ng hangin sa likod
ng aking noo. Lumabas ako ng bahay:
sing-itim ng gasolina ang mga ulap,
minamantsahan ang mayabang
at naninilaw na buwan.
Humatsing ako na parang sunud-sunod
na busina ng mga sasakyan,
na parang sabay-sabay na pagpadyak
ng nagmamartsang mga talampakan.

You might also like