You are on page 1of 5

WALANG PANGINOON

NI DEOGRACIAS A. ROSARIO

I. PAGPAPALIWANAG NG PAMAGAT

Isang masidhing damdamin ang masasalamin natin sa pamagat, merong


hinanakit at pang-uuyam. Mailalarawan base sa pamagat na "walang panginoon" na ang
Diyos ay hindi ka na pinapaboran at puro pasakit na lamang ang nararanasan. Walang pag-
unlad at magandang pangyayari ang dumarating, isang masaklap at madilim na buhay.

II. TEMA

Ito ay tungkol sa isang matapang na magsasaka na handang ipagtanggol


ang kanyang pamilya sa hindi pagkakapantay-pantay , pagiging ganid at
mapang-abuso sa kapangyarihan ng mayayaman.Ang pagiging sakim sa
kapangyarihang tinataglay ang magdadala sa hidwaan at hindi
pagkakaunawaan at pagkitil sa isang buhay.

III. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG AKDA

Ang akdang Walang Panginoon ay isang maikling kwento na obra-maestra


ni Deogracias Rosario. Si Deogracias Rosario ay isinilang sa Tondo Maynila
noong ika-17 ng Oktubre taong 1915.Sya rin ang sinasabing Ama ng Maikling
Kwentong Tagalog sa bansa. Ilan sa kanyang mga naisulat ay ang mga
sumusunod: Ako’y mayroong Isang Ibon,Ang Dalagang Matanda,Manika ni
Tadeo,Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa.Namatay siya noong
Nobyembre 26,1936 sa edad na 42. Naisulat nya ang Walang Panginoon dahil
sa kanyang pagiging makawika at makabayan.

IV. PAGPAPAKILALA SA TAUHAN

Marcos – ang pangunahing tauhan sa kwento.Namatayan ng ama ,kapatid at


kasintahan. Noong una ay nagtitimpi pa siya sa kanyang nararamdamang galit
ngunit sa gitna ay hindi niya na ito napigilan at siya ay gumanti na kay Don
Teong.

Ina ni Marcos – (walang pangalan sa kwento) maunawain at maalalahanin.

Don Teong – ang sakim na kumakamkam ng lupain nina Marcos. Ang siyang
pumatay sa sariling anak na si Anita.
Anita- anak ni Don Teong, isang dalagang matapos mag-aral sa Maynila ay
bumalik sa nayon nila. Sila ay nag-iibigan ni Marcos.Ngunit pinaslang ng
sariling ama.

Kalabaw- alaga ni Marcos na mahal niya sa lahat ng mga alaga niya. Kung
umaga'y kasama niya ito sa pagsasaka, at kung gabi'y iniiwan sa dulo ng
lupang nililibot ni Don Teong araw-araw.Siya ang ginamit upang kitilin ang buhay ng
ganid na si Don Teong .

V. MGA KULTURA NA MASASALAMIN SA AKDA

Ang kanyang akdang ginawa ay sadyang kahanga-hanga.Sa aking


pagsususuri sa mga tauhan iisa lang ang katangian ng karakter sa simula
hanggang sa huli katulad ni Marcos sa simula palang galit at poot ang
kanyang ipinapakita sya ang sumisimbolo sa mga Pilipino na walang
kakayahan na ipaglaban ang kanilang karapatan. Si Don Teong naman ay
karakter ng isang mayamang asendero na walang ginawa kundi magpayaman
sya naman ang sumisimbolo sa mga taong mapagmataas . Sa tagpuan naman
na sa Kabukiran. Ito naman ay sumisimbolo sa ating bansa na kung saan ay
walang pantay na pagtingin sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.Sa
kabuuan maganda ,maayos at madaling maiintindihan ang mga bagay na nais
iparating sa mga mambabasa.

VI. MGA PILOSOPIYA

"Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin; magtanim ng kalupitan, tiyak
ika'y babalikan."

"Dapat pantay-pantay ang pagtingin sa bawat isa walang mahirap o


mayaman."

"Ang bawat isa sa atin ay may galit o poot sa ating mga puso at damdamin na
dapat mailabas upang gumaan ang ating mga nararamdaman."

"Ang bawat isa sa atin ay marunong magpatawad. Kung ang ating Panginoon
nga napatawad tayo. Tayo pa kayang mga tao lamang.Dapat ding isipin natin
ang mga bagay bago natin gawin ito."

"Huwag dungisan ang sariling mga kamay para sa hustisyang nais makamtan."

VII. GAMITAN NG TEORYA


Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario na Walang Panginoon ay ginamitan
ng Marxismong kritisismo.Kung susuriing mabuti ang pangunahing suliranin
tungkol sa pag-agaw, pagbuwis at paglisan mula sa saka, makikita ang isyu ng
class struggle kung saan ang matataas na uri ay may kakayahang samsamin
kung anuman ang mayroon ng mga mahihirap. Hindi rin binigyang halaga ang
karapatan o katwiran ng pamilya ni Marcos ng sistemang judicial dahil sa
pagiging mahirap nila. Bunga nito ang pang-aapi at pagsasamantala ni Don
Teong sa pamilyang hindi na aahon pa mula sa kahirapan, habang patuloy na
yumayaman si Don Teong. Ito rin ay pumapatungkol sa malaking agwat ng
mahihirap at mayayaman sa isang lipunan na siyang tinutuligsa ng Marxismo.

Mahalaga ring tingnan ang pag-iibigan nina Marcos at Anita na tila


isang kasuklam-suklam na kasalanan para kay Don Teong na naitulak pa ang
sariling bugbugin ang anak pagkatapos mabatid ang pag-iibigan ng dalawa.
Dito pumapasok ang pagbubukod ng mga mayayaman sa mga mabababang uri
o alienation mula sa lipunan.

Ang paghihiganting ginawa ni Marcos ay isang pagtugon sa teorya ng


Marxismo sa kamatayan ng kapitalistang uri dulot ng pag-aalsa ng mga
manggagawa. Sa huling talata ng kuwento ipinahayag ang pagbuwag ng isang
kapangyarihang mapang-api at ang paglaya ng isang mahirap sa mga kamay
ng mataas na uri.Isang kasangkapan ang pamagat sa pagpapatingkad ng
pangkalahatang tema ng kuwento-angpagpatay sa isang sistemang walang
katarungan at isang kalakarang tagilid at pabor lamang sa mayayaman.

Ang pagbanggit ng "walang panginoon" sa hulihan ng kuwento ay isang


pag-asam ng isang lipunang walang mataas at walang mababa, isang lipunang
komunismo. Ang panginoon ay kumakatawan sa mga tao o bagay na
pinagmumulan ng kapangyarihan na nagbubunga sa isang mapang-
apingsistema na sanhi naman ng pagdurusa ng mga mahihirap. Sa pagpatay
kay Don Teong sa hulihan ngkuwento ay isang paraan ng pagpapahayag ng
mensahe na ang patuloy na pang-aabuso ng isang tao samga mabababa sa
kanya ang siyang maghahatid sa kanya sa ilalim ng lupa. Mangyayari lamang
ito kapag may mga nakatataas at may naaapi kung kaya’t ang pamagat ng
kuwento ay ang pagnanais nawalang panginoon.
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE

STA. MARIA CAMPUS

WALANG PANGINOON

ISANG PAGSUSURI

BAHAGING PANGANGAILANGAN

SA LIT. 101: SOSYEDAD Y. PAMPANITIKANG

PANLIPUNAN

ISINOMITE KAY:

G. JOHN PAUL RIC B. CORPUZ


ISINOMITE NI:

NIÑO D. PAGUERGAN

BSHM II- A

You might also like