Professional Documents
Culture Documents
ROSARIO
1.PAGLALARAWAN- magagawa ng mag-aaral na maipahayag sa sariling
pangungusap, pasalita o pasulat man ang tungkol sa kanilang binasa.
Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario, Walang Panginoon, ay umiikot sa isang
maralitang pamilya at sa kanilang pakikipagtunggali sa mga mayayamang
nagsasamantala sa kanila. Mababatid ang pagtatagisan ng dalawang puwersa,
ang naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong at ng mababang uri na
makikita sa tauhang si Marcos. Kung susuriing mabuti ang pangunahing suliranin
tungkol sa pag-agaw, pagbuwis at paglisan mula sa saka, makikita ang isyu ng
class struggle kung saan ang matataas na uri ay may kakayahang samsamin
kung anuman ang mayroon ng mga mahihirap. Hindi rin binigyang halaga ang
karapatan o katwiran ng pamilya ni Marcos ng sistemang judicial dahil sa
pagiging mahirap nila. Bunga nito ang pang-aapi at pagsasamantala ni Don
Teong sa pamilyang hindi na aahon pa mula sa kahirapan, habang patuloy na
yumayaman si Don Teong. Mahalaga ring tingnan ang pag-iibigan nina Marcos at
Anita na tila isang kasuklam-suklam na kasalanan para kay Don Teong na
naitulak pa ang sariling bugbugin ang anak pagkatapos mabatid ang pag-iibigan
ng dalawa. Dito pumapasok ang pagbubukod ng mga mayayaman sa mga
mabababang uri mula sa lipunan.
PAGLALARAWAN SA MGA TAUHAN:
MARCOS
-naging kasintahan ni Anita
-may malaking galit kay Don Teong
-matapang
ANITA
-pumanaw na anak ni Don Teong
-naging kasintahan ni Marcos
-maganda, mayaman
DON TEONG
-ama ni Anita
-malupit, sakim, mayabang, mapagsamantala, makasarili, maang-angkin,
mayaman
KALABAW
-nakapatay kay Don Teong
-may matutulis na sungay
-mabagsik
INANG
-ina ni Marcos
-mabait, maaalalahanin, mapagmahal
PAGLALARAWAN SA TAGPUAN:
Ang kwento ay naganap sa isang bukid sa bayan nila Marcos at Don Teong.
PAGLALARAWAN SA TUNGGALIAN:
Tao laban sa tao
Sa simula pa lamang ng kwento alam na agad natin ang tunggalian sa pagitan
nina Marcos at Don Teong. Iniisip ni Marcos kung paano siya makakaganti kay
sa mga kasamaang ginagawa nito.
PAGLALARAWAN SA SULIRANIN:
Ang kanilang suliranin ay ang kalupitan at kasakiman ni Don Teong sa
pagkamkam ng lupa at pagsingil ng buwis sa mag-ina.
PAGLALARAWAN SA SAGLIT NA KASIGLAHAN:
Nakatanggap ang mag-ina ng kautusan na nagpapaalis sa kanila sa kanilang
lupang sinasaka at tinitirhan kaya lalong nag-aapoy ang galit ni Maros kay Don
Teong.
PAGLALARAWAN SA KASUKDULAN:
Bumili si Marcos ng mga damit at kagamitang kamukha ng kay Don Teong at
pinahirapan niya ang kalabaw nito. Isang hapon ay nakita ng kalabaw si Don
Teong at sinuwag niya ito sa pag-aakalang siya ang nanakit at nagpahirap sa
kanya.
PAGLALARAWAN SA WAKAS:
Namatay si Don Teong dahil sa mga suwag ng kalabaw. Hindi na naiinis si
Marcos sa animas dahil naipaghiganti na niya ang mga mahal niya sa buhay na
pumanaw.
BANGHAY:
Tradisyunal ito ay nag-umpisa sa simula, gitna hanggang sa magwakas. Ang
nagpapagulo lang dito ay ang ilang pagbabalik-tanaw sa pag-iibigan nila ni Anita.
Simula: Nagbubuwis pa lang sa lupa sina Marcos
Gitna: Ipinadala ang mensahe na palalayasin na sila sa lupa nila
Wakas: Lumaban na si Marcos at namatay si Don Teong
PANINGIN:
Pangatlong tauhan (ang ginagamit ay sila atbp). Hindi natin masasabi na ito ay unang
tauhan sapagkat hindi inilagay ni Deogracias A. Rosario ang kanyang sarili sa sinuman
na tahuhan sa kwento. Hindi rin maaari ang Maka-Diyos na paningin sapagkat hindi
lahat ng kilos ni Marcos at ni DonTeong ay nababasa natin.
PAGDULOG SOSYOLOHIKAL
Masasabi namin na ito ay napapabilang sa pagdulog sosyolohikal sapagkat ito ay
tumatalakay sa mga kalagayang sosyal, ang kapamuhayan, ang mga sitwasyong naguudyok ng karahasan, nagtutulak sa tao ng ganoon at ganitong buhay, mga
pagkakataong naging sanhi o bunga gaya ng pang-aapi at pagkaapi. Sa kwento ng
Walang Panginoon ipinapakita nito ang agwat ng mayaman at mahirap katulad
halimbawa ng hindi rin binigyang halaga ang karapatan o katwiran ng pamilya ni
Marcos ng sistemang judicial dahil sa pagiging mahirap nila. Bunga nito ang pang-aapi
at pagsasamantala ni Don Teong sa pamilyang hindi na aahon pa mula sa kahirapan,
habang patuloy na yumayaman si Don Teong. Sa huling talata ng kuwento ipinahayag
ang pagbuwag ng isang kapangyarihang mapang-api at ang paglaya ng isang mahirap
sa mga kamay ng mataas na uri.
Marcos: ."Dahil sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, kaya ayaw kong marinig ang
malungkot na tunog ng batingaw,"
Tagapagsalaysay: Sa wari ng matanda ay nababasa niya sa mga mata ng anak ang
lihim ng puso nito. Naiisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay sapagka't hindi pa
natatagalang namatay si Anita. Ang magandang anak ni Don Teong, ang mayamang
may-ari ng lupa na kanilang binubuwisan. Nalaman ng ina ni Marcos na lahat ng
pagsisikap ng anak sa bukid, lahat ng pag-iimpok na ginagawa upang maging isang
ulirang anak pawis ay ukol kay Anita. At siya'y namatay! Ito ay nais niyang aliwin
sapagkat bilang magulang ayaw niyang nasasaktan ang kanyang anak. Kung maaari
sana'y mabunutan niya ng tinik ang dibdib ang kanyang anak. Kayat gumagawa siya ng
paraan upang aliwin ang anak. At ito ang mga pangyayari
Inang: ."Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka
kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara, Walang pagsalang
masasayahan ka roon.
Marcos: "Si Inang naman,"
Tagapagsalaysay: Iyon na lamang ang nasabi ni Marcos sapagkat ala ni Marcos na
nais lamang siyang libangin ng kanyang ina. Kung nalalaman lamang ng kaniyang
Inang ang lahat, ang nasasabi ni Marcos sa kanyang sarili samantalang minamasdan
niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan, na
ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita. Hindi alam ng inang ni Marcos ang tunay na
dahilan ng kamatayan ni Anita. Kinaumagahan ay pinag-uusapan ng mag-ina ang
kanilang mapait na kapalaran
Inang: Marcos anak may dumating na sulat galing sa korte.
Marcos: Ano daw ang sabi nang?
Inang: Pinapaalis na tayo ni Don Teong sa lupang sinasakahan natin dahil hindi na daw
tayo nakakabayad ng buwis.
Marcos: Inang matalim ba ang itak ko?
Inang: Diyos ko anak ano bang pinagsasabi mo? Bakit ka mag-iisip nang gayon, tayo
na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig!" {yayakapin ang anak}
Marcos: Nais ko talagang gantihan si Don Teong sa aking sariling mga kamay sa mga
ginanagawa niyang pagpapahirap sa atin.
Inang: Huminahon ka anak,hindi natutulog ang Bathala may awa siya sa ating mga
maliliit.
Itoy tila isang takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang marami pang
ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si Don Teong ay walang
ipinagkaiba sa mga leeg ng manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang
hininga. Sa hangad na mahamig na lahat ang kayamanang gayong minana sa kanilang
mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagbubuwis pa. Isang gabi ay umuwi si
Marcos na tila hapong hapo at nakasuot pa ng paris ng gayak ni Don Teong.
Inang: "Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at latigo, anak ko?"
Marcos: "Inihahanda ko po iyon sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong.
Tagapagsalaysay: Talagang nahihiwatigan ang kanyang inang sa kanyang mga
isinasagot subalit nanatIli na lamang itong walang kibo kahit pa kinakabahan siya sa
maaaring kahinatnan nito. Ang totoo kasi, ang naturang kalabaw ni Marcos ay
nakapugal sa hangganan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na
lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang suwiter, saka dala ang latigong katulad ng
pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng
palo ang kalabaw hanggang sa ito'y umuungol na ang alingawngaw ay abot hanggang
sa kalagitnaan ng bayan. Ugali na ni Don Teong ang maglibot tuwing hapon sa paligidligid ng kanyang lupa. Ang pinangangambahan ng inang ni Marcos ay baka
magkasalubong sila at hindi makapagpigil sa isat isa dahil sa alitan sa lupa. Hanggang
isang hapon,kumalat sa bayan ang balitang si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag
ng kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay Don
Teong ay tila may sinumpang galit sapagka't bigla na lamang sinibad ang matanda at
nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Ang katawan ni Don
Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan, wasak ang suwiter sa katawan at saka
ang pulinas. Agad na kumilos ang maykapangyarihan sa lugar para ag imbestiga at
nalaman nila na kay Marcos ang kalabaw na nakapatay kay Don Teong. Hindi nila
malaman kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga
niyang hayop.Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto
na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw, hindi siya
nababahala.Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig ito. Sa
halip na idalangin, ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya'y ang matapang
niyang kalabaw.
"Mapalad na hayop na walang panginoon," ang naibulong ni Marcos sa kanyang
sarili.