You are on page 1of 5

INDIVIDUAL WORKSHEET(to be submitted)

MF 15 – MAIKLING KUWENTO AT NOBELA

( FINALS) Week 19

Pangalan : KYLA MAY T. ANDRADE BSED III

Pagsagawa ng pagsusuri ng isang maikling kuwento. Sundin ang mga gabay at balangkas ng
pagsusuri.

I. Introduksyon

Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang
magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba.
Si Deogracias A. Rosario ay ang Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din siya sa
ilalim ng mga alyas na Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at
Rosalino. Isa nang manunulat sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa Ang Mithi, isa sa tatlong
naunang pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.
Napanood mo ba ang nakaraang kabanata ng palabas sa telebisyong May Bukas Pa, na
pinagbibidahan ni Zaijian Jaradilla, ang Miracle Boy, kung saan si Donya Anita ang sinisisi sa
pagkamatay ng isang magsasaka? Isa lang ang namatay sa insidenteng iyon ngunit halos lahat ng kamag-
anak at mga magsasakang konektado sa namatay na si Mang Policarpio ay napuno ang sama ng loob kay
Donya Anita. Dahil sa kasakiman ni Donya Anita, pinaalios niya ang mga tao sa lugar na iyon at sinabing
siya ang legal na may-ari ng lupa.
Ngunit, anong kinahantungan sa kontrabida ng mga magsasakang si Donya Anita? Si
Donya Anita ngayon ay napakulong. Sa napakagaling na pagpapalanong paghihiganti ng magkapatid na
Gonzalvo at Martin Policarpio, nagawa nilang ipakulong si Donya Anita sa kabila ng pagiging malapit at
pagtuturing sa kanilang pamilya ni Donya Anita.
Ang kwentong isinulat ni Deogracias Rosario na may pamagat na Walang Panginoon ay
may pagkakatulad sa nabanggit na kabanata ng naturang palabas. Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario,
Walang Panginoon, ay umiikot sa isang maralitang pamilya at sa kanilang pakikipagtunggali sa mga
mayayamang nagsasamantala sa kanila. Mababatid ang pagtatagisan ng dalawang puwersa, ang
naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong at ng mababang uri na makikita sa tauhang si Marcos.
Ang maikling kwentong ito ay nagpapakita ng katatagan at pagiging makatao. Lahat tayo’y ayaw maging
alipin, kung kaya’t nararapat na walang sinuman ang dapat magpapa-alipin.

II. Mahahalagang talasalitaang dapat maunawaan

III. Pagsusuri ng mga mahalagang tauhan

MARCOS
Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na punung-puno ng galit
sa asenderong si Don Teong.

Sa simula ng kwento, si Marcos ay nagdedeliryo habang naririnig ang tunog ng kampana ng


simbahan tuwing ika-walo ng gabi. Sa bagay na iyon, naipakita ni Deogracias Rosario na marami na
talaga ang mga paghihirap na nadanas ni Marcos at parang nagka-‘phobia’ na si Marcos dito. Napansin
ko rin na madalas kausapin ni Marcos ang kaniyang sarili at bawat dayalogo niya sa kwento ay
nagtatapos sa panandang-pandamdam. Naisip ko tuloy na laging pasigaw ang kaniyang mga linya. Ang
mga linyang iyon ni Marcos para sa akin ay nakadagdag damdamin sa takbo ng kwento. Sa simula pa
lang ng kwento ay galit na galita na agad si Marcos kay Don Teong. Siya ang taong may matinding
pagsubok at masalimuot na karanasan sa buhay dahil lamang sa iisang taong nagdulot ng pagkamatay ng
kayang ama at dalawang kapatid, karapatan at minamahal. Sa dami na nag kaniya mahal sa buhay na
nawala, si Don Teong ang talagang sinisisi niya sa pagkawala nila, kya ganoon na lamang ang kaniyang
pagkagalit sa asendero. Napuna kong may pagka-anti-social itong si Marcos. Sa mga ikinikilos niya,
napansin kong si Marcos ay isang taong ang iniisip ay walang magandang bagay ang nasa mundo. May
pagka-anti-social din siya, halimbawa noong inalok siya ng kaniyang ina na pumunta sa kubo ni Bastian
pero di naman siya sumunod. Iyan ang mga katangian ni Marcos. Pero sa kabila ng mga katangian niyang
ito ay nakaisip pa rin siya ng paraan kung paano siya makakapagiganti kay Don Teong, iyon ay ang
paggamit niya sa kaniyang alagang kalabaw.
Ayon sa aking pagsusuri, maganda ang pagkakatagpi-tagpi ng mga katangian kay Marcos. May
kakaiba siyang katangian. Magaling ang naisip na paraan ni Marcos kung paano siya makakaganti kay
Don Teong. Biruin niyo yun, sino ba naman ang makakaisip na gamitin ang alaga sa pagpatay? Ang
karakter ni Marcos ay iisa mula sa simula hanggang sa huli ng kwento. Ang kaniyang gustong mangyari
ay nakaharap niya sa bandang huli. Sa hulihan ng kwento, nang mamatay na ang kaniyang kaaway na si
Don Teong, nawala na ang kaniyang pagdedeliryo sa tunog ng kampana dahil alam niya sa sarili niya na
ang wala na siyang dapat ipangamba pa dahil wala na si Don Teong sa landas nilang mag-ina.
Ayon sa aking pagsusuri, si Marcos ang simisimbolo sa mga mabababang uri ng tao sa ating
lipunan. Sila ang mga taong palagi na lang inaapi ng mga mataas na uri ng tao sa lipunan. Sila ang nasa
baba ng tatsulok ng lipunan kung saan ang mga matatas ay ang palaging nasa tuktok ng tatsulok.
Bumagay sa karakter ni Marcos ang awitin ng Bamboo ang ‘Tatsulok’ kung saan sabi sa isa sa mga linya
nito: ‘habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, hindi matatapos ang gulo..’ Si Marcos ang natapos sa
gulo na namamagitan sa mga taong nasa taas at baba ng tatsulok. Pra sa kaniya, walang panginoon, ibig
sabihin, walang nararapat mag-astang hari o panginoon sa atin dahil ang bawat tao ay nararapat na
maging pantay-pantay.

DON TEONG
Si Don Teong ang mayamang asendero na sinisisi ni Marcos sa pagkamatay
ng kaniyang ama, dalawang kapatid at ni Anita.

Si Don Teong ay katulad di ng ibang karakter sa ibang kwento. Siya ang kontrabida. Aking sinuri
ang kaniyang karakter at ito ang resulta ng aking pagsusuri.
Si Don Teong ay mayamang asendero na wala nang iba pang hinangad kundi ang paglago at
pagbunga ng kaniyang kayamanan. Siya daw ang dahilan kung bakit namatay ang anak nitong si Anita na
kasintahan naman ni Marcos. Hindi niya pinahalagahan ang kaniyang anak kaya ang ginawa niya ay
sinaktan ito hanggang sa mawalan ng hininga. Hindi niya matanggap na ang kaniyang anak ay
nakikipagrelasyon sa mga mababang uri ng tao o mga mahihirap. Tulad ng mga napapanood natin sa
telebisyon, ang bidang babae ay anak ng mayaman at ang bidang lalaki ay mahiap lamang (Yoon ang
tinatawag na langit-lupang pag-iibigan) at ang gagawin naman ng mga magulang nga mayamang karakter
ay paghihiwalayin silang dalawa.
Si Don Teong ay hindi mabait na amo sa kaniyang mga tauhan. Sinabi nga ni Marcos na siya ang
dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Ang kaniyang ama at dalawang kapatid ay
matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya. Sa halip na sila ay panatilihin sa kanilang trabaho, ang
ginawa ni Don Teong ay tinangggal sila sa trabaho at dahil doon, namatay sa sama ng loob ang kaniyang
dalawang kapatid at ama.
Si Don Teong ay isang makapangyarihang tao. Pinagbabayad niya ng buwis sina Marcos kahit
alam niyang hindi naman iyon sa kaniya at iyon ay kina Marcos. Sinasamantala niya ang pagiging
mahirap nina Marcos upang sila ay patuloy na maghirap. Alam niyang walang kakayahan sina Marcos na
ipagtanggol ang kanilang karapatan sa lupa kaya hinayaan niyang magbayad ng buwis ang pamilya ni
Marcos.
Ayon sa aking pagsusuri, si don Teong naman ang sumisimbolo sa mga taong matataas ang antas
sa lipunan at sila ang mga taong nasa tuktok ng sinasabing tatsulok ng lipunan. Madalas sila ang mga
taong nang-aapi sa mga nasa ibaba o mga mahihirap. Sila ay mga magagaling manamantala sa kahinaan
ng mga mahihirap sa paligid nila.

INA NI MARCOS
Siya ina ni Marcos na palaging nagpapakalma sa
galit na nararamdaman ng kaniyang anak para kay Don Teong.

Tahimik lang ang ina ni Marcos. Siya ang palaging tagahupa ng galit ni Marcos kay don Teong.
Alam na alam niya kung paano mag-isip ang kaniyang anak kaya ganoon na lamang siya kaalaga dito.
Kahit na siya mismo ay may matinding galit kay Don Teong, wala siyang ginagawang paraan kung pano
niya mapipigilan ang patuloy na sistemang ito. Hindi man siya gumawa ng paraan para ipaghiganti ang
kaniyang asawa, alam niya sa sarili niya na Diyos na ang bahala sa pagpaparusa sa taong nagkamali sa
kaniya.
Siya ang taong sumisimbolo sa mga taong nasa ibaba ng tatsulok ngunit wlang
ginagawang hakbang para maputol ang kaniyang paghihirap. Ang lahat ng bagay sa kaniya ay kaniyang
tinatanggap dahil alam niyang wala siyang magagawa kundi ang tanggapin ang mga ito.

IV. Buod ng maikling kuwento.

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang
asenderong si Don Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang
dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang
kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang
galit kay galit kay Don Teong, kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si
Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa
pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.
Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang
minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan,
napipilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari. iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang
ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal
nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang
ahilan ng pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si
Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi
katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hidni pa aman
humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis na
sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong
pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang
tinitihan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang
si Don Teong.
Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano
siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong at kaniyang pinahihirapan
ang kaniyang paboritong alagang kalabaw. Ginawa niya iyon upang magalit ang kalabaw sa imahe ni
Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang
mamasyal sa bukid si Don Teong nag hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at
hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina
sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si
Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad ng
dati na ayaw na ayaw niya itong marinig. Sa halip na ipanalangin niya ang kaluluwa ng namatay na si
Don Teong ay mas inisip pa niya ang kaniyang matapang na kalabaw.

V. Pagsusuri ng kabisaan ng maikling kuwento sa mambabasa.

Bisa sa Isip – hindi ko lubos maisip kung paano yoon nangyari kay Don Teong dahil hindi naman
ganoon kaliko ang sungay ng kalabaw para ito ay makapanuwag ng tao. Napakalakas naman ata ng
kalabaw na iyon upang masuwag niya ang isang tao at nakayanan pa nitong sambutin ito gamit ang isa
pang sungay.
Bisa sa Damdamin – Ang bawat isa talaga sa atin ay mga nararamamang poot at galit sa ating
mga puso na kinakailangang ilabas upang ang gumaan ang ating nararamdaman. Naramdaman ko kung
ano ang nararamdaman ng isang taong nagpipigil ng kaniyang galit sa isang tao.
Bisa sa Moral – Dapat tayong matutong magpatawad; kung ang Diyos nga nagpapatawad, tayo
pa kayang mga tao. Ating iisipin ang magiging kalabasan ng ating mga desisyon at mga gagawin sa
buhay.

VI. Pagsusuri ng tema ng teleserye


Ang kwento ay pangkatauhan dahil ang ugali at katangian ng mga tauhan ang nagbigay
ganda sa kwento. Ang pagiging agresibo ni Marcos; pagiging mapang-api ni Don Teong; at
pagiging matimpi ng ina ni Marcos. Ang mga ugali at katangian ng bawat tauhan ang
nagpatakbo ng istorya. Ang lahat ay nagsimula sa pang-aapi ni Don Teong, hanggang sa
magalit na talaga itong si Marcos at ang patuloy na pagtitimpi ng kaniyang ina.

VII. Pagsusuri sa Layunin ng May-akda

A. Ano kaya ang layunin ng Mga Detalye ng Pagpapatunay


may-akda para sa kanyang
sarili?

B. Ano kaya ang layunin ng Mga Detalye ng Pagpapatunay


may-akda para sa
mambabasa?

C. Ano kaya ang layunin ng Mga Detalye ng Pagpapatunay


may-akda para sa lipunan
at sa pangkalahatan?

VIII.Paggamit ng mga Teoryang Pampanitikan – Suriin ang mga ginamit na teoryang


pampanitikan. Piliin yaong ginamit at angkop lamang sa akda at lagyan ng nararapat na
patunay buhat sa aklat.
1. Humanismo
2. Imahismo
3. Realismo
4. Romantisismo
5. Eksistensyalismo
6. Naturalismo
7. Sosyolohikal
8. Feminismo
9. Dekonstruksyon
10. Simbolismo
IX. Pansariling Reaksyon
Bakit dapat itong basahin o hindi babasahn? Ano ang natutuhan mo na gusto mong
isagawa o isapuso? Ano ang bago mong pagtingin sa lipunan at pangkat na iyong
ginagalawan?

You might also like