You are on page 1of 17

Magandang Hapon

Ako ko
Ikaw natin
Sila tayo
Siya Kami
Pag-aralan Natin

Ang panghalip ay bahagi ng


pananalita na ginagamit na
pamalit sa ngalan ng tao,
hayop, bagay, lugar, at gawain
o pangyayari. Ito ay may apat
na uri: panao, pananong,
pamatlig, at panaklaw.
Panghalip Panao
Panghalip Panao

Ang panghalip panao ay salitang


inihahalili sa ngalan ng tao.
Ginagamit ito upang hindi na ulit-
ulitin pa ang pagbanggit sa pangalan.
May tatlong panauhan (nagsasalita,
kausap, at pinag- uusapan) at tatlo
ring kailanan (isahan, dalawahan,
at maramihan) ang panghalip panao.
Mga Halimbawa:

▪ Sa isang isang liblib na lugar na malapit sa dagat ay


may nakatirang mag-asawa. Kilala sila sa kanilang
kayamanan at kasikatan. (tao)

▪ Marahil, ngayon lamang ninyo narinig ang salitang


halibut. Ito ay isang uri ng
isda na kilala rin sa tawag na “dapa” o “lapad.”
(hayop)
▪ “Simple lamang ang hinihingi ko sa inyo mula sa pag-aari
ko. Ito ay babawiin ko na! (bagay)
▪ Sa tabing dagat, kung saan sila nagtatrabaho, ay nagtataka
ang mga trabahador.
“Bakit wala na sila rito.” (lugar)

▪ Tila abusado ang mag-asawa sa paggamit ng mga pinong


lambat at dinamita.
Ginagawa nila ito para kumita ng mas malaki. (gawain o
pangyayari)
Mga Halimbawa:
▪ Ako ang may-ari ng karagatan. (nagsasalita, isahan)
▪ Kita nang manglambat ng mga isda. (nagsasalta, dalawahan)
▪ Tayo ay sumunod sa mag-asawang Halibut kung ayaw
nating magutom. (nagsasalita, maramihan)
▪ Dalhin mo roon ang mga huling isda. (kausap, isahan)
▪ Isinumpa nakayo ng makapangyarihang Bathala. (kausap,
maramihan)
▪ Siya ay malupit na amo. (pinag-uusapan, isahan)
▪ Sa kanila ibinigay ang lahat ng yaman sa karagatan.
(pinag-uusapan, maramihan)
Pag-aralan ang tsart sa ibaba

Panauhan Kailanan
Isahan Dalawaha Maramihan
n
Nagsasalita Ako, ko, Kita, Kami, tayo,
kata natin, namin,
akin amin, atin
Kausap Kayo, ninyo,
Ikaw, ka,
mo, iyo inyo
Pinag-uusapan Siya, Sila, nila,
niya, kanila
kaniya
Mga Halimbawa:

▪ Nakita ko si Ana, siya ay bumuli sa tindahan.


▪ Ang pamilya ay nasa parke, sila ay nagkukwentuhan.
▪ Ako ay mahilig magbasa.
▪ Siya ay malakas kumain.
▪ Kami ay pupunta sa Baguio.
Panghalip Pananong

Ang panghalip pananong ay


panghalili sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, gawain, at iba pang
gamit sa pagtatanong. Maaring ito
ay isahan o maramihan.
Pag- aralan ang talahanayan

ISAHAN MARAMIHAN KINAKATAWAN

Sino Sino-sino Tao


Kanino Kani-kanino Tao
Ano Ano-ano Hayop,bagay
lugar,gawain

Alin Alin-alin
Hayop,bagay
lugar, gawain
Halimbawa:
•Sino ang diyos ng karagatan sa “Alamat ng Halibot?”
- Si Amanikable ang diyos ng karagatan.

Pansinin:
Ang sino ay panghalip na ginagamit sa pagtatanong upang
matukoy ang isang tao o pangalan ng isang tao.
13

- Sino ang diyos ng karagatan sa “Alamat ng Halibut?”


Ginagamit ang sino bilang pamalit sa mga pariralang
pangngalan kung saan ng pangngalan ay tumutukoy sa isang
tao.

- Si Amanikable ang diyos ng karagatan.

Ang pariralang pangngalan na pinapalitan ng sino ay


nagsisimula sa si o ang.
14
Iba pang Halimbawa:
Kani-kanino ipinagkaloob ni Amanikable ang karagatan?

- (Kina Trabahador 1, Trabahador 2, ...


Kasambahay 1, ...)
Isahan Maramihan

__________ ang mga bayani ng ating


Sino ang bayani ng ating bansa?
bansa?
__________ ang mga handa sa
Ano ang handa sa pagdiriwang?
pagdiriwang?

Saan ang lugar na mainam __________ ang mga lugar na


magbakasyon? mainam magbakasyon?
Paano malalaman kung ang salitang
pananong ay panghalip na
pananong? Dalawang bagay ang
dapat malaman

Kung ang salita ay Kung ang salita ay


ginagamit sa simula o ginagamit bilang
malapit sa simula ng pamalit sa pangngalan, 16

pangungusap na pariralang pangngalan,


patanong. o kapwa panghalip.
Subukan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1.Ano ang panghalip?

2.Ano ang panghalip panao? Ang panghalip pananong?

3.Paano makikilala ang mga panghalip pananong?

You might also like