Kung ihahalintulad mo ang iyong sarili sa isang hayop, ano ito at bakit? PABUL A Pabula at mga Elemento Nito 1. Ano ang mga katangian ng pabula bilang isang akdang pampanitikan? 2. Paano napalulutang ng paggamit ng hayop bilang tauhan ang mensahe o aral ng mga kuwento? 3. Bakit mahalagang basahin at talakayin ang pabula hanggang sa kasalukuyan? Ano ang Pabula?
● Ang pabula ay isa sa pinakamatatandang uri ng
panitikan. ● Mga hayop ang gumaganap na tauhan sa kuwentong ito. ● Kumikilos at nagsasalita sila na parang mga tao. ● Madalas na kathang-isip ang ganitong mga kuwento o may sinasalamin sa totoong buhay o pangyayari. Paano nagsimula ang PABULA? AESOP Tinaguriang Ama ng mga Sinaunang Pabula AESOP Naging tanyag ang kalipunan niya ng mga pabula na umabot sa halos 200 akda. Mga Elemento ng Pabula 1. Tauhan
● Sa elementong ito nakikilala kung sino-sino ang
gumaganap sa kuwento. ● Karaniwang tauhan sa isang pabula ang mga hayop na nag-iisip, nagsasalita, at kumikilos na tulad ng mga tao. ● Payak ang katangian at paglalarawan sa mga tauhan. Dalawang uri ng tauhan:
● Tauhang Bilog(Round Character)
Mula sa umpisa, nagbabago ang katangian o pag-
uugali hanggang sa wakas. Dalawang uri ng tauhan: ● Tauhang Lapad(Flat Character)
Walang naging pagbabago sa katangian o
pag-uugali nito hanggang matapos ang kuwento. Karaniwan sa mga tauhang hindi gaanong malaki ang papel sa kuwento. Mga Elemento ng Pabula
2. Tagpuan
● Tinutukoy dito ang kondisyon, panahon, at
lugar na pinangyarihan ng kuwento. ● Dito umiikot ang mga kilos ng tauhan. Tagpuan ● Kondisyon Halimbawa: o Madilim na paligid o Malamig na simoy ng hangin ● Panahon Halimbawa: o Gabi o Isang hapon ● Lugar Halimbawa: o Sa isang maliit na nayon o Sa kusina Mga Elemento ng Pabula
3. Banghay
● Nakapaloob dito ang pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa isang pabula. ● Makikita sa elementong ito ang ugnayan ng tauhan, tagpuan, at mga pangyayari. SIMULA
Ipinakikilala ang tauhan, tagpuan, at suliranin.
GITNA Binubuo ng sistematikong paglalahad ng mga pangyayari mula sa papataas na kasiglahan hanggang sa kapana-panabik na bahagi nito. WAKAS
Nasa bahaging ito ang tulay tungo sa
katapusan at ang wakas nito. Kasama dito ang aral o mensahe ng kuwento. Mga Elemento ng Pabula
4. Aral
● Nakapaloob sa elementong ito ang mahalagang
kaisipan na kapupulutan ng aral at gagabay sa mabuting pakikipagkapwa-tao. Paano mo mapahahalagahan ang pabula? Ang pabula ay isa sa mga uri ng panitikan. Ang pabula ay nagtataglay ng mga elemento upang maisalaysay o maidaloy ang mga pangyayari at maunawaan ng mga mambabasa. Mahalaga ang pabula bilang akdang pampanitikan. Gawain Sumulat ng sariling pabula. Bigyan ng nakakaenganyong pamagat at gamitin ang mga elemento nito. Pabula Tauhan Tagpuan Banghay Aesop