You are on page 1of 67

Sir. Arvin G.

De Vera
Teacher
Panalangin
Diyos na makapangyarihan,
nagpapasalamat kami sa biyayang
ipinagkakaloob niyo sa amin. Mahal
namin ang aming pamilya, mga
kaibigan, at mga guro. Maraming
salamat po sa lahat ng inyong mga
biyaya. Amen.
Panimulang
Pagtataya
Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral,
subukin mong sagutin ang pagsusulit na ito
upang malaman natin kung ano na ang
iyong nalalaman.
Panuto
Piliin ang pinakaangkop na sagot
na hinihingi sa bawat bilang.
Isulat sa papel ang titik ng
napiling sagot.
Layunin
Sa katapusan ng araling ito, magagawa ng mga mag-aaral na:
• Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang
ginamit ng tekstong naratibo.
• Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong naratibo.
• Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong tekstong naratibo.
• Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong
naratibo sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
• Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat.
Basahin ang Akda

Ang Lagalag na
Anak
1. Ano sa tingin niyo
ang dahilan ng ama
kung bakit niya ibinigay
ang mana ng kanyang
mga anak?
2. Ano ang nangyari sa
bunsong anak matapos itong
umalis sa kanilang tahanan?
Bakit niya naalala ang
kanyang nakaraan kasama ang
kayang ama?
3. Ano ang inyong
mahalagang natutuhan sa
kwento? Paano niyo ito
mailalapat sa totoong
buhay?
Ano ang
Tekstong Naratibo?
Tekstong Naratibo
• Maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay
ng mga pangyayari at may layuning magkuwento.
Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari,
o simpleng nagsasalaysay.
• Layunin ng tekstong naratibo ang makapagsalaysay
ng mga pangyayaring nakapanlilibang o
nakapagbibigay-aliw o saya.
Paano ka magsalaysay
ng kuwento?
Tekstong Naratibo
• Layunin din nitong makapagturo ng kabutihang-
asal, mahahalagang aral, at mga
pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng
kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang
kasamaan ay hindi magtatagumpay laban sa
kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay
nagdudulot ng tagumpay at ipa ba.
Mga Layunin ng Tekstong
Naratibo
1. Magsalaysay ng dugtong-dugtong at
magkakaugnay na pangyayari.
2. Makapagsalaysay ng mga pangyayaring
nakalilibang o nakapagbibigay-aliw at saya.
3. Makapagturo ng kabutihang asal at
mahahalagang aral.
Halimbawa ng Tekstong
Naratibo

• Mga akdang pampanitikan • Epiko


• Maikling Kuwento • Dula
• Nobela • Talambuhay
• Mito
• Kuwentong-bayan
• Alamat
• Parabula
• Anekdota
Pangkalahatang katangiang taglay
ng bawat
Uri ng Tekstong Naratibo
Punto de Vista

May Iba’t Ibang Pananaw o


Punto De Vista sa Tekstong
Naratibo.
Unang Panauhan

• Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan


ang nagsasalaysay ng mga bagay na
kaniyang nararanasan, naaalala, o
naririnig kaya gumagamit ng
panghalip na ako.
Ikalawang Panauhan
• Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang
tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t
gumagamit siya ng mga panghalip na ka o
ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito
gaanong ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang pagsasalaysay.
Ikatlong Panauhan
• Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay
isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa
tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay taga-
obserba lang at nasa labas siya sa mga pangyayari.
May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:
Ikatlong Panauhan
A. Maladiyos na panauhan - Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga
tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang
iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
B. Limitadong panauhan - Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga
tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
C. Tagapag-obserbang panauhan - Hindi niya napapasok o nababatid ang
nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o
naririnig niyang pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kaniyang isinalaysay.
Halimbawa
• Unang Panauhan: "Kaunti na lang. Kaunting tiis pa. Kailangan itong maubos
upang ako ay makauwi na. Kahit umuulan, kailangan kong ubusin ang
tinitinda kong sampaguita."

• Ikalawang Panauhan: "Nang isilang ka sa mundong ito, Laking tuwa ng


magulang mo, At ang kamay nila ang iyong ilaw, At ang nanay at tatay mo'y,
Di malaman ang gagawin, Minamasdan pati pagtulog mo." - "Anak" ni
Freddie Aguilar

• Ikatlong Panauhan: "Uha...uha... uha... uha... ang iyak ng sanggol na


gumising sa magasawang Bettina at Julian noong Lunes ng umaga. Dalawang
linggo na ang nakararaan mula nang iuwi nila sa kanilang tahanan ang bago
nilang silang na bunso, si Benita."
Kombinasyong Pananaw o Paningin

• Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t


iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang
nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop
ng mas mahabang panahon at mas maraming tauhan
ang naipakikilala sa bawat kabanata.
Paraan ng Pagpapahayag o Paglalahad

ng mga Tauhan sa Kanilang

Diyalogo, Saloobin, at Damdamin sa

Tekstong Naratibo
Direkta o Tuwirang
Pagpapahayag
• Ang tauhan ay direkta o tuwirang
nagsasaad o nagsasabi ng kanyang
diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay
ginagamitan ng panipi.
Direkta o Tuwirang
Pagpapahayag
Hal: “Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling
Guada sa anak na noo’y abalangabala sa ginagawa at
hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa
kanyang kinalalagyan, “Aba’y kayganda naman nireng
ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo,
ha?”
Di-Direkta o Di-Tuwirang
Pagpapahayag
• Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa
sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng
tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag.
Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
Di-Direkta o Di-Tuwirang
Pagpapahayag
Hal: Tinatawag ni Aling Guada ang anak dahil
kakain habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at
hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa
kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng
ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano
ba talaga ang balak niya.
Mga Elemento ng
Tekstong Naratibo
1. Tauhan
Ang nagdadala at nagpapaikot
ng mga pangyayari sa isang
salaysay. Sila ang kumikilos sa
mga pangyayari at karaniwang
nagpapausad nito.
Paraan sa pagpapakilala ng tauhan

EKSPOSITORI
• Kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa
pagkatao ng tauhan.

DRAMATIKO
• Kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o
pagpapahayag.
Karaniwang Tauhan
• Pangunahing Tauhan – bida; umiikot ang mga pangayayari sa
kuwento simula hanggang sa katapusan.
• Kasamang Tauhan - karaniwang kasama o kasangga ng
pangunahing tauhan.
• Katunggaling Tauhan – kontrabida; siyang sumasalungat o kalaban
ng pangunahing tauhan.
• Ang May-akda - sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan
ng makapangyarihang awtor.
Dalawang Uri ng Tauhan

• Tauhang Bilog (Round Character) - Isang tauhang


may multidimensiyonal o maraming saklaw ang
personalidad.
• Tauhang Lapad (Flat Character) - tauhang
nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling
matukoy o predictable.
2. Tagpuan at Panahon
Walang pagsasalaysay o
naratibo na mabubuo kung
walang lugar na
pinangyarihan ng kwento at
panahon kung kailan ito
naganap.
3. Banghay
Ito ang pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa
kuwento. Ito ay tumutukoy sa
paraan ng pagkakalahad ng
mga pangyayari.
Karaniwang Banghay o Balangkas ng isang Naratibo

• Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakilala ang


mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation or introduction)
• Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan
partikular na ang pangunahing tauhan (problem)
• Pagkakaroon ng saglit ng kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng
aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising
action)
Karaniwang Banghay o Balangkas ng isang Naratibo

• Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humantong sa


isang kasukdulan (climax)
• Pababang pangyayari na humantong sa isang
resolusyon o kakalasan (falling action)
• Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)
Anachrony

Anachrony o mga pagsasalaysay


na hindi nakaayos sa tamang
pagkakasunod-sunod.
Anachrony
• Analepsis (Flashback) - dito ipinapasok ang mga
pangyayaring naganap sa nakalipas.
• Prolepsis (Flash-forward) - dito nama’y ipinapasok ang
mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
• Ellipsis - may mga nagpapakitang may bahagi sa
pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
4. Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan iikot
ang mga pangyayari sa tekstong naratibo.
Mahalagang malinang ito nang husto sa
kabuuan ng akda upang mapalutang ng
may-akda ang pinakamahalang
mensaheng nais niyang maiparating sa
kanyang mambabasa.
Mga Elemento sa Pagbuo
ng Narasyon
1. Paksa
Ito ang pinakadiwa ng isang teksto. Pumili ng
paksang nakaaliw at nakapupukaw ng interes
ng mga mambabasa. Mas mainam kung ito ay
may malaking kaugnayan sa mga panlipunan
isyu sa kasalukuyan.
2. Estruktura
Inilalahad ng elementong ito ang mahusay na
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ang
malinaw at lohikal na kabuuang estruktura ng
kuwento ay makatutulong upang mas madaling
maunawaan ang takbo nito.
3. Oryentasyon
Malinaw dapat na mailatag ang mga tauhan, tagpuan,
panahon at mga mahalagang detalye sa teksto. Ang
mahusay na pagkakahabi nito ay magbibigay ng daan
upang malaman kung malapit ba sa katotohanan ang
akda.
4. Pamamaraan Ng Narasyon

Sa pagsasagawa ng tekstong naratibo, kailangan


magkaroon ka ng mahusay na umpisa upang
magkapag-set ka ng mood sa daloy ng kuwento.
Iwasan ang pagbibigay ng komento sa gitna upang
hindi lumihis ang paksang tinatalakay.
Iba’t ibang Pamamaraan
sa Narasyon
a. Diyalogo

Paggamit ng direktang pag-


uusap ng mga tauhan.
b. Foreshadowing

Pagbibigay ng clue sa
puwedeng maging takbo ng
kuwento.
c. Plot Twist

Kabigla-biglang pagbabago sa
takbo ng kuwento na hindi
inaasahan ng mambabasa.
d. Ellipsis

Ang pag-aalis ng ilang bahagi


upang mag-isip ang mga
mambabasa.
e. Comic Book Death

Pinalalabas na patay na ang


mga mahahalagang tauhan
ngunit nabubuhay sa dulo.
f. Reverse Chronology

Baliktad na pamamaraan dahil


nagsisimula sa wakas patungong
simula ang takbo ng kuwento.
g. In media res

Nagsisimula sa gitna ang takbo ng


kuwento sa pamamagitan ng
flashback.
h. Deus ex machina
• Tinatawag din “god from the machine” Ito ay
pagbabago sa problema sa kuwento na tila ba wala
ng solusyon ngunit nareresolba dahil sa di-
inaasahang tauhan o bagay o pangyayari na hindi
naman nabanggit sa umpisa ng kuwento.
5. Suliranin O Tunggalian

• Ang pinakamadramang tagpo ng kwento at inaasahang


may maidudulot na mahalagang pagbabago patungo sa
pagtatapos.
• Mula rito ay maaaring makakuha ng kaisipan o
mensahe na magsisilbing layunin ng tekstong naratibo.
5. Suliranin o Tunggalian

Ang tunggalian ay may apat na uri:


Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
6. Resolusyon

Ang kinalabasan o kinahantungan


ng tunggalian o komplikasyon sa
kuwento.
Ano ang kabuluhang hatid
ng ating aralin sa
Tekstong Naratibo?

You might also like