You are on page 1of 24

Tekstong

NARATIBO
Tekstong Naratibo

Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga


pangyayari sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o isang
tagpuan nang may maayos na
pagkasunod-sunod mula simula hanggang
katapusan.
Tekstong Naratibo

Layunin ng tekstong naratibo ang


magsalaysay o magkuwento batay sa isang
tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
MGA KATANGIAN
NG
TEKSTONG NARATIBO
(Punto De Vista, Pagpapahayag ng
Diyalogo, at Mga Elemento ng Tekstong
Naratibo)
I.Punto De Vista (Point of View)
Iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View)

Unang Panauhan

Ikalawang Panauhan

Ikatlong Panauhan
Unang Panauhan

● Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kaniyang


nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip
na ako
Ikatlong Panauhan

● Ang mga pangyayari sa pananaw na ito at isinasalaysay ng isang


taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na
ginagamit sa pagsasalaysay ay siya.
Ikatlong Panauhan

Tatlong Uri:

1. Maladiyos na Panauhan
2. Limitadong Panauhan
3. Tagapag-obserbang Panauhan
II. Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin o Damdamin

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin o


Damdamin sa Tekstong Naratibo

Direkta o Tuwirang Pagpapahayag

‘Di-Direkta o ‘Di Tuwirang Pagpapahayag


1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag

● Ito ay ginagamitan ng panipi

● Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong


lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag

“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y


abalang-abala at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa
kaniyang kinalalagyan. “Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak!
Ay ano ba talaga ang balak mo, hah?”
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti
nilang kusina.

-Mula sa “Ang Kariton ni Donato”


2. ‘Di-Direkta o ‘Di-Tuwirang Pagpapahayag

● Hindi ginagamitan ng panipi

● Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip o


nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag
2. ‘Di-Direkta o ‘Di-Tuwirang Pagpapahayag

Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain habang ito’ y abala sa
ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang
kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din
niya kung ano ba talaga ang balak niya.

Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti


nilang kusina.
III.Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Iba’t Ibang Elemento ng Tekstong Naratibo

Tauhan

Tagpuan

Banghay

Paksa at Tema
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo

1. Tauhan
❏ Karaniwang Tauhan sa Tekstong Naratibo

a. Pangunahing Tauhan
b. Katunggaling Tauhan
c. Kasamang Tauhan
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo

Karaniwang Tauhan sa Tekstong Naratibo


Pangunahing Katunggaling Kasamang
Tauhan Tauhan Tauhan

umiikot ang mga sumasalungat o karaniwang kasama o


pangyayari sa kalaban ng kasangga ng
kuwento mula simula pangunahing tauhan pangunahing tauhan
hanggang sa
katapusan
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo

Dalawang Uri ng Tauhan

Tauhang Bilog Tauhang Lapad

isang tauhang may tauhang nagtataglay ng iisa o


multidimensiyonal o dadalawang katangiang
maraming saklaw ang madaling matukoy o
personalidad predictable
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo

2. Tagpuan

❏ Lugar at panahon kung saan naganap ang pangyayari


Mga Elemento ng Tekstong Naratibo

3. Banghay

❏ Daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


Mga Elemento ng Tekstong Naratibo

4. Paksa at Tema

❏ Sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa


kuwento
Iugnay ang mga taglay na aral sa akdang Mabangis na Lungsod sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

1. Nakita mo ang paghihirap ni Adong para lamang makaipon ng


mga baryang inililimos upang may maipanlaman sa kumakalam na
sikmura. Tiyak na hindi mo kailanman naranasang mamalimos
para lang may makain. Paano mo magagamit ang aral na ito sa
iyong sarili?
Iugnay ang mga taglay na aral sa akdang Mabangis na Lungsod sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

2. Sadyang mahirap ang walang pamilya at ito’y napatunayan ni


Adong, Walang magulang at mga kapatid na nagmalasakit sa
kanya sa panahon ng kanyang pangangailangan. Mapalad ka sa
pagkakaroon ng pamilya kahit pa sabihing hindi perpekto ang
pamilya mo. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa iyong
pamilya?
Iugnay ang mga taglay na aral sa akdang Mabangis na Lungsod sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

3. Mabangis na lungsod ang komunidad ni Adong. Maihahalintulad


ito sa isang kagubatang ang mahihina ay nagiging lamang-tiyan
ng mga mas malalakas at makapangyarihan. Ano ang magagawa
mo upang kapag nakakita ka ng ganitong pang-aapi sa mas
mahihina sa iyong paligid ay mahadlangan mo ito?
Iugnay ang mga taglay na aral sa akdang Mabangis na Lungsod sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

4. Ang kahirapan ay talamak hindi lang sa Quiapo kundi sa iba’t ibang


panig ng ating bansa. Kung hihintayin lang lagi ang pagkilos ng
pamahalaan upang matugunan ang kahirapang ito ay matagal at
malayo pa ang lalakbayin ng bayan upang ito ay maibsan. Subalit kung
ang bawat Pilipinong may kakayahan ay gagawa ng makakaya upang
kahit paano’y maibsan ang kahirapan ng isa o dalawang taong nasa
kanyang harapan, maaaring magkaroon ng kalutasan ang suliraning ito.
Ano ang magagawa mo sa iyong munting paraan upang makatulong sa
pagsugpo ng kahirapan sa bansa?

You might also like