Teksto Tungo sa Pananaliksik Simulan Natin 1. Ano ang paborito mong maikling kuwento? Anong pangyayari sa kuwento na hindi mo malilimutan?
2. Ano ang paborito mong alamat?Sinong karakter o
tauhan sa kuwento na gustong-gusto mo at bakit mo siya nagugustuhan?
3. Ano naman ang paborito mong pabula? Anong
pangyayari sakuwento na hindi mo malilimutan at labis mong nagustuhan? Ang tekstong naratibo…. Ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan , nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod- sunod mula simula hanggang katapusan. Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay –aliw o saya. May Iba’t Ibang Pananaw o Punto de Vista ( Point of View) sa Tekstong Naratibo
Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga
matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang una at ikatlong panauhan. Bihirang –bihirang magamit ang ikalawang panauhan. Sa mas mahahabang naratibo tulad ng nobela ay maaaring hindi lang iisa kundi nagbabago-bago ang ginagamit na pananaw. 1. Unang Panauhan
Sa pananaw na ito, isa sa mga
tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan,naaalala,o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako. 2. Ikalawang Panauhan
Dito mistulang kinakausap ng manunulat
ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi,hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay. 3. Ikatlong Panauhan Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay tagapag- obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari. 4. Kombinasyong Pananaw o Paningin Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nagyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata. Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin,o Damdamin sa Tekstong Naratibo 1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo,saloobin,o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan. Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa kanya ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at ang paraan ng pagkakasabi’y naghuhudyat din sa uri ng damdaming taglay kaysa kung lalagumin o hindi direktang sasabihin ng tagapagsalaysay. Halimbawa: “ Donato, kakain na , Anak,”tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan.” Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo , ha?” Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina. 2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi,iniisip,o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi. Halimbawa : Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak niya. Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina. Pagsasanay: “Huwag kang mag-alala, Ina!” ang wika ng anak.” Nararamdaman kong matatagpuan ko ang puting tigre. Sa pagkakataong ito ay pumayag na ang ina sa isang kondisyon.” Sige,maaari ka nang pumunta sa kabundukan kung kaya mo nang gawin ang ginagawa ng iyong ama noon.Agad na tumango ang anak,”Handa po akong pakinggan kung ano ang ginagawa ni Ama noon,” wika ng anak.” Noon ay pinatatayo ako ng iyong ama na may sunong na bangang puno ng tubig sa ibabaw ng aking ulo. Siya ay lalayo ng isang Sinabi ng anak, “ Ama,nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi nang a po ako karapatdapat na tawagin ninyong anak.” Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, “ Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuotsa kanya. Susuutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayin;