You are on page 1of 16

PANITIKAN NG

TIMOG-SILANGANG
ASYA
◦ Sa pagtatapos ng linggo na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
◦ nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa
kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa nabasang akda;
◦ nakapagbibigay ng kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa
akda batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan;
◦ nakasusuri ng maikling kuwento batay sa paksa, mga tauhan,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng
awtor, atbp.;
◦ nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari gamit ang angkop na
mga pang-ugnay.
Ihalintulad ang papel sa isang mahalagang bagay sa isa iyong
buhay. Ipaliwanag kung bakit sa tatlo- limang pangungusap.
Sa unang markahan ng taong pampanuruan na ito, ating tatalakayin ang mga
akdang pampanitikan na sumasalamin sa Timog-Silangang Asya – ang rehiyon
na kinabibilangan ng mga bansang Brunei, Cambodia, East Timor, Indonesia,
Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam.

◦ Bilang pasimula sa unang bahagi ng ating talakayan, ating tatahakin ang


mundo ng maikling kuwento mula sa Timog Silangang Asya. Ngunit bago tayo
magsimula, bigyan muna natin ng pahapyaw kung ano ang ‘Maikling
Kuwento’?
Ano ang Maikling Kwento?
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na
naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng
isang
    kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
 Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling
Kwentong Tagalog.
 Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling
kwento. Maaaring hango ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at
maari ding ito’y patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi
maipaliwanag ng kaalaman.
• Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na
aktuwal na naganap o maaaring maganap.”
Mga Elemento ng Maikling Kwento
◦ Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan
ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.
4. Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:
◦ Tao laban sa tao
◦ Tao laban sa sarili
◦ Tao laban sa lipunan
◦ Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Mga Bahagi ng Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna at Wakas.
.

1. Simula
 Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan
nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel
na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa
tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente
kasama na dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi
ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan.
2. Gitna
Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at
kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng
pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban
sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o
sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang
bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
3. Wakas
 Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang
bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
 Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa
pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung
minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kwento para
hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito
ang maaring kahinatnan ng kwento.
Denotatibo At Konotatibo Halimbawa At Kahulugan

Ang denotatibong mga salita ay ang literal na


kahulugan nito at makikita sa diksyonaryo.

Samantala, ang konotatibo naman ay salitang may


patago na kahulugan.
Heto ang mga halimbawa:

SALITA DENOTATIBO KONOTATIBO

AHAS Taong binigyan mo ng tiwala ngunit


Isang uri ng hayop na walang paa at ika’y trinaidor
gumagapang
APOY Isang elementong mainit at ginagamit Naglalarawan sa matinding damdamin
upang mag luto o sa industriya tungo sa isang tao, bagay, o
pangyayari.
HALIGI Ito ang tinatawag nag sisilbing Naglalarawan ito sa mga Ama ng
pundasyon ng mga bahay at gusali tahanan.

LARAWAN Ito ay isang litrato na kinuha o ginuhit Tumutukoy sa katangian ng isang tao.
ng isang tao

LEON Ito ay naglalarawan sa taong


Isang hayop na makikita sa kagubatan, matapang at walang inuurungan.
malakas at malaki.
MGA PANG-UGNAY SA PAGSUSUNOD-
SUNOD NG MGA PANGYAYARI

Ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


isang maikling kuwento ay mahalaga upang mangingibaw
ang buong mensahe at maisasalaysay nang malinaw ang
daloy ng isang kuwento. Ang paggamit ng mga pang-ugnay
ay isa sa mga mahahalagang katangian upang mabuo at
makumpleto ang isang maikling kuwento.
Ang pang-ugnay ay mga salita, parirala, at sugnay na
nag-uugnay at nagpapakita ng relasyon dalawang yunit sa
pangungusap. May mga pang-ugnay na naghuhudyat sa
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, gaya ng
pagkatapos, sa nang sumusunod na araw, sa dakong
huli, saka, una, sunod, bilang pagtatapos, sa wakas at
iba pa.
Halimbawa:

1. Sa wakas, nabigyang solusyon na rin ang pangunahing suliranin ng organisasyon.


2. Bilang pagtatapos, ang pagkakaroon ng mga responsableng mamamayan ay isa sa mga paraan upang makamit ang kaunlaran ng bayan.

Mga Pangatnig
subalit – ginagamit lamang kung ang ‘datapwat’ at ‘ngunit’ ay ginamit na sa unahan ng pangungusap.
Mga Halimbawa:
Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipakikita ito.
Marami na kong natutuhan ngunit tila kulang ito.
samantala, saka – ginagamit na pantuwang. Mga Halimbawa:
◦ Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
◦ Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
◦ Ang kanyang mga kapatid saka kaibgan ay nagsama sama para sa kanyang kaarawan.
kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi. Mga Halimbawa:
◦ Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan.
◦ Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.
Transitional Devices
sa wakas, sa lahat ng ito – ginagamit bilang panapos ng pahayag o
kuwento Mga Halimbawa:
Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng
kanilang ama.
sa wakas, nabigyang solusyon na rin ang pangunahing suliranin sa
organisasyon
kung gayon – ginagamit bilang panlinaw sa nais tumbukin Halimbawa:
Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang
pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.

You might also like