You are on page 1of 9

?

? MAIKLING ?
? KUWENTO ?
? ?
Maikling Kuwento
● Ang maikling kuwento ay isang masining na anyo ng panitikan na
naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan.
Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
● Ito ay anyo ng panitikan na nagsasaad ng isang buong kuwento na
kayang tapusing basahin sa isang upuan lamang.
● Ang maikling kuwento ay kadalasang sinusulat upang magdulot aliw
sa mga mambabasa at magturo ng mga aral sa buhay.
● Maaaring hango ito sa pangyayari sa totoong buhay at maaari ding
likha lamang ng mayamang isipan ng manunulat.
ELEMENTO NG MAIKLING
KUWENTO
1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Banghay: ➢ Panimula
➢ Saglit na Kasiglahan
➢ Kasukdulan
➢ Kakalasan
➢ Wakas
4. Kaisipan
5. Suliranin
7. Tunggalian
8. Paksang Diwa
1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kuwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kuwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.
❖ Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kuwento.
❖ Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan
sa Kuwento.
❖ Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kuwento.
❖ Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos
ang problema.
❖ Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kuwento.

4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kuwento sa mambabasa.


5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan
sa kuwento.
7. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao
laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.
8. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kuwento.
Retorikal na Pang-ugnay
Retorikal na Pang - ugnay:
Ang mga retorikal na pang - ugnay ay binubuo ng pangatnig, pang -
angkop, at pang - ukol na ginagamit upang ipakita ang kaugnayan ng
bawat pangungusap sa isang teksto o akda.

Mga Uri ng Retorikal ng Pang - ugnay:


● Pangatnig
● Pang - angkop
● Pang - ukol
1. Ang pangatnig ay tumutukoy sa mga katagang nag - uugnay sa dalawang salita na
ginagamit bilang pamukod at pandagdag.
Halimbawa:
At
Ngunit
Kung
Maging
2.) Ang pang - angkop ay tumutukoy sa mga katagang nag - uugnay sa panuring at
tinuturingan.
-g , na , -ng ,
❏ Halimbawa:
maarugang ina
bantog na manggagamot
❏ Mayamang tao
3. ) Ang pang - ukol ay tumutukoy sa mga katagang nag - uugnay
sa pangngalan at iba pang salita sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:

● hinggil sa/ hinggil kay


● ayon sa / ayon kay
● para sa / para kay
● Tungkol sa / tungkol kay

You might also like