You are on page 1of 20

6

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 2
Mga Suliranin at Hamon na Kinaharap
ng mga Pilipino sa Panahon nina
Pangulong Ramon Magsaysay
at Pangulong Carlos Garcia

AIRs - LM
Araling Panlipunan 6
Ikatlong Markahan - Modyul 2: Mga Suliranin at Hamon na Kinaharap ng
mga Pilipino sa Panahon nina Pangulong Ramon Magsaysay at Pangulong
Carlos Garcia
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021

La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o

pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Sherwin V. Dulay

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.

Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D

Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Mario P. Paneda, Ed.D, EPS in Charge of Araling Panlipunan

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II

Sapulin

Naging sanhi ng maraming kamatayan at pinsala sa Pilipinas ang

digmaan at ang mahigit na tatlong taong pananakop ng mga Hapones. Sa
harap ng ganitong pagsubok, nagpunyagi ang bawat administrasyon mula
kay Pang. Roxas hanggang sa kasalukuyan na lutasin ang mga suliraning
pangkabuhayan at panlipunan ng ating bansa.
Iba-iba ang mga programang itinaguyod at mga suliraning kinaharap
ng bawat administrasyon. Sa panahon ng bawat administrasyon, makikita
ang tapang at determinasyon at ang patuloy na pagpupunyagi para sa isang
maunlad at matiwasay na lipunan.
Ang pokus ng modyul na ito ay nakatuon sa mga hamon at suliraning
kinaharap nina Pang. Magsaysay at Pang. Garcia sa panahon ng kanilang
panunungkulan sa ikatlong republika ng Pilipinas.
Ang modyul na ito ay nakatuon sa Most Essential Learning
Competency na:
• Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng
mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972.

Pagkatapos magawa ang mga gawain sa modyul na ito ay inaasahang:

➢ Natutukoy ang mga suliranin at hamong kinaharap ng bansa sa
panahon ng panunungkulan ni Pang. Magsaysay at Pang. Garcia

➢ Natatalakay ang mga suliranin at hamong kinaharap ng bansa sa

panahon ng panunungkulan ni Pang. Magsaysay at Pang. Garcia

➢ Naiuugnay ang mga suliranin noong administrasyong Magsaysay o

Garcia sa kasalukuyan na nakahahadlang sa pag-unlad ng bansa

1
Simulan
Gawain A:

Tugon ng Kahon 1
Sa tulong ng mga kahon, ibigay ang hinihingi ng bawat pahayag.

1. Tinaguriang “Man of the Masses”

2. Pinuno ng HUKBALAHAP

3. Pantay na Karapatan ng mga Pilipino at Amerikano sa paglinan ng likas

na yaman ng bansa

4. Mahigpit na pagkontrol sa pagpasok ng mga dayuhang produkto sa

bansa

5. Ang kapangyarihan ng bansa ay nanggagaling sa mga mamamayan nito

2
Gawain B:
Tugon ng Kahon 2
Hanapin ang mga salitang nasa loob ng kahon sa wordhunt puzzle na
maaaring natayo, nahiga, o nahilis. Bilugan ito at pagkatapos ay lagyan ng
tsek sa patlang bago ang salita.

_____ AMNESTIYA _____ REHABILITASYON _____ PACSA

_____ PARITY RIGHT _____ SEATO _____ NARRA
_____ BELL TRADE _____ MAGSAYSAY _____ ROXAS
_____ DEMOKRASYA _____ HUKBALAHAP _____ QUIRINO
_____ LAND REFORM _____ KOMUNISMO _____ KURAPSYON

P A C S A R S T H H V F D B

A T M A G S A Y S A Y Q E E

R R L S A F D F E H N U M X

I F J R U M C E F T B I O B

T C M O H N N R D B I R K E

Y K N X T B D E D T G I R L

R E H A B I T A S Y O N A L

I K G S T G H R S T L O S T

G D B N M Y N U E R I Q Y R

H U K B A L A H A P T Y A A

T Q G J M R O I T T U Q A D

T Q H H N O R R O G D K R E

E E T N K U R A P S Y O N E

K O M U N I S M O B M P S W

3
Lakbayin
Mga Suliranin ng Ikatlong Republika

Ang Ikatlong Republika ay naitatag noong Hulyo 4, 1946 matapos

ipahayag ng mga Amerikano ang Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay nanatili
hanggang 1972 matapos ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas
Militar. Sa panahon ng Ikatlong Republika, ang patuloy pa ring umiiral na
saligang-batas ay ang Saligang-Batas ng 1935. Ang pinakamalaking
suliraning kinaharap ng Ikatlong Republika ay ang muling pagbabangon ng
bansa bunga ng pagkawasak sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang buong
bansa ay naghihikahos at nahaharap sa mga mabibigat na suliraning
pangkabuhayan at panlipunan.
Ang pamahalaan ay walang salaping magamit sa pagbangon ng bansa
at paglutas sa mga suliranin. Ang mga lansangan, tulay, gusali at iba pang
pagawaing bayan ay halos lahat nawasak noong digmaan. Namatay o di kaya
ay pinatay ang mga kalabaw na ginagamit sa pagsasaka. Ang mga industriya
at pagawaan ay kasama ring nawasak noong digmaan.
Ang matinding suliraning pangkabuhayan ay nagbunga ng higit na
maraming suliraning panlipunan. Napakaraming mga Pilipino ang nawalang
ng trabaho at makain. Marami ang nawalang ng tiwala sa patuloy na pangako
ng mga opisyal ng pamahalaan.
Ang matinding suliraning pangkabuhayan ay nagbunga ng higit na
maraming suliraning panlipunan. Napakaraming mga Pilipino ang walang
trabaho at makain. Marami ang nawalan ng tiwala sa patuloy na pangako ng
mga opisyal ng pamahalaan. Dahilan dito, ang mga dating kasapi ng Kilusang
Hukbalahap ay muling humawak ng armas bunga ng patuloy na kahirapan
lalo na sa mga kanayunan. Naging magulo ang bansa dahil sa mga pag-aaklas
laban sa pang-aabuso at kapabayaan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Panahon ni Pangulong Ramon F. Magsaysay

Si Ramon del Fierro Magsaysay ay ipinanganak sa Iba,
Zambales noong Agosto 31, 1907. Sa halalang
pampanguluhan noong Nobyembre 10, 1953, napakalaki
ng naging lamang niya kay Quirino. Ang pagsuporta sa
kanya ng Estado Unidos at ang mahusay niyang
panunungkulan bilang kalihim ng Tanggulang
Pambansa sa panahon ng administrasyong Quirino ay
ilan sa mga dahilan ng pagka-panalo ni Magsaysay.

4
Si Pangulong Magsaysay ay nahalal sa pagkapangulo noong 1953
matapos talunin si Pangulong Elpidio Quirino sa halalan. Sinasabing siya ang
pinakasikat o pinakapopular na naging pangulo ng Pilipinas.

Mga Suliranin sa Pamumuno ni Magsaysay

1. Ang pangunahing suliraning tinugunan ni Pangulong Magsaysay ay
ang paglutas sa pagtuloy na ligalig at pag-aaklas sa kabukiran
bunga ng di-pantay na pamamahagi ng kayamanan. Ang mga
lupain ay pagmamay-ari lamang ng iilan samantalang ang
nakararaming mamamayan ay patuloy na naghihikahos.
2. Ang malalayong lugar na hindi naaabot ng mga proyekto at
programa ng pamahalaan. Naging dahilan ng kawalan ng pag-asa
at mabagal na pag-unlad ng mga mamamayan sa kanayunan at
mga baryo.
3. Isa rin sa mga suliranin ng pamahalaan ay ang kabuhayan ng mga
maliliit na negosyante Pilipino na hindi nabibigyang pansin ng
pamahalaan.
4. Kawalan ng pansin sa tinig ng mga karaniwan at maralitang Pilipino
na madalas pagkaitan ng pagkakataong masabi ang mga hinaing sa
pamahalaan.
5. Sa panahon ng panunungkulan ni Magsaysay, mabilis ang
paglaganap ng komunismo o ang impluwensiya nito buhat sa Tsina,
Rusya at Korea na naging malaking banta sa kaligtasan at
katahimikan ng bansa.
6. Ang patuloy na sistema ng kalakalan ng mas pumapabor sa mga
Amerikano ang mga kasunduan sa base militar na nagiging dahilan
ng patuloy na pagkontrol ng bansang Amerika sa Pilipinas.

Kampeon ng Masa
Si Ramon Magsaysay ay naging pupolar na pangulo dahil sa kanyang
mga programa hinggil sa pagpapabuti sa kalagayan ng masa o ng mga
karaniwang tao. Dahil dito, tinawag siyang Kampeon ng Masa at
Tagapagligtas ng Demokrasya sa Pilipinas.

Magsaysay at ang mga Rebelde

Hinimok ni Magsaysay ang mga rebelde na magbalik-loob sa
pamahalaan. Noong Mayo 17, 1954, sumuko ang pangunahing pinuno ng
mga rebelde na si Luis Taruc sa tulong ng batang mamamahayag na si
Benigno “Ninoy” Aquino. Humupa ang armadong pakikipaglaban ng mga
rebelled dahil sa pagsuko ng ilang kasapi at sa pagkatalo sa mga sagupaan.
Ang mga rebeldeng sumuko ay binigyan ng lupang-sakahan at tirahan sa
Isabela at Mindanao. Ang suliranin sa mga rebeldeng komunista ay nagbunga

5
sa pagkakatatag ng Southeast Asia Collective Defense Treaty
Organization (SEATO) sa Maynila noong Setyembre 8, 1954. Ang SEATO ay
samahang binubuo ng Pilipinas, Great Britain, France, Australia, New
Zealand, Pakistan, Thailand, at United States na nagkasundong
magtulungan laban sa banta ng komunismo.

Pagtaya sa Administrasyon
Sa ilalim ng
administrayong Magsaysay
ay nabigyan ng
pagpapahalaga ang
karaniwang mga tao. Ito ay
bilang sukli sa kanilang
pagluklok kay Magsaysay sa
pinakamataas na
katungkulan. Ang
pangakong maiangat ang
kalahayan ng mga
magsasaka at iba pang
katulad nila ay kanyang
source:www.officialgazette.
tinupad. Ang mga programa gov.ph
niya ay nakatulong upang unti-unting makaahon sa kahirapan ang
karaniwang mga tao. Ang mga tulong na ito ay tinumbasan ng pagsisikap ng
mga mamamayan na paunlarin ang kanilang mga pamayanan.
Nagtagumpay ang adminitrasyong Magsaysay sa hangaring
magkaroon ng kapayapaan sa bansa. Gayundin, matagumpay na naisulong
ni Magsaysay ang ilang programang na makatutulong sa karaniwang mga tao
na bumuti ang kalagayan nila sa buhay. Sa kabila ng pagsisikap niyang
matulungan ang karaniwang mga tao, nabigo siyang ikintal sa isipan ng mga
tao ang mga maaari nilang gawin para sa pamahalaan.
Naging matagumpay din si Magsaysay sa pagsusulong ng katapatan
sa pamahalaan. Nasunod niya ang pahayag niyang hindi siya kukuha o
hihirang ng mga kamag-anak o kaibigan na magtatrabaho sa panahon ng
panunungkulan niya. Sa larangan ng patakarang panlabas, nagtagumpay
siya at ang iba pang pinuno ng Timog-silangang Asya na pigilan ang pagpasok
ng komunismo sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbuo ng SEATO.

6
Panahon ni Pangulong Carlos P. Garcia
Ipinanganak si Carlos P. Garcia noong Nobyembre 4,
1896 sa Talibon, Bohol. Noong Marso 18, 1957,
kinabukasan ng pagkamatay ni Pangulong Magsaysay,
siya ay nanumpa bilang pangulo ng Republika ng
Pilipinas. Sa pampanguluhang halalan noong
Nobyembre 12, 1957, nagwagi si Garcia bilang pangulo
at Diosdado Macapagal bilang pangalawang pangulo.
Ito ang unang pagkakataon na ang nahalal na pangulo
at pangalawang pangulo ay magkaiba ng partido. Si
Garcia ay kandidato ng Partido Nacionalista
samantalang si Macapagal ay sa Partido Liberal.

Mga Suliranin sa Pamumuno ni Garcia

1. Mga dayuhan ang labis na nakikinabang at naghahari sa
pangangalakal sa Pilipinas.
2. Ang pagkahilig sa luho ng mga mamamayan at ang labis na
paggamit ng pondo ng bayan sa mga proyekto o programang hindi
prayoridad ng pamahalaan.
3. Ang mga kaguluhan at laganap na katiwalian sa pamahalaan. Ang
patuloy at talamak ng korapsyon lalo sa hanay ng mga kawani sa
gobyerno.
4. Pagtaas ng presyo o halaga ng mga bilihin.
5. Paglaki sa kakulangan sa reserbang dolyar ng ating bansa.
6. Ang di-makatarungang pakikitungo ng mga Amerikano sa mga
manggagawang Pilipino sa mga base militar. At di-pantay na
paggawad ng katarungan sa mga Pilipino at Amerikanong
nagkasala sa loob ng base, at ang pagbibintang na nagnanakaw ang
mga Pilipino sa mga base.
7. Patuloy na paglaganap at paglakas ng samahang komunista sa
ating bansa.

Unahin ang mga Pilipino

Itinuon ni Pangulong Garcia ang kanyang atensyon sa pagsugpo sa
katiwalian sa pamahalaan. Kaugnay nito, inilunsad niya ang programa ng
pamahalaan sa pagtitipid. Ipinagbawal niya ang mga marangya at magastos
na pagdiriwang. Ipinag-utos din niya ang pagbabawas sa mga gugulin ng
pamahalaan. Nanawagan din siya sa mga kawani ng pamahalaan na huwag
sirain ang pagtitiwala ng mga mamamayan. Hiniling naman niya sa mga
mamamayan na mamuhay nang payak at pahalagahan ang matalinong
paggasta, pagtitipid, kasipagan, at karangalan sa paggawa. Sa kabila ng

7
pagsisikap ni Pangulong Garcia, hindi lubusang nasugpo ang katiwalian sa
pamahalaan.
Itinaguyod din ni Pangulong Garcia ang pagpapalago ng ekonomiya ng
Pilipinas sa pamamagitan ng patakarang Pilipino Muna. Ang patakarang ito
ang nagbigay ng pagkakataong mapalago ang mga industriyang pagmamay-
ari ng mga Pilipino. Ipinatupad ang programang ito sa pamamagitan ng
paghihigpit sa pagpasok ng mga dayuhang produkto sa Pilipinas at
paghihikayat sa mga Pilipino na tangkilikin ang mga produktong Pilipino.
Noong 1958, nabuksan ang usapin tungkol sa mga base-militar ng
mga Amerikano sa Pilipinas nang barilin at mapatay ng mga sundalong
Amerikano ang ilang katutubong Negrito sa loob ng base na napagkamalang
baboy-damo. Dahil dito, nagkaroon ng mga pag-uusap na nagbunga sa
pagkakabuo ng Kasunduang Serrano-Bohlen. Kabilang sa nilalaman ng
kasunduang ito ang pagpapaikli sa panahon ng pananatili ng mga base-
militar mula 99 taon sa 25 taon na lamang; paglalagay ng watawat ng
Pilipinas sa loob ng mga base-militar; at ang paglalaan ng lugar sa mga base-
militar para sa magkasamang paggamit ng puwersang Amerikano at Pilipino.
Hindi kabilang sa kasunduang ito ang usapin tungkol sa mga kasong
kriminal ng mga sundalong Amerikano na nasa loob ng base-militar.

Pagtaya sa Administrasyon
Pinagsikapan
ni Garcia na
mangibabaw ang
karapatan ng mga
Pilipino sa kaunlarang
ekonomiko ng bansa.
Tinangka ng
administrasyong
Garcia na ibigay ang
control ng kalakalan
sa mga Pilipinong
namumuhunan sa
halip na panatilihin sa
kamay ng mga source:www.officialgazette.
dayuhan. Magandang paraan ito ng pagbuhay ng nasyonalismong
gov.ph Pilipino sa
pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling produkto. Ang pagtangkilik sa
sariling produkto ay nagpapamalas ng pagmamalaki at kung may
pagmamalaki sa sariling produkto, patuloy na paghuhusayin pa ang mga
produkto natin. Subalit ito ay hindi lubusang nagtagumpay dahil unti-unting
naalis ang control sa kalakalan dahil sa payo kay Pangulong Garcia ng mga

8
taong kampi sa malayang kalakalan at mkapangyarihang mga politico na
naggiit sa malayang kalakalan.
Nagtagumpay si Garcia sa pagkakaroon ng pagbabago sa
pamamalakad sa mga base military sa Pilipinas para na rin sa kabutihan ng
mga mamamayang Pilipino. Umunlad din ang ugnayang panlabas dahil sa
pagpapatuloy ng paglaban sa komunismo. Isang patunay rito ang pagdami
ng mga bansang nakikipag-ugnayan sa Pilipinas.

Galugarin

Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na suliranin kung ito ay sa panahon ng
pamumuno ni Pangulong Magsaysay. Isulat ang RM kung ito ay sa
panahon ng Administrasyon Magsaysay at SD kung hindi. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Ang pagbibigay ng Karapatan sa mga Ameriko para sa malayang

paglinang ng likas na yaman ng bansa.
_____2. Ang pagkasira ng mga imprastraktura at mga gusali sanhi ng
digmaan.
_____3. Patuloy na ligalig at pag-aklas sa kabukiran bunga ng di pantay na
pamamahagi ng kayamanan.
_____4. Ang kompetisyon sa kalakalan sa pagitan ng mga Pilipino at mga
dayuhan.
_____5. Ang mahirap na kalagayan ng mga nasa liblib na pook o baryo.
_____6. Ang patuloy na pamamahala ng Amerika sa ating bansa.
_____7. Ang mabilis na paglaganap at paglakas ng komunismo.
_____8. Laganap na katiwalian na kinasasangkutan ng matataas na opisyal
ng Pilipinas.
_____9. Ang hindi makatarungang kasunduan sa pagluwas at pag-angkat ng
mga kalakal sa Amerika.
_____10. Ang lumalaking bilang ng samahan HUK dahil sa kawalan ng tiwala
sa pamahalaan.

9
Gawain 2
Panuto: Sa pamamahala ng Administrasyong Garcia, iba ibang bahagi ng
pamumuhay ng mga Pilipino ang binigyan pansin. Suriin at
ipaliwanag kung paanong ang mga suliraning at hamong ito ay
naging daan sa pagpapatupad ng mga program at proyekto ng
Pamahalaang Garcia.

Filipino First Policy

Suliranin:________________________________________________________
__________________________________________________________________

Austerity Program

10
Anti-Communism

Bohlen Serrano Agreement

11
Palalimin

Gawain 1
Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Pag-isipan at
ipaliwanag kung bakit ito naging suliranin sa panahon ng panunungkulan ni
Pangulong Ramon Magsaysay. Nangyayari pa ba ito sa kasalukuyan? Paano?

1.

Source: embornasmay.blogspot.com

A.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
B.

2.

Source: bcl.wikipedia.org

A.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

12

3.

Source: www.philstar.com

4.

Source: www.gmanetwork.com

13
Gawain 2
Tulang tula ka na ba?
Panuto: Kumatha ng tula na may kaugnayan sa suliranin ng pamahalaan ni
Magsaysay o Garcia sa kasalukuyan na nakahahadlang sa pag-unlad ng
bansa. Gamitin ang rubrik sa ibaba para sa makabuluhang tula.

__________________________________________
Pamagat ng Tula

Rubrik
Posibleng Puntos
Krayteria Di Magaling Di Gaanong Magaling Napakagaling Iskor
(2 pts.) Magaling (4 pts.) (5 pts.)
(3 pts.)
Mali ang May mga Tamang Malaman at
impormasyon maling impormasyon maraming
Nilalaman
impormasyon ngunit kulang impormasyon
Di May ilan sa Tama ang Maayos ang
pinagplanuha mga gawain pagkakaayos pagkakasunud
Organisa- n ang gawain ang di ngunit lumabis -sunod
syon maayos ang detalye na
nakasira sa
presentasyon
Hindi maayos Naipresenta Naipresenta ang Naidetalye ng
ang ngunit di gawain ngunit maayos at
Presenta- presentasyon saulado at hindi gaanong maliwanag na
syon at di halatang di maliwanag naiparating
naipaliwanag handa ang mga ideya
ang mga ideya sa lahat.

Kabuuang Puntos

14
Sukatin

A. Panuto: Tukuyin at piliin ang mga suliraning kinaharap ng

Administrasyon Magsaysay sa kaniyang pamamahala sa bansa. Isulat
ang mga ito sa nakahandang kahon sa ibaba.

Mga Suliranin ng Bansa:

A. Paglaki ng utang ng bansa sa Amerika
B. Muling pagiging aktibo ng mga Hukbalahap
C. Kakulangan ng puhunan at suporta sa mga magsasaka
D. Ang hindi pagpansin sa mga hinain ng mga maralitang Pilipino
E. Ang lumalalang kurapsyon sa pamahalaan
F. Ang mga nasirang imprastraktura, gusali, mga daan, tulay at mga
gusaling pampubliko
G. Paglawak at paglakas ng impluwensiya ng Komunismo
H. Pang-aabuso sa kalagayan ng mga magsasaka
I. Colonial Mentality
J. J. Ang pagbibigay ng pantay na karapatan ng Amerikano sa paglinang ng
likas na yaman ng bansa
K. Unti-unting paglaho ng demorkrasya sa bansa

Mga Suliranin at Hamon sa Panahon ng Administrasyon Magsaysay

__________________________________________________________________________

15
B. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Anong suliranin ang binigyan-pansin ng programang Filipino First Policy

ni Pangulong Garcia?
A. Ang mga impluwensya ng mga produktong nanggagaling sa ibang
bansa na nagiging dahilan ng pagkatamlay at pagkalugi ng mga
produktong lokal o gawa dito sa ating bansa
B. Ang pang-aabuso ng mga mayayaman sa mga magsasakang nagsasaka
sa kanilang mga lupain.
C. Ang paglawak ng impluwensiya ng mga gerilya at komunista
D. Ang pagnanakaw sa salapi ng bayan

2. Isinulong at napagtagumpayan ng Administrasyong Garcia ang

Kasunduang Serrano-Bohlen sa Amerika. Ano ang naging basehan ng
kasunduang ito?
A. Ang pagbagak ng ekonomiya ng bansa
B. Ang mga magsasakang pinagsasamantalahan ng mga mayayaman
C. Ang mahabang pamamalagi ng mga base-militar ng Amerika sa bansa
D. Ang mababang taripang ipinapatong sa mga produktong galing sa
Amerika

3. Anong naging basehan ni Pang. Garcia sa taunang Republic Cultural

Heritage Awards?
A. Mga Pilipinong patuloy na nagsasaka para sa bansa
B. Mga dayuhang humahanga sa ganda ng Kulturang Pilipino
C. Mga pinuno ng bans ana patuloy na nakikibaka para sa kalayaan
D. Mga Pilipinong patuloy na nagbibigay nagpapakita ng kagalingan at
pagpapahalaga sa kulturang Pilipinokarangalan sa larang ng kultura

4. Bakit ipinatupad ang Austerity Program ng pamahalaang Garcia?

A. dahil sa lumalaking bilang ng populasyon ng ating bansa
B. dahil sa hindi makontrol at maling paggamit ng pondo ng bayan
C. dahil sa lumalalang kriminalidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa
D. dahil sa lumulawak na banta ng terorista sa katahimikan ng bansa

5. Bakit isinulong at ipinatupad ang anti-communism ng pamunuan Garcia?

A. dahil sa mga magsasakang patuloy na inaapi
B. dahil sa banta ng komunismo sa pamahalaan
C. dahil sa hindi magandang imahe ng pamahalaan
D. dahil sa mataas na bahagdan ng kriminalidad sa bansa

16
17
Simulan: Galugarin:
A. A.
1. Ramon Magsaysay 1. SD 6. SD
2. Luis Taruc 2. SD 7. RM
3. Parity Right 3. RM 8. RM
4. Import Control 4. SD 9. SD
5. Demokrasya 5. RM 10. SD
B. B.
Answers may vary.
1. Ang mahinang sistema ng lokal na kalakal sa ating
bansa dahil s amalakas na impluwensya ng kolonyal
mentality o pagkahilig natin sa mga produktong banyaga.
2. Ang paggamit ng pondo ng bayan sa mga bagay na hindi
prayoridad ng bansa.
3. Ang patuloy na paglakas ng kominismo sa bans ana
nagbabanta ng kaguluhan laban sa pamahalaan
4. Ang mahabang paglalagi ng mga base militar ng Amerika
na nakakasagabal at akapagpapabagal sa pagsasarili ng
bansa.
Palalimin:
A.
Answers may vary
Posibleng Sagot:
1. Hindi lahat ng mga kawani sa gobyerno sa panahon ng mamumuno ni Pang. Magsaysay ay
nakikiisa sa mga adhikain niya. May mga politikong patuloy na umabaso sa kapangyarihan at
patuloy ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.
2. Ang paglakas at paglawak ng communist na nagbabadya ng mga kaguluhan at paglaban sa
pamahalaan.
3. Ang mga karapatan at benipsyong inaasahan ng karaninwang mga tao, mga magsasaka ay hindi
naging maayos dahil sa hindi pagsunod ng mga mayayaman sa mga utos ng pamahalaan.
4. Ang programa at proyektong hindi makarating sa ma kanayunan at malalayong lugar.
Maaaring iba-iba ang kaisipan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng mga kasagutan.
Ang puntos ay nakabase sa rubric/pamantayan nasa ibaba na gawain
B.
Answers may vary
Maaaring iba-iba ang kaisipan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng mga kasagutan.
Ang puntos ay nakabase sa rubric/pamantayan nasa ibaba na gawain
Subukin:
A.
1. C
2. D
3. E
4. G
B.
1. B
2. B
3. A
4. D
5. D
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Mga Aklat

Clifford Esteban, 2004. Pilipinas: Bayan Ko , Serye ng Makabayan 5, San

Antonio Village,Makati City: The Bookmark,Inc.

Ronaldo B. Mactal, Evelyn A. Miranda, Dolly Mibolos, Guadalupe S. Uy-

Choco, 2001, HEKASI: Para sa mga Batang Pilipino 5, Quezon City,
Philippines: JMC PRESS, INC.

Eleanor D. Antonio, et al, 2017, Kayamanan 6, Wack Wack Greenhills,

Mandaluyong City, Metro Manila: Rex Book Store.

18

You might also like