You are on page 1of 29

Araling Panlipunan 5

Ikaapat na Markahan- Modyul 5-8

Manunulat:
Maria Clara D. Manrique, Pamplona Elementary School Unit 1
Rowena T. Dahilig , Pamplona Elementary School Unit 1
Corazon C. Canezal-, Talon 3 Elementary School
Danilo L. Niedo Jr., CAAES-ANNEX

Balideytor sa NIlalaman:
Godofredo L. Salazar, Golden Acres NHS

Balideytor sa Wika:

Marecris S. Belmonte, CAAES Annex

Tagatatag/Pinuno ng Pangkat
Leah R. Gabeliño, Pamplona Elementary School Unit 1

2
Paano gamitin ang Modyul

Bago simulan ang Modyul, Kailangan isantabi muna ang lahat ng iyong mga
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral
gamit ang SLeM na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng Modyul.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa Modyul.
4. Hayaang ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang Mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng
iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na Gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa pag-aaral gamit ang Modyul.

3
Aralin Partisipasyon ng Iba’t-Ibang Rehiyon
at Sektor (katutubo) sa Pakikibaka ng
5 Bayan

Layunin: Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo)


sa pakikibaka ng bayan.

Paksa: Aralin 5: Partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan)


sa pakikibaka ng bayan

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor
(katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan. Paano nakibaka ang mga
katutubo para sa bayan?
Ano-ano ang partisipasyon ng mga katutubo sa pakikibaka ng bayan

Tuklasin: Spot the Name


Kulayan ang mga pangalan ng mga katutubo o rehiyon na nakibaka sa ating
bayan.

D A G A M I L V O U I T
N B A G A N H O P E P A
A A J I G Y C R S T A M
S Y K M A O H G R S G B
O A S U L A Y M A N I L
Y N L A A M T H B U B O
O M M T T A I G O R O T
N A N T H H U H N F G W
A H O O G L O K B T T G
L A S M L I M O G H U A
A L E O I K N G K S Y S
P A G M A M A H A L K O

Pamprosesong Tanong:
1. Sa inyong palagay, bakit sila nakibaka para sa ating bayan?
2. Ano-ano ang mga dahilan ng kanilang pag-aalsa?
3. Paano nila tinugunan ang pagtrato ng Kastila sa mga Filipino?

4
I. Isa-isip
Tandaan ang mga sumusunod na mahahalagang konsepto ng aralin ay
sumangguni sa Learners Materials: Araling Panlipunan 5; pahina 228-236, upang
mapalalim pa ang iyong kaalaman.

Ang pag-aalasa o paggamit ng armas ay unang naging pagtugon ng mga


Filipino sa pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu Lapu
noong 1521, ipinasiya ng ibang mga Filipino na tapatan ng dahas ang hindi
maayos na pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Magkakaiba ang mga dahilang
nagbunsod sa kanilang paglulunsad ng rebelyon

Pag-aalsa ni Dagami (1565–1567) Ang pamilya-Dagami ng Leyte ay namuno sa


rebolusyon laban sa mga Espanyol noong 1567.

Si Raha Lakandula (1574) Ang Dakilang Raha ng Tondo –nanguna rin sa isang
pag-aalsa laban sa mga Kastila.Sa simula ay naging maayos ang ugnayan ni
Raha Lakandula at Kastila sa isa’t isa sapagkat mayroon siyang pribilehiyo na
hindi pagbabayad ng buwis sa mga Kastila at pagiging malaya sa paghahanap
buhay.Ang pribilehiyong kanyang natanggap ay hindi naging pangmatagalan
sapagkat ipinatigil ito ni Gobernador Guido Lavezares na siyang pumalit kay
Legaspi nang ito ay mamatay. Naging mapang –abuso at mapang-alipin si
Gobernador Guido Lavezares bagay na ikinagalit ni Raha Lakandula.

Raha Sulayman-isang Muslim na datu, na namuno kasama ni Raha Matanda at


Lakandula, hari ng Tondo, isang malaking populasyon ng mga Tagalog sa Timog
ng Ilog Pasig sa Lungsod ng Maynila noong ika-16 na dantaon.
Tinanggap ang mga Kongkistador na sina Martin de Goiti at Juan de Salcedo at
naging kaibigan niya.Naging abusado ang mga Kastila at gustong sakupin ang
lungsod kaya pinamunuan ni Sulayman ang mag-alsa para mapaalis ang mga
Kastila.

Pag-aalsa ni Magalat (1596) Ang pag-aaklas ni Magalat ay nagsimula noong


1596 at sila ay tubong Cagayan.Siya ay nadakip sa Maynila sa kasong rebelyon
at ipinakulong ng goberndor-heneral. Napalaya siya sa tulong ng paring
Domikano. Ngunit itinuloy nila parin ang pakikidigma sa Espanyol kasama ang
kanyang kapatid at nagtagumpay sila laban sa ESpanyol. Ipinadala ni
Gobernaor-Heneral Francisco de Tello de Guzman sina Pedro de Chavez mula sa
Maynila kasama ng mga kawal na Esppanyol at Pilipino upang dakipin sina
Magalat. Nagawang hulihin ang pangkat ni Magalat at ang mga pinuno ng
pangkat ni Magalat ay binitay.Si Magalat naman ay pinatay ng kanyang
kasamahan sa kanilang kuta.

5
Pag-aalsa ng mga Igorot (1601)
Mula sa kautusan ni Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman,
nagpadala ng isang ekspedisyon sa Cordillera para sa pagpapalawak ng
relihiyon sa bansa sa pamumuno na rin ni Padre Esteban Marin. Si Marin ay ang
kura paroko noon ng Ilocos at sinubukan niyang kumbinsihin ang mga Igorot na
maging mga Kristiyano.Subalit sa kagustuhan ng mga Kastila na maging
kristiyano. Hindi pumayag ang katutubo. Pinatay ng mga mandirigmang Lumad
si Marin kasama ng hukbong pinadala ni Kapitan Aranda.

Pag-aalsa ni Tamblot (1621–1622) Si Tamblot ay pinuno ng relihiyon sa Bohol at


pinamunuan niya ang isang rebolusyong kinilala sa tawag na Tamblot
Revolt.Nagsimula ang rebolusyon ni Tamblot noong 1622 dahil gusto ng mga
paring Heswita na talikuran ang kanilang relihiyon at silay maging kristiyano.
Ngunit nahuli din siya at pinugutan ng ulo bilang tanda ng mga ibang Pilipino
ang hindi pag-anib sa Kastila at hindi pagsunod sa kautusan ng mga Kastila.

Pag-aalsa ni Sumuroy (1649–50) Sumiklab ang Sumuroy Revolt noong 1649 sa


pamumuno ni Agustin Sumuroy kasama ng ilan sa kaniyang mga kababayan na
Waray sa Palapag. Northern Samar. Ang kanilang pangunahing dahilan sa pag-
aaklas ay ang pagmamalabis ng mga Espanyol sa kanilang sapilitang paggawa
sa polo y servicios.

II. Mga Gawain

Gawain 1-
Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A.
HANAY A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong papel.

HANAY A
1.Pinamunuan niya ang pag-aklas dahil sa pagmamalabis ng mga Espanyol sa
kanilang sapilitang paggawa sa polo y servicios.Siya ay isang Waray.
2.Siya ay pinuno ng relihiyon sa Bohol.Nag aklas siya dahil sa pagpilit ng mga
paring Heswita na maging kristiyano sila at iwan ang kanilang relihiyon.
3.Pangkat ng katutubo sa Cordillera na pumatay kay Padre Esteban Marin.
4.Isang pamilya sa Leyte na namuno ng rebulosyon laban sa Espanyol noong
1567.
5. Isang Muslim na datu, na namuno kasama ni Raha Matanda at Lakandula

6
HANAY B
A. Raha Sulayman
B. Sumuroy
C. Tamblot
D. Igorot
E. Dagami
F. Raha Lakandula

Gawain 2 Sa isang maikling talata, ipaliwanag ang mga kadahilanan na


naglunsad ng mga rebelyon ng mga Pilipino.

Tayahin
Panuto:Basahin ang mga sumusunod at piliin ang letra ng tamang sagot.Isulat
sa papel ang iyong sagot.

1. Sinong pari ang pinadala ni Gobernador- Heneral Francisco de Tello de


Guzman sa ekspedisyon sa Cordillera.
Padre Aranda Padre Esteban Mari
Padre Burgos Padre Zamora
2. Si Magalat ay nakulong dahil sa kasong rebelyon ngunit napalaya siya dahil
sa tulong ng paring?
Heswita Francisco
Domikano Redemptorist
3. Kailan sumiklab ang rebolusyon ng Pamilyang Dagami sa Leyte?
1574 1567 1596 1598
4. Sinong Gobernador ang nagpatigil sa pribilehiyo nila Raha Lakandula na
hindi magbayad ng buwis?
Gobernador Guido Lavazares
Gobernador Guido de Guzman
Gobernador Juan Arechedera
Gobernador Simon de Anda
5. Alin sa mga Raha ang kasama nila Raha Matanda at Lakandula na namuno
sa Tondo?
Raha Sulayman
Raha Humabon
Raha Samuroy
Raha Sulayman

7
Karadagang Gawain

Magsaliksik ng iba pang katutubo na may partisipasyon sa pakikipaglaban sa


mga Kastila at bakit sila nag alsa?

8
Aralin Ang Partisipasyon ng mga
Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan
6

Layunin: Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor


(kababaihan) sa pakikibaka ng bayan.

Paksa: Aralin 6: Ang Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan


Sa araling ito, malalaman mo ang partisipasyon ng mga kababaihan sa
pakikibaka ng bayan.

I. Tuklasin: Sino ako, hulaan mo?

Sa pamamagitan ng clue at puzzle box hulaan at isulat ang tamang pangalan


ng mga kababaihan ng nagkaroon ng partisipasyon sa pakikibaka ng bayan.

1.Siya ang asawa ni Andress


Bonifacio, tinaguriang
lakambini ng Katipunan

2.Siya ang nagpatuloy sa


laban ng kanyang asawa na si
Diego Silang.

9
3. Siya ang naka isip ng paraan
upang ligtas niyang madala
ang bandila kay Heneral
Delgado ng Sta.Barbara.

● Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naging batayan para malaman ang tamang sagot?
2. Sino-sino ang mga kababaihan na tumulong sa pakikibaka sa
pakikipaglaban sa Kastila? Sa paanong paraan sila nakatulong?
3. Bakit naging mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga
kababaihan sa lipunan noon?

II. Isa-isip
Tandaan ang mga sumusunod na mahahalagang konsepto ng aralin.

● Gregoria De Jesus- siya ang inihalal na pangalawang pangulo. Mahirap


ang naging kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang matuklasan
ang Katipunan. Bilang Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo, siya ang
tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng samahan.

● Gabriela Silang-Ipinagpatuloy ang pakikipaglaban ng kanyang asawa


namatay sa pakikipaglaban na si Diego Silang.

10
● Patrocinia Gamboa- Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng
pondo para sa rebolusyon. Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross.
Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng puwersang
rebolusyon ay nang matagumpay niyang malampasan ang bantay ng kalaban
sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi na ng pagdiriwang ng anibersaryo ng
pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng watawat.

● Kilala si Melchora Aquino bilang sa bansag na “Ina ng Katipunan”. Sa edad


na 84, hindi siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang
Katipunero sa tuwing napapasabak ang mga ito sa labanan.

● Trinidad Tecson Siya ay lumaban sa Bulacan at ginamot ang mga


sundalong sugatan, kinilala ring “Ina ng Biak na Bato”

● Teresa Magbanua-Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga


kalalakihan. Tumulong siya sa pakikipaglaban. Nakilala siya sa kaniyang husay sa
pamumuno at tinawag na Nay Isa. Maraming labanan ang kanilang naipanalo.
● Gliceria Marella de Villavicencio Kasama ng kanyang asawa ay
sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na matapos bitaying ang tatlong paring
Pilipino, ang GOMBURZA.

● Nazaria Lagos – Florence Nightingale ng Panay Ang kanyang asyenda ay


ginawang ospital pang-militar para sa mga rebolusyonaryo at ginamot sila

● Marcela Agoncillo asawa ng diplomatikoong si Felipe Agoncillo, Isa siya sa


tumahi ng pambansang watawat na ginamit ni Aguinaldo ng ipahayag sa
Cavite ang ating kasarinlan
III. Mga Gawain

A. Gawain 1: Pillin sa Hanay B ang naging partisipasyon ng mga kababaihan


na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B
____1. Melchora Aquino A. Naging pangalawang pangulo sa sector ng
____2. Gregoria de Jesus mga kababaihan sa katipunan at naging
____3. Patrocinio tagapagtago ng lihim ng dokumento ng
Gamboa katipunan.
____4. Gliceria B. Kinikilala bilang Ina ng Katipunan.
Villavicencio C. Kasama ng kaniyang asawa ay
____5. Teresa Magbanua sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na
matapos bitaying ang tatlong paring Pilipino,
ang GOMBURZA.

11
D. Sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito
ang kaniyang 2 kapatid na lalaki at namuno
sa isang maliit na pangkat.
E. Siya ang dahilan kung paano nakarating
ang watawat kay Heneral Delgado ng sta.
Barbara.

B. Gawain 2: “Tayo ng gumawa ng Tula”

Sa isang intermediate pad paper gumawa ng isang maikling tula na may


malayang taludturan, tungkol sa pagpapahalaga sa mga kababaihan na
nagkaroon ng mahalagang partisipasyon sa pakikibaka para sa bayan.

Rubric

12
IV. Tayahin
Basahin at unawain ang bawat bilang. Bilugan ang letra ng wastong
sagot.

1. Ano ang naging partisipasyon ni Gregoria de Jesus sa katipunan sa


pakikabaka sa bayan?

A. Naging tapag-alaga ng mga sugatang sundalo


B. Naghatid ng watawat kay Heneral Delgado ng Sta. Barbara.
C. Naging pangalawang pangulo, at naging tagapagtago ng lihim ng
dokumento ng katipunan.
D. Nakilala bilang Ina at pinanser ng Katipunan na kung saan ang kaniyang
asyenda ay ginawang ospital para gamutin ang mga sundalong sugatan

2. Ano ang mahalagang partisipasyon na nagawa ni Patrocinia Gamboa


sa Rebolusyon?
A. Pumatay siya ng mga Espanyol
B. Siya dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral
Delgado ng Sta. Barbara.
C. Siya ang naging daan sa matagumpay na pag- eespiya sa kalaban at
nanguna sa pangangalap ng pondo para sa rebolusuyon
D. Siya ang dahilan sa pagkadiskubre ng Katipunan kung saan, ito ay
naging dahilan ng maagang pakikidigma laban sa mga Kastila

3. Rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang "Tandang Sora" dahil sa


kanyang edad. Siya ay kilala rin bilang "Ina ng Katipunan", "Ina ng Himagsikan"
at "Ina ng Balintawak" para sa kanyang mga kontribusyon.
A. Gliceria Villavicencio
B. Gregoria De Jesus
C. Melchora Aquino
D. Teresa Magbanua

4. Bakit naging mahalaga ang partisipasyon ni Teresa Magbanua o Nay Isa


sa pakikibaka ng bayan?
A. Naging ina ng Himagsikan
B. Naging instrumento sa mahusay na pag e-espiya laban sa mga Kastila
C. Pinamunuan niya ang isang pangkat militar na kung saan siya lamang
ang babae
D. Isa sa mga kababaihang natakot lumaban sa mga mananakop na
Kastila at nagsumbong upang matalo ang mga Rebolusyonaryo

13
5. Kasama ng kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na
matapos bitayin ang tatlong paring Pilipino, ang GOMBURZA.
Ⓐ Gliceria Villavicencio
Ⓑ Gregoria De Jesus
Ⓒ Melchora Aquino
Ⓓ Teresa Magbanua
V. Karagdagang Gawain
Upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa partisipasyon ng
mga kababaihan sa pakikibaka ng bayan noong panahon ng
kolonyalismo,magsaliksik ng iba pang kababaihan na nagkaroon ng
partisipasyon sa pakikibaka ng bayan sa panahon ng kolonyalismo. Sundan ang
nasa ibaba:

Pangalan ng kababaihan Naging Partisipasyon sa pakikibaka ng


bayan.

14
Aralin Pagpapahalaga sa Partisipasyon ng
Iba`t-Ibang Rehiyon at Sektor sa
7 Pagsulong ng Kamalayang
Pambansa

Layunin: Napahahalagahan ang partisipasyon ng iba`t-ibang rehiyon at sector


sa pagsulong ng kamalayang pambansa

Paksa: Aralin 7: Pagpapahalaga sa Partisipasyon ng Iba’t-Ibang Rehiyon at


Sektor sa Pagsulong ng Kamalayang Pambansa

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito,inaasahang masuri mo ang mga mahahalagang pangyayari na
gumising sa damdamin makabayan sa pag-usbong ng pakikiisa ng mga Pilipino
para sa bayan.

I.Tuklasin
Ano-anong mga salita ang naiisip mo kaugnay ng salitang “malayang kaisipan”.
Isulat ang mga ito at bumuo ng semantic web.

Malayang
Kaisipan

Pamprosesong Tanong:
1.Mahalaga ba ang pagkakaroon ng kalayaan? Bakit?
2.Lahat ba ng tao ay dapat maging Malaya? Bakit?

15
Isa-isip
Tandaan ang mga sumusunod na mahalagang konsepto ng aralin at
sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 5; Aralin 8 pag-
usbong ng malayang kaisipan,pahina 244-250, upang mapalalim pa ang iyong
kaalaman.
Natalakay sa nakaraan araling ang mahahalagang salik sa pag –usbong ng
kamalayang Pambansa

● at pakikibaka ng mga Pilipino. Pangunahin dito ay ang mga pang aabuso


na kanilang naranasan sa mga mananakop ng espanyol mula sa unang bahagi
ng kanilang pagkolonya sa bansa.
● Liban sa mga natalakay na, nakaimpluwensya rin sa pagbuo ng
kamalayang pambansa ang mga pangyayari sa Europe sa pagtungtong ng ika
19 na siglo na nagbibigay halaga sa pag-usbong ng kamalayang ng mga
Pilipino

● Nagsimula ito sa pagsapit ng Age of Enlightenment sa Europe na naging


patakaran ng kolonyal ng Espanyol sa Pilipinas.

● Ang paglitaw ng kaisipang “La Ilustracion” (Enlightenment) ay


isang pandaigdigang pangyayari matapos lumipas ang merkantilismo bilang
batayan ng kolonyalismo.
Ang "La Ilustracion" ay maaring tumutukoy sa:

- Kilusang Propagandang humingi sa mananakop na bansang Espanya


ng pagbabago para sa ikabubuti ng mga lipunan sa mundo
- Sa wikang Tagalog ito ay nangangahulugang “Mga Naliwanagan”

● Mula ika-16-hanggang ika-18 siglo, naging batayan ng kayamanan at


kapangyarihan ng isang bansa sa Europe ang merkantilismo- ito ang naging
sukatan ng kayamanan ng isang bansa lalo na sa ginto at pilak

● Ang kahalagahan ng merkantilismo ito ang naging daan para


masustentuhan ng bansa ang mga pangangailangan.

16
● Mahalaga ang kalakalang galyon dahil maaari tayong makakuha ng
mga produkto na sa ibang bansa lamang mayroon at ang malaking kita ng
pamahalaan sa kalakalan ay nakadaragdag sa pananalapi ng bansa. Ang
isang halimbawa ng kalakalan sa ating kasaysayan ay ang Manila-Acapulco
Galleon Trade.

Ano ang Manila-Acapulco Galleon Trade?


Ang kalakalang Manila-Acapulco Galleon Trade ay isang kalakalan na
nanggaling sa Mexico papunta at pabalik ng Pilipinas. Ito ay tinatawag
ding Kalakalang Galyon.
● Noong 1565 sinasabing nagsimula ang kalakalang galyon sa Maynila. Ito
ay ng matuklasan ni Andres de Urdaneta na isang prayleng Agustino ang
daanang pabalik mula sa Pilipinas papuntang Mexico. Sinundan niya ang
direksyon ng hangin ng mga bagyo sa dagat Pasipiko.
● Isinasakay sa mga galyon ng Maynila o kaya sa galyon ng Acapulco ang
mga produkto. Ang mga kalakal na mula sa Mexico ay ipinagpapalit sa mga
nakalakal sa Pilipinas at ang mga nakalakal sa Pilipinas naman ay ipinagpapalit
din sa Mexico.

Mga Gawain
Gawain1: Ikuwento mo ang pangyayari!
Panuto: Tapusin ang graphic organizer tungkol sa kalakalan Galyon

Epekto: Bunga:
Kalakalan
Galyon

Limitasyon:

Gawain 2: Paggawa ng awit


Panuto: Sumulat ng isang awit na nagpapahayag ng diwang makabayan

Layon: Makapagpahayag ng pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga


makabayang Pilipino sa gitna ng kolonyalismong Espanyol

III.Tayahin
Basahin ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot

1. Ano ang tawag sa sistemang pangkabuhayan na nagbibigay akumulasyon


ng ginto at pilak at nagtaguyod ng kompetisyon sa pagbili ng ginto?
17
Ilustrado La Illustracion
Kolonisasyon Merkantilismo
2. Ano ang tawag sa kalakan sa pagitan ng Pilipinas at Mexico?
Kalakalang Acapulco
Kalakalan Bandala
Kalakalan Galyon
Kalakalang Pilipinas

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng impluwensiyang La


Illustracion?
Pagkamulat ng karapatan mabuhay.
Pagkamulat na magkaroon ng ari-arian.
Pagkamulat sa karapatang mamili ng relihiyon.
Pagkamulat sa karapatang
makipagkalakalan sa ibang bansa

4. Paano sumibol ang diwang nasyonalismo


Pagiging likas na masipag
Pagkampanya ng mga repormista
Pag-aaral ng mga katutubo sa unibersidad
Pagdating ng mga siyentipiko at mga gurong Espanyol

5. Alin ang ginawa ng mga Espanyol na nakatulong sa pag –usbong ng


pagiging makabayan ng mga Filipino?
Pagpapalaganap ng iba`t-ibang relihiyon
Pagbigay ng karapatan makapili ng relihiyon
Ang pantay na pagtingin sa mga Espanyol at Filipino
Pagbibigay ng pangalan ng mga lupain na dati nahahati sa barangay
at sultanato.

Karagdagang Gawain
Panuto: Lumikha ng isang masining na Gawain (maaring poster, slogan, drawing
at iba pa) tungkol sa pagpapahalaga sa bayan.

18
Aralin Pagpapahalaga sa Partisipasyon ng
Iba’t-Ibang Rehiyon at Sektor sa
8 Pagsulong ng Kamalayang Pambansa

Layunin: Napahahalagahang ang partisipasyon ng iba`t-ibang rehiyon at


sector sa pagsulong ng kamalayang Pambansa.

Paksa: Aralin 8: Pagpapahalaga sa Partisipasyon ng Iba’t-Ibang Rehiyon at


Sektor sa Pagsulong ng Kamalayang Pambansa

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito, inaasahang maintindihan mo at pahalagahan ang mga
pangyayari na ginampanan ng mga Pilipino upang makamit ang karapatan at
kalayaan.

I. Tuklasin
Magbigay ng limang (5) salita na kasing kahulugan ng salitang MALAYA.

1. ___________________

2. ___________________

3. ___________________

4. ___________________

5. ___________________

● Pamprosesong Tanong:
1. Gaano kahalaga sa isang tao ang pagiging Malaya?
2. Bilang isang batang Filipino, Isa kabang malaya? Bakit?

19
II. Isa-isip
Tandaan ang mga sumusunod na mahahalagang konsepto ng aralin ay
sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 5; Aralin 15: Mga
Salik ng Pag-usbong ng Kamalayang Makibaka at Pambansa 251-254, upang
mapalalim pa ang iyong kaalaman.

● Mga Salik ng Pag-usbong ng Kamalayang Makibaka at Pambansa


- Kasabay ng paglipas ng merkantilismo at pagtatapos ng kalakalang
galyon ay mga pangyayari sa labas ng Pilipinas na nakaimpluwensiya sa
diwang makibaka at pambansa ng mga Filipino. Kabilang dito ang
pagbubukas ng Suez Canal at Paglahok ng Pilipinas sa malayang kalakalan,
pag-usbong ng panggitnang uri, at pagpasok ng liberal na kaisipan. Dagdag
rito ay ang sekularisasyon ng simbahan sa Pilipinas.

● Pag-usbong ng Panggitnang uri


- Bunga ng paglago ng agrikultura at ang pagbubukas ng Pilipinas sa
kalakalang pandaigdig ay may ilang mangangalakal, magsasaka, at
propesyonal na umunlad ang pamumuhay. Sila ang bumuo sa panggitnang uri
sa lipunan sa Pilipinas. Ang panggitnang uri ay karaniwang kinabibilangan ng
mga Chinese at Spanish mestizo. Dahil sa nakamit nilang kasaganaan ay
nagkaroon ang mga nasa panggitnang uri ng kakayahang pag-aralin ang
kanilang mga anak sa Maynila o sa Europe, particular sa Spain. Doon nakamit
ng mga “naliwanagang kabataan” kabataan, o mga ilustrados, ang liberal na
edukasyong nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan noon ng Pilipinas.

● Liberal na Pamumuno
- Noong ika-19 ng Setyembre 1868, sumiklab ang isang himagsikan sa
Spain. Nag ugat ang himagsikang ito sa pagpapalit ng pamamahala ng Spain
mula sa kamay ng mga konserbatibo tungo sa Liberal.
- Si Carlos Maria De la Torre ang pinadala bilang bagong gobernador-
heneral ng Pilipinas.
- Madaling nakuha ni de la torre ang pagtitiwala ng mga Filipino. Nakilala
siya sa kaniyang liberal na pamamahala sa Pilipinas. Nakinig siya sa mga
suliranin ng mga mamamayan at nakikihalubilo sa mga tao, Espanyol man o
Filipino.
- Hindi nagtagal ang liberal na pamamahala si de la torre. Natapos ito
nang pinalitan siya bilang Gobernador- Heneral ni Rafael de Izquierdo.
- SI Izquierdo ang kinilala bilang isa sa pinakamalupit na namuno sa
Pilipinas, Sa panahong ito, lalong sumidhi ang pagnanais ng mga Filipino para
sa pagbabago at kasarinlan.

20
● Sekularisasyon at ang Tatlong Paring Martir
- Isa pang mahalagang pangyayari noong ika-19 na siglo na naging salik
sa pag-usbong ng kamalayang Filipino ang sekularisasyong.
- Ang Sekularisasyong ay ang pagbibigay sa mga paring secular ng
kapangyarihan pamunuan ang mga parokya.
- Ang mga paring regular ay ang mga paring Espanyol na kabilang sa
mga samahang relihiyoso tulad ng Agustinian, Franciscan, Recollect, Jesuit, at
Dominican. Paring secular naman ang tawag sa mga Filipinong pari na hindi
maaaring mapabilang sa alinmang samahang relihiyoso.
- Noong 1872, isang pag-aalsa ang sumiklab sa Cavite na kinabibilangan
ng mga sundalong Filipino na naglilingkod sa isang arsenal dito. Ito ay
pinangunahan ni Fernando La Madrid, isang sarhentong Filipino. Nag aklas ang
mga sundalo nang tanggalin ang ilan sa kanilang mga pribilehiyo tulad ng hindi
pagbabayad ng buwis at hindi pagsali sa sapilitang paggawa.
- Ang tatlong paring martir sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto
Zamora na nagpabintangan mga pinuno ng pag-aalsa sa Cavite, at Hinatulan
sila ng kamatayan
- Sa pagkamatay ng tatlong pari ay pinaigting ang damdaming
makabansa ng mga Filipinong laban sa mga mananakop.
- Ang paglipas ng merkantilismo ay nagbigay daan sa pag-usbong ng
malayang kalakalan at ang kaakibat na malayang kaisipan.

III. Mga Gawain


A. Gawain 1: Punan ng angkop na salita
1. Buwan at taon, _____________ binuksan sa pandaigdigang kalakalan ang
Suez Canal?
2. Ang panggitnang uri ay karaniwang kinabibilangan ng mga
_______________ at __________________.
3. Sa taong 1868 siya ang pinadala bilang bagong Gobernador-Heneral sa
Pilipinas siya ay si _____________________.
4. Gobernador-Heneral _________________ ang humalili kay Carlos Maria de la
Torre?
5. Taong ginugugol ni ______________ Gobernador-Heneral Carlos Maria de la
Torre.

21
B. Gawain 2: Reaksyon
Sumulat ng isang maikling sanaysay na nagpapahayag ng sariling salloobin o
opinyon tungkol sa paksang tinalakay.

Rubrik
Pamantayan Bahagdan Paglalarawan

Nilalaman 40% Kumpleto at komprehensibo ang nilalaman


ng sanaysay, wasto ang mga impormasyon,
at gumamit ng pangunahin at sekundaryang
nilalaman.
Mensahe 30% Malinaw na naipapabatid ang mensahe ng
sanaysay at nakabatay ang pananaw sa
katotohanan at matalinong pagpapasiya.
Presentasyon 20% Malinaw ang daloy ng sanaysay at
organisado ang paglalahad ng mga
argumento at kaisipan.
Pagkamalikhain 10% Malinis at komprehensibo ang nabuong
sanaysay.
Kargdagang
Komento

IV. Tayahin
Basahin ang bawat aytem at ITIMAN ang LETRA ng wastong sagot.
1. Sino ang Gobernador–Heneral na kilala bilang isa sa pinakamalupit na
namuno sa Pilipinas?
Carlos Maria de la Torre
Jose Burgos
Mariano Gomez
Rafael de Izquierdo

2. Alin ang tawag sa mga Filipinong pari na hindi maaaring mapabilang sa


alinmang samahang relihiyoso?
Prayle
Paring Misyonero
Paring Regular
Paring Sekular

22
3. Anong taon sumiklab ang pag- aalsa sa Cavite na kinabibilangan ng
mga sundalong Filipino?
1872
1873
1875
1876

4. Ano ang tawag sa mga paring Espanyol na kabilang sa mga samahang


relihiyoso tulad ng Agustinian, Franciscan, Recollect at Dominican?
Prayle
Paring Misyonero
Paring Regular
Paring Sekular

5. Alin sa sumusunod ang paring sekular na may kapangyarihang pamunuan


ang mga parokya.
La ilustración
Principales
Regularisasyon
Sekularisasyon

V. Karagdagang Gawain
Gumuhit ng isang sining o larawan na nagpapakita ng kalayaan ng isang
bansa. Gumamit ng hiwalay sa sagutang papel.

23
Susi sa Pagwawasto: AP 5

Aralin 5: Partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan) sa


pakikibaka ng bayan

Tuklasin:
D A G A M I L V O U I T
N B A G A N H O P E P A
A A J I G Y C R S T A M
S Y K M A O H G R S G B
O A S U L A Y M A N I L
Y N L A A M T H B U B O
O M M T T A I G O R O T
N A N T H H U H N F G W
A H O O G L O K B T T G
L A S M L I M O G H U A
A L E O I K N G K S Y S
P A G M A M A H A L K O

Pamprosesong Tanong
1.Sila ay nakikibaka dahil sa kalupitan at pang-aabuso ng mga Kastila sa mga
Pilipino
2.Tinugunan nila ang pagtrato ng mga Kastila sa pamamagitan ng pag-alsa o
paggamit ng armas.
Gawain 1
1.B
2.C
3.D
4.E
5.A
Gawain 2
15 10 5
Pagkabuo Angkop at wasto ang May iiang saitang ginamit Waang kaugnayan at
saitang ginamit sa na hindi angkop at wasto hindi wasto ang saitang
pagbubuo ginamit
Nilalaman Mabisang maipahayag Hindi gaanong Hindi naipahayag nang
ang mensahe naipahayag ang mensahe mabisa ang nilalaman

24
Tayahin
1. C
2. B
3. B
4. A
5. D
Karagdagang Gawain
Depende sa nasaliksik ng mga bata

Aralin 6: Ang Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan

Tuklasin : Sino ako, hulaan mo?


1. Gregoria de Jesus
2. Gabriela Silang
3. Patrocinia Gamboa
4. Melchora Aquino

Pamprosesong Tanong:
1. Halimbawa ng kasagutan_-Ang naging batayan ko sa pagsagot ay ang
mga impormasyon o clue na nasa bawat bilang at ang puzzle box na nasa
ibaba ng larawan.
2.
Mga kababaihan na Paraan ng Pakikipaglaban o pagtulong sa
nakipaglaban pakikipaglaban
•Gregoria De Jesus Siya ay ang tagapagtago ng lihim na dokumento ng
rebolusyon at naging kawal din siya na lumaban sa
mga kastila
•Gabriela Silang Pinangunahan niya ang grupong iniwan ng kanyang
asawa. Siya ang kauna unahang babaing namuno sa
rebolusyon sa Pilpinas.
•Patrocinio Gamboa Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo
para sa rebolusyon.
Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging
kasapi ng puwersang rebolusyon ay nang matagumpay
niyang malampasan ang bantay ng kalaban sa Sta.
Barbara, Iloilo na ligtas na nadala ang watawat ng
Pilipinas kay Heneral Delgaldo.
•Teresa Magbanua Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga
kalalakihan. Tumulong siya sa pakikipaglaban. Nakilala
siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na
Nay Isa. Maraming labanan ang kanilang naipanalo.
Melchora Aquino hindi siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga
nasugatang Katipunero sa tuwing napapasabak ang
mga ito sa labanan.

25
•Gliceria Marella de Sinuportahan din ng mag-asawa ang rebolusyon ng
Villavicencio 1896. Ipinagamit nila ang kanilang mga kamalig para sa
pagmimiting at pagpaplano ng mga Katipunero.

Tanggapin ang ibang kasagutan ng mga bata.


3. Ang mga kababaihan nuon ay nagpatunay na malaki ang kanilang
magagawa sa lipunan, handang ibuwis ang kanilang buhay at hindi naging
hadlang bilang isa silang babae – isa itong patunay na nuon pa man ay may
mahalagang papel na ginagampanan ang mg babae sa lipunan.

A. Gawain 1
1. B
2. A
3. E
4. C
5. D
B. Gawain 2: Paggawa ng Maikling Tula

RUBRIKS SA PAGGAWA NG TULA

Tayahin
1. C
2. C
3. C
4. C
5. A

Karagdagang gawain
Ang kasagutan ay depende sa mga nakalap na imporsyong ng mga mag-
aaral.

26
Aralin 7: Pagpapahalaga sa Partisipasyon ng Iba’t-Ibang Rehiyon at Sektor sa
Pagsulong ng Kamalayang Pambansa

Tuklasin: Mga Posibling kasagutan


1. Unang-una sa lahat, ang Pilipinas bilang isang bansa ay dapat lamang
maghangad ng kalayaan mula sa kahit na ano o sinong dayuhan. Dito pa
lamang sa mentalidad na ito ay mararamdaman na natin kung bakit
napakahalaga ng kalayaan para sa mga Pilipino. Kalayaan ay kasarinlan. Ang
kasarinlan ay pagpapahalaga sa ngalan, kanyang minamahal na tinubuan
lupa, at higit sa lahat sa buhay ng mga tao, buhay ng mga mamamayang
Pilipino.

2. Lahat ng tao ay dapat maging malaya dahil ito ang isa sa mga karapatan
ng bawat isa sa atin. Walang sinuman ang maaaring kumuha ng ating
kalayaan. Kung ang Diyos, ang siyang pinakamakapangyarihan sa lahat, ay
binigyan tayong karapatang pumili at magdesisiyon para sa ating mga sarili,
walang ibang tao ang may karapatang kunin ito sa atin.

Mga Gawain:
Gawain 1. Ikuwento mo ang pangyayari

Mga epekto at bunga ng kalakalang galyon


1. Dahil sa kalakalang galyon, nagkaroon ng kontrol ang mga Tsino sa
kalakalan
2. Nagkaroon ng palitan ng kaalaman sa pilosopiya, teknolohiya at maging
sa agham
3. Palitan ng mga kultura at pagpapaunlad ng mga ito
Mga limitasyon ng kalakalang galyon
● Dalawang beses lamang maaaring magkaroon ng kalakalan sa loob ng
isang taon sa kalakalang galyon
● Isang ruta lamang ang pinahintulutan para sa kalakalang galyon
● Ang mga may boleta lamang na katutubong Pilipino ang
pinahihintulugang sumali
Gawain 2: Paggawa ng Awit
Gamitin ang Rubrics sa pagwawasto.

Pamantayan sa Gawain
Pamantayan 10 8 5
kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi angkop ang
angkop sa tema sa himig ng tema sa himig ng
tema ang awit awit awit
Paksa/tema Malinaw na Nakikita ang Walang tugma sa
naiguhit ang paksa ngunit may paksa

27
paksang nais ibang nakikita lihis
ipabatid sa paksa
kawilihan Lubos na Kakaiba at kawili Hindi kawili wili ang
kakaiba at wili ang ginawang ginawang awit
kawili-wili ang awit
ginawang awit

Tayahin
1. D
2. C
3. D
4. B
5. C

Karagdagang Gawain
Ayon sa gustong gawin ng bata

Aralin 8: Pagpapahalaga sa Partisipasyon ng Iba’t-Ibang Rehiyon at Sektor sa


Pagsulong ng Kamalayang Pambansa
Tuklasin:
1-5. Ang kasagutan ay depende sa sagot ng mga mag-aaral.
● Pamprosesong Tanong:
1-2. Ang kasagutan ay depende sa sagot ng mga mag-aaral.
Mga Gawain:
Gawain 1:
1. Nobyembre 1869
2. Chinese at Spanish Mestizo
3. Carlos Maria de la Torre
4. Rafael de Izquierdo
5. Dalawang Taon
Gawain 2: Reaksyon
Gamitin ang Rubrics sa pagwawasto.

RUBRIK SA REAKSYON
Sundin ang pagmamarka ayon sa itinakda ng Rubrik.

Tayahin:
1. C
2. D
3. A
4. C
5. D

28
29

You might also like