You are on page 1of 71

5

Aralin Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Aralin 1 - 8
Pag-usbong ng Kamalayang
Pambansa ng mga Pilipino

(DO_Q4_ARALINGPANLIPUNAN5_MODYUL4)
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ika-apat na Markahan
Binagong Edisyon, 2023
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Sara Z. Duterte-Carpio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rose Ann D. Abrio, Gemma P. Tkhoryk, Sherill Joy C. Fuentes,
Jessa Mae Sastre, Edna R. De Guzman, Joemarie S. Fiel, Junile Emancel A. Franco,
Yolanda U. Atienza
Tagasuri ng NIlalaman: Dr. Leilanie Zoraida M. Mendoza, Gracely A. Magat
Tagasuri ng Wika: Gemma P. Tkhoryk
Reviewer: Gemma P. Tkhoryk
Tagalapat: Jean A. Tropel, Education Program Supervisor, Mary Ann V. Esteban, Master
Teacher I
Tagapamahala:
MELITON P. ZURBANO, Assistant Schools Division Superintendent, OIC-SDS
FILMORE R. CABALLERO, CID Chief
MYRON WILLIE III B. ROQUE, Division EPS In-Charge of LRMS
Dr. LEILANIE M. MENDOZA, EPS Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________________

Department of Education – National Capital Region – SDO VALENZUELA


Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292 – 3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinatakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Ikapat na Markahan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
Gawain aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Susi sa mga gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang


Sanggunian
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan –
Modyul 4 - Aralin 1:
Mga Lokal na Pangyayari Tungo
sa Pag-usbong ng
Nasyonalismong Pilipino
Alamin
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mabigyang pansin
at malaman ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino.
Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang mga lokal na mga pangyayari tungo sa pag-usbong ng
nasyolismong Pilipino

Subukin

A. Panuto: Pag-ugnayin ang mga pahayag o kaisipan sa Hanay A at Hanay B.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1. Binuksan ang Suez Canal A. nakapagluwas nng mga produktong
2. Umunlad ang negosyo agrikultural ang bansa
3. Nakapag-aral ang mga malayang B. Napabilis ang paglalakbay ng
Pilipino sa mga bansa sa Europa kalakal.
4. Nagkaroon ng pandaigdigang C. Lumago ang kabuhayan at Negosyo
kalakalan D. Nagkaroon ng pangkat ng mga
5. May mga dayuhang nakapag-asawa mestizo
ng mga Pilipino. E. Lumawak ang kaisipan ng mga
Pilipino

B. Panuto: Isulat ang tsek (√) sa sagutang papel kung ang mga sumusunod na
salita ay may kaugnayan sa nasyonalismo at ekis (X) kung wala.

1. pagmamahal
2. makabansa
3. pananakop
4. kalayaan
5. pang-aapi

1
Mga Lokal na Pangyayari Tungo
Aralin
sa Pag-usbong ng Nasyonalismong
1 Pilipino
Sa araling ito ay matututuhan mo ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-
usbong ng nasyonalismong Pilipino.

Balikan

Panuto: Maglista ng limang pamamaraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating


bayan o bansa.
1. _____________________________________________________________
2. _____________________________________________________________
3. _____________________________________________________________
4. _____________________________________________________________
5. _____________________________________________________________

Tuklasin

Ang nasyonalismo ay pagpapakita ng pagmamahal, pagkamakabayan at


pagiging makabansa sa lupang sinilangan.
Umusbong ang nasyonalismong Pilipino dahil sa pagmamalabis, maling
pamamalakad at mapang-abusong patakaran ng mga Espanyol. Ang mga ito ay
nagbunsod ng mga pangyayaring lubos na nakaapekto pamumuhay ng mga
katutubong Pilipino.
Mga Lokal na Pangyayari (Pangyayari sa Loob ng Bansa)
1. Mga Karanasan at Pagtututol sa Monopolyo sa Tabako
Itinatag ni Gobernador-heneral Jose Basco y Vargas ang monopolyo sa tabako
noong 1872. Ito ay itinatag upang may mapagkunan ng karagdagang kita ng
Espanya at ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas. Sa simula, naging maganda at
maayos ang pagpapatupad ng programa sa bansa. Ngunit nang lumaon ay naging
pahirap ito sa mga katutubong Pilipino dahil sa pang-aabuso ng mga Espanyol.
Ang mga kolektor na itinalaga upang mamagitan sa mga magsasaka at
pamahalaan ay naging mapang-abuso. Hindi nila ibinibigay sa mga magsasaka ang
itinakdang halagang kabayaran sa kanilang mga ani.
Bilang tugon ng mga katutubong Pilipino sa pang-aabusong ito, sila ay
nagsagawa ng iba’t-ibang rebelyon. Ang mga magsasaka sa Nueva Ecija ay nagpuslit
ng kanilang mga ani at ibinenta sa ibang mangangakal upang magkaroon ng kita.
Nagsagawa ng naman ng pag-aalasa sina Magalat sa Cagayan (1956) at Lagutao at
Baladdon ng Kalinga (1785). Nagpakita din ng pagtutol ang mga katutubo sa Samal,
Bataan at Laoag (1788).
Taong 1882, tuluyang ipinatigil ang operasyon ng monopolyo sa tabako.

2
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN 1)
2. Pag-aalsang Agraryo
Ang pag-aalsang agraryo ay dulot ng pang-aabuso at pangangamkam ng mga
prayle sa mga lupa ng mga katutubong Pilipino. Ito ay sumiklab sa Katagalugan sa
lalawigan ng Batangas noong 1745 hanggang 1746. Ito ay kumalat sa mga karatig
lalawigan ng Laguna, Cavite at Bulacan.
Ninais bawiin ng kilusan mula sa mga prayle ang mga kinamkam na mga lupang
pamana o ancestral domain ng mga katutubo. Dahil sa pagtanggi ng mga prayleng
ibalik ang mga lupain sa mga katutubo, lumaganap ang mga pagnanakaw sa mga
kumbento, pagsunog at pagwasak sa mga simbahan. Nakarating ang pangyayaring
ito kay Ferdinand VI kaya’t ipinag-utos niya na ibalik ng mga paring Espanyol ang
mga lupain ng mga katutubong Pilipino. Subalit umapila ang mga prayle kaya’t
walang naibalik sa mga Pilipino.

3. Pag-aalsa ni Pule (1840-1841)


Pinamunuan ni Apolinario de la Cruz o mas kilala sa tawag na “Hermano
Pule” ang pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon. Si Hermano Pule ay nagnais
ng pantay na pagtingin at pagtrato sa pagitan ng mga Espanyol at katutubong
Pilipino.
Noong 1829, sinubukan niyang pumasok sa orden ng Dominikano sa Maynila
ngunit siya ay tinanggiha dahil sa mga panahong iyon ay hindi pa tumatanggap ng
Indio o katutubong Pilipino upang maging isang pari. Dahil dito, itinatag ni Pule ang
Confradia de San Jose sa Lucban na tanging mga katutubong Pilipino lamang ang
mga kasapi. Lubos na tinutulan ng mga Espanyol ang samahan kaya’t ito ay pinatigil
na naging dahilan ng pagkamatay ni Hermano Puli at ng ibang kasapi nito.

4. Okupasyon ng Ingles sa Maynila noong 1762


Ang Pitong Taong Digmaan (Seven Years War) sa pagitan ng mga bansa sa Europa
ang naging daan upang sakupin ng mga Ingles ang Pilipinas. Noong Setyenbre 23,
1762, narating ng mga Ingles ang Manila Bay sa pamumuno nina Rear-Admiral
Samuel Cornish at Brigadier General William Draper. Nang tuluyang bumagsak ang
kamay ng mga Ingles ang Maynila lalong umigting ang mga pag-aalsa ng mga
katutubong Pilipino partikular na sa Ilocos Norte sa pangunguna ni Diego Silang.
Ang pagkatalo ng mga Ingles sa mga Espanyol ang nagmulat sa mga Pilipino na
maaari rin nilang matalo ang mga Espanyol.

Suriin

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano-ano ang mga pangyayari sa loob ng bansa na naging dahilan ng pag-
usbong ng damdaming makabayan ng mga Pilipino?
2. Sino ang nagtatag ng isang Samahan bilang tugon sa diskriminasyon sa lahi
na ipinakita ng mga Espanyol?
3. Bakit nabuo ang Pag-aalsang Agraryo?
4. Bakit tinuligsa ng mga katutubong Pilipino ang monopolyo sa tabako?
5. Paano nakatulong ang pagdating ng mga Ingles sa Maynila sa pag-usbong ng
nasyonalismo ng mga Pilipino?

3
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN 1)
Pagyamanin

Panuto: Isulat ang tinutukoy ng bawat pangugusap. Piliin ang tamang sagot sa loob
ng kahon.
1. Itinatag niya ang Confradia de San Jose.
2. Nagtatag ng monopolyo sa tabako.
3. Mga lupaing pamana sa mga katutubong Pilipino.
4. Digmaan sa mga bansa sa Europa.
5. Namuno sa pag-aalsa sa Cagayan.

Magalat ancestral domain Hermano Pule


Jose Basco y Vargas Pitong Taong Digmaan
Diego Silang

Isaisip

Nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino dahil sa sa mga


sumusunod na lokal na pangyayari:
▪ Mga Karanasan at Pagtututol sa Monopolyo sa Tabako
▪ Pag-aalsang Agraryo
▪ Pag-aalsa ni Pule
▪ Okupasyon ng Ingles sa Maynila noong 1762

Isagawa

Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa ating bansa ngayong panahon


ng pandemya?

Tayahin

Panuto: Suriin ang bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang pag-aalsang nabuo dahil sa hindi makatarungang pangangamkam
ng mga lupain ng mga prayleng Espanyol mula sa mga katutubo?
A. Pag-aalsa ni Pule
B. Pag-aalsa sa Cagayan ni Magalat
C. Pag-aalsang Agraryo
D. Pag-aalsa ni Diego silang sa Ilocos

4
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN 1)
2. Ano ang tawag sa samahang nabuo dahil sa diskriminasyon sa lahi?
A. Kilusang Agraryo
B. Confradia de San Jose
C. Samahan ng mga Pilipino
D. Kilusan ng mga taga-Kalinga
3. Bakit tinuligsa ng mga katutubong Pilipino ang monopolyo sa tabako?
A. Dahil malaki ang naging kita ng mga magsasaka
B. Dahil hindi binibili ang kanilang mga aning tabako
C. Dahil sa pagmamalabis ng mga Espanyol
D. Dahil walang ani ang mga Pilipino
4. Ano ang pangyayaring nagmulat sa mga Pilipino na maaari rin nilang matalo
ang mga Espanyol?
A. Pagkamatay ni Hermano Pule
B. Pagkatalo ng mga Ingles sa mga Espanyol
C. Pagwawakas ng monopolyo sa tabako
D. Pagkamkam ng mga lupain
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pangyayari sa loob ng
bansa na gumising sa damdaming Makabayan ng mga Pilipino?
A. Merkantilismo
B. Pag-aalsa ni Pule
C. Pag-aalsang Agraryo
D. Okupasyon ng mga Ingles sa Maynila
6. Sino ang isa sa mga namuno sa mga Ingles sa pananalakay sa Maynila?
A. Brigadier General William Draper
B. Gobernador-heneral Jose Basco y Vargas
C. Apolinario de la Cruz
D. Hermano Pule
7. Sino ang namuno sa pag-aalsa sa Cagayan laban sa mga Espnayol dahil sa
kanilang pang-aabuso sa pamamaha sa monopolyo sa tabako?
A. Magalat B. Lagutao C. Hermano Pule D. Diego Silang
8. Kailan inilunsad ang Kilusang Agraryo?
A. 1744 hanggang 1745 C. 1747 hanggang 1748
B. 1745 hanggang 1746 D. 1746
9. Sino ang nagtatag ng isang ng Confradia de san Jose?
A. Diego Silang B. Lagutao C. Hermano Pule D. Magalat
10. Anong lalawigan ang sumuway sa patakaran ng monopolyo sa tabako sa
pamamagitan ng pagpupuslit at pagbebenta ng ani sa mga pribadong
mangangalakal?
A. Cavite B. Bulacan C. Nueva Ecija D. Batangas

Karagdagang Gawain

Pumili ng isang salik at ipaliwanag sa magulang kung paano ito nagbigay-daan


sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.

5
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN 1)
ARALIN 1)
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
6
Subukin : A. 1.B 2. A 3. D 4. F 5. C
B. 1. / 2. / 3. X 4. / 5. X
Pagyamanin : 1. HERMANO PULE 2. JOSE BASCO Y VARGAS 3.
ANCESTRAL DOMAIN 4. PITONG TAONG DIGMAAM 5. MAGALAT
Tayahin: 1. C 2.B 3. C 4.B 5.A 6. A 7. A 8. C 9. A 10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Araling Panlipunan Batayang Aklat 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa ph. 244-25

7
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN 1)
5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan –
Modyul 4 - Aralin 2:
Mga Pandaigdigang Pangyayari
Tungo sa Pag-usbong ng
Nasyonalismong Pilipino

8
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mabigyang pansin
at malaman ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino.
Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang mga pandaigdigang pangyayari tungo sa pag-usbong ng
nasyolismong Pilipino

Subukin

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto
at MALI kung hindi wasto.

1. Ang Ingles ng La Ilustracion ay Age of Enlightenment.


2. Nang matalo ng Pransiya ang Espanya ay namuno si Napoleon Bonaparte dito
bilang hari.
3. Hindi nakapag-alsa ang mga katutubo laban sa Espanya dahil hindi napatupad
ang konstitusyon sa ating bansa.
4. Maliit lamang ang naiambag ng kaisipang La Ilustracion ng Europa sa mga
Pilipino.
5. Sa merkantilismo, nakasalalay sa dami ng ginto at pilak ang yaman ng isang
bansa.
6. Pinairal sa Europa ang merkantilismo na isang patakarang pang-ekonomiya
noong ika-16 hanggang ika-18 na siglo.
7. Sa pagbukas sa daungan ng Maynila, nagkaroon ng maunlad na sistema ang
komunikasyon at transportasyon dahil sa pag-unlad ng komersiyo.
8. Maraming bangko ang binuksan noong lumago ang kalakalan sa Pilipinas.
9. Naging maganda ang epekto ng merkantilismo sa mga nasakop na lupain.
10. Hindi naging madali ang paglalakbay ng sasakyang pandagat nang mabuksan
ang Suez Canal ng Egypt.

9 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN2)
Aralin Mga Pandaigdigang Pangyayari
Tungo sa Pag-usbong ng
2 Nasyonalismong Pilipino
Noong nakaraang aralin ay natutuhan mo ang mga lokal na pangyayari tungo
sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.
Ngayon naman ay aalamin mo ang mga pandaigdigang pangyayari tungo sa
pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.

Balikan

Panuto: Pumili sa kahon at isulat ang salita na hinahanap sa bawat bilang.


1. Ito ang tawag sa patakarang pamkabuhayan na ipinatupad sa Pilipinas upang
makalikom ng karagdagang ang bansa.
2. Ang hari ng Espanya na dagliang nag-utos na ibalik ng mga prayle ang mga
lupang pamana sa mga katutubo.
3. Ang samahang itinatag ni Hermano Pule na may layuning pagigtingin ang
pagsasagawa ng mga mabubuting gawain ng isang Kristiyano.
4. Pag-aalsang lumaganap sa katagalugan bilang tugon sa pangangamkam ng
mga prayle sa pamanang lupain ng mga katutubong Pilipino.
5. Ang gobernadora heneral na nagpagaan ng sitwasyon ng monopolyo ng tabako
sa pamamagitan ng pagsama nito bilang isa sa mga programang pang-
ekonomiya.

Confradia de San Jose Monopolyo sa Tabako Haring Ferdinand VI


Pag-aalsang Agraryo Jose Basco y Vargas Sapilitang Paggawa

Tuklasin

Mga Pandaigdigang Pangyayari


Ang mga pangyayaring naganap sa labas ng bansa ay nagkaroon ng epekto
sa pagkabuo ng kamalayang makabayan at pakikibaka ng mga Pilipino. Kabilang
dito ang pagbubukas ng Suez Canal, paglahok ng Pilipinas sa malayang kalakalan,
pag-usbong ng panggitnang uri, pagpasok ng liberal na kaisipan at ang
sekularisasyon ng simbahan sa Pilipinas.

1. Ang Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan (1834)


Sa paglipas ng merkantilismo (kung saan ang sukatan ng tunay na kayaman
ng isang bansa ay ang dami ng mahahalagang metal tulad ng ginto at pilak na
pagmamay-ari nito) bilang ekonomikong batayan ng kolonyalismo, inutos ng hari ng
Espanya ang lubos na pagbubukas sa daungan ng Maynila para sa pandaigdigang
10 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN2)
kalakalan. Umunlad ang produksiyon ng bansa nang magbukas ang mga daungan
para sa pandaigdigang kalakalan sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas tulad ng daugan
sa Sual (Pangasinan), Iloilo, Zamabonga, Cebu, Tacloban at Legaspi.
Sa paglago ng kalakalan, lumago din ang salapi at kapital ng mga
mamamayan. Dahil dito, nagbukas ang maraming bangko sa bansa tulad ng Banco
Espaňol-Filipino de Isabel II (1851), Chartered Bank of India, Autralia, ang China
(1869), Shanghai Banking Corporation (1876) at Monte de Piedad (1882).
Lumago din ang komersyo na naging dahilan ng pag-unlad ng sistema ng
komunikasyon at transportasyon. Kasabay nito ay nagsimula rin ang pag-unlad ng
kaisipan ng mga tao at ang kamalayan sa kanilang kapaligiran.

2. Ang Pagbubukas ng Suez Canal


Binuksan sa pandaigdigang kalakalan ang Suez Canal noong ika-17 ng
Nobyembre, 1869. Sa pagbubukas nito, naging maikli ang paglalakbay at napadali
ang komunikasyon mula sa Maynila patungong Espanya. Naging mas madali at
mabilis ang pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas na may dalang iba’t-ibang
kalakal, ideya at kaisipang liberal na siyang nagpamulat sa mga Pilipino.

3. Pag-usbong ng Panggitnang Uri


Ang mga Pilipinong nakaangat at nakapag-aral sa ibang bansa ang bumuo sa
panggitnang uri o (middle class). Sa kanilang paglalakbay at pag-aaral sa ibang
bansa, sila ay namulat sa kaisipang liberal at mapaniil na pamamalakad ng mga
Espanyol sa Pilipinas. Sila ay humiling ng pagbabago sa sistema ng pamamalakad
ng mga Espanyol. Ang pangkat ng panggitnang uri ay tinawag na ilustrado o mga
“naliwanagang” kabataan.

4. Liberal na Pamumuno
Noong ika-19 ng Disyembre, 1868, sumiklab ang isang himagsikan sa
Espanya. Ito ay nagbunga ng pagpapalit ng pamamahala sa Espanya mula sa
kamay ng mga konserbatibo tungo sa mga liberal na pinuno. Sa panahong ito,
ipinadala bilang gobernador-heneral sa Pilipinas si Carlos Maria de la Torre.
Nakilala si de la Torre sa kanyang liberal na pamamahala sa Pilipinas na
naniniwala na pantay-pantay ang lahat ng tao. Sa ilalim ng kanyang pamumuno,
nakaranas ang mga Pilipino ng kalayaan sa pagpapahayag. Subalit hindi nagtagal
ang kanyang panunungkulan at ito ay natapos nang siya ay palitan ni Gobernador-
Heneral Rafael de Izquierdo. Si Izquierdo ay kinilala bilang isa sa mga
pinakamalulupit na namuno sa Pilipinas. Dahil dito lalong sumidhi ang pagnanais
ng mga katutubong Pilipino para sa pagbabago at kalayaan.

5. Sekularisasyon at ang Tatlong Paring Martir


Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihang
mamuno ng parokya. Ang paring sekular ay ang tawag sa mga Pilipinong pari na
hindi maaaring mapabilang sa alinman samahang relihiyoso. Paring regular
naman ang tawag sa mga paring Espanyol na kabilang sa mga samahang relihiyoso
tulad ng Agustino, Pransiskano, Rekoletos, Heswita at Dominikano. Tinutulan ng
mga paring regular na pamunuan ng mga paring sekular ang mga parokya. Labis
na naapektuhan ang mga paring Pilipino sa ginawang pagtanggal sa kanilang
katungkulan kaya’t isang kilusan ang nabuo sa pamumuno ni Padre Pedro Pelaez.
Noong 1872, sumiklab ang isang pag-aalsa sa Cavite na kinabilangan ng mga
sundalong Pilipino na naglilingkod sa arsenal dito. Nag-ugat ang kanilang pag-aalsa
nang tanggalin ang ilan sa kanilang pribeliheyo tulad ng pagbabayad ng buwis at
hindi pagsali sa sapilitang paggawa. Ang rebelyong ito ay pinamunuan ni sarhento
Fernando La Madrid. Nasupil kaagad ito ng mga Espanyol at dinakip ang mga
11 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN2)
napagbintangang pinuno nito. Kabilang sa mga ito ang mga paring sina Mariano
Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Sila ay pinagbintangang utak ng pag-aalsa
sa Cavite upang mapatahimik ang isyu ng sekularisasyon.

Hinatulan ang GomBurZa ng kamatayan sa pamamagitan ng paggarote noong


ika- 17 ng Pebrero, 1872. Sa pagkamatay ng tatlong paring martir ay lalong
umigting ang damdaming makabansa ng mga Pilipino laban sa mga mananakop.

Suriin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino-sino ang bumuo ng panggitnang uri?
2. Ano ang naging epekto sa Pilipinas ng pagbubukas ng Suez Canal sa
pandaigdigang kalakalan?
3. Paano nakaapekto sa mga nasa panggitnang uri ang pag-aaral nila sa
ibang bansa?
4. Bakit hinatulan ng kamatayan ang tatlong paring martir?
5. Nakaapekto ba sa kamalayang makabayan ng mga Pilipino ang mga
pangyayari sa ibang bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Pagyamanin

Panuto: Pagtambalin: Piliin sa Hanay B ang inilalarawan sa bawat bilang sa Hanay


Isulat ang letra ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
1. Ang liberal na pinuno sa Pilipinas. a. GomBurZa
2. Siya ang hari ng Espanya na lumaban sa mga b. Carlos Maria dela Torre
Pranses (French).
3. Ito ang tawag sa lugar na binuksan noong 1869 c. Gobernador-Heneral Juan
na kung saan higit na napadali ang pag-aangkat Antonio de Urbiztondo
ng kalakal.
4. Sila ang tatlong pari na dinakip dahil d. Ferdinand VII
napagbintangan silang mga pinuno ng pag-aalsa
sa Cavite.
5. Siya ay isang mayamang Pilipino na nahalal e. Ventura de los Reyes
bilang kinatawan sa Cadiz.
f. Suez Canal

Isaisip

May mga panyayari sa labas ng bans ana nakaapekto sa pamumuhay at


pananaw ng mga Pilipino hinggil sa kanilang kalagayan sa ilalim ng pamumuno
ng mga Espanyol. Kabilang sa mga ito ang:

12 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN2)
• pagbubukas ng Suez Canal
• paglahok ng Pilipinas sa malayang kalakalan
• pag-usbong ng panggitnang uri
• pagpasok ng liberal na kaisipan
• sekularisasyon ng simbahan sa Pilipinas

Isagawa

Kung ikaw ay nabuhay noong mga panahon na iyon, sang-ayon ka ba sa


naging paraan nila para makamit ang kalayaan mula sa Espanya? Bakit?

Tayahin

Panuto: Suriin ang bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Ang mga nasa gitnang uri ay agad na tinangkilik ang pakikidigma ng
pamahalaan laban kay Napoleon. Alin sa mga sumusunod ang dahilan?
A. Upang makalaya mula sa despotism ni Napoleon
B. Upang magkaroon ng pagkakataon sa malayang kalakalan
C. Upang matiyak ang kalayaan ng maliliit na bansa
D. Lahat ng nabanggit
2. Kumpletuhin ang pangungusap. Ang panggitnang uri ay karaniwang
kinabilangan ng mga ___.
A. Mga matatanda lamang
B. Mga Indonesian at Hapones
C. Mga Tsino at Espanyol na mestizo
D. Mga Amerikano at Tsino
3. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng Cadiz Constitution nang hindi
nagtagumpay ang tangkang ipatupad sa Pilipinas sa pamamahala ng Spain?
A. Pagsiklab ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa pagkansela sa pagpapatupad ng
konstitusyon sa Pilipinas
B. Patuloy pa rin ang kalakalang galyon
C. Pagsunod ng mga Igorot sa patakarang Espanyol
D. Pakikidigma ng mga Muslim
4. Ito ang mga tawag sa samahang relihiyoso ng mga paring regular. Maliban sa
isa.
A. Iglesia
B. Pransiskano
C. Dominikano
D. Augustino

13 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN2)
5. Bakit tumututol ang mga paring regular na pamunuan ng mga paring sekular
ang mga parokya?
A. Dahil sila lamang ang totoong mga pari noong panahon na iyon.
B. Dahil kailangan nais nila ang may malawak na kapangyarihan at
impluwensiya gayundin ang yamang mula sa kaban ng simbahan.
C. Dahil wala naman ginagawa ang mga paring sekular para maitaguyod ang
Simbahan
D. Dahil mas nauna sila kaysa sa mga paring sekular
6. Ano ang tawag sa kilusang pilosopikal na nakapagpamulat sa mga tao na
mayroon pala silang karapatan?
A. Liberty C. Fraternity
B. Equality D. La Ilustracion
7. Ikinagalit ng mga Espanyol ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging
malaya at matamasa ang mga karapatan sa isang malayang bansa, itinawag
nila itong:
A. Filibusterismo o supersibong kaisipan
B. Merkantilismo
C. La Ilustracion
D. Pagkakahibang
8. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nakaangat sa lipunan na nakapag-aral at
nakapaglakbay sa iba’t ibang bansa?
A. Ilustrado C. Unahang Lipunan
B. Mababang Lipunan D. Prayle
9. Ito ang mga nagawa ng mga Espanyol na nakatulong sa pag-usbong o
pagsisimula ng pagkakaisa, pakikibaka, at pagiging pagkamakabayan ng mga
Pilipino, maliban sa isa:
A. Pagkakaroon ng fiesta sa bawat barangay
B. Pagpapalaganap ng isang relihiyon
C. Pagbibigay ng isang pangalan sa mga lupain na dati ay nahahati sa mga
barangay at sultanato
D. Pang-aabuso at pagmamalupit
10. Sinong gobernador-heneral na nanghikayat sa mga Pilipino na pag-usapan
ang mga suliranin ng bansa upang ito ay maituwid?
A. Rafael de Izquierdo y Gutierrez
B. Carlos Maria de la Torre
C. Ramon Blanco Erenas Riera y Polo
D. Narciso Claveria

Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa sumusunod na tanong. Sa


iyong palagay, marapat lamang bang nagwakas ang kalakalang galyon sa Pilipinas
o hindi? Bakit?

14 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN2)
ARALIN2)
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4 15
Subukin: 1. TAMA 2. MALI 3. MALI 4. MALI 5. TAMA 5. TAMA 6.
TAMA 7. TAMA 8. TAMA 9. MALI 10. MALI
Balikan: 1. Monopolyo sa Tabako 2. Haring Ferdinand VI 3. Confradia de
San Jose 4. Pag-aalsang Agraryo 5. Jose Basco y Vargas
Pagyamanin: 1. B 2. D 3. F 4. A 5. E
Tayahin: 1. D 2.C 3. A 4. A 5.B 6. D 7. A 8. A 9. A 10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
1. Araling Panlipunan Batayang Aklat 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa pahina. 244-
258)

16 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN2)
5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan –
Modyul 4 - Aralin 3:
Ang Pagtatangol ng mga
Katutubong Muslim sa
Kanilang Kalayaan
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mabigyang pansin
at malaman ang mga ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong
Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan.

Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


Naipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim)
sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan.

Subukin

Panuto: Isulat ang tsek ( ) kung ang pangungusap ay wasto at ekis ( ) naman
kung ito ay di-wasto.

1. Bago pa man dumating ang mga Espanyol, may magandang ugnayan na ang
Pilipinas sa mga karatig-bansa nito.
2. Ang pamahalaang Sultanato ay pinamumunuan ng isang Datu.
3. Mas higit na makapangyarihan ang Datu kaysa sa Sultan.
4. Hindi nanghingi ng ano mang tulong mula sa mga kapwa Muslim sa mga
karatig-bansa ang mga Moro.
5. Naharap ang digmaang Moro sa anim na yugto.
6. Nang maitatag ng mga Muslim sa bansa ang mas organisadong pamahalaan
na tinatawag na sultanato, ang Islam ang kanilang naging relihiyon.
7. Ang relihiyong Islam ay unang itinatag ni Bathala.
8. Ang salitang Islam ay hango sa salitang Arabe na Salaam na ang ibig sabihin
ay “lubusang pagsuko kay Allah.”
9. Ang Panginoong Diyos ang nag-iisang Diyos ng mga Muslim.
10. May iba’t ibang paniniwala ang Islam tulad ng monoteismo, si Muhammad
bilang propeta, paniniwala sa kanilang banal na aklat na Koran, at maraming
pang iba.

18
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN3)
Ang Pagtatangol ng mga
Aralin
Katutubong Muslim sa Kanilang
3 Kalayaan
Noong nakaraang aralin ay natutuhan mo ang ang mga pandaigdigang
pangyayari tungo sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Ngayon naman ay
aalamin mo ang mga pananaw at paniniwala ng mga Muslim sa pagpapanatili ng
kanilang kalayaan.

Balikan

Ano-ano ang ideya mo sa mga salitang nasa loob ng kahon? Isulat ang iyong sagot
sa iyong sagutang papel.

Allah Islam Sultanato Sultan Jihad

Tuklasin

Ang Pakikibaka ng mga Moro para sa Kalayaan


Ang labanan ng mga Muslim sa Mindanao laban sa mga Kristiyanong
Espanyol ay tinawag na Digmaang Moro. Ang konsepto ng Moro ay naiuugnay noong
una sa mga barbaro bilang mapanira at mapangwasak. Subalit sa Pilipinas, ang
Moro ay titulo na ibinigay sa mga kababayang Muslim dahil sa kagitingan na
ipagtanggol ang kanilang lupain at paniniwala laban sa mga Espanyol. Ang Moro ay
nakilala bilang “mandirigmang Muslim.” Sila ay nagtataguyod ng paniniwalang Islam
na nangangahulugang ganap na pagsuko ng sarili kay Allah na kanilang Diyos.

Digmaang Moro Mga Pangyayari


Unang Yugto • Ito ay nagsimula sa panahon ng pagtatatag ni
(1571-1581) Legaspi ng Kristiyanismong Espanyol sa Pilipinas
noong 1571 at nagtapos sa pagsalakay ng mga
Espanyol sa Brunei noong 1578.
Ikalawang Yugto • Ito ay nagsimula noong 1591 nang simulan ng mga
(1591-1597) Espanyol ang Kolonisasyon ng Mindanao at
nagtapos noong 1597
Ikatlong Yugto • Sa yugtong ito ay binago ng mga Muslim ang
(1599-1635) kanilang estratehiyang pangmilitar mula sa
pagdepensa ay ginamit nila ang pamamaraang
19
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN3)
opensiba. Nakipagsagupaan ang mga magkakaanib
na Muslim ng Maguindanao at Buayan laban sa
mga Espanyol na pinamumunuan nina Datu
Salikula at Datu Sirungan noong 1599.
Ikaapat na Yugto • Nagsimula ito nang magtatag ng kuta sa
(1635-1663) Zamboanga noong 1635 at nagtapos ito nang
magsara ang kuta noong 1663. Pinangunahan ito ni
Sebastian Hurtado de Corcuera laban kay Sultan
Kudarat.
Ikalimang Yugto • Ito ay nagsimula noong 1718 nang muling itatag ng
(1718-1762) mga Espanyol ang puwerto ng Zamboanga. Si
Sultan Badar-uddin ay humingi ng suporta sa
Sultanato ng Maguindanao sa Zamboanga.
Ikaanim na Yugto • Sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, humihina na
(1848-1898) ang kapangyarihang Muslim. Sinamantala ito ng
mga Espanyol at nagsagawa sila ng iba’t ibang pag-
atake sa mga Muslim sa Mindanao. Sa yugtong ito,
ipinamalas nila ang kanilang bigkis na paniniwala.
Ang likas na katapangan ng mandirigmang Moro ay
hinubog ng kanilang kultura at paniniwala. Ang
pagpupunyagi ng mga Moro para sa kanilang
kalayaan ay nagpamalas ng buong katapangan ng
mga Muslim.

Suriin

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang Digmaang Moro?
2. Sino si Sultan Kudarat?
3. Ano ano ang katangian ng mga mandirigmang Moro?
4. Ano ang naging resulta ng pakikipaglaban ng mga Moro sa mga Espanyol?
5. Sa iyong palagay, alin sa mga katangian ng mga pinunong Muslim na dapat
taglay ng pinuno ng ating bansa sa kaslaukuyan ang higit mong
hinahangaan? Bakit?

Pagyamanin

Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat bilang sa loob ng kahon sa pamamagitan


ng pagtukoy sa mga nakalahad sa ibaba. Gamitin ang unang titik sa bawat
bilang upang mapadali ang pagsagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Pamahalaang organisado na pinamumunuan ng isang Sultan
S

2. Ang tawag sa yugto ng digmaan ng mga Muslim laban sa mga Espanyol


D

20
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN3)
3. Sa lugar na ito nagtatag ng kuta ang mga Espanyol
Z
4. Ang Jihad ay itinuturing ng isang “__________ na digmaan” ng mga Muslim
B
5. Ang relihiyon na nangangahulugang pagsuko ng sarili kay Allah

Isaisip

▪ Ang jihad ay banal na digmaan ng mga Muslim.


▪ Ipinakita ng ang mga Muslim ang kanilang pagtanggi sa kolonyalismong
Espanyol sa anim na digmaang tinawag na Digmaang Moro.
▪ Si Sultan Kudarat ang sultan na unang naglunsad ng banal na digmaan laban
sa mga Espanyol.

Isagawa

Sa iyong sariling pananaw, paano ipinaglaban ng mga Moro o mandirigmang


Muslim ang kanilang kalayaan laban sa kamay ng mga Espanyol? Sagutin ito sa 2-
3 pangungusap

Tayahin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI
kung hindi wasto.

1. Digmaang barbaro ang yugto ng digmaan ng mga Muslim laban sa mga Espanyol.
2. Napasailalim sa kapangyarihan ni Sultan Kudarat ang mga bayan ng Buayan at
Sangil.
3. Marami ang nagpabinyag na Muslim sa Sulu at Maguindanao ng kristiyanismo.
4. Kailanman ay hindi nasakop ng mg Espanyol ang Dapitan.
5. Nakapagtatag ng kuta ang mga Espanyol sa Zamboanga.Basahin at unawain ang
mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
6. Ang katawagang “Moro” ay nagmula sa “Moors” o ang pangkat-etnikong sumakop
sa Spain na tulad ng mga katutubong Filipino sa Mindanao.
7. Moske ang tawag sa banal na digmaan ng mga Muslim laban sa mga Espanyol.
8. Ang relihiyong Islam ay naniniwala sa Five Pillars of Islam o ang Limang Haligi
ng Islam.
9. Kinikilala ang mga Muslim na matatapang, Hindi nila hinahayaan na sila ay
maapi. Ipinaglalaban nila ang kanilang pananampalataya.
10. Ang relihiyong Islam ay nakasentro lamang sa bahagi ng Mindanao.

21
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN3)
Karagdagang Gawain

Ano-ano ang mga mga katangian ng mga mandirigmang Muslim na labis


mong hinangaan at dapat tularan?

22
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN3)
ARALIN3)
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
23
Subukin: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.
Balikan natin: 1.Ang nag-iisang Diyos ng mga Muslim
2. Tawag sa relihiyon ng mga Muslim 3.Organisadong Pamahalaan ng mga
Muslim
4. Namumuno sa Sultanato. 5. Banal na pakikidigma ng mga Muslim
Pagyamanin:
1. Sultanato 2. Digmaang Moro 3. Zamboanga 4. Banal 5. Islam
Tayahin:
T 2. T 3. M 4. M 5. T 6. T 7. M 8. T 9. T 10. M
Karagdagang-Gawain
Matapang 2. Mapagmahal sa Bayan 3. Matapat 4. May paninidigan 5. Mabuti
Susi sa Pagwawasto
Sangguanian:
1. Araling Panlipunan 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa).
2. Lahing Kayumanggi 5 (Pagbuo ng Pilipinas Bilang Nasyon)

24
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN3)
5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan –
Modyul 4 - Aralin 4:
Mga Pananaw at Paniniwala ng
mga Muslim sa Pagpapanatili
ng Kanilang Kalayaan
Alamin
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mabigyang pansin
at malaman ang mga ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato
(Katutubong Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan.

Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


Naipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim)
sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan.

Subukin

Panuto: Isulat ang K kung katotohanan at O kung opinyon.

1. Nanatili ang pagkakaisa ng mga Muslim laban sa Espanyol.


2. Mahalaga sa mga Muslim na mapanatili ang kanilang kalayaan.
3. Matatapang ang mga Muslim. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga
dayuhan
4.Para sa mga Muslim, higit na katanggap-tanggap ang Sultanato kaysa
kolonyalismo.
5. Pinahahalagahan ng mga Muslim ang kanilang relihiyon.
6. Malaki ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at teritoryo.
7. Isang karangalan para sa isang Muslim ang mapasailalim sa mga
Espanyol.
8. Kristyanismo ang relihiyong nais ipalaganap ng Espanyol sa Mindanao.
9. Malugod na tinanggap ng mga Muslim ang Kristiyanismo.
10. Tinalikuran ng mga Muslim ang kanilang relihiyon at tinanggap ang
relihiyong Katoliko.

26
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN4)
Mga Pananaw at Paniniwala
Aralin ng mga Muslim sa
4 Pagpapanatili ng Kanilang
Kalayaan
Sa araling ito, ipagpapatuloy mo ang pagtuklas sa mga pananaw at
paniniwala ng mga Muslim sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan.

Balikan

Panuto: Isulat ang hinihinging konsepto sa bawat bilang.

Across:
2. Sultan na namuno sa paglaban sa
Kalayaan ng Muslim
4. Sistema ng pamahalaan na batay sa
katuruan ng Islam

Down:
1. Tawag sa relihiyon ng mga Muslim
3. Tawag sa pinuno ng Sultanato
5. Banal na digmaan laban sa Espanyol

Tuklasin

Ano ang pamahalaang Sultanato? Bakit nahirapan ang mga Espanyol sa pagsupil
Pilipinong Muslim?

Mahalaga sa mga Muslim na mapanatili ang ang kalayaan, lalo na sa aspeto


ng relihiyon. Para sa kanila ang Islam ay hindi lang isang relihiyon kung hindi isang
paraan ng pamumuhay. Ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ay umiinog
sa pagsamba kay Allah. Ang kanilang paniniwalang pangrelihiyon gaya ng “salat” o
pagdarasal ng limang beses sa isang araw ay manganganib na mawala.
Dinatnan ng mga Espanyol ang mga Muslim na may malakas na Sultanato
may may mabuting ugnayan sa Brunei at Indonesia kung kaya’t malakas ang loob
ng mga Sultan na labanan ang mga Espanyol. Kung mapapasailalim sila sa
kapangyarihan ng Espanyol ay masasayang lamang ang kaunlaran at katatagan ng
kanilang Sultanato at ang kalayaan nila sa paniniwala. Sa talumpati ni Kudarat ay
hinikayat nya ang mga datu na suriing mabuti ang mga pangkat na naunang
nagpasakop sa Espanyol at kung paano sila alipinin nito

27
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN4)
Mga Katangian ng Sultanato at mga Pananaw at Paniniwala sa Kalayaan
• Ang sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao.
• Pinamumunuan ito ng sultan. Organisado ang sultanato.
• Matatapang ang mga Muslim. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga
dayuhan.
• Malaki ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at teritoryo.
• Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking
digmaan hanggang kamatayan.
• Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.
• Hindi nila ninais na mabago ang kanilang kinagisnang relihiyon at paraan ng
pamumuhay.

Suriin

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang relihiyon ng mga Muslim?
2. Sino ang kanilang sinasamba?
3. Ano ang pinangangambahan ng mga Muslim na mawala sa kanila kung sila
ay masakop ng mga Espanyol?
4. Paano nahikayat ni Sultan Kudarat ang mga datu na di-magpasakop sa mga
Espanyol?
5. Tama ba ang naging desisyon ng mga Muslim na di-magpasakop sa mga
Espanyol? Bakit?

Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti at ipares ang mga parirala sa Hanay A sa inilalarawan


nito sa Hanay B. Isulat ang sagot sa papel

Hanay A Hanay B.
1. Pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao A. Salat
2. Ugali ng mga Muslim na hindi sila basta B. Islam
nakikipagkasundo.
3. Ito ang paniniwalang pangrelihiyon ng mga C. Sultanato
Muslim na pagdarasal ng 5 beses isang araw
4. Tawag sa pakikipaglaban ng mga Muslim D. Matapang
sa mga Espanyol
5. Relihiyon ng mga Muslim na para sa kanila E. Digmaang Moro
ay isa ring paraan ng kanilang pamumuhay.

28
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN4)
Isaisip

Ang sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Labis na


pinahahalagahan ng mga Muslim ang kanilang teritoryo at kalayaan. Ito ang dahilan
kung bakit hindi sila nagpasakop sa mga Espanyol.

Isagawa

Panuto: Isulat ang tsek (/) kung ang pangugusap ay nagpapakita ng pananaw at
paniniwala ng mga Muslim at ekis (×) kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.
2. Para sa mga Muslim ang Islam ay di-lamang relihiyon kundi isa ring
ng pamumuhay.
3. Ang pakikipaglaban ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa
kanilang kinagisnang relihiyon.
4. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong
Katoliko.
5. Naging katanggap-tanggap sa mga Muslim ang Kristiyanismo kaysa
Islam.

Tayahin

Panuto: Suriin ang bawat tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang labis na pinangangalagaan ng mga Muslim?


A. Ang Kalayaan at Relihiyon
B. Ang kanilang ari-arian
C. Ang pagkakaibigan ng Muslim at Espanyol
D. Ang kasunduan ng Espanyol at Muslim.

2. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?


A. Malawak ang lugar na ito.
B. Hindi interesado ang mga Espanyol dito.
C. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito.
D. Nagkaisa ang mga Muslim laban sa mga Espanyol.

29
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN4)
3. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang mga Muslim?
A. Masunurin ang mga ito.
B. Mayayaman ang mga ito.
C.Hindi nila inabot ang lugar na ito.
D. Hindi nila masupil ang mga ito.

4. Paano natapos ang hamon ng mga Muslim sa Espanyol?


A. Natalo ang Espanyol sa labanan
B. Sumuko ang Espanyol sa mga Muslim
C. Nakipagkasundo ang mga Espanyol sa kanilang pinuno
D. Nilisan ng mga Muslim ang kanilang tahanan sa Mindanao

5. Paano nahimok ni Sultan Kudarat ang mga datu na hind dapat magpasakop sa
mga Espanyol?
A. Binigyan niya ng dagdag na sandata ang mga mandirigmang Muslim
B. Hinikayat niya na suriin ang mga pangkat na naunang napailalim sa
Espanyol
C. Naglunsad siya ng digmaan laban sa mga datu
D. Sinabihan niya ang mga datu na hindi maganda ang ugali ng mga Espanyol

6. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang mga Muslim?


A. Masunurin ang mga ito.
B. Mayayaman ang mga ito.
C. Hindi nila inabot ang lugar na ito.
D. Hindi nila masupil ang mga ito.

7. Paano ipinakita ng Katutubong Muslim ang kanilang pagmamahal sa kalayann?


A. nakipaglaban
B. umiwas at namundok
C. naghamon
D. nakipagkasundo

8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng paniniwala ng


mga Muslim?
A. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang Kristanismo.
B. Ang relihiyong Islam ay ang paraan din ng kanilang pamumuhay.
C. Naniniwala ang Muslim sa ibang relihiyon.
D. Ninais nila ng iba pang relihiyon.

9. Ano ang naging epekto ng pakikipaglaban ng mga Muslim sa Espanyol?


A. Tinaggap ng mga Muslim ang Espanyol dahil sa takot.
B. Nabigo ang mga Muslim na ipagtanggol ang kanilang lupain.
C. Nabigo ang mga Muslim dahil napasailalim ang Sultan Kudarat sa mga
Espanyol.
D. Matagumpay na naipagtanggol ng mga Muslim ang kanilang lupain.
30
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN4)
10. Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipinong Muslim na nakipaglaban
sa mga Espanyol?
A. Kasipagan
B. Katalinuhan
C. Katapangan
D. Masunurin

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng maikling salaysay sa isang malinis na papel.


Paano ipinakita ng mga katutubong Muslim ang pagmamahal nila sa
kalayaan?

31
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN4)
ARALIN4)
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
32
Subukin
Isagawa Balikan
Tayahin
Pagyamanin A. K
Across
A. A A. √ B. K
B. D B. √ 1. c 2.Kudarat C. K
C. D C. √ 2. d 4.Sultanato D. K
D. C D. √ 3. a Down E. K
E. B E. x 4. e 1.Islam F. K
F. D 5. b 2.Sultan G. O
G. A 5. Jihad H. K
H. B I. O
I. D J. O
J. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
1. Araling Panlipunan 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa pahina 208-218)
2. Kayamanan 5-(pahina 227)
3.

33
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN4)
5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 4 - Aralin 5:
Partisipasyong ng Iba’t
Ibang Rehiyon sa
Pakikibaka ng Bayan
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mabigyang pansin
at malaman ang partisipasyon ng iba’t- ibang rehiyon at sektor (katutubo) sa
pakikibaka ng bayan
Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Natataya ang partisipasyon ng iba’t- ibang rehiyon at sektor (katutubo at
kababaihan) sa pakikibaka ng bayan
– Partisipasyon ng Iba’t-Ibang Rehiyon sa Pakikibaka ng Bayan.

Subukin

Panuto: Lagyan ng ang kolum ng opo na sumasagot sa tanong na nagpapahayag


ng mabuting paniniwala at paninindigan at naman kung hindi po.

Ikaw ba ay nainiwala at naninidigan na… Opo Hindi po


1. dapat may malayang pagpapahayag ng saloobin sa mga
nangyayari sa bayan ang bawat Pilipino
2. makikipaglaban sa maling pamamahala sa bayan
3. sumunod sa mga kautusan ng pamahalaan ng labag sa
kalooban
4. maging mapanuri sa mga pangyayaring nagaganap sa
bayan
5. walang kang karapatang magtanong sa paraan ng
pamamahala sa bayan
6. purihin ang magagandang nagawa ng pamahalaan sa
bayan
7. bantayan ang mga pangyayaring nagaganap sa bayan
8. alamin ang plano ng pamahalaan at suportahan kung ito
ay makabubuti sa bansa
9. hayaang kamkamin ng mga namumuno ang kaban ng
bayan
10. maging masigasig sa pagtugon para sa ika-uunlad ng
bayan

35
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN5)
Aralin Partisipasyon ng Iba’t-ibang
Rehiyon sa Pakikibaka ng
5 Bayan

Noong nakaraang aralin ay natutuhan mo ang mga mga pananaw at


paniniwala ng mga Muslim sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan. Ngayon naman
ay aalamin mo ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon ng bansa sa pakikibaka ng
bayan.

Balikan

Panuto: Isulat sa wastong kolum ng sultanato ang mga teritoryong nasasakupan


nito. Hanapin ang sagot sa itaas.
JOLO BASILAN ILLANA LAMBAK NG PULANGI RIVER

SULTANATO TERITORYONG SAKOP


Sultanato ng Sulu
Sultanato ng Maguindanao
Sultanato ng Buayan

Tuklasin

Mga Pag-aalsa ng Iba’t-ibang Sektor


Pag-aalsa at rebelyon ang naging tugon ng mga katutubo sa mapagmalabis na
patakaran at pagbabago na ipinatupad sa Pilipinas ng mga Espanyol.

❖ Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy (1744 hanggang 1829)- Si Francisco Dagohoy ay


cabeza de barangay sa isang pueblo sa Bohol. Nagsimula ang kanyang pag-aalsa
matapos tanggihan ng kura paroko na bigyan ng katolikong ritwal sa paglilibing ang
kanyang kapatid dahil yumao ito sa pakikipaglaban sa kapwa.
❖ Pag-aalsa ni Pule (1840-1841) -Isa sa mga pinakatanyag na pag-aalsang
panrelihiyon sa pamumuno ni Apolinario Dela Cruz. Isinilang siya noong 1815 sa
bayan ng Lucban sa lalawigan ng Tayabas na ngayon ay nasa Quezon. Pinangarap
niyang maging pari sa ilalim ng mga Dominikano. Hindi siya tinanggap kaya’t
napasya siyang mamasukan sa Ospital ng San Juan de Dios. Dito siya makapag-aral
ng kristiyanismo. Itinatag niya ang samahang Confradia de San Jose. Si Hermano
Pule at ang pag-aalsa ng Confradia de San Jose ay halimbawa ng kilusang bumuo ng
sarili at malayang kamalayan sa loob ng kaayusang kolonyal. Nabuo ang katutubong
samahan na ito upang labanan ang mga Espanyol.
❖ Pag-aalsang Agraryo noong 1745-ang layunin ng kilusang ito ay bawiin ang lupang
pamana sa mga prayle at orden. Pinamunuan ito nina: Jose dela Vega, Francisco
Santos de Medina, Ignacio Marcelo, Julio Lopez de Montaya, Andress Pulido at
Francisco Gonzales. Sinimulan ang pag-aalsa sa Cavite at kumalat sa mga karatig
lalawigan ng Laguna at Batangas.
❖ Pag-aalsa nina Diego at Gabriela Silang (1762-1763) – Si Diego silang ang may
lakas loob na kalabanin ang Espanyol na alisin ang pagpataw ng buwis sa mga
katutubo. Nagtatag sya ng pamahalaan sa Vigan. Ang pag-aalsa ni Diego Silang sa

36
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN5)
Ilocos ay bunsod ng malabis na pagbabayad ng tributo sa mga Espanyol. Sa kanyang
pagkamatay ipinagpatuloy ng kanyang asawa na si Gabriela Silang ang kanyang
pakikipaglaban. Sa kasamaang palad, pinatay siya ng Espanyol noong Setyembre 20,
1763.
❖ Pag-aalsa ni Juan Dela Cruz Palaris (1762-1765) – Sa lalawigan ng Pangasinan
nakilala si Juan Dela Cruz Palaris bilang pinuno ng malawakang pag-aalsa.
Nagsimula ang pag-aalsa dahil sa labis na pagbubuwis at kawalan ng repormang
pangkabuhayan. Kumalat sa buong lalawigan ang kanyang adhikain at marami ang
sumapi dito. Natalo niya ang puwersa ng Espanyol sa Pangasinan.

Suriin

Sagutin ang mga tanong.


1. Sino-sino ang mga namuno sa pag-aalsang agraryo?
2. Saan ipinanganak si Apolinario dela Cruz?
3. Kailan naganap ang pag-aalsang Diego at Gabriela Silang?
4. Bakit sumiklab sa damdamin ni Francisco Dagohoy ang pag-aalsa?
5. Anong taon nagsimula at natapos ang pag-aalsa ni Juan dela Cruz Palaris?

Pagyamanin

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad sa pangungusap ay wasto at MALI kung hindi.
1. Ang pag-aalsa ang naging paraan ng mga katutubo sa pagtutol sa mga Espanyol.
2. Ang rebelyon ni Dagohoy ang pinakamahabang pag-aalsa na naganap sa kasaysayan
ng bansa.
3. Kilala sa bansag na Hermano Pule si Apolinario dela Cruz.
4. Itinatag ni Diego Silang ang sariling pamahalaan sa bayan ng Vigan.
5. Layunin ng kilusang Agraryo na bawiin ang lupang pamana.

Isaisip

Ang mga pag-aalsa at rebelyon ang naging tugon ng mga katutubong Pilipino upang
iparating sa pamahalaang kolonyal ang kanilang lubos na pagtutol sa mapagmalabis at di-
makatarungang pamamalakad sa bansa.

Isagawa

Hindi naging madali ang pakikipaglaban ng mga katutubong Pilipino sa mga


Espanyol noon. Bilang mag-aaral paano mo maipakita ang iyong pagtutol sa mga korapsyon
na nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan?

37
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN5)
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang wastong
sagot.

1. Saang lalawigan nagsimula ang pagkilos ng Kilusang Agraryo noong 1745?


A. Batangas C. Cavite
B. Bulacan D. Laguna
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa mga adhikain ni Diego Silang sa
kaniyang rebelyon?
A. Makabili ng sandata C. Mamuno sa pamahalaan
B. Matanggal ang buwis D. Maging malaya sa mga Espanyol
3. Ano ang dahilan ni Juan dela Cruz Palaris sa kaniyang malawakang pag-aalsa?
A. Labis na pagbubuwis C. Pagmamalabis ng mga Espanyol
B. Kawalan ng reporma sa kabuhayan D. Lahat ng nabanggit
4. Sino ang nagtatag ng Confradia de San Jose?
A. Apolinario dela Cruz C. Juan dela Cruz Palaris
B. Francisco Dagohoy D. Jose dela Vega
5. Ang sumusunod ay mga namuno sa Kilusang Argaryo maliban kay:
A. Ignacio Marcelo C. Julio Lopez de Montaya
B. Andres Pulido D. Francisco Dagohoy
6. Ang pag-aalsa ni Pule ay pag-aalsang _________.
A. Panrelihiyon C. Pang-agraryo
B. Pampulitika D. Repormang Pangkabuhayan
7. Siya ang kabiyak ni Diego Silang na nagpatuloy sa laban para sa bayan.
A. Melchora Aquino C. Gabriela Silang
B. Teresa Magbanua D. Gregoria de Jesus
8. Ang pag-aalsa ni Juan Dela Cruz Palaris ay bunga ng:
A. Pangangamkam ng lupain C. Pananakot ng mga Espanyol
B. Kawalan ng repormang pangkabuhayan D. Sapilitang paggawa
9. Ang kanyang pag-aalsa ay bunsod ng pagtanggi ng kura paroko na mabigyan ng
katolikong ritwal sa paglilibing ang kanyang namapayapang kapatid. Sino sya?
A. Diego Silang C. Hermano Pule
B. Ignacio Marcelo D. Francisco Dagohoy
10. Ang suumusunod ang namuno sa Pag-aalsang Agraryo, maliban sa isa.
A. Jose dela Vega C. Ignacio Marcelo
B. Andres Pulido D. Juan dela Cruz Palaris

Karagdagang Gawain

Pumili ng isang Pilipino na namuno sa mga pag-aalsa sa bansa. Ilarawan ang


kanyang kabayanihang ginawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

38
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN5)
ARALIN5)
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
39
Subukin: Balikan: Pagyamanin: Tayahin
1. Opo 1. Jolo, Basilan 1. Tama 1. C
2. Opo 2. Illana 2. Tama 2. A
3. Hindi po 3. Lambak ng Pulangi River 3. Tama 3. D
4. Opo 4. Tama 4. A
5. Hindi po 5. Tama 5. D
6. Opo 6. A
7. Opo 7. C
8. Opo 8. B
9. Hindi po 9. D
10. Opo 10. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
1. Araling Panlipunan 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa).
2. Lahing Kayumanggi 5 (Pagbuo ng Pilipinas Bilang Nasyon)

40
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN5)
5
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 4 - Aralin 6:
Partisipasyon ng mga
Kababaihan sa Pakikibaka ng
Bayan
Alamin
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mabigyang pansin
at malaman ang partisipasyon ng mga kababaihan sa pakikibaka ng bayan.

Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natataya ang partisipasyon ng iba’t- ibang rehiyon at sektor (katutubo at
kababaihan) sa pakikibaka ng bayan

Subukin

A. Sino Siya?
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang
sagot mula sa kahon sa ibaba at isulat ito sa sagutang papel.
1. Siya ay tinaguriang Ina ng Biak-na-Bato.
2. Siya ay kilala sa tawag na Tandang Sora.
3. Siya ay kinilalang Lakambini ng Katipunan.
4. Siya ay tinaguriang Joan of Arc ng Ilocos.
5. Siya ay kilala bilang “Tia Patron”, ang babaeng tagapag-ingat ng watawat ng
Rebolusyonaryong Pamahalaan sa Visayas.

Melchora Aquino Gregoria de Jesus Teresa Magbanua


Trinidad Tecson Gabriela Silang Patrocinio Gamboa

B. Panuto: Iguhit ang tsek ( ) kung ito ay nagsasaad ng wastong pahayag at


ekis ( ) naman kung hindi.
1. Malaki ang naitulong ng sector ng kababaiahan sa pakikibaka ng bayan laban sa
mga Espanyol.
2. Ang mga Pilipina sa panahong kolonyal ay nanatiling mabuting asawa at ina
lamang at walang partisipasyon sa pakikipaglaban para sa Kalayaan ng bansa.
3. Mayroong mga kababaihang ipinakita ang pagiging makabayan sa pamamagitan
ng paghawak ng sandata upang labanan ang mga manlulupig na dayuhan.
4. Ang ilang kababaihan ay nag-alay ng kanilang kakayahan upang magamot at
matulungan ang mga rebolusyonaryong Pilipino.
5. Nanatiling tahimik at takot ang sector ng ga kababaihan sa panahon ng pang-
aabuso ng mga Espanyol.

42 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN6)
Aralin Partisipasyon ng mga Kababaihan
6 sa Pakikibaka ng Bayan
Noong nakaraang aralin ay natutuhan mo ang mga partisipasyon ng iba’t-
ibang rehiyon ng bansa sa pakikibaka ng bayan. Ngayon naman ay aalamin mo ang
partisipasyon ng sektor ng kababaihan sa pakikibaka sa mga dayuhang mananakop.

Balikan

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang isinasaad sa pangungusap ay
wasto at MALI kung hindi.
1. Si Francisco Dagohoy ang namuno sa pinakamahabang pag-aalsa.
2. Si Andres Bonifacio ay kilala rin sa tawag na Hermano Pule.
3. Nagtatag ng sariling pamahalaan sa Vigan si Diego Silang dahil sa labis na
pagpapataw ng buwis ng mga Espanyol.
4. Sinimulan ang pag-aalsang Agraryo sa Cavite at kumalat sa mga karatig
lalawigan ng Laguna at Batangas.
5. Lahat ng mga pag-aalsang isinagawa ng mga Pilipino ay nagtagumpay.

Tuklasin

Pakikibaka ng mga Kababaihan


May mga kababaihang Pilipinong nagpakita ng talino at katapangan upang
ipaglaban ang kalayaan ng mga Pilipino mula sa mga Espanyol. Pinatunayan nila
na ang mga Pilipina ay maaari ring gumanap ng mahalagang bahagi para sa bayan.
1. Gregoria de Jesus- Si Gregoria de Jesus ang naging tagapag-ingat ng lahat ng
mahahalagang kasulatan ng katipunan at himagsikan. Siya ang asawa ni Andres
Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan. Siya ay tinaguriang Lakambini ng
Katipunan at mas kilala sa tawag na Aling Oriang.
2. Melchora Aquino- Tinaguriang Tandang Sora at Ina ng Balintawak. Malaki rin
ang naitulong niya sa Katipunan. Naging kanlungan ang kanyang tahanan at
ginamot niya ang mga sugatang Katipunero.
3. Trinidad Tecson- Siya ay tinaguriang Ina ng Biak-na-Bato sapagkat nagsilbi
siyang nars ng mga sugatang mandirigmang Pilipino nang maganap ang digmaan
sa Biak-na-Bato.
4. Maria Josefa Gabriela Silang- Mas kilala sa tawag na Gabriela Silang at
tinaguriang Joan of Arc ng Ilocos. Pinamunuan niya ang hukbo nang mamatay
ang kanyang asawang si Diego Silang.
5. Teresa Magbanua- Naging Komandante ng mga sundalong Pilipino sa Hilagang
Iloilo. Siya ay tinaguriang Joan of Arc ng Visayas at kilala sa tawag na Nay Isa.
6. Patrocinio Gamboa- Kilala bilang “Tia Patron”, ang babaeng tagapag-ingat ng
watawat ng Rebolusyonaryong Pamahalaan sa Visayas.

43 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN6)
Suriin

Sagutin ang mga tanong.

1. Sino-sino ang mga kababaihang Pilipinong tumulong sa pakikibaka ng


bayan?
2. Sino-sino sa kanila ang humawak ng armas upang makipaglaban sa hukbo
ng mga Espanyol?
3. Bakit tinaguriang Ina ng Biak-na-Bato si Trinidad Tecson?
4. Ano ang naging kontribusyon ni Melchora Aquino para sa pakikipaglaban
para sa Kalayaan ng mga Pilipino?
5. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng sektor ng kababaihan sa pakikipabaka
ng bayan?

Pagyamanin

Panuto: Pagtambalin: Piliin sa Kolum B ang inilalarawan sa bawat bilang sa Kolum


A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
KOLUM A KOLUM B
1. Mas kilala bilang Tandang Sora a. Patrocinio Gamboa
2. Pinamunuan niya ang naiwang hukbo ng kanyang b. Teresa Magbanua
asawa.
3. Naging Komandante ng mga sundalong Pilipino sa c. Trinidad Tecson
Hilagang Iloilo.
4. Ang babaeng tagapag-ingat ng watawat ng d. Melchora Aquino
Rebolusyonaryong Pamahalaan sa Visayas.
5. Nagsilbing nars sa Biak-na-Bato. e. Gabriela Silang
f. Gregoria de Jesus

Isaisip

• Mahalaga rin ang ginampanang tungkulin ng sektor ng kababahihan sa


pakikipaglaban ng bayan laban sa mga Espanyol. Ginamit nila ang kanilang
talion, katapangan at kakayahan upang isulong ang Kalayaan ng bansa.
• Ang mga Pilipinang malaki ang naimbag sa pakikibaka ng bayan ay sina
Gregoria de Jesus, Melchora Aquino, Trinidad Tecson, Gabriela Silang, Teresa
Magbanua at Patrocinio Gamboa.

44 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN6)
Isagawa

Bilang isang mabuting mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang mga


bayaning Pilipina ng ating bayan?

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang sektor ng mga kababaihan ay naging aktibo rin sa pakikibaka laban sa mga
Espanyol. Ano ang mahihinuha natin tungkol sa mga kababaihan?
A. Ang mga Pilipina noong panahon ng mga Espanyol ay nanatili lamang sa
kanilang mga tahanan.
B. Ang mga kababaihan ay puno nang takot sa mga Espanyol.
C. Ang mga Pilipina ay may kakayahang ipagtanggol ang bansa dahil sa
kanilang taglay na talino at katapangan.
D. Walang kakayahan ang mga kababaihan na makipaglaban sa mga
Espanyol.

2. Bakit tinaguriang “Joan of Arc ng Ilocos” si Gabriela Silang?


A. Dahil buong tapang niyang pinamunuan ang hukbong iniwan ng kanyang
asawa at nakipaglaban sa mga Espanyol.
B. Dahil mas kilala siya sa tawag na Joan.
C. Dahil siya ang asawa ni Diego Silang.
D. Dahil ipinanganak siya sa Ilocos.

3. Sino ang tinaguriang “Tia Patron”, ang babaeng tagapag-ingat ng watawat ng


Rebolusyonaryong Pamahalaan sa Visayas?
A. Gregoria de Jesus C. Patrocinio Gamboa
B. Teresa Magbanua D. Trinidad Tecson

4. Sino ang kabiyak ni Andres Bonifacio na nagsilbing tagapag-ingat ng lahat ng


mahahalagang kasulatan ng katipunan at himagsikan?
A. Melchora Aquino C. Gabriela Silang
B. Gregoria de Jesus D. Tandang Sora

5. Sino ang tinaguriang Joan of Arc ng Visayas?


A. Patrocinio Gamboa C. Tandang Sora
B. Trinidad Tecson D. Teresa Magbanua

6. Sino ang tinaguriang “Ina ng Balintawak” dahil sa pagbubukas niya ng kanyang


tahanan upang maging kanlungan ng mga sugatang sundalong Pilipino?
A. Melchora Aquino C. Gabriela Silang
B. Trinidad Tecson D. Teresa Magbanua

45 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN6)
7. Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng kolonyalismo, makikibahagi ka rin ba sa
pagtatanggol ng kalayaan ng bansa? Bakit?
A. Hindi po, sapagakat natatakot ako sa mga Espanyol.
B. Opo, upang maging tanyag sa mga kababayan.
C. Opo, sapagkat ako ay may tungkuling ipaglaban ang kalayaan ng aking
bansa bilang isang mamamayan
D. Hindi po, sapagkat mas may kakayahan at lakas ang mga kalalakihan sa
pakikibaka para sa kalayaan ng bansa.

8. Bakit tinaguriang “Ina ng Biak na Bato” si Trinidad Tecson?


A. Dahil marami siyang nagging supling sa Biak na Bato
B. Dahil doon siya ipinanganak at tumanda
C. Dahil nagtatag siya ng pamahalaan sa Biak na Bato.
D. Dahil ginamot niya ang mga sugatang sundalong Pilipino sa naganap na
labanan sa Biak na Bato.

9. Sino ang tinaguriang “Lakambini ng Katipunan” at mas kilala sa tawag na Aling


Oriang?
A. Gregoria de Jesus C. Gabriela Silang
B. Melchora Aquino D. Patrocinio Gamboa

10. Sino ang nagpatuloy sa pamumuno sa Ilocos nang masawi si Diego Silang?
A. Trinidad Tecson C. Gabriela Silang
B. Tandang Sora D. Aling Oriang

Karagdagang Gawain

Magsaliksik ng mga Pilipinang naging tanyag sa ating bansa at sa buong


mundo dahil sa kanilang talento o talino. Idikit ang kanilang larawan sa isang
malinis na short bond paper. Sa ibaba nito sumulat ng maikling talata na
naglalarawan ng kanilang mga nagawa upang mabigyan ng karangalan ang ating
bansang Pilipinas.

46 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN6)
ARALIN6)
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4 47
Subukin: A. 1. Trinidad Tecson 2. Melchora Aquino 3. Gregoria de Jesus
4. Gabriela Silang 5. Patrocinio Gamboa
B. 1. / 2. X 3. / 4. / 5. X
Balikan: 1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Mali
Pagyamanin: 1. D 2. E 3. B 4. A 5. C
Tayahin: 1. C 2.A 3.C 4.B 5.D 6. A 7. C 8. D 9. A 10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

1. MISOSA HEKASI 5- Ang Kababaihan sa Panahon ng mga Espanyol


2. https://www.youtube.com/watch?v=N6pQAY_FAq4

48 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN6)
5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan –
Modyul 4 - Aralin 7:
Pagpapahalaga sa
Partisipasyon ng iba’t-ibang
Rehiyon sa Pagsulong ng
Kamalayang Pambansa

49
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN7)
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mabigyang pansin
at malaman ang pagpapahalaga sa pagtatanggol ng mga Pilipino sa Kolonyalismong
Espanyol.

Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Napahahalagahan ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon sa pagsulong ng
kamalayang pambansa

Subukin

Panuto: Piliin mula sa kahon ang bayaning tinutukoy sa bawat bilang.

Hermano Pule Francisco Dagohoy


Tapar Lakandula
Diego Silang Tamblot
Sumuroy Sultan Kudarat
Magalat Palaris

1. Asawa ni Gabriela Silang na namuno sa pag-aalsa sa Ilocos.


2. Tinanggihan siyang magpari dahil hindi siya Espanyol.
3. Tumanggi ang mga paring Heswitang bigyan nang Kristiyanong libing ang
kanyang kapatid na isang kawani dahil namatay ito sa duwelo.
4. Nais niyang bumalik sa dating pananampalataya.
5. Hinadlangan ni Fr. Francisco de Mesa ang pagtatag niya ng Isang relihiyong hango
sa Kristiyanismo na naging dahilan ng pagkakapatay niya sa pari.
6. Pag-aalsa ng raja ng Tondo upang itaboy ang mga kolonyalistang umabot
hanggang Cavite.
7. Pag-aalsa sa Samar noong 1649-1650. Pangunahing dahilan nito ang paghahakot
sa mga magsasaka para sa paggawa ng barko sa Cavite.
8. Pinakatanyag sa sultan ng Maguindanao.
9. Siya ang nagpatuloy ng pag-aalsa ng kanyang asawa na si Diesgo Silang.
10. Pag-aalsa sa Pangasinan ay kanyang pinamuan. Tumutol siya sa pagmamalabis
ng mga Espanyol at di-makatarungang paglikom ng buwis.

50
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN7)
Pagpapahalaga sa Partisipasyon ng
Aralin iba’t-ibang
7 Rehiyon sa Pagsulong ng
Kamalayang Pambansa
Noong nakaraang aralin ay natutuhan mo ang mga paraan ng pagtugon ng
mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol.

Ngayon naman ay aalamin mo ang pagbibigay halaga sa pagtatanggol ng mga


Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol.

Balikan

Panuto: Mula sa kahon sa ibaba, isulat sa sagutang papel kung sino ang tinutukoy
sa bawat bilang.
Melchora Aquino Gregoria De Jesus
Patrocinio Gamboa Gliceria Villavicencio Teresa Magbanua

1. Tinaguriang Lakambini ng Katipunan.


2. Kinikilala bilang Ina ng Katipunan.
3. Kasama ng kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na matapos
bitaying ang tatlong paring Pilipino, ang GOMBURZA.
4. Sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang kaniyang 2 kapatid na lalaki at
namuno sa isang maliit na pangkat.
5. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral Delgado ng
sta. Barbara.

Tuklasin

Ang pag-aalsa o paggamit ng armas ay unang naging pagtugon ng mga


Pilipino sa pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu-lapu noong
1521, ipinasiya ng ibang Pilipino na tapatan ng dahas ang hindi maayos na pagtrato
sa kanila ng mga Espanyol.
Magkakaiba ang mga dahilang nagbunsod sa mga Pilipino sa kanilang
paglulunsad ng rebelyon. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.
Nag-alsa Lugar Taon Dahilan
1. Lakandula at Maynila 1564 Di-pagtupad ng mga Espanyol sa
Sulayman kanilang pangakong hindi sila
magbabayad ng buwis

51
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN7)
2. Tamblot Bohol 1621 Nais niyang bumalik sa dating
pananampalataya

3. Bancao Leyte 1622 Nais niyang itakwil ang Kristyanismo

4. Sumuroy Samar 1649- Tutol sa polo o sapilitang paggawa


1650
5. Andres Malong Pangasinan 1660- Tutol sa polo o sapilitang paggawa
1661
6. Tapar Panay 1663 Hinadlangan ni Fr. Francisco de
Mesa ang pagtatag niya ng isang
relihiyong hango sa Kristiyanismo na
naging dahilan ng pagkakapatay
niya sa pari.
7. Francisco Dagohoy Bohol 1744 Tumanggi ang mga paring Heswitang
bigyan nang Kristiyanong libing ang
kanyang kapatid na isang kawani
dahil namatay ito sa duwelo.
8. Diego Silang Ilocos 1762 Labis na pagbabayad ng buwis

9. Gabriela Silang Ilocos 1763 Ipinagpatuloy ang pag-aalsa ng


asawa niyang si Diego Silang

10. Apolinario dela Tayabas 1840 Tinanggihan siyang magpari dahil


Cruz (Quezon) hindi siya Espanyol
(Hermano Pule)
11. Magalat Cagayan 1596 Pagtutol sa pagpataw ng buwis ng
mga Espanyol

12. Mga Gaddang Cagayan 1621 Pagtutol sa pagpataw ng buwis at


sapilitang pagtatrabaho na
ipinatutupad ng mga Espanyol
13. Francisco Maniago Pampanga 1660 Pang-aabuso ng mga opisyales ng
Espanyol sa mga Pilipino gaya ng di
pagbabayad sa pagtatrabaho sa
pagputol ng mga puno.

Suriin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang iba’t ibang sektor na nakibaka para sa bayan?
2. Ano-ano ang kanilang naging partisipasyon sa pakikibakang naganap?
3. Sa iyong palagay masasabi mo bang mahalaga ang kanilang partisipasyon sa
ating pakikibaka para sa bayan?

52
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN7)
Pagyamanin

Panuto: Isulat ang tsek (/) kung ang isinasaad sa bawat bilang ay wasto at isulat
ang ekis (X) kung hindi.
1. May malalim na pagpapahalaga ang mga Pilipino sa kanilang mga
karapatan at kalayaan.
2. Naging madali sa mga Pilipino na talunin ang mga Espanyol.
3. Pinatunayan ng mga Pilipino na hindi nila nais na manatiling api at
mapasailalim sa kapangyarihan ng mga dayuhan.
4. Pinatunayan ng mga PIipino na handa silang mamatay sa pakikipaglaban
sa mga Espanyol.
5. Ipinakita ng mga Pilipino na may kakayahan silang makipaglaban sa mga
mananakop.

Isaisip

✓ Maraming dahilan na nagbunsod ng rebolusyon sa pagitan ng mga Pilipino at


ng mga Espanyol, ilan sa mga ito ay ang paggawa, tribute, polo, buwis,
relihiyon, pangangamkam ng mga lupa at ari-arian at pagmamalabis ng mga
Kastila
✓ Maraming Pilipino ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang mga
ipinaglalaban

Isagawa

Sa isang maikling talata, ipaliwanag ang mga kadahilan na naglunsad


ng mga rebelyon ng mga Pilipino.

53
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN7)
Tayahin

Panuto: Iguhit ang kung sang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap at


naman kung hindi.
____1. Walang mahalagang naitulong mga Pilipino mula sa ibang rehiyon sa
pakikipaglaban sa mga mananakop na espanyol.
____2. Maraming iba‘t ibang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga Pilipino laban sa
mga Kastila.
____3. Ilan sa mga Pilipino ay nag-aklas dahil sa relihiyon.
____4. Ang mga katutubong Pilipino tulad ng mga Igorot ay sang-ayon sa pananakop
ng mga Kastila.
____5. Ang maraming pagmamalabis ng mga Espanyol ay isa sa mga pangunahing
dahilan ng mga sinaunang pag-aaklas ng mga Pilipino.
____6. Sang-ayon ang mga Pilipino sa lahat ng patakarang ipinatutupad ng
Espanyol.
____7. Namulat ang mga Pilipino sa pang-aabuso at pagmamalupit ng mga kastila.
____8. Pag-usbong mg diwang nasyonalismo ng mga Pilipino.
____9. Nagtagumpay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol.
____10. Natuwa ang mga Pilipino sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng
mga Espanyol sa kanila.

Karagdagang Gawain

Gumawa ng likhang sining na maaring magpakita ng iyong pagpapahalaga sa


kasarinlan na tinatamasa ng ating bansa.

54
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN7)
ARALIN7)
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
55
Subukin natin:
1. Diego Silang 2. Hermano Pule 3. Francisco Dagohoy 4. Tamblot 5.
Tapar
6. Lakadula 7. Sumuroy 8. Sultan Kudarat 9. Gabriela Silang 10. Polaris
Balikan natin: 1. Gregoria De Jesus 2. Melchora Aquino 3. Gliceria
Villavicencio 4. Teresa Magbanua 5. Patrocinio Gamboa
Pagyamanin Natin: 1. 2. 3. 4. 5.
Tayahin: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipio 5 pp.316-319
LM Partisipasyon ng iba’t ibang Sektor
https://www.slideshare.net/cherondina/partisipasyon-ng-ibat-ibang-sektor

56
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN7)
5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 4 - Aralin 8:
Pagpapahalaga sa Sektor
ng mga Kababaihan sa
Pagsulong ng Kamalayang
Pambansa

57 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN8)
Alamin
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mabigyang pansin at
malaman ang paraan ng pagpapahalaga sa partisipasyon ng sektor ng mga kababaihan
sa pagsulong ng kamalayang pambansa

Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Napapahalagahan ang partisipasyon ng sektor ng mga kababaihan sa pagsulong
ng kamalayang pambansa

Subukin
Panuto: Pagtambalin: Piliin sa Kolum B ang ngalan ng inilalarawan sa bawat bilang sa
Kolum A.
KOLUM A KOLUM B
______1. Kilala bilang “Tandang Sora” a. Trinidad Tecson
______2. Siya ang “Ina ng Biak-na-Bato” b. Gregoria De Jesus
______3. Tinagurian bilang “Lakambini ng Katipunan”. c. Josefa Rizal
______4. Kauna-unahang babaeng Pilipinong Heneral. d. Melchora Aquino
_______5. Nahalal bilang “Pangulo ng mga kababaihan sa e. Gabriela Silang
katipunan”

B. Hanapin ang ngalan ng mga kababaihang kabilang sa pagsulong ng kamalayang


Pambansa.
A G U E D A E S T E B A N E R G E W F G
F E R H F G T J R B M H J A M A E S P R
G R T K G U S O H T A U I R Y E T D A Q
R F E L B E F S G S R N N B L R Y E T R
K W D N J R B E B S C G N T O T K F R T
L T C B K A H P N V E K B S Y Y M S O H
V H V F I X A H U B L L V F U I N C C N
E S P E R I D I O N A B O N I F A C I O
X M W M P Q E N K E A J C R J O G Y N C
V K S B O W R E L W G H K E M L D H I Z
D J X H E D O B O W O P U V N J A H O D
R B C J R V P R I T N O L R C H F D G G
T C V Y W N L A N H C E I U E F H F A N
J S B T Y J I C A J I F X S F R J W M J
M B H I B U M K S B L D V G T W U S B K
A K J O V F B E R T L R F O E E Y Z O L
D L U R C D V N Y V O M R P R R T M A Y

Agueda Esteban Josephine Bracken Marcela Agoncillo


Esperidiona Bonifacio Patrocinio Gamboa

58 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN8)
Pagpapahalaga sa Sektor ng
Aralin mga Kababaihan sa
8 Pagsulong ng Kamalayang
Pambansa
Noong nakaraang aralin ay natutuhan mo kung paano pahalagahan ang pakikibaka
ng iba’t-ibang rehiyon para sa kalayaan ng bansa. Ngayon naman ay matututuhan mo ang
pagpapahalaga sa mga partisipasyon ng mga kababaihan sa pagkamit ng kalayaan ng
bansa.

Balikan

Panuto: Iguhit ang puso kung ang isinasaad sa bawat bilang ay wasto at iguhit
naman ang araw kung hindi.

1.Ang mga katutubong Pilipino ay nag-alsa laban sa pamumuno ng mga Espanyol.


2.Nagtagumpay ang mga katutubong Pilipino sa unang pag-aalsang kanilang
ginawa.
3.Isa ang pagbubukas ng Suez Canal sa mga dahilan ng pag-usbong ng kamalayang
pambansa.
4. Dahil sa pag-unlad, nabuo ang panggitnang uri sa lipunan na binubuo ng mga
Chinese at Spanish Mestizo na mayroong kakayahang makapag-aral.
5.Naging bukas ang kaisipan ng lahat ng mga Pilipino sa pagsulong ng kamalayang
pambansa.

Tuklasin

Sektor ng kababaihan sa pagsulong ng Kamalayang Pambansa.


Taliwas sa tradisyunal na imahen bilang tipikal na ina at asawa,
Masusumpungan sa kasaysayan ang naging gampanin nila sa pagpasok ng daan taon.
Ito ay pagkilala sa kababaihan bilang kapantay o kayang makipagsabayan sa mga
kalalakihan.
Naging malaking bahagi ang mga kababaihan sa pagsulong ng kamalayang
pambansa sa panahon ng pagiging kolonya ng Espanya ang Pilipinas. Ang mga
sumusunod ay ang ilan sa mga kababaihang kinilala sa pagpapakita ng katapangan
sa pakikiisa sa pagsulong ng kamalayang pambansa:
Melchora Aquino – Sa kanyang tahanan nagtipon ang mga katipunero upang mag-
usap.
– Tagapag-gamot ng mga sugatang katipunero.
Trinidad Tecson – Siya ang tinuring na “Ina ng Philippine Red Cross” at “Mother of
Mercy”.
– Hinangaan sa kanyang katapangan at paghawak ng sandata.
Gregoria De Jesus – Tagapag-ingat ng mahahalagang kasulatan ng katipunan.

59 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN8)
Gabriela Silang – Unang babaeng namuno ng Himagsikan laban sa pamahalaang
Kastila.
– Unang babaeng martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan
para sa kapakanan ng bayan.
Josefa Rizal – Pangulo ng mga babae sa katipunan.
– Namatay na walang asawa o anak noong 1945.
Patrocinio Gamboa – Naging espiya at tagahatid ng mensahe ng rebolusyon.
– Taga-ingat ng watawat ng rebolusyonaryong pamahalaan sa
Visayas.
Marcela Agoncillo – Pangunahing taga-habi ng una at opisyal na watawat ng
Pilipinas.
– Tinagurian bilang “Ina ng watawat ng Pilipinas”.
Esperidiona Bonifacio – Siya ay isa sa mga unang babaeng kasapi ng katipunan
– Asawa ni Teodoro Plata na isa rin sa nagtatag ng Katipunan.
Agueda Esteban – Nagsilbing tagapuslit ng mga gamit pandigma ng mga katipunero.
– Nagdadala ng mahahalagang dokumento at mga planong pag-
atake sa instalasyon ng mga Espanyol.
Josephine Bracken – Asawa ni Jose Rizal na nag-alaga sa mga katipunerong maysakit
at sugatan sa Cavite

Suriin

Sagutin ang mga tanong:

1. Sino-sino ang mga kabilang sa sektor ng kababaihan na nagsulong ng


kamalayang pambansa?
2. Paano nakatulong ang mga kababaihang ito sa pagsulong ng kamalayang
pambansa?
3. Ano ang mga naging epekto ng pakikiisa ng mga kababaihan sa pagsulong ng
kamalayang pambansa?
4. Sa iyong palagay, ano kaya ang maaaring nangyari sa pagsulong ng kamalayang
pambansa kung hindi nakiisa ang mga kababaihan sa pagsulong nito?
5. Kung ikaw ay nasa panahong iyon, ano ang maaari mong gawin para makatulong
sa pagsulong ng kamalayang pambansa?

Pagyamanin

Panuto: Iguhit ang tsek ( ) kung ito ay nagsasaad ng wastong pahayag at ekis ( )
naman kung hindi.
1. Naging malaking tulong ang sektor ng kababaihan sa pagsulong ng pambansang
kamalayan sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
2. Hindi binigyang halaga ang mga nagawa ng kababaihan sa pagsulong ng
kamalayang pambansa.
3. Hindi nakatulong ang mga kababaihan sa mga katipunero noon.

60 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN8)
4. Ang pagpapahalaga na maaari nating magawa para sa sektor ng kababaihan ay
ang pagkilala sa mga naging ambag nila sa pagsulong ng kamalayang
pambansa.
5. Hindi naging madali ang pagsulong ng kamalayang pambansa noon .

Isaisip

Hindi maikakaila ang katapangang ipinakita ng mga Pilipino sa pakikipaglaban sa


mga Kastila upang makamit ang hinahangad na kalayaan. Ito ay naging matagumpay sa
tulong na rin ng sektor ng mga kababaihan na nagpakita ng kanilang angking galing sa
pakikidigma, panggagamot, pagpaplano na naging malaking bahagi upang makamit ang
kalayaang inaasam.

Isagawa

Ibigay ang iyong opinyon ukol sa katanungan.


Kung ikaw ay kabilang sa mga sektor ng rehiyon at kababaihan, paano ka
makatutulong sa pagsulong ng kamalayang pambansa?

Tayahin

Panuto: A. Kilalanin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang kasagutan sa kahon.
1. Siya ang asawa ni Jose Rizal na nag-alaga ng maysakit sa Cavite.
2. Pangunahing taga-habi ng una at opisyal na watawat ng Pilipinas.
3. Siya ang nagbukas ng kaniyang tahanan para sa pagpupulong ng mga
katipunero.
4. Siya ang unang babaeng namuno sa himagsikan laban sa mga Kastila.
5. Siya ang tagapuslit ng mga kagamitan ng mga katipunero sa himagsikan.

Melchora Aquino Gabriela Silang Josefa Rizal


Agueda Esteban Josephine Bracken Marcela Agoncillo

Panuto: B. Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng wastong ngalan


ng kababaihang kabilang sa pagsulong ng kamalayang Pambansa.
1. Si ________________________________ ang tinuring na “Ina ng Philippine Red Cross”
at “Mother of Mercy”.
2. Naging taga-ingat ng watawat ng rebolusyonaryong pamahalaan sa Visayas si
___________________________________.
3. Si _________________________________ ang kinilala bilang pangulo ng mga
kababaihan sa Katipunan.

61 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN8)
4. Si _________________________________ ang isa sa mga unang babaeng kasapi ng
Katipunan na siyang asawa ni Teodoro Plata.
5. Tagapag-ingat ng mahahalagang kasulatan ng Katipunan ang isa sa mga naging
ambag ni ___________________________ sa pagsulong ng kamalayang Pambansa.

Karagdagang Gawain

Maghanap at gumupit ng larawan ng limang (5) kababaihang kabilang sa sektor


na nagsulong ng kamalayang pambansa sa Pilipinas sa panahon ng Espanyol. Idikit ito
sa isang bond paper. At isulat ang kanilang naging ambag sa pagsulong ng kamalayang
pambansa.

62 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN8)
ARALIN8)
(DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4 63
Subukin A: 1. D.Melchora Aquino 2. A. Trinidad Tecson 3. B. Gregoria De Jesus
4. E. Gabriela Silang 5. C. Josefa Rizal
B:
Balikan: 1. 2. 3. 4. 5.
Pagyamanin: 1. 2. 3. 4. 5.
Tayahin A: 1. Josephine Bracken 2. Marcela Agoncillo 3. Melcora Aquino 4. Gabriela
Silang 5. Agueda Esteban
B: 1. Trinidad Tecson 2. Patrocinio Gamboa 3. Josefa Rizal 4. Esperidiona Bonifacio
5. Gregoria De Jesus
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian:
1. Araling Panlipunan 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa ph.251-254).
2. https://www.researchgate.net/publication/337949713_ANG_KABABAIHAN_NG_KATIP
UNAN_ANG_KATIPUNAN_SA_KABABAIHAN_ISANG_DISKURSO_SA_AMBAG_NG_MGA_
BABAE_SA_HIMAGSIKANG_PILIPINO
3. www.youtube.com/watch?reload=9&app=desktop&v=3twzn_eQm

64 (DO_Q4_ARALING PANLIPUNAN5_MODYUL4
ARALIN8)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City


Office Address: Pio Valenzuela Street, Marulas Valenzuela City, 1440
Telefax: (02) 292-32-47
Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

You might also like