You are on page 1of 8

Department of Education

Region VI – Western Visayas


Division of Negros Occidental
District of Ilog-I
DEPARTMENT OF EDUCATION

TABU ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5


Ika-apat na Markahan

I. LAYUNIN:
Natatalakay ang mga pag-aalsa sa loob ng estadong kolonyal.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Paksa:”Pag-aalsa sa Estadong Kolonyal”
B. Sanggunian:K to 12 – AP5PKB-IV-a-b-1.2
C. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Manila Paper, Pentel Pen
D. Balyu: PAGKAMAGITING/PAGKAMATAPANG
E. Integrasyon: ESP

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:


A. Panimulang Gawain:
1. Magbalik tanaw sa nakaraang aralin.
2. Sagutin ang Tanong:
Sinu-sino ang mga Pilipinong nakipaglaban sa mga Espanyol dahil sa mga maling
pamamahala nila sa mga Pilipino?

B. Balik-Aral
Tingnan ang nasa larawan. Kilalanin kung sino ang tinutukoy na lumaban sa mga
maling pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas.

1. Siya ang nagpalabas ng Dyaryong Tagalog.

2. Isa siyang lumpo at ang katangi-tanging


kaisipan at payo sa kapwa Pilipino ang naging
kontribusyon nya para maipakita ang
pakikipaglaban sa mga Kastila.

3.Siya ang sumulat ng mga nobelang Noli Me


Tangere at El Filibusterismo na nagpapakita
ng mga maling ginagawa at pamamahala ng
mga Espanyol sa mga Pilipino.

4. Tinaguriang pinakadakilang mandirigma ng


mga Muslim.
IV. PANLINANG NA GAWAIN:
1. Pagganyak
Pagpapakita ng video clips ng mga pag-aalsa ng mga Pilipino sa Panahon ng Kastila.
 Ano ang mga ginawa ng mga katutubong Pilipino ang inyong natunghayan??
Pakikipaglaban o Pag-aalsa
 Kaninong pag-aalsa ang inyong mga nakita?
 Bakit kaya nakikipaglaban at nagpapakita ng pag-aalsa ang mga katutubong
Pilipino? (Tanggapin ang lahat ng sagot ng mga bata.)

2. Paglalahad

Ang pag-aalsa ay ang pagtutol o hindi pagsang-ayon sa mga patakaran o anumang


nakahahadlang sakalayaan ng mga mamamayan saisang lugar o ng isang indibidwal.

Iilan lamang ang mga pag-aalsa na tatalakayin natin ngayon. Alamin natin ito sa
inyong Pangkatang Gawain.

3. Pangkatang Gawain

1. Pagpapangkat sa mga bata.


2. Pagbibigay ng aktibiti kard.
3. Pagbibigay ng panuntunan
4. Paghahayag ng sagot

Pamantayan/Tseklis sa Pangkatang Gawain:

1. Nakikita ang pagtutulungan ng bawat kasapi ng pangkat.


2. Ang bawat isa ba ay nagampanan ang kanilang tungkulin?
3. Lahat ba ay nagbabahagi ng kanilang opinyon sa pangkatang gawain?
PANGKATANG GAWAIN

Unang Pangkat:
Panuto: Basahin ang nakasulat at sagutin ang katanungan.

Lakandula at Sulayman

Ang pamamalakad sa bansa ni Legazpi ay maganda at maayos. Ngunit nang mamatay si Legazpi,
pinalitan siya ni Gobernador Heneral Guido de Lavezares. Hindi naibigan ng mga katutubong Pilipino dahil
bigla niyang inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni Legazpi. Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng
mga Espanol ang mga katutubo. Naging matindi ang galit nina Lakan Dula at Sulayman at sila ay nag-alsa.
Naganap ito sa Tondo noong 1574. Natigil lamang ang pag-aalsa ng mga Pilipino nang ibalik kina Lakan
Dula at Sulayman ang kanilang karapatan.

Mga Tanong:
1. Sinu-sino ang mga pinuno ng mga katutubong Pililipino na nag-alsa o nakipaglaban sa
mga Kastila?
2. Sino ang namumuno sa mga Kastila na umalis ng mga karapatang ipinagkaloob ni
Legaspi sa mga katutubong Pilipino?
3. Saan at kailan naganap ang kanilang pag-aalsa?
4. Anu-ano ang mga ginawang pagmamalabis ng mga Espanyol sa mga katutubo?

Ikalawang Pangkat:

Panuto: Basahin ang nakasulat at sagutin ang mga katanungan.

Magat Salamat
Lalong matindi ang pag-aalsa ni Magat Salamat noong unang bahagi, anak ni Lakan Dula, kaysa
sa naunang pag-aalsa ng kanyang ama at tiyuhin.Nagtatag siya ng lihim na samahan upang ipaglaban at
makamit muli ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino noong unang bahagi ng 1587. Ang mga kasapi ay
buhat sa iba’t-ibang panig ng Gitnang Luzon at sa Pulo ng Cuyo at Borneo. Nakipagsabwatan din sila kina
Juan Gayo at Dionisio Fernandez na magpasok ng mga sandata buhat sa Japan.

Subalit sila ay hindi nagtagumpay dahil sa pagtataksil ng isa nilang kasamahan na si


Antonio Surabao. Dahil dito ikinulong at pinatay si Magat Salamat.

Mga Tanong:

1. Sino ang naging anak ni Lakan Dula at pamangkin ni Raha Sulayman na mas matindi pa ang pag-
aalsa kaysa kanila?
2. Saang panig ng Pilipinas nagmula ang mga kasapi ng samahan na itinatag ni Magat Salamat?
3. Ano ang kinahihinatnan ng pag-aalsa ni Magat Salamat? Bakit?
_________________________________________________________________________

Ika-tatlong Pangkat:

Panuto: Basahin ang nakasulat at sagutin ang mga katanungan.

Ang Pag-aalsa ni Magalat

Ang mga taga Cagayan sa pamumuno ni Magalat ay nagpakita ng hindi pagsang-


ayon sa buwis at sapilitang paggawa o polo y servicios na ipanapatutupad ng mga
Espanyol subalit siya rin ay nabigo. Pinatay siya sa sariling tahanan ng kapwa Pilipino na
binayaran ng mga Espanyol.

Mga Tanong:

1. Sino ang namuno sa mga pag-aalsa ng mga taga Cagayan?


2. Bakit sila nag-aklas at lumaban sa mga Espanyol ?

_________________________________________________________________________

Ika-apat na Pangkat:

Panuto: Basahin ang nakasulat at sagutin ang mga katanungan.


Ang Rebelyon ng Gaddang (1621)

Dahil sa pagmamalabis ng mga Español, pinamunuan nina Felipe Catabay at


Gabriel Taya gang paghimagsik ng mga Gaddang sa Cagayan Valley. Pinakiusapan sila
ng Dominikong paring si Pedro de Santo Tomas na itigil na ang labanan. Dahil sa
mahusay magsalita ang pari, nakining sila at sumuko.

Mga Tanong:
1. Ano ang tawag sa pag-aaklas na pinamumunuan nina Felipe Catabay at Gabriel
Taya?
2. Sino ang Dominikong pari ang nagkumbinsi sa kanilang tigilan na ang kanilang
pakikipaglaban?

V. PANGWAKAS NA GAWAIN:

A. Pagbuo ng Kaisipan
Tukuyin kung sinu-sino ang ilang mga Pilipino ang nag-alsa at nakipaglaban sa estadong
kolonyal.

B. Pagpapahalaga
Nakipaglaban sa mga Espanyol ang iilang mga Pilipino upang tutulan ang mga kalupitan at di-
makatarungang pamamahala nila kahit na ibinuwis pa nila ang kanilang sariling buhay. Ano
ang ipinakita at ipinamalas nilang kaugalian para maipaglaban ang sarili nilang karapatan?

C. Karagdagang Pagsasanay:
Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

katapangan Magat Salamat


Pedro de Santo Tomas Magalat
katalinuhan Lakandula at Raha Sulayman

1. Anak ni Lakandula na nagsagawa ng matinding pag-aalsa laban sa mga Espanyol.


2. Siya ang Dominikong pari na nagpakiusap na itigil nina Felipe Catabay at Gabriel
Taya ang paghihimagsik sa mga Espanyol.
3. Nagpakita nang hindi pagsang-ayon sa sapilitang paggawa.
4. Katangian ng mga nag-aalsa at lumaban kahit mahina ang kanilang armas.

VI. PAGBIBIGAY-HALAGA

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Ito ang tawag sa pagtutol o hindi pagsang-ayon sa mga patakaran o anumang makakahadlang sa
kalayaan ng mamamayan sa isang lugar o ng isang indibidwal.
a. Martial Law c. Pamumuno
b. Pag-aalsa d. Pananakop

_____ 2. Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Magalat?


a. Nais niyang siya ang mamuno sa mga Espanyol.
b. Dahil gusto niyang siya ang mangolekta ng buwis.
c. Hindi siya sang-ayon sa buwis at sapilitang paggawa
d. Gusto niya siya ang gawing taga-ingat yaman.

_____ 3. Anong pangkat-etniko sa Luzon ang sumuko sa pakikipaglaban sa mga Espanyol?


a. Badjao c. Ilokano
b. Cebuano d. Gaddang

_____ 4. Ano ang isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol?
a. Pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo.
b. Mabuting pakikitungo ng mga Espanyol sa mga katutubo.
c. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol.
d. Paniningil ng tamang buwis sa mga katutubong Pilipino.

_____ 5. Bakit hindi nagtagumpay ang mga rebelyon o pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?
a. Wala silang pinuno. c. Wala silang pagkakaisa.
b. Wala silang mga armas. d. Wala silang sapat na dahilan.

M.L. ______
I.D._______

You might also like