“Ang isang mabuting pinuno ay inuuna ang kapakanan ng bayan, hindi ang kaniyang sariling interes.” Ang Pangulo ay ang pinuno ng isang republika na binabantayan ang kapakanan ng bayan at siya rin nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Ako, bilang isang mag-aaral at kabataan ay may interes sa politika at sa mga nangyayari sa ating bansa. Kapag ako ay pinapili ng isang Pangulo ng bansa ang aking pipiliin ay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sino nga ba si Rodrigo Roa Duterte o mas kilala sa tawag na Digong? Siya ay ang Ika-labing anim na Pangulo ng Pilipinas at Ika-anim na Pangulo ng Ikalimang Republika. Bakit ko nga ba siya pinili? Pinili ko siya dahil para sa akin ay kakaiba siya kaysa sa ibang mga Pangulo at dahil kahit marami siyang suliranin ay ginawan niya ito ng paraan para sa kapakanan ng ating bansa. Maraming naging suliranin si Pangulong Duterte tulad ng pagsakop ng bansang Tsina sa Karagatang Kanlurang Pilipinas, mga kalamidad tulad ng bagyo at pagguho ng lupa, labanan sa Marawi, digmaan sa droga, mga krimen ang sakit na Covid-19 at iba pa. Marami siyang solusyon at programa na ginawa tulad ng Build Build Build Program (BBB), libreng edukasyon sa kolehiyo, Social Amelioration Program, Healthcare Program, Manila Bay Rehabilitation Program, Boracay Rehabilitation Program at marami pang iba. Kahit siya ay sinasabihan ng masamang bagay ay hindi niya binibigyan ng masyadong pansin dahil alam niyang may nagawa siya at napaganda niya naman ito. Para sa akin siya ay isang magaling na Pangulo dahil sa dami ng suliranin na hinarap niya ay nagawan niya parin ito ng paraan at tiyaka inuuna niya ang kapakanan ng ating bansa at mga mamamayan nito. Kahit sa simula pa lamang ng kanyang termino ay alam niya na ang maganda para sa bansa at ginagawa niya na ito. Nakikipag-kaibigan at alya siya sa mga ibang bansa tulad ng Tsina at Russia at nakakatulong ito ng marami sa atin dahil malalakas ang sandata at militar ng mga bansang ito at baka planuhin nila na sakupin ang ating bansa kaya mas magandang makipag-kaibigan. Nasa ibang bansa nga ang ating mga OFW’s ay binibigyan niya parin sila ng pansin at pinoprotektahan sa panahon ng sakuna. Si Pangulong Duterte ay hindi parang ibang mga nasa politika na iniisip lang ang kanilang sariling interes at kapakanan at nagnanakaw sa bayan. Siya ay hindi makasarili kundi maalalahanin at marami nang naranasan sa buhay. Malapit nang matapos ang termino ni Pangulong Duterte dahil eleksiyon na ngayong Mayo ngunit hindi mawawala ang kanyang ginawa at alam ko na mananatili siya sa ating mga puso bilang isang magaling na Pangulo ng Pilipinas. Wala sigurong panghihinayang ang mga taong bumoto sa kanya dahil napakinabangan din nila ang mga programa niya at alam ko na namili sila ng Pangulo gamit ang mga tamang kuwalipikasyon at sana gawin din nila ito sa dadating na eleksiyon. Ako ay anim na taong gulang noong nahalal siya at kahit dati pa ay alam ko na magiging magaling siyang Pangulo. “Matapang na solusyon, Mabilis na aksyon.” Ito ang kanyang islogan at tama ito dahil mabilis nilang naaksiyonan ang mga suliranin at mahuhusay ang kanilang mga solusyon. Tandaan "Ang pinakamagaling na lider ay mapagmalasakit, may integridad, at may kakayahang maglingkod." - Lewis (1998)