You are on page 1of 12

Kalagayan ng Pilipinas sa Panahon ng Pananakop ng mga Hapones : Pagsusuri sa

Akdang Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute

Roselyn A. Ebal

Jinky Mae A. Figueroa

Shaira Gaborni

Lester Rey Gatela

Mga mag-aaral
Kabanata 1

UNANG PAGLAYAG NG BANGKANG PAPEL

Rasyonal

Maraming suliraning kinakaharap ang bansang Pilipinas. Saang bahagi man ng

bansa mapadpad ay maaaninag at hindi maikukubli na nararanasan ng bawat

mamamayan ang mga suliraning ito sa iba’t-ibang aspeto ng kanilang buhay. Patunay

diyan ang pagharap sa iba’t-ibang klase ng hamon o pagsubok sa pang-araw-araw na

buhay gaya ng personal na suliranin na may kinalaman sa sariling pamamaraan ng

isang indibidwal sa pagharap sa nagbabagong mundo, problema sa kalagayan o estado

ng pamilya sa kasalukuyang panahon at ang pagharap sa iba’t-ibang isyung panlipunan

na umiikot sa lipunang ginagalawan/kinabibilangan gaya ng kahirapan at karahasan.

Halos lahat ng bansa ay may isyung panlipunan na kinakaharap at isa na dito

ang Pilipinas. Dahil sa iba’t-ibang katayuan/estado sa buhay at ng iba pang kadahilanan

ay talamak sa bansa ang kahirapan. Ayon sa Social Reform and Poverty Alleviation Act

o RA 8425, maituturing na mahirap ang isang indibidwal o pamilya kung ang kanilang

kabuuang kita ay mas mababa sa isang sukatan na itinatalaga ng gobyerno. Tinatawag

ang sukatang ito na Poverty Threshold. Ang Poverty Threshold ay ang minimum na kita

na kailangan ng isang indibidwal o pamilya upang matugunan ang mga pangunahing

pangangailangan gaya ng pagkain, edukasyon, tirahan, pangkalusugan, damit, ilaw at

tubig, bahay, transportasyon, komunikasyon at iba pang pangunahing

pangangailangan. Ang methodology sa pagbilang ng mga mahihirap ay inaprubahan ng

Philippine Statistics Authority Board sa pamamagitan ng PSA Board Resolution No. 01


Series of 2017-171 batay sa rekomendasyon ng Technical Committee on Poverty

Statistics (TC PovStat), ang grupo na responsable sa pag-aaral upang mabuo ang

opisyal na metodolohiya sa pagbilang ng mga mahihirap sang ayon sa Executive Order

No. 352, kilala bilang Designation of Statistical Activities.

Nabanggit din ni Apolinario Villalobos sa kanyang isinulat sa isang website na

ang kahirapan ay may iba’t-ibang uri at ito ay ang mga nakatira sa bangketa at kariton,

palipat-lipat, mga nakatira sa eskwater pero ang bahay ay pinagtagpi-tagping karton,

mga nangungupahan ng maliliit na kwarto at mga nangungupahan sa maliliit na bahay

at maliit ang kita. Ang mga tao sa kahirapan ay kadalasang nakakaranas ng patuloy na

kagutuman o gutom, hindi sapat o walang access sa edukasyon at pangangalaga sa

kalusugan at kadalasang nahihiwalay mula sa pangunahing lipunan.

Ayon nga sa ABS-CBN news hindi na bago ang isyu ng kahirapan. Kung tutuusin

may kung ilang dekada na itong nararanasan at pinag-uusapan. Sa haba ng panahon

na nagdaan ay hindi pa rin ito magawan ng solusyon kung paano nga ba masusugpo

ang ganitong uri ng problema. Hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin itong

pangunahing suliranin ng bansang Pilipinas na nakakaapekto sa kalagayan ng bansa at

maging ng mga mamamayan nito.

Kaya ang pamahalaan ay may layunin na matanggal nang tuluyan ang kahirapan

sa bansa pagdating ng taong 2040. Nagmula ito sa Ambisyon Natin 2040, ang unang

pinagtibay na dokumento na nagsasaad ng mga hangarin ng mga Pilipino sa loob ng 25


na taon. Kaya naman ang Philippine Development Plan (2017–2022) ay naka-ayon dito,

pati na rin ang tatlo pang susunod na medium-term plans ng Pilipinas.

Hindi lamang ang kahirapan ang talamak sa ating bansa. Hindi maiaalis sa

listahan ng mga suliraning kinakaharap ng bansa ang iba’t-ibang isyu na may

kaugnayan sa mga pangyayaring maiuugnay sa karahasan. Ang karahasan ayon sa

Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan ay ang sinasadyang paggamit ng lakas o

puwersang pisikal o kapangyarihan na maaaring pagbabanta o totohanan laban sa

sarili, kapwa , laban sa isang pangkat o kaya pamayanan na maaaring magdulot ng

kapinsalaan, kamatayan kapahamakang pangsikolohiya, hindi pag-unlad o pagbawi at

pag-aalis (depribasyon, katulad ng pag-agaw ng pag-aari o kapangyarihan at maaari

ring pagkakait.) Ang kahulugang ito ay nag-uugnay sa layunin o pagsadya

(intensiyonalidad) sa pagsasagawa o pagsasakatuparan ng mismong gawain anuman

ang kalalabasan o resulta nito. Lahat ng indibidwal ay maaaring maging biktima ng

iba’t-ibang karahasan maging bata, babae, matanda at mga lalaki anuman ang kasarian

at lahi.

Ang karahasan sa mga kababaihan at mga kabataan ay isang malaking isyu na

magpahanggang ngayon ay ayaw mawala sa ating lipunan. Ayon sa Philippine

Commission on Women o PCW, ang babae pa ang kadalasang nasisi kung sila ay

nabubugbog. Maraming babae ang binabansagang “naggers” ng kanilang sariling mga

asawa o di kaya pabaya sa kanilang mga obligasyon bilang asawa. Ayon pa sa PCW,

minsan pa nga, ang panggagahasa ay sa babae pa nasisisi, dahil sila ay  “flirtatious.”

Ayon sa datos ng Center for Women’s Resources (CWR), kada 53 minuto, isang

babae o bata ang nagagahasa. Pito sa sampung biktima ng panggagahasa ay mga


bata. Ayon pa sa CWR, tumaas ng 92% ang mga naitalang rape cases mula 5,132

noong 2010 tungo sa 9,875 nitong 2014.

Ayon naman sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS), isa

sa limang babaeng may edad 15-49 ay nakaranas na ng pisikal na karahasan simula pa

ng edad 15. 14.4% naman ng mga babaeng may asawa ay nakaranas na ng pananakit

mula sa kanilang asawa.

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng higit 1,400 kaso ng gender-

based violence habang naka-lockdown ang bansa ngayong may banta ng coronavirus

disease 2019 (COVID-19). Ayon sa datos ng PNP na ipinresenta ng Philippine

Commission on Women sa Kamara, nakapagtala ang pulisya ng 1,425 kaso ng gender-

based violence sa buong bansa. Kabilang dito ang karahasan sa mga kababaihan at

bata, tulad ng pambubugbog na umabot sa 1,184; 122 kaso ng panggagahasa; at 90

kasong acts of lasciviousness o iba pang uri ng pambabastos.

Kaya naman, ang pagsusuring ito ay nakatuon sa pagtuklas sa naging kalagayan

ng Pilipinas sa panahon ng mga Hapones na mababatid sa iba’t-ibang sitwasyon o

mukha ng isyung panlipunan kagaya ng kahirapan at karahasan na makikita sa maikling

kwento na magiging daan upang madiskubre ang naging papel nito sa naging

kalagayan ng pamilyang Pilipino at ng mga kabataan sa panahon ng mga Hapones na

masasalamin sa maikling kwentong isinulat ni Genoveva Matute na pinamagatang

“Bangkang Papel”. Si Genoveva Adroza Matute (1915-2009) ay kilala sa tawag na

“Aling Bebang” isang kilalang kuwentista, mananalaysay at guro sa Filipino at

tagapagtaguyod ng wika at panitikan ng Pilipinas. Isinilang siya sa Maynila noong 3

Enero 1915. Kinilala ang husay ng kaniyang pagsusulat at dedikasyon sa pagtuturo ng


mga timpalak ng Don Carlos Palanca Memorial Awards 1950s–1960s; Outstanding

PNS-PNC Alumna Award noong 1966; Patnubay ng Sining at Kalinangan Award ng

Maynila noong 1967; Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga

Manunulat sa Pilipinas noong 1988; at Gawad CCP Para sa Sining noong 1992. Ang

kaniyang akdang “Bangkang Papel” ay isang akdang pampanitikan na bunga ng

malawak na pag-iisip na kung mapapansin ay hango sa isang tunay na pangyayari sa

buhay. Tinatalakay din sa maikling kwento ang natatangi at mahahalagang pangyayari

sa buhay ng pangunahing tauhan. Ang maikling kwento ay nagsasalaysay ng mga

pahayag tungkol sa pangyayaring naganap sa kwento at mga pangyayari tungkol sa

naging karanasan ng tao sa sarili, sa kapwa at sa kapaligiran. Mahalagang mabatid at

mabasa ang pagsusuring ito ng sa gayon ay malaman ng bawat isa ang dinanas at

naging kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng mga Hapones. Magbibigay kaalaman din

ito sa iba’t-ibang sitwasyon o kaganapan na nabanggit sa akda na nagpapakita ng iba’t-

ibang kaganapan na nakakaapekto sa buhay ng isang indibidwal.


Saligang Teoritikal

Ayon kay Alcaparaz et al. (2021), si Genoveva Edroza Matute o aling Bebang ay

isang kilalang magiting na kwentista sa wikang Filipino, mananaysay at guro. Siya rin ay

kilala bilang tagapagtaguyod ng Wika at Panitikan sa Pilipinas. Ilan sa mga kilalang

akda niya ang Kwento ni Mabuti, Paglalayag sa puso ng isang bata at Parusa.

Ang pagsusuring ito ay nakasalig sa paniniwala ng mga teoryang sikolohikal,

sosyolohikal at realismo. Sa pamamagitan ng mga teoryang ito ay matatalakay ang

mga layunin ng pagsusuri. Batay sa teoryang sikolohikal, bibigyang pansin ng manunuri

ang kalagayan ng kabataan sa panahon ng pananakop ng mga Hapones. Ayon sa pag-

aaral ni Abellera (2016), layunin ng teoryang ito na maipaliwanag ang akda sa

pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior

(pag-uugali, paniniwala, pananaw o pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.

Ipinapakita sa akda na ang tao ay nagbabago at nagkakaroon ng panibagong behavior

dahil may nag – udyok na mabago o mabuo ito.

Batay naman sa teoryang sosyolohikal ay susuriin ang kalagayan ng Pamilyang

Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones. Bibigyang tuon sa pagsusuri sa

teoryang ito ang kalagayan ng mga panlipunang institusyon kagaya ng pamilya. Ayon

kay Margallo (n.d.), ang sosyolohikal na dulog ay tumatalakay sa mga pananaw at

saloobin ng mga karakter ay hinubog ng mga pangyayari. Ang panitikan ay may mabuti

at kapakipakinabangang dulot sa lipunan at ang lipunan ay kailangang tumugon sa

sitwasyon o kalagayang humihingi ng pagbabago upang maiangat ang tao. Samantala

ang teoryang realismo naman ang gagamitin sa pagsusuri ng mga isyung panlipunan

sa akda tulad ng kahirapan at karahasan.


Magsisilbing gabay ang mga teorya na ito sa pagsusuri sa maikling kwentong

Bangkang Papel ni Genoveva Matute. Bibigyang tuon ng teoryang sikolohikal ang

kalagayan ng kabataan, gagamitin naman ang sosyolohikal na teorya sa pagsusuri sa

kalagayan ng Pamilya at teoryang realismo naman sa pagsusuri ng mga isyung

panlipunan kagaya ng kahirapan at karahasan.

Sa kabuuan, ang pagsusuring ito ay naglalayong matukoy ang kalagayan ng

Pilipinas sa panahon ng pananakop mga Hapones na makikita sa akda.

Layunin ng Pag- aaral

Ang maikling kwentong “Bangkang Papel” ni Genoveva Matute ay nagpapakita

ng kalagayan ng Pilipinas, pamilyang Pilipino at mga kabataan sa panahon ng

pananakop ng mga Hapones. Bibigyang-tugon sa pagsusuring ito ang mga

sumusunod :

1. Ang kabataan sa panahon ng mga hapones .

2. Kalagayan ng pamilyang Pilipino sa pananakop ng mga Hapones.

3. Isyung panlipunan sa panahon ng mga Hapones na masasalamin sa akda.

3.1 Kahirapan

3.2 Karahasan
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang nilalaman o impormasyon sa pag - aaral na ito ay magsisilbing gabay sa

mga mag-aaral mapa-nagpapakadupbhasa man sa Filipino o kumukuha ng kursong

Panitikan, mga guro, mga susunod na manunuri at mamayang Pilipino. Ang resulta sa

pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagbuo ng kaalaman hinggil sa naging kalagayan

ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones sa piling akdang pampanitikan. Ang

pag-aaral na ito ay magbibigay rin ng kaalaman patungkol sa Panitikang Filipino.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may saklaw lamang tungkol sa pagsusuri ng kalagayan

ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga hapones na mula sa maikling kwento ni

Genoveva Edorza Matute. Nilalayon nitong matukoy, ang Kabataan sa panahon ng

hapones, Kalagayan ng pamilyang Pilipino at mga isyung panlipunan na masasalamin

sa akda kagaya ng Kahirapan at Karahasan.

Kahulugan ng mga Talakay

Pamilya.  Itinuturing bilang pinakamaliit na unit sa isang komunidad. Ito ay

binubuo ng tatay , nanay at anak. Ang bawat bahagi ng pamilya ay kinakailangang

magkaroon ng pagkakaisa at pagmamahalan upang magkaroon ng respeto sa isa’t–

isa. Ang pamilya ay binubuo ang mga unang hakbang sapagkatao. Ang pamilya ang

syang gumagabay, nagtuturong mga mabubuting asal, nagbibigay ng pangangailangan

at nagmamahal ng walang kapalit.


Kabataan. Tumutukoy sa mga mamamayan na may edad 15 hanggang 30. Sila

ay ang itinuturing na pag-asa ng bayan dahil sila ay kabilang sa working class.

Pananakop. Ito ay tumutukoy sa akto ng tuwiran, tahasan, ‘di-tuwiran, marahas,

o tahimik na pagkuha o pag-angkin ng isang teritoryo o pagsupil sa mga grupo ng tao.

Karahasan. Ang sinadyang paggamit ng pisikal na puwersa o kapangyarihan,

banta o aktwal, laban sa sarili, sa ibang tao, o laban sa isang grupo o komunidad, na

alinman ay nagreresulta sa o may mataas na posibilidad ngna nagreresulta sa pinsala,

kamatayan, sikolohikal na pinsala, maling pag- unlad o pagkakait (World Health

Organization).

Kahirapan. Ang kahirapan ay isang kondisyong panlipunan na kinikilala ng

kakulangan ng mga mapagkukunan na kinakailangan para sa pangunahing kaligtasan o

kinakailangan upang matugunan ang isang tiyak na antas ng antas ng pamumuhay

na inaasahan para sa lugar kung saan nakatira ang isang tao. Ang antas ng kita na

tumutukoy sa kahirapan ay iba sa lugar, kaya ang mga sosyal na siyentipiko ay

naniniwala na ito ay pinakamahusay na tinukoy sa pamamagitan ng mga kondisyon ng

pag-iral, tulad ng kawalan ng access sa pagkain, pananamit, at kanlungan.

Pamamaraan ng Pagsusuri

Ang pagsusuring ito ay isang uri ng kwalitatibong uri ng pag- aaral gamit ang

iba’t ibang dulog/teoryang sikolohikal, sosyolohikal at realismo. Magsisilbing tiyak na

hakbang ang mga sumusunod:


Unang Hakbang. Ang Kabataan sa Panahon ng mga Hapones. Sa bahaging

ito, bibigyang-tuon ng manunuri ang naging kalagayan ng mga Kabataan sa panahon

ng Hapon. Gamit ang teoryang sikolohikal, susuriin ng mga mananaliksik ang naturang

behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw o pagkatao) ng mga kabataan. Ang

pagkawala ng kislap sa kanilang mata at nag-iiwan ng isang durog na kaluluwa. ng

pagbanggit ng bangkang papel sa kwento ay nagsisislbing representasyon ng mga

pangarap na naglalayag sa puso ng mga kabataan. Ngunit dahil sa malupit na lipunang

kinagisnan hindi paman nakalalayag ang pangarap ay dinurog na ito ng mga alon ng

sigwa at sakit.

Ikalawang Hakbang. Kalagayan ng pamilyang Pilipino sa pananakop ng

mga Hapones. Sa bahaging ito, bibigyang-tuon ng manunuri ang naging kalagayan ng

pamilyang pilipino sa pananakop ng mga Hapones. Gamit ang teoryang sosyolohikal,

susuriin ang mga pananaw at saloobin ng mga karakter na hinubog ng mga pangyayari.

Isang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera. Ito ang

nagdulot ng kasawian ng kanilang pamilya at matinding dagok sa panahon ng kabataan

ng pangunahing tauhan.

Ikatlong Hakbang. Isyung panlipunan sa panahon ng mga Hapones na

masasalamin sa akda. Bibigyang pukos sa bahaging ito ang mga isyung panlipunan

sa panahon ng Hapon. Gamit ang teoryang realismo, ay bibigyang pansin ng mga

manunuri ang pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay. Mababasa na pawang

ang mga katotohanang pangyayari ang mga nagaganap sa bawat akda. Realidad na

kung saan nilalabanan nila ang kalagayan o kahirapan ng buhay, handang

magsakrispisyo, mabuhay lamang ang mga mahal sa buhay. Naging talamak rin ang
karahasan sa mga kabataan at kababaihan sa panahong ito.Ang sagupaang naganap

sa bayan ay labanan ng rebelde at kawal ng pamahalaan. Isang kaganapang palasak at

napapanahon saan mang sulok ng mundo. Mga labanan ng magkakalahi at

magkababayan. Isang masakit na realidad na unti-unting sumasakal sa ating bansa.

Ang tatsulok na sistema ng lipunan ang nagpapabulok dito. Ang patuloy na sagupaan

ng mga nasa taas at nasa paanan nito’y patuloy na umiiral, patuloy na nag-aalab. Mas

pinapagsalita pa ang mga putok ng baril kaysa sa mga labi.

You might also like