You are on page 1of 1

“Likas-kayang Pag-unlad Para sa Lahat”

Ang likas-kayang pag-unlad, o sustainable development sa ingles, ay ang paraan sa


patuloy na pag-unlad at pangangaalaga sa lipunan, ekonomiya, at kapaligiran sa
kasalukuyang panahon na magpapatuloy sa susunod na henerasyon. Bakit nga ba
kailangan nating humanap ng paraan para makamit ang sustainable development? Ito
ay upang ang bawat isa sa mundong ito ay mabibigyan ng pantay na pagkakataon
upang mapabuti ang kanilang buhay, at para matugunan ang mga suliraning
kinakaharap natin lahat. Isa sa mga problemang ito ay ang climate change o ang
pagbabago ng klima dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa
mundo. Hindi madaling matugunan ang mga suliraning ito, kaya dapat gawin ng lahat
ng bansa ang kanilang bahagi upang makamit ang sustainable development.
Sa Pilipinas, ang likas-kayang pag unlad ay mahalaga hindi lang para sa bansa kundi
pati na rin sa mga mamamayan. Lalong mahalaga para sa mga pilipino na malaman
ang kahalagahan ng sustainable development dahil karapatan nila na magkaroon ng
hindi lamang magandang kasalukuyan, kundi magandang kinabukasan din. Totoo ito sa
bansang maraming isyu, katulad ng kahirapan. Ayon sa data noong 2018, 16.6% ng
populasyon ng Pilipinas, o humigit-kumulang 17.6 milyong tao, ay mahirap. Sa
pamamagitan ng AmBisyon Natin 2040, nagpapatupad ng iba't ibang programa ang
pamahalaan ng Pilipinas, tulad ng pagbibigay ng higit pang access sa edukasyon,
pangangalagang pangkalusugan, at pagtulong sa pamilya. Ang AmBisyon Natin 2040
ay hindi lamang tumutugon sa kahirapan, ito ay ang pananaw na gumagabay sa
hinaharap at ang pundasyon ng mga plano ng bansa. Gayunpaman, hindi magaganap
ang sustainable development kung ang aksyon ay nagmumula lamang sa pamahalaan.
Dapat gawin din ng bawat mamamayan sa pilipinas ang kanilang bahagi, tulad ng kung
paano dapat mag-ambag ang bawat bansa para makamit ang likas-kayang pag-unlad
sa lahat.
Pagkawala ng kahirapan, aksyon sa klima, at de-kalidad na edukasyon ang ilan lamang
sa mga layunin na makakamit para sa likas-kayang pag-unlad. Marami pang iba, at
lahat tayo ay dapat magkaisa para makamit ito. Nagsisimula ito sa isang tao,
pagkatapos ay isang komunidad, susunod sa isang bansa, at sa wakas ay makakamit
natin ang pandaigdigang pag-unlad na maaaring tumagal para sa susunod na
henerasyon. Ang tanging paraan para tayong lahat ay magkaroon ng magandang
kinabukasan, ay kung kumilos tayo ngayon.

You might also like