You are on page 1of 31

DANAS NG MGA MAG- AARAL NG LNU SA PAGKUHA NG

ONLINE- BASED NA PAGSUSULIT

Isang Pananaliksik na Iniharap kay

G. Dr. Aldwin B. Amat

Bilang Pagtupad sa Isa sa Pangangailangan ng Asignaturang

FIL 109 Kulturang Popular

Nina:

Shaira Gaborni

Yvonne Garbo

Annie Via Mae Garcia

Lester Rey Gatela

Princess Grefiel

Nobyembre 2021
Talaan ng Nilalaman

Abstrak . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ii

Dahon ng Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iii

Introduksyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1

Layunin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5

Metodolohiya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7

Konklusyon. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 18

Rekomendasyon. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 19

Sanggunian. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20

Apendisis. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21

Talatanongan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21

Talang Personal . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 22
Abstrak

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang "Danas ng mga Mag-aaral ng Leyte Normal

University sa Pagkuha ng Online-Based na Pagsusulit". Layunin nitong malaman kung ano

ang naging pananaw ng mga mag-aaral sa Online-Based na Pagsusulit at kung sumasabay

ba ang ang ganitong uri ng pagsusulit sa ating kulturang popular. Ito rin ay upang alamin kung

ano ang epekto ng Online-Based na pagsusulit sa mga mag-aaral at kung angkop ba gamitin

ito sa hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga sumusunod: mag-aaral, guro,

magulang, sa lipunang ginagalawan at sa mga susunod na mananaliksik.

Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay isang Penominolohikal na kung saan ang

hinihinging datos mula sa mga respondante ay pawang karanasan lamang. Pumili ng

sampung (10) mag-aaaral para maging respondante, mula sila sa ikalawang taon na

nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino.

Napag-alaman na karamihan sa mga respondante ay naging gabay ang online-based

na pagsusulit sa pagkatuto lalo ma sa panahon ng pandemya o sa bagong normal ng

edukasyon ang pagkakaroon ng online-based na pagsusulit. May magandang epekto ang

ganitong uri ng pagsusulit isa sa mga iyon ay madaling ma-access kung may load o internet

koneksyon at may disadbentahe rin ang pagkakaroon ng online- based na pagsusulit tulad ng

may mahinang internet koneksyon, at ang pandaraya sa pagsagot ng pagsusulit online.

Natuklasan rin na sumasabay ang online-based na pagsusulit sa kulturang popular at naging

epektibo at naangkop sa kasalukuyang kalagayan ng edukasyon.


Dahon ng Pasasalamat

Taos-pusong nagpapasalamat ang aming grupo sa mga sumusunod na indibidwal na

nagkaroon ng kontribusyon at naging bahagi ng pananaliksik na ito. Sa kanilang tulong,

suporta at gabay upang mapagtagumpayan namin ang pag-aaral na ito.

Sa aming propesor, G. Aldwin Amat, sa kaniyang mahabang pasensya at pag-intindi

sa amin. Ipinapaabot po namin ang aming pasasalamat sa palaging paggabay, pagtulong at

pagtuturo sa mga dapat naming gagawin at babaguhin sa pananaliksik na ito.

Sa mga repsondente, na naglaan ng kanilang oras upang maging kalahok at

masagutan ng tapat ang aming ibinigay na sarbey.

Sa aming kapwa mag-aaral, na nagbibigay inspirasyon na talagang kailangan namin

lalo na sa sitwasyong mahina kami at sa kanilang pagsuporta upang matapos ang aming

pananaliksik.

Sa aming mga magulang, na tumulong at umintindi sa amin sa panahong abala kami

sa paggawa ng pag-aaral na ito at sa pagbibigay ng moral at pinansyal na suporta,

pagmamahal at inspirasyon sa amin.

Lalong-lalo na sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa amin ng determinasyon upang

maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Sa pagdinig sa amin mga panalangin

lalong-lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa inilaang

panahon sa amin. Muli, maraming Salamat sa inyong lahat.

- Mga Mananaliksik
Introduksyon

Ang Covid-19 pandemya ay malubhang nakakaapekto sa bawat sektor ng bansa,

maging ito man ay sektor ng pang-edukasyon o sektor ng ekonomiya. Sa ating bansang

Pilipinas at maging sa iba pang parte ng mundo na kung saan nagpataw ang gobyerno ng

isang lockdown, nililimitahan ang kilusan ng mga tao sa buong bansa. Sa sistema ng

edukasyon, ang platform ng pagsusulit sa online ay lumitaw din bilang isang bagong

pamamaraan sa pagbibigay ng pagsusulit sa mga mag-aaral.

Halos lahat ng mga pribadong paaralan ay nagsagawa ng online-based na pagsusulit,

bilang katumbas ng yugtong pagsusulit sa mga pampublikong paaralan. Ang mga implikasyon

ng online-based na pagsusulit ay may iba’t ibang salik na nakabubuti bilang isang sukat ng

ebalwasyon ng mga mag-aaral gaya ng; nakakatulong sa pagpapaikli ng gawain ng mga guro

sa paggawa ng mga katanungan o aytem na ilalagay sa pagsusulit, ang makatotohanang

batayan ng mga ito at ang piling minuto o panahon ng pagsagot sa mga ito saisang website

na bukod tangi sa paaralan gamit ang kanilang mga kompyuter.

Ang sistematiko at organisadong pagsasagawa ng mga ito sa pamamagitan ng

pagkalap, pag-impok ng mga datos at mga tala ay nakatutulong sa pagsasaayos ng proseso

ng ebalwasyon na ilan lamang sa institusyon gaya ng mga paaralan. Ang sistemang paggamit

ng online exams ay makikita rin sa mga interbyu sa pagkakaroon ng trabaho, sa mga

admission test sa kolehiyo, rebyu sa mga board exams at ilang pangpropesyunal na aspeto.

Ang Online-based na Pagsusulit ay isinasagawa sa aparatong pinapagana ng web

tulad ng mga laptop, gadyet at desktop kompyuter. Ang mga pagsusulit o pagsubok na ito ay

makakatulong upang maayos o tamang maisuri ang kaalaman ng mag-aaral sa isang

malawak na hanay ng mga paksa.

Ayon kay Mendoza (2020), malaki ang hamon sa edukasyon sa ating bansa ngayon

dahil sa nararanasang epekto ng COVID-19. Ang bagong normal (new normal) sa edukasyon
na ipatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay malayong malayo sa dati o nakaraang

normal na pagtuturo at pagkatuto. Ang pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto ay sa paraang

“online”, kung saan gagamit ng akses sa teknolohiya, koneksyon sa internet at online platform

na makatutulong sa pagitan ng guro at mag-aaral.

Ang pag-usbong ng online-based na pagsusulit ay isa mga salik na humantong sa

pagiging modernisado ng edukasyon dito sa Pilipinas na masasabing nakabubuti sa pag-

angkop nito sa kasalukuyang panahon ng pagproseso ng impormasyon at ang mga nilalaman

nito. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay nakita sa kabila ng mga hadlang na nakaakibat

dito gaya ng pagtatala ng iskor at ang katunayan, sa ilang pagkakataon dumanas ng

mekanikal na suliranin na kalaunan ay nabigyang pansin at solusyon. Kabilang din ang

mahusay na pagkalap ng talaan na kahit ang mga maliliit na aspeto ay natugunan. ang oras,

enerhiya, salapi at iba pang salik ay hindi na naging suliranin dahil ang lahat ay makakamtan

na sa sinumang nais gumamit ng ganitong uri ng pagsusulit.

Sa depinisyon ni Knowly (2020), ang pagsusulit sa online ay nagsasagawa ng isang

pagsubok sa online upang masukat ang kaalaman ng mga kalahok sa isang binigay na paksa.

Sa nakaraang panahon, ang lahat ay kailangang magtipon sa isang silid-aralan nang sabay

upang kumuha ng pagsusulit. Sa online na pagsusulit ang mga mag-aaral ay maaaring gawin

ang pagsusulit sa online, sa kanilang sariling oras, gamit ang kanilang sariling aparato, at hindi

alintana kung saan sila nakatira. Kinakailangan mo lamang ng isang browser at isang

koneksyon sa internet upang kumuha ng pagsusulit.

Sa pag-aaral nina Anonuevo, Piedad, et al. (2017), Ang pag-usbong ng online na

pagsusulit ay isa mga salik na humantong sa pagiging modernisado ng edukasyon dito sa

Pilipinas na masasabing nakabubuti sa pag-angkop nito sa kasalukuyang panahon ng

pagproseso ng impormasyon at ang mga nilalaman nito. Ang online na pagsusulit ay bahagi

na ng pagbabago na nagaganap sa sistema ng edukasyon dito sa bansa na naaangkop sa


paggamit ng teknolohiya sa makabagong panahon ng modernisasyon. Ito ay isa ng

pangangailangan upang mapadali ang gawain ng isang guro sa paggamit ng alternatibong

pagsusulit bilang istratehiya sa pagkuha ng ebalwasyon.

Sa paraan ng pagtatasa, ebalwasyon at mga katugunan, ang mga online-based na

pagsusulit ay may mahalagang papel sa online na pag-aaral (online learning). Ang pagsulong

nito ay humantong sa pagtaas ng paggamit ng mga teknolohiya ng impormasyon at

komunikasyon (ICT) upang magsagawa ng mga pagsusulit sa online sa mga unibersidad sa

buong mundo. Salamat na lamang dahil sa pagpapabuti sa ICT, ang mga mag-aaral at guro

ay nakasaksi ng maraming aplikasyon ng mga online na kurso at sa gayon, mga online na

pagsusulit (Kirtman, 2009). Bagaman walang paghihigpit sa paggamit, ang mga online-based

na pagsusulit ay lalong angkop para sa mga kursong isinasagawa sa online at sa pagkakaroon

ng maraming bilang ng mga mag-aaral na kumukuha ng kurso. Ang mga pagsusulit sa online

rin ay nagdudulot ng mga magandang epekto tulad ng seguridad sa pagsusulit o pagsubok,

ligtas na imbakan ng mga datos, agarang resulta sa pagsusulit, pagiging gastos, matipid sa

papel at oras, at awtomatikong pagtago sa record ng mga mag-aaral, guro at ng institusyon

(Ilgaz & Adanır, 2020).

Sa kasalukuyang panahon ay makikita sa kabila ng mga hadlang na nakaakibat dito

gaya ng pagtatala ng iskor at ang katunayan, sa ilang pagkakataon dumanas ng mekanikal

na suliranin sa pagsasagawa at pagkuha ng online-based na pagsusulit. Kabilang din ang

oras, enerhiya, salapi at iba pang salik ay na naging suliranin ng ibang estudyanteng

kumukuha ng ganitong uri ng pagsusulit.

Sa pagkuha ng online-based na pagsusulit ng mga mag-aaral ay mahalaga lalong lao

sa panahon ng pandemya, ngunit maraming mga naranasang balakid o suliranin upang

maisakatuparan ito. Kabilang sa mga hamon ay ang mga sumusunod: mabagal at kawalan

ng akses ng internet, limitadong oras sa pagsagot sa bawat tanong o aytem, problemang


teknikal sa laptop o gadyet, kakulangan o insufficient mobile data at kaalaman o kasanayan

sa paggamit ng teknolohiya, online platform ng mga mag-aaral.

Sa pag-aaral na ito'y binibigyang pansin ng mga mananaliksik ang Danas ng mga Mag-

aaral ng LNU (Leyte Normal University) sa Pagkuha ng Online-Based na Pagsusulit.

Kinakikitaan ang mga karanasan ng mga Mag-aaral na nag-aaral sa LNU sa pagkuha ng

panibago o modernong pamamaraan ng pagbibigay ng pagsusulit sa pamamagitan ng online-

based na pagsusulit.
Layunin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga pananaw ng mga mag-aaral

na nagpapapkadalubhasa sa asignaturang Filipino sa pagkuha ng Online-Based na

pagsususlit sa Leyte Normal University.

Tinitiyak sa pag-aaral na masagot ang mga sumusunod:

1. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa Online-Based na pagsusulit?

2. Ano ang pananaw ng mag-aaral sa kung sumasabay ba ang Online-Based na

pagsusulit sa ating kulturang popular?

3. Ano ang epekto ng Online-Based na pagsusulit sa mga mag-aaral?

4. Angkop bang gamitin ng mga mag-aaral ang Online-Based na pagsusulit sa

hinaharap?
Metodolohiya

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik sa

pag-aaral sa paksang “Danas ng mga Mag- aaral ng LNU sa pagkuha ng Online- Based na

Pagsusulit.”

Inilalahad ng pag-aaral na ito ang pananaw at karanasan ng mga mag-aral na

nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino ng Leyte Normal University patungkol sa

Online-Based na pagsusulit. Ang pananaliksik na ito ay nakasangkot sa kwalitatibong uri. Ang

mananaliksik naman ay gumamit ng instrumentong open-ended questionnaire bilang

kumakatawan ito sa mga online surveys. Penominolohikal naman ang ginamit na desinyo ng

mga mananaliksik na kung saan ang hinihinging datos mula sa mga repondante ay pawang

karanasan lamang. Mula sa ikalawang taon ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa

asignaturang Filipino ay pumili ang mga mananaliksik ng sampung (10) mag-aaral bilang

respondate na ginamitan ng isang non probability sampling, ang availability sampling. Sa

kabilang banda, ay naging kasangkapan ang google from sa pangangalap ng datos at

thematic analysis naman ang naging kaakibat para sa interpretasyon ng mga resulta.
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Talahanayan 1. Sa iyong pananaw, ano ang Online-Based na pagsusulit?

Sagot Tema

Isang pagsusulit na kinakailangan rin May katotohanan.

sagutan ng may katotohanan.

Ito ay pagsusulit na kung saan sinasagutan

gamit ang ibat ibang klase na gadget tulad

ng laptop, cellphone at iba pa. Ginagamitan ng gadgets

Isang pagsusulit na isinasagawa o

sinasagutan gamit ang alinmang social

media online platform.


Ginagamitan ng iba’t ibang platform at
Ang online - based na pagsusulit ay kinakailangan ng internet na koneksyon.

tumutukoy sa paraan ng pagsusulit na

ginagawa o nangyayari thru online o

internet, siguro.

Ang online based na pagsusulit ay ang

pagkuha ng pagsusulit sa online gamit ang

ibat-ibang gadget at internet connection.

Ito ay pagsusulit na isinasagawa sa birtuwal

na pamamaraan. Ito ay pagsusulit na

kinukuha ng mga mag-aaral sa online

Pagsusulit ng nagaganap online.


Ang Online-Based na pagsusulit ay

isinasagawa sa mga educational app o

website tulad ng google form, LMS, at

marami pang iba. Ginagamitan ito ng

internet upang makasagot at mapasa ang

iyong nasagutan.

Ang pagsusulit na kinuha online.

Ito ay ang pagsusulit na isinasagawa sa

online.

Basi sa resultang nakalap, makikita sa Talahanayan 1 na ang mga

nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino ay nakikita ang Online-Based na pagsusulit

bilang isang pagsusulit na kinakailangan pa ring sagutan ng may katotohanan,

nangangailangan ng gadget at ginagamitan ng iba’t ibang platform at internet na koneksyon.


Talahanayan 2. Ano ang adbentahe ng online-based na pagsusulit?

Sagot Tema

Nagsisislbing gabay sa pagkatuto ng mag- Gabay sa gitna ng pandemya

aaral sa panahon ng pandemya o sa bagong

normal.

Walang masyadong pressure na

mararamdaman hindi tulad kapag sa loob Walang gaanong presyon

mismo ng silid aralan ito kunin.

Ang adbentahe ng online - based na Adbentahe sa oras

pagsusulit ay may kalayaan ang bawat taga

- kuha ng pagsusulit sa oras na kanilang

gusto.

Matipid sa oras.

Madali itong ma access basta mayroon ka Madali at may kaginhawaan (Conveneincy)

lang load at internet.

Ang adbantahe nito ay mas madali at less

hassle sa mga estudyante.

Nakakapagsagot ang mga mag-aaral ng

pagsusulit kahit nasa kanilang pamamahay

lamang.

Ito ay madaling maakses ng mga mag-aaral

na hindi na nangangailangan pa ng face to

face. Ito ay mas convenient.


Ito ay pinakamadali sapagkat kakambal nito

ang teknolohiya na nagpapadalu sa daloy ng

pagsusulit.

Ang adbantahe nito ay mas madali at less

hassle sa mga estudyante.

Sa Talahanayan 2, naipapakita kung ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa

adbentahe ng Online-Based na pagsusulit. Ayon sa mga datos na nakalap sinasabing naging

gabay ito sa gitna ng pandenya, hindi gaanong nakakaramdam ng presyon, matipid sa oras

at higit sa lahat nakakaramdam ang mga mag-aaral ng kaginhawaan o conveniency.

Talahanayan 3. Ano ang disadbentahe ng online-based na pagsusulit?

Sagot Tema

Maraming disabentahe ng online based na Kakulangan sa kagamitan (gadgets)

pagsusulit subalit nangingibabaw dito ang

kawalan ng gadget ng ibang mag aaral at

kung mayroon man ang problema ay ang

araw araw na load para sa pagsususlit.

Mas maraming distraksiyon sa paligid at Nakararanas ng pisikal na sagabal

mahirap mag pokus.

Ang disadbantahe naman nito, may


Pangangapa sa koneksyon.
pagkakataon na mahina ang signal kaya

mahihirapan sa pagpasa ang estudyante,

may pagkakataon din na narerefresh ang


aming sinasagutan kaya babalik na naman

sa pinakauna.

Ang koneksyon ng signal at ang load

May mga pandarayang nangyayari sa uri ng

pagsusulit na ito dahil anumang oras ay

maaaring kumuha ng modules o notes ang Hitik sa pandaraya

mag-aaral habang isinasagawa ang

pagsusulit. Bukod dito, may mga mag-aaral

na kulang sa kagamitan upang maka-access

nito.

Ang disadbentahe naman siguro ay 'yung

reliability ng mga sagot sa isinagawang

pagsusulit.

Minsan hindi na sinasagutan ng kanilang

sagot mismo at naghahanap nalang sa

social media

Maaring mag-cheat.

Maaaring magkaroon ng pagkakataong

mangopya ng sagot.

Minsan ay nawawala ang kredibilidad ng

pagsusulit kasi nagkakaroon ng dayaan.


Basi sa Talahanayan 3, makikita naman dito ang desadbentahe ng Online-Based na

pagsusulit. Sa datos na nakalap, ang mga pananaw na desadbentahe ng mga mag-aaral ay

una, kakulangan sa kagamitan (gadgets) pangalawa, pakakaranas ng pisikal na sagabal, ang

pangatlo naman ay pagkakaroon ng mabagal na koneksyon, at ang panghuli ay ang

pandadaraya.

Talahanayan 4. Sa iyong palagay, sumasabay ba ang pagsusulit na ganito sa ating kulturang


popular ngayon?

Sagot Tema

Oo. Dahil ito ay dala ng debelopment ng Pamamayagpag ng teknolohiya

ating teknolohiya na mas pinagagaan ang

mga gawain.

Oo

Oo, dahil sa panahon ngayom umuunlad

ang kulturang popular sa pamamagitang ng

ibat ibang gamit na teknolohiya lalo na sa

mga mag aaral.

Oo, sumasabay ang pagsusulit na ito sa

kulturang popular ngayon dahil sa paggamit

ng teknolohiya.

Opo dahil ginagamitan ito Ng teknolohiya.

Karanasang new normal


Oo dahil nasa bagong normal ang ating

kasalukuyang edukasyon kung saan ang

pagtuturo-pagkatuto ay isinasagawa online.

Siguro. Lalo na't humaharap tayo ngayon sa

pandemya at ang ating pag - aaral ngayon

ay isinasagawa na thru online. Kaya

masasabing sumasabay ito sa ating

kulturang popular ngayon.

Para saakin oo dahil ito ang naging popular

dahil sa hindi makapag daos ng pagsusulit

na harapan dahil sa pandemya

Oo. Dahil parte na iton ng ating new norm sa

larangan ng edukasyon.

Oo dahil ang halos lahat ng gawain natin ay

isinasagawa sa online dahil ipinagbabawal

pa ang face-to-face na klase

Basi sa datos na nakalap sa talahanayan 4, sumasabay ang Online-Based sa

kulturang popular ng Pilipino ay dahil sa pamamayagpag ng teknolohiya at dahil na din sa

new normal karanasan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.


Talahanayan 5. Bilang estudyante sa gitna ng pandemya, masasabi mo bang epektibo ang
paggamit ng ganitong pamamaraan ng pagsusulit? Bakit?

Sagot Tema

Depende. Ang pagiging epektibo nito ay Depende (Estilo sa pagpapatupad ng

nakadepende sa istilong gagamitin ng guro pagsusulit)

sa pagpapatupad ng kaniyang pagsusulit.

Sa isang banda, oo subalit ang ganitong

paraan nang pagsusulit ay isinasaalang -

alang dito ang credibilidad ng isinagawang Hindi epektibo (Mababa ang kredibilidad)

pagsusulit. May pagkakataon kasi na dahil

naisagawa ito thru online, may ilan na hindi

seryoso sa pagsagot at may ilan naman na

komukopya ng sagot lalo na at hindi ito

namomonitor ng isang guro. (credibilidad)

Hindi epektibo dahil nga nagkakaroon ng

dayaan.

Hindi sapagkat nakasanayan ng mga mag


(Walang gaanong Interaksyon ng mag-aaral
aaral ang pag aaral na normal o face to face,
at guro)
dito masasabi na ang pagsusulit ay epektibo

dahil may interasyon sa pagitan ng guro at

mag aaral.

Oo dahil mas mapangangalagaan ang mga

mag-aaral sa anumang kapahamakan na

dala ng pandemya.
Oo dahil para narin maging ligtas sa sakit. At Epektibo (Kaakibat sa gitna ng pandemya)

pwede rin naman matuto gamit ang ganitong

pagsusulit.

oo ang online-based na pagsusulit ay

mainam sa gitna ng pandemiya dahil ito ay

ang inihalili sa ating nakagawian na

pagsusulit para na rin sa ating kapakanan.

Para sa Akin ay epektibo Naman sapagkat

Hindi na kailangan lumabas Ng bahay at

maari akong mag-aral kahit Kailan ko gusto.

Oo dahil mas maganda at madali itong

paraan sa pagkuha ng grado at mas madali

kesa naman mag quiz na naka google meet,

mahihirapan lang tayo.

Ou ito ay epektibo dahil nga tayo ay nasa

distance learning at ito lamang ang isa sa

mga paraan upang makakuha ng pagsusulit

ang mga mag-aaral.

Sa Talahanayan 5 ay makikita ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa pagiging

epektibo ng Online-Based na pagsusulit sa kasalukuyan. Basi sa datos na nakalap ng mga

mananaliksik magiging epektibo ito depende sa estilo ng guro gayun din kung kakikitaan ba

ito ng kredibilidad. Mayroon pa rin nagsaad na hindi ito epektibo dahil sa nawala ang

kasanayang interasksyon ng mag-aaral at guro. Sa kabilang banda, may mga respondante


rin ang nagsasabing epektibo ito dahil sa naging kaakibat ito ng mga mag-aaral sa

kasalukuyang kalagayan ng panahon.

Talahanayan 6. Bilang estudyanteng magiging guro sa hinaharap, masasabi mo bang angkop


ang paggamit ng online-based na pagsusulit? Bakit?

Sagot Tema

Hindi dahil hindi natin makikita't Hindi angkop (Walang aktuwal na

maoobserbahan ang ating mag-aaral obserbasyon)

habang kumukuha ng pagsusulit.

Hindi, masasabi ko na ang tunay na

pagkatuto ng isang mag aaral ay hindi sa

sabay ng teknolohiya kundi sa tunay na Mag

aaral

Kung pagbabatayan natin ang ating

sitwasyon sa ngayaon. Ang pagsusulit na ito

ay naangkop lang na gamitin.

Oo dahil kasabay ng pagbabago ng

panahon, kailangang ang bawat isa ay mag- Naangkop (Kaakibat sa pagbabago ng

adopt sa kalagayan ng panahon. panahon)

Kung sa panahon na ako'y magiging isang

guro at sa puntong iyon wala nang

pandemya, siguro hindi ko gagamitin ang

Online - based na pagsusulit. Subalit,


depende pa rin ito sa magiging kalagayan o

sitwasyon.

Oo naman lalo na kung may ganitog

pangyayari at syempre mas madali itong

irecord ang iskor ng mga bata.

Epektibo siya kung epektibo ang

pagpapatupad ng pagsusulit.

Oo, sa tingin ko ay angkop ito lalo na kapag

nahaharap sa isang pagsubok ang bansa.

Angkop Naman siya kapag may magandang

panuntunan.

Ou masasabi kong ito ay angkop subalit

kung magbibigay man ako hindi ang klase ng

pagsusulit mayroong pagpipilian o multiple

choice sa aking online na pagsusulit dahil

batid kung maaaring mawala ang krebilidad

ng pagsusulit. mas nanaisin kung magbigay

ng pagsusulit na puro pagpapaliwanag

upang makita ko kung may natutuhan nga

ang mga mag-aaral.

Basis a datos na nakalap sa Talahanayan 6, makikita na ang karaniwang dahilan kung

bakit naangkup gamitin ang Online-Based na pagsusulit sa susunod na mga henerasyon ay

dahil sa kaakibat ito sa pagbabago ng panahon sa mga mag-aaral. Gayun pa man mayroon

ding nagsasabing hindi ito angkop na gamitin bilang pagsusulit dahil sa kawalan ng aktuwal

na obserbasyon ng mga guro sa mga mag-aaral.


Konklusyon

Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral, ang mananaliksik ay humahantong sa pagbuo

ng konklusyon tulad ng mga sumusunod:

1. Naging gabay ng karamihan sa mga respondante sa pagkatuto lalo ma sa panahon ng

pandemya o sa bagong normal ng edukasyon ang pagkakaroon ng online-based na

pagsusulit. Sa ganitong pamamaraan ng pagkuha ng pagsusulit ay may magandang

epekto gaya ng adbentahe sa oras, walang gaanong pressure, madaling ma-access kung

may load o internet koneksyon.

2. Lumabas sa pag-aaral na may disadbentahe rin ang pagkakaroon ng online- based na

pagsusulit. May ilan na nagsabing may kakulangan pa rin sa kagamitan gaya ng gadyet,

at mayroon ring nakakaranas ng distraksyon, pagpapaload, at mahinang internet

koneksyon, at ang pandaraya sa pagsagot ng pagsusulit online.

3. Natuklasan ng mga mananaliksik na sumasabay ang online-based na pagsusulit sa

kulturang popular na mayroon ngayon. Naging epekto naman ang paggamit ng ganitong

pamamaraan ng pagsusulit. Sa kasalukuyang kalagayan ng edukasyon, masasabi na

naangkop ang paggamit ng online-based na pagsusulit ngunit kinakailangan pa rin itong

bigyan ng maayos na pagpapatupad na maaari pa ring makita ang kredibilidad ng

pagsusulit.
Rekomendasyon

Sa resultang naisaad, inirerekomenda ng mga mananaliksik ang sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral. Unawain na ang pagsusulit ay isang napakahalagang pangyayari

bilang isang mag-aaral. Ito ang basihan at sukatan ng mga kaalamang natamo. Mapa

tradisyunal man na pagsusulit o Online-Based na pagsusulit, dapat bigyang pansin ng

mga mag-aaral ang pagkuha o pagsagot ng mga pagsusulit nang matapat, maayos at

walang halong panadaraya at pagibayuhin ang kani-kanilang pag-aaral sa kabila ng

panibagong pamamaraan ng paghahatid ng pagsusulit.

2. Sa mga guro. Hindi lahat ng mga mag-aaral ay mayroong mabilis na internet

koneksyon sa bahay, at sariling gadget, kompyuter na magagamit sa pagkuha ng

pagsusulit online. Mahalagang mabigyang pansin ng mga guro ang pagbigay ng palugit

ang mga mag-aaral sa pagsasagot ng mga online-based na pagsusulit at kinakailangan

rin magkaroong masusi at epektibong pagsasagawa ng isang online-based na

pagsusulit.

3. Sa mga magulang. Gawing prayoridad ang pangangailangan ng anak lalo na sa

pagkuha ng online na pagsususlit sa ngayong panahon, ito ay upang mas pag-igihan

pa at maisakatuparan ang pagkuha ng online-based na pagsusulit.

4. Sa lipunan kinagagalawan. Gawing isang matiwasay ang lipunang kinagagalawan ng

bawat mag-aaral hangga`t kinakailangan, ito ay upang maging pokus at hindi

makaranas ng kahit anong sagabal ang mga mag-aaral sa oras ng pagsusulit at maging

lundayan ang lipunan sa pagkamit ng magandang kalalabasan.

5. Sa mga susunod na mananaliksik. Naway maging inspirasyong ito sa mas pinaigting

at pinalalim na pag-aaral hindi lamang sa Online-Based na pagsusulit kundi sa iba pang

mga aspekto ng pagsusulit upang lalo pang mapalawak at mabigyan ng kasagutan ang

mga katanungan o mga suliraning nangangailangan ng solusyon.


Sanggunian:

Mendoza, Jennifer D.(2020). Online na Pagtuturo: Bagong Normal sa Edukasyon.

https://instabrightgazette.mystrikingly.com/blog/online-na-pagtuturo-bagong-normal-sa-

edukasyon

Knowly (2020). What is online examination?. https://www.onlineexambuilder.com/knowledge-

center/exam-knowledge-center/what-is-online-examination/item10247

Anonuevo, E., Piedad, C. et al. (2017). Epekto ng Paggamit ng Online na Pagsusulit sa

Sekondarya Baitang 7 sa Isang Pribadong Paaralan ng Las Piñas City.

https://www.academia.edu/36038029/BERNARDO_COLLEGE_LAS_PI%C3%91AS_COLLE

GE_OF_EDUCATION_EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_ONLINE_NA_PAGSUSULITSA_SE

KONDARYA_BAITANG_7_SA_ISANG_PRIBADONG_PAARALANNG_Bilang_bahagi_ng_k

ahilingan_sa_Degring_Batsilyer_ng_Edukasyon_Medyor_sa_Filipino

Lisa Kirtman (2009). Online Versus In-Class Courses: An Examination of Differences in

Learning Outcomes. (Kirhttps://www.semanticscholar.org/paper/Online-Versus-In-Class-

Courses%3A-An-Examination-of-Kirtman/19e660b13e75ed78dcfd923a015459b539268919

Hale Ilgaz, Gulgun Afacan Adanir (2020). Providing online exams for online learners: Does it

really matter for them?.

https://scholar.google.com/scholar?cluster=12421867681343462556&hl=en&as_sdt=2005&

sciodt=0,5#d=gs_qabs&u=%23p%3DnNxhoddWY6wJ
Apendisis

Talatanongan

Bilang ang mga mananaliksik ay gumanit ng google form bilang kasangkapan sa

pangangalap ng datos, narito ang kupya ng talatanongan sa isinagawang pananaliksik.

https://docs.google.com/forms/d/1x5KIlDqhQO1LlMVpPZ0rNUE0cEog0pgmeEcmpQ3FlY0/p

refill
Talang Personal

Pangalan: Gaborni, Shaira

Edad: 22

Kasarian: Babae

Istatus: Single

Tirahan: Brgy. 95-A Caibaan Tacloban City

Petsa ng Kapanganakan: Abril 30, 1999

Lugar ng Kapanganakan: Tacloban City

Mga Paaralang Pinasukan

Elementarya: V&G De La Cruz Memorial School

Junior High: Sagkahan National High School

Senior High: Sagkahan National High School


Pangalan: Yvonne B. Garbo

Edad: 20

Kasarian: Babae

Istatus: Single

Tirahan: Brgy. 46, Tacloban City

Petsa ng Kapanganakan: Abril 20, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Giporlos, Eastern Samar

Mga Paaralang Pinasukan

Elementarya: Giporlos Central School

Junior High: Giporlos National Trade School

Senior High: Giporlos National Trade School


Pangalan: Annie Via Mae Garcia

Edad: 20

Kasarian: Babae

Istatus: Single

Tirahan: Mahaplag, Leyte

Petsa ng Kapanganakan: January 25, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Mahaplag, Leyte

Mga Paaralang Pinasukan

Elementarya: Mahaplag Elementary School

Junior High Mahaplag National High School

Senior High Mahaplag National High School


Pangalan: Lester Rey R. Gatela

Edad: 20

Kasarian: Lalaki

Istatus: Single

Tirahan: Brgy. Bulod Sta. Fe, Leyte

Petsa ng Kapanganakan: Prebrero 6, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Tacloban City

Mga Paaralang Pinasukan

Elementarya: Bulod Elementary School

Junior High: Sta. Fe National High School

Senior High: Palo National High School


Pangalan: Princess A. Grefiel

Edad: 21

Kasarian: Babae

Istatus: Single

Tirahan: Basiao Basey, Samar

Petsa ng Kapanganakan: Oktubre 27, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Basey, Samar

Mga Paaralang Pinasukan

Elementarya: Basiao Elemtary School, Basey, Samar

Junior High: Sisters of Mary School Girlstown Incorporation, Talisay City, Cebu

Senior High Sisters of Mary School Girlstown Incorporation, Talisay City, Cebu

You might also like