You are on page 1of 11

“PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL GAMIT ANG INTERNET”

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng

Departamento ng Filipino,

Bilang Pagpapatupad sa Isa sa mga Pangangailangan

ng Asignaturang Filipino,

Kritikal na Pagbasa, Pagsulat at Pagsasalita


TALAAN NG NILALAMAN

Contents

INTRODUKSYON.....................................................................................................................................5
LAYUNIN NG PAG-AARAL....................................................................................................................6
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL.......................................................................................................7
SAKLAW AT LIMITASYON....................................................................................................................8
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA..........................................................................................9
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL......................................................................................................10
LISTAHANNG SANGGUNIAN..............................................................................................................13
APENDIKS...............................................................................................................................................14
INTRODUKSYON

Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang

mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba't-ibang klase ng

telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na

hindi gumagamit ng kable na kung saan ang mga iba't-ibang impormasyon ay mapaparating at

mababasa ng publiko. Ang internet kadalasan ay nagagamit sa pangangalap ng mga

mahahalagang impormasyon, sa pagpapadala at pagtanggap ng mga elektronikong sulat at mga

dokumento. Pakikipag-usap na may bidyo katulad ng Skype. Panonood ng mga bidyo katulad ng

Youtube at marami pang iba na kung saan nakakapanood ng mga pelikula at palabas sa

telebisyon.( Posted by Ateneo de San Pablo. “Hi-tech na si Lolo”. 1973 ).

Ang accounting ay ang larangan at pamamaraan ng pagsusuri, pagsusukat, pagproproseso

at pamamahayag ng mga ari-arian , ng mga pananagutan, ng mga kita, ng mga resulta ng mga

gawaing ekonomiko ng isang grupo ng tao, at pinansyal na kalagayan o katayuan ng isang

negosyo o organisasyon, at mga pagpapahiwatig nitong mga resulta sa mga tao, kasama na ang

mga namumuhunan, nangangasiwa at nanunustos. Ito ay tinagurian ding wika ng pagnenegosyo

at magkasingkahulugan ang accounting at pag-uulat ng pananalapi.

Ang internet at mga web-based na mga pagbabago ay lubhang nakakaapekto sa

pamamaraan ng pagkakatuto ng mga estudyante lalo na sa asignaturang Accounting dahil

napapausbong at napapabuti nito ang mga kagawian sa larangang ito.


LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na tumukoy ng panibagong paraan ng

pagpapalawak ng kaalaman gamit ang internet. Layunin din ng pananaliksik na ito na matukoy

kung ang internet ba ay isang mainam na paraan ng pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa mga

bagay na gusting matutunan ng bawat mag-aaral. Layunin ng mga mananaliksik kung ang

internet ba ay isang malaking tulong para sa mga mag-aaral. Makakamit ang layunin ng

pananaliksik sa ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang mga websites na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa bawat

paksa or proyekto?

2. Anu-ano ang mga bentahe o disbentahe ng paggamit ng internet sa pag-aaral?

3. Epektibo ba ang mga datos/impormasyon na nakakalap sa internet?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga para sa mga studyante na nag aaral upang mas

maintindihan ng mas maigi ang mga leksyon. Makakatulong din ang pag-aaral na ito sa paraang

maipaalam sa mga mag-aaral ang mga websites na maaring pagkunan ng mga impormasyong

kakailanganin. Makakatulong din ang pag-aaral na ito upang malaman ng mga mag-aaral ang

mga bentahe at disbentahe ng pag-aaral ng accounting gamit ang internet.


SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pagaaral na ito ay limitado lamang sa mga mag-aaral.. Limitado rin ang pagaaral na

ito sa paggamit lamang ng internet at hindi na kabilang ang tradisyonal na paraan ng pagaaral

kung saan ang ginagamit ay mga aklat at iba pang mga basahin.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

INTERNET. Ayon sa 20 things I learned, ang Internet ay kung saan tayo nakikipag-ugnayan sa
mga kaibigan, kumukuha ng balita, namimili, at naglalaro. Sa iba, ang Internet ay maaaring
mangahulugan na kanilang mga lokal na tagapagbigay ng broadband, o ang mga underground na
kawad at mga fiber-optic na kable na nagdadala papunta at pabalik ng data sa mga lungsod at
karagatan. Sa pag-aaral na ito ang internet ay kung saan ang mga mag-aaral ng asignaturang
accounting ay kukuha ng mga kakailanganing impormasyon sa kanilang pag-aaral.

WEBSITE. Ayon sa Free Dictionary, ang website ay isang grupo ng magkakonectadong mga

pahina sa WOLRD WIDE WEB na naglalaman ng mga impormasyon sa anumang paksa. Sa

pag-aaral na ito ang website ay ang espisipikong lugar sa internet kung saan makukuha ng mga

mag-aaral ang kanilang mga kinakailangang impormasyon sa pag-aaral ng accounting.

UNIBERSIDAD NG SAN CARLOS. Ang Unibersidad ng San Carlos ay isang pribado at

katolikong unibersidad sa Cebu City na pinamumunuan ng Society of the Divine Word mula

noong 1935. Sa pag-aaral na ito, ang Unibersidad ng San Carlos ay ang lugar kung saan

gaganapin ang pananaliksik.


MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Panimula
Ayon sa mga nakuhang impormasyon ng mga mananaliksik mula sa aklat at internet, ang mga
makabagong teknolohiya daw ay may maganda at hindi magandang epekto sa mga mag-aaral.
Ang halimbawa ng hindi magandang epekto ng teknolohiya ay mas madalas mas inuuna nila ang
pag kokompyuter, pag lalaro, pag gamit ng internet kaysa sa pag- aaral. Ngunit nagagamit din
naman nila ito sa mabuting paraan gaya ng paggawa ng mga takdang aralin, mga gawain sa
paaralan na mas mapapadali kung gagamit ng mga teknolohiya. Kaya lamang, may mga mag
aaral talaga na hindi tama ang pag gamit ng mga makabagong teknolohiya at nakasisira ito sa
kanilang pag aaral.

Paglalahad ng Suliranin

1. Ano ang epekto ng mga makabagong teknolohiya sa pag-aaral mga mag-aaral ng

Manila Tytana Colleges sa kursong Business Management and Accountancy?

2. Ano ang mga positibo at negatibong naidudulot ng mga makabagong teknolohiya sa mga

nasabing mag-aaral?

3. Ano ang kayang itulong ng mga makabagong teknolihiya para mas mapaganda at mapaayos

ang pag-aaral ng mga nasabing mag-aaral?

4. Gaano kadalas gumagamit ng mga teknolohiya ang mga napiling respondente?

5. Makakatulong ba ang mga makabagong teknolohiya sa mga mag-aaral ng Manila Tytana

Colleges sa kursong Business Management and Accountancy?

Para sa mga mananaliksik ng pamanahong papel na ito, mahalaga ang isinagawang pag-aaral

dahil maaaring maging karagdagang impormasyon ito para sa mga mag-aaral na kumukuha sa

kursong Business Management and Accountancy at ang mga impormasyon na nakasaad dito ay
maaring maiapply at magamit sa kasalukuyang panahon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik ay napakahalaga din dahil napakalaking

tulong ito hindi lamang sa mga mag-aaral sa kursong Business Management and Accountancy

kung hindi sa mga mambabasang lubha ring naapektuhan ng patuloy na paglaganap ng

Makabagong Teknolohiya. Maaring magsilbi ito bilang gabay upang mamulat tayo sa

katotohanan na sa paglaganap ng Makabagong Teknolohiya ay may kaakibat itong mabuti at

masamang epekto sa mga mamamayan. At para din malaman natin kung anu-ano ang maaari

nating gawing hakbang para maiwasan ang masamang epekto nito. Ang teknolohiya ay hindi na

bago sa pandinig at kaalaman ng mga mag-aaral. Ayon na din sa mga respondenteng aming

kinapanayam ang mga kaalaman nila sa makabagong teknolohiya ay mas nanggagaling sa

kanilang mga kaibigan. Sa tuwing nababanggit ang salitang teknolohiya madaming mga bagay

ang naiisip ng mga mambabasa. Ilan sa mga halimbawa ng teknolohiyang ito ay ang kompyuter,

cellular phone at ipad. Ang mga makabagong teknolohiyang ito ay nakatutulong sa mga mag-

aaral upang mapataas ang kanilang marka sa klase. At sa panahon ngayon, mas pinipili nang mga

mag-aaral na gumamit ng mga makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng kanilang kurso dahil

para sa kanila sobrang nakatutulong ang mga teknolohiyang ito sa kanilang kaalaman. “Ang

Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa mga mag-aaral na may kursong Business Management

at Accountancy” Ang makabagong teknolohiya ang isa sa mga napapanahong bagay na siyang

may naiaambag na malaking epekto sa buhay at pag-aaral ng mga kabataan ngayon. Isang

malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa
loob ng klase. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na

siglo.

Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong

asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang

simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong.

Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga

halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at

pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaring maka-

access ng internet.

Masasabi rin na malaking tulong ang makabagong teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang

aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating

gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya.

Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi

tamang paraan.
LISTAHANNG SANGGUNIAN

Branzuela, G. 2013. Ang epekto ng makabagong teknolohiya sa mga mag-aaral na may kursong
Business Management at Accountancy. https://prezi.com/sq7lnej33mcy/copy-of-kabanata-1/.
http://www.computernilolo.blogspot.com/2011/09/ano-ang-internet.html
http://www.investopedia.com/terms/a/accounting.asp
http://www.thefreedictionary.com/website
http://www.tl.wikipedia.org/wiki/Accounting
APENDIKS

SURBEY-KWESTYONEYR

NAME (OPTIONAL)________________________________________________
KURSO AT TAON:_________________________________________________

PANUTO: SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NG MABUTI AT MATAPAT.

3- SANG-AYON-----2- HINDI SIGURADO------1- HINDI SANG-AYON

Nakatutulong ang internet sa pag-aaral ng Accounting.


Mas epektibo ang pag-aaral ng Accounting sa Internet.
Marami ang mapagkakatiwalaan na mga websites sa Internet.
Nagbibigay ng mga bentahe ang mga datos galling sa internet.
Mas marami ang disbentahe kaysa sa mga bentahe sa paggamit ng internet.

Isulat sa patlang na binigay ang mga websites na madalas mong pinagkukukunan ng mga
impormasyon tungkol sa Accounting.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______
Maraming salamat po! Nawa’y pagpalain kayo ng ating Pangnoon.

You might also like