You are on page 1of 3

Serato, Darwin J.

BSED 32A1 FIL


PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO: “WALANG PANGINOON”
Mga Tauhan at Ginampanan:

 Marcos – Si Marcos ang pangunahing tauhan sa maikling kuwento na may mabuting


kaisipan ngunit dahil sa kaharasan at pangaapi ay nabgo ang kanyang pag-uugali. Siya rin
ang simbolo ng mababang uri ng tao sa lipunan.
 Ina ni Marcos – Ang Ina ni Marcos ang isang maaruga at mapagmahal na tauhan sa
Maikling Kuwento na isinulat ni G. Deogracias. Siya rin ay kinikilala bilang isang uri ng
tao na handing tanggapin o tanggap ang buong katangian na mayroon siya maging
kanyang pamilya.
 Don Teong – Isang hacinederong mayaman sa kalupaan ngunit sakim at gahaman sa
kanyang pag-aari Siya rin ang dahilan kung bakit namatay ang Ama ni Marcos na rason
kung bakit naging matigas at mapaghiganti ang pangunahing tauhan.
 Anita – Ang babaeng anak ni Don teong na kanyang iniingat-ingat. Siya rin ang
kasintahan ni Marcos bagamat ang kanilang pagmamahalan ay hinahadlangan ni Don
Teong, si Anita at Marcos ay metatag pa rin ang pag-iibigan sa isa’t isa.
Tagpuan at Panahon:

 Ang tagpuan ng maikling kuwentong walang panginoon ni Deogracias Rosario ay ang


bukid. Wala man direktang inilahad o ipinahayag sa kuwento, kung susuriin ang ito,
maging ang katayuan ng pangunahing tauhan na si Marcos, matutukoy natin na ito ay
naganap sa kabukiran sapagkat si Marcos ay isang magsasaka. Pagdating sa panahon,
masasabi natin na ito ay malapit na sa tag-ani o mauling panahon sapagkat,
inilalarawan sa kuwento na ang pananim na palayan ni Marcos sa bukid. Sa madaling
sabi , ang tagpuan ay naganap no’ng panahon ng tag-ani sa bukid.
Istilo ng pagsulat ng akda:

 Ang istilong ginamit ng akda ay payak ngunit ito’y promal na pagsasalaysay sapagkat ang
kuwento ay may Sistema ng balangkas na kung saan binubuo ito ng simula, gitna at
wakas. Nasabi ko rin na payak sapagkat ang bawat salitang ginamit sa pagsasalaysay ay
pinili ng wasto na siyang ginamit ng akda sa upang mas lubusan niyang maipaunawa sa
mambabasa ang aral o karanasan niya sa buhay. Ngunit kahit payak, may mga ilan-ilan
pa rig mga matatalinhagang salita ang ginamit na siyang makatutulong sa mag-aaral
upang mapalawak ang kanilang bokabularyo/talasalitaan maging ang kanilang
imahinasyon.
Mga Kaisipan/Ideyang taglay ng Akda:

Kaisipang Taglay: Isinulat ni Deogracias Rosario ang maikling kuwento na may pamagat na “Walang
Panginoon” upang ipakita sa kaisipan ng bawat mambabasa ang kalagayan ng lipunan, sa pagitan ng
mayaman at mahirap o di kaya’y haciendero at magsasaka. Dito nais ikintal ng may akda ang mga
mahahalang aral na dapat malaman at tumatak sa isipan ng bawat mambabasa.

 Ipinapakita ng akda na ang pagiging sakim ay hindi magandang asal, bagkus ito’y
makakapanakit lamang sa tao.
 Nais ipahayag ng akda na ang pagkakamali ay hindi maitutuwid sa pamamagitan ng isa pang
pagakkamali.

Ideyang Taglay na Pandamdamin: Ang “walang panginoon” ay isang uri ng maikling kuwento na
kinapapalooban ng pandamdaming ideya sapagkat dito sa kuwento, nais ipakita at ipadama ng akda ang
mga pangyayari na huhuli at kakalabit sa damdamin ng bawat mambabasa. Sa pamamagitan nito,
matutulungan nito ang mambabasa na lubusang maunawaan ang maiking kuwento na isinulat ng may
akda.

Uri ng Panitikan:
Ang mga sumusunod ay ang teoryang ng oanitikan na nakapaloob sa maikling kuwento
na “Walang Panginoon”.
 Teoryang Romantisismo – May ilang tagpo sa kuwento na ipinaakita ang pagmamahal ni
Marcos kay Anita. Ipinakita nila na lagit at lupa man ang agwat ng kanilang katauhan,
ang pagmamahal nila sa isa’t isa ay wagas na kalianman ay ‘di mapapasubalian. Ipinakita
rin dito ang lubos na pagmamahal ni Marcos sa kanyang Ama, Ina at mga kapatid.
 Teoryang Klasismo – Ang kuwentong ito ay kinapapalooban ng teoryang panitikan na
klasismo saagkat, ipinapakita rito ang magkaibang antas ng pamumuhay nina Marcos at
Anita. Bagamat magkaiba, inibig pa rin ni Anita si Marcos kahit na a;am niya na isa itong
mahirap.
 Teoryang Reyalismo – Ang kuwentong ito ay kinapapalooban ng teoryang reyalismo
dahil dito, ipinapakita ng akda ang tunay na kalagayang panlipunan sapagkat ang
pangyayari sakuwento ay makikita natin sa lipunan. Tulad ng pagiging sakim sa
kapangyarihan, mapagmataas sa mga mahihirap, pangaabuso at inilalagay sa kamay ang
batas.
Uri ng Tunggalian:
Ang maiklig kuwentong pinamagatan ng “Walang Panginoon” ay kinapapalooban ng tunggaliang
Tao laban sa Tao. Kung susuriin mabuti ang kwuento, makikita natin dito ang tunggaliab ni Marcos at
Don Teong na kung saan humantong sa hindi magandang pangayayari dahil naging marahas ang piniling
daan ng pangunahing tauhan upang maipaghiganti ang pagkasawi ng kasintahan na si Anita at Ama
maging ang paghihirap na naranasan ng kanyang mga kapatid at Ina.

You might also like