You are on page 1of 2

I.

PANIMULA
1. Bansang pinagmulan ng kuwento
Ang bansang pinagmulan ng kuwentong walang panginoon ay ang bansang
Pilipinas. Ang kultura nila ay Pagsasaka at ang Pagmamahal sa pamilya.

2. Pagkilala sa may-akda
Si Deogracias A. Rosario ay Ama ng Maikling kwentong tagalog sa bansa.
Ipinanganak noong 17 Oktobre 1894 sa Tondo, Maynila. Isa ng manunulat sa
gulang na 13, una siyanng nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa sa tatlong naunang
pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling
kuwentong tagalog.

3. Layunin ng Akda
Layunin ng akda na imulat ang mga mambabasa at mabigyan ng aral na hindi
nararapat na ituring ang ibang tao bilang alipin sa halip ay bigyan ng makataong
pagtrato.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN


1. Tema o paksa ng Akda
Ito ay patungkol sa lalaking nagngangalang Marcos na malaki ang galit kay Don
Teong dahil sa kasamaan nito.

2. Tagpuan at panahon
Bukid – Lupang tinitirhan nina Marcos at kaniyang ina na pilit na inaangkin ni Don
Teong.
Lupain ni Don Teong
Simbahan

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN


1. Mga kaisipan/ideyang taglay ng akda/pahayag
Ang kaisioan o ideyang taglay ng akda ay makabuluhan at makatotohanan.

2. Estilo ng pagkasulat ng Akda


Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon, pangyayari o
karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.

You might also like