You are on page 1of 9

FIL 602-Huling

Pangangailangan
Kasaysayan ng
Panitikang Filipino

Inihanda nina
Burdeos, Denice Ysabel P.
Cristobal, Rick Aldwin P.

Instruktor
Prop. Niña Kristine C. Jasminez, LPT, M.Ed

Hunyo, 2022

1
I. Pamagat ng Akda III. Mga Tauhan
Ang pamagat ng akdang susuriin ng mga mananaliksik
.
ay Aloha. Sa kuwentong ito naipakita ang husay ni
Deogracias A. Rosario sa kanyang pagsulat sa kanyang Daniel Merton
panahon. Mahusay niyang nailarawan ang pamumuhay ng siya ang ama ni Dan
mga tao sa kanyang panahon. Tinalakay din sa akdang ito Merton, tutol sa pag-aasawa
ang pamumuhay ng mga tinatawag na “alta sociedad”. ng kanyang anak ng isang
Ibinahagi rin sa kuwentong ito ang ideolohiya ng “racial kanaka.
discrimination”. Napag-usapan rin sa akda ang iba’t ibang
kultura na nagbabangga sa kuwento.
Dan Merton
anak ni Dan Merton. Isang
kapitan ng football team sa
Unibersidad ng Southern
California; anak ng
II. Manunulat milyonaryo mula sa
Si Deogracias A. Rosario o D.A.R ay ipinanganak sa Hollywood. Umibig sa isang
Tondo, Maynila noong ika-17 ng Oktubre taong 1894. Siya kanaka na si Noemi.
ay isang makata, kuwentista at peryodista. Nakilala siya
sa mga bansag na Roscelin, Rosalino Mortimer, Dante A.
Rossetti, Delfin A. Ressurrecion, Delfin, Delfin A. Roxas, Noemi
Dario, Angelino, Rex, Delio, at Angelus. Ilan sa mga
naging impluwensya niya sa pagsulat ay sina O Henry, isang kanaka. May mataas
Guy de Maupassant, William Saroyan, William Faulkner, na pinag-aaralan. Kabiyak
atbp. Binasa rin niya ang mga akda nina Faustino Aguilar, ni Dan Merton.
Patricio Mariano, Lope K. Santos, Veleriano Hernandez
Peña, at Rosauro Almario. Naging manunulat siya sa “Ang
Demokrasya,”1912; Buntot Pagi, 1914; Taliba, 1917;
Pagkakaisa ng Bayan at Photo News (Liwayway ngayon), Daniel Merton
Sampaguita, at Lipang Kalabaw. Naging presidente siya
siya ang ama ni Dan
ng Ilaw at Panitik, Katipunan ng mga Kuwentista, at
Merton, tutol sa pag-aasawa
Katipunan ng mga Dalubahasa ng Akademya ng Wikang
ng kanyang anak ng isang
Tagalog. Ayon sa CCP Encyclopedia of Philippine Art:
kanaka.
Philippine Literature, itinuturing na si Rosario ang kauna-
unahang nagsulat ng kuwentong tagalog dahil sa kanyang
maikling kuwentong “Kung magmahal ang makata” na
lumabas sa Buntot pagi noong 1914. Marahil isa mga
dahilan ang akdang ito kaya siya tinaguriang “Ama ng
Maikling Kathang Tagalog”. Batay kay Abadilla, si D.A.R
ay isang ginoong mamamayan ng daigdig sapagkat
naibibigay niya ang hilig at kapritso ng tinatawag na
karaniwang mambabasa sa kanyang panahon ay hindi
naman niya naitataboy sa labas ng bakuran ng sining ang
ilang may maselang panlasa.

2
IV. Panahon ng Pinagmulan

Panahon ng Amerikano
Mga bagong pangkat ng mananakop ang naghatid
ng mga pagbabago sa panitikan ng Pilipinas.
Ipinakilala ang mga bagong anyo ng panitikan tulad
ng malayang taludturan (sa mga tula), maikling
kwento at sanaysay na gaya ng critical essay. Ang
impluwensya ng mga Amerikano ay nanatili
kasabay ng pag-anunsiyo sa wikang Ingles bilang
wikang gagamitin sa lahat ng paaralan sa bansa
gayundin ng paglinang sa masining na kamalayan
ng mga manunulat batay sa modernong panitikang Pinakamalaking naiambag ng panahon ng
dala ng mga mananakop Amerikano ay ang pelikula. Sa kauna-unahang
pagkakataon ay nakapanonood ang mga Pilipino
. ng mga gumagalaw na larawan na nagbigay
daan sa imbensyong ito ang pag-angat ng
kulturang popular.
Pagdating sa panitikan, ang pagkakalikha ng
maikling kwento ay magandang ambag ng
panahon ng Amerikano na bahagi ng panitikang
Pilipino. Kapansin-pansing ang pagkahilig ng
mga mambabasa sa mga akdang maikli at
madaling basahin. Ang mga akdang ito ay hindi
lamang nasulat sa wikang Pilipino kundi pati na
rin sa wikang Ingles. Ang pagdating ng mga
Thomasites ang nagbigay-daan sa pagkakaroon
ng pampublikong edukasyon. Ang mga
Thomasites ay mga guro na nagmula sa Amerika
na silang nagpasok ng kurikulum sa pagtuturo sa
Ingles. Naitayo noong 1908 ang Unibersidad ng
Pilipinas at mula noon ay kinilala ito bilang
paaralan na mahusay sa pagtuturo ng Ingles. Sa
pamantasang ito nahasa ang mga manunulat
upang linangin ang kanilang kakayahang
sumulat ng mga sanaysay, dula, tula, kwento at
nang maglaon ay pati na rin mga nobela gamit
ang wikang Ingles.

3
V. Pagbubuod

Ang bakasyon ni Dan Merton sa Hawaii ay regalo nang kanyang ama sa kanyang pagtatapos na siyang naging hudyat
ng pagkakakilala nila ni Noemi. Nahulog ang loob ng binata sa Kanaka na si Noemi, dahil sa angking kahusayan nito
sa pagsalita noong magpunta siya kasama ang kaibigang editor sa Punahu School. Dahil sa labis na pagmamahal ni
Dan Merton kay Noemi, isinama niya ito sa Amerika sapagkat gusto niya itong pakasalan. Nagbigay babala ang
kaibigan na editor ni Dan Merton na hindi papayagan ng kaniyang ama kanyang ninanais gawin; ang pakasalan si
Noemi. Sa pagdating nila Dan Merton sa Amerika, namataan ni Dan Merton, ang kanilang sasakyan at maging ang
kanyang ama. Sa pagtatagpo nilang tatlo, sinabi ng kanyang ama na sila ay tutuloy sa isang hotel malapit sa dagat at
kasabay nito ay may magaganap na isang Party para kay Dan Merton at kay Noemi. Humiling si Noemi kay Dan
Merton na nawa’y hindi ito isang wild party, ngunit noong alas kwatro na nang umaga ay nasilayan ni Noemi si Dan na
lasing at may babaeng nakapalibot na umaakit na halos wala ng damit. Inalok si Noemi ng $10,000 upang lumisan,
kasabay ng pagtanong ng kanyang ama kung nawawala na ba ang pagmamahal nito kay Dan. Hindi magiging
maligaya si Dan sa piling mo, sapagkat lalayuan lamang ang aking anak ng kanyang mga kalahi sabi nang ama ng
binata. Hindi ito tinanggap ni Noemi kaya't dinagdagan ito nang ama ni Dan Merton at umaabot ito $25,000 para
lubayan na niya si Dan. Nainis na si Noemi kaya’t ito ay tumakbo sa kanyang silid at sa paglabas nito ay kanyang suot-
suot ang damit na pang-kanaka na kung saan walang saplot ang kanyang dibdib kundi isang makapal na lei at ang
kanyang saya na gawa sa damo, kasabay ng pagpunta nito sa kung saang silid naroon si Dan at ang mga kababaihan
at nakisalamuha maging sa pagsayaw ng hula-hula na naging hudyat naman ng paglapit ng mga kalalakihan sa kanya.
Nakita ito ni Dan Merton at prinotektahan si Noemi sa mga kalalakihan na umaaligid sa kanya at sumigaw na
dudurugin niya ang sinumang maglakas ng loob na humawak sa katawan ng kanyang asawa. Nagtagumpay si Noemi
sa kanyang balak at kasabay nito ay tumugtog ito piyano at umawit ng Aloha na isang awitin na tungkol sa tagumpay.
Iniwanan ng kanyang ama si Dan Meron ng $500,000 sila ay nagbalik sa Honolulu. Nagwakas ang kuwento sa mga
sinambit ng dalawa “Narito na ang nagdurugtong sa Kanluran at Silangan!” ang sabi ni Noemi. “Ang nagkakabit sa
langit at lupa” dugtong ni Dan. Sinabi ng dalawa na nagbunga ang kanilang pagmamahalan at ito ay pinangalanan
nilang Aloha.

VI. Nilalaman

Mga Pangyayari

Simula:
Ang bakasyon ni Dan Merton sa Hawaii ay regalo nang kanyang ama sa kanyang pagtatapos na siyang
naging hudyat ng pagkakakilala nila ni Noemi. Nahulog ang loob ng binata sa Kanaka na si Noemi, dahil
sa angking kahusayan nito sa pagsalita noong magpunta siya kasama ang kaibigang editor sa Punahu
School. Dahil sa labis na pagmamahal ni Dan Merton kay Noemi, isinama niya ito sa Amerika sapagkat
gusto niya itong pakasalan.

4
Papataas na Pangyayari:
Nagbigay babala ang kaibigan na editor ni Dan Merton na hindi papayagan ng kaniyang ama kanyang
ninanais gawin; ang pakasalan si Noemi. Sa pagdating nila Dan Merton sa Amerika, namataan ni Dan
Merton, ang kanilang sasakyan at maging ang kanyang ama. Sa pagtatagpo nilang tatlo, sinabi ng
kanyang ama na sila ay tutuloy sa isang hotel malapit sa dagat at kasabay nito ay may magaganap na
isang Party para kay Dan Merton at kay Noemi. Humiling si Noemi kay Dan Merton na nawa’y hindi ito
isang wild party, ngunit noong alas kwatro na nang umaga ay nasilayan ni Noemi si Dan na lasing at
may babaeng nakapalibot na umaakit na halos wala ng damit.

Kasukdulan:
Inalok si Noemi ng $10,000 upang lumisan, kasabay ng pagtanong ng kanyang ama kung nawawala na
ba ang pagmamahal nito kay Dan. Hindi magiging maligaya si Dan sa piling mo, sapagkat lalayuan
lamang ang aking anak ng kanyang mga kalahi sabi nang ama ng binata. Hindi ito tinanggap ni Noemi
kaya't dinagdagan ito nang ama ni Dan Merton at umaabot ito $25,000 para lubayan na niya si Dan.
Nainis na si Noemi kaya’t ito ay tumakbo sa kanyang silid at sa paglabas nito ay kanyang suot-suot ang
damit na pang-kanaka na kung saan walang saplot ang kanyang dibdib kundi isang makapal na lei at
ang kanyang saya na gawa sa damo, kasabay ng pagpunta nito sa kung saang silid naroon si Dan at
ang mga kababaihan at nakisalamuha maging sa pagsayaw ng hula-hula na naging hudyat naman ng
paglapit ng mga kalalakihan sa kanya. Nakita ito ni Dan Merton at prinotektahan si Noemi sa mga
kalalakihan na umaaligid sa kanya at sumigaw na dudurugin niya ang sinumang maglakas ng loob na
humawak sa katawan ng kanyang asawa.

Pababa na Aksyon:
Nagtagumpay si Noemi sa kanyang balak at kasabay nito ay tumugtog ito piyano at umawit ng Aloha na
isang awitin na tungkol sa tagumpay. Iniwanan ng kanyang ama si Dan Meron ng $500,000 sila ay
nagbalik sa Honolulu

Wakas:

Nagwakas ang kuwento sa mga sinambit ng dalawa “Narito na ang nagdurugtong sa Kanluran at
Silangan!” ang sabi ni Noemi. “Ang nagkakabit sa langit at lupa” dugtong ni Dan. Sinabi ng dalawa na
nagbunga ang kanilang pagmamahalan at ito ay pinangalanan nilang Aloha.

5
• Tao laban Tao: Sa kuwento makikita ang ginawang pagtutol ng ama ni Dan na si
Daniel Merton sa kanyang mapapangasawa na si Noemi. Sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng isang party upang mawala ang nararamdaman nito kay Dan Merton
at pagbibigay ng pera bilang pambayad o suhol kay Noemi. Nakita dito ang tinatawag
Suliranin na "Racial Discrimination".

• Isa sa kalakasan ng maikling kuwento na ito ay ang paggamit ng tinatawag


Flashback sa pagkukuwento na kung saan, hindi ganoon gamiitin noong panahon na
iyon. Hindi ito naging tulad ng ibang maikling kuwento direktang nagkuwento lamang
ng pangyayari sa simpleng paraan.
Kalakasan • Bukod pa dito naipakita rin ang tinatawag na Romantisismo na kung saan naging
tanyag noong panahon ng Amerikano.

• Isa sa aking nakita na kahinaan ay hindi ganoon nabigyan ng buong atensyon ang
Kahinaan Romantisismo mas nanaig ang diskriminasyon pagdating sa tema ng kuwento.

VII. Pokus sa Genre

Kinalaman sa panahon na
pinagmulan

Ang maikling kuwento na Aloha ay nagpapakita ng reyalidad ng


buhay sa panahon ni Deogracias Rosario at maging sa panahon
ng Amerikano. Sinasalamin din ng kuwento ang paglalarawan sa
mga “alta sociedad” o sa mga “Elite People” noong panahon na
iyon. Ipinakita rin sa kuwento ang tinatawag na Racial
Discrimination, na kung saan makikita sa panahon ng Amerikano
na unti unting nilalaman ng sistema ng mga Amerikano ang mga
Pilipino. Katulad nalang ng pagtuturo ng wikang Ingles sa
paaralan na kung saan nawawalan kalayaan ang mga Pilipino na
gamitin ang kanilang nakagisnan na wika. Marami ring manunulat
na Pilipino ang nagsimulang magsulat ng mga akda sa wikang
Ingles na na naging hudyat upang kumunti ang mga akda na
nasusulat sa wikang Filipino noong panahon iyon. Ganoon pa
man ang Aloha ay isang uri din ng romantisismo na akdang
pampanitikan noong panahon ng Amerikano. Ito din ay ang
nagbigay ng bagong bihis sa panitikang natin sa Pilipinas.

6
Bisang Pandamdamin

Matapos mabasa ang akdang Aloha ni Deogracias Rosario, isa sa naging epekto nito ay pagkakaroon ng
pag-asa. Pag-asa sapagkat, katulad ng naging laban ni Noemi kay Daniel Merton na ama ni Dan, hindi ka
dapat nawawalan ng pag-asa na balang araw magtatagumpay ka sa laban sa buhay. Ang diskriminasyon
na patuloy nating nasasaksihan sa ating lipunan ay patuloy din sa paglaganap ngunit, kung magkakaroon
tayo nang determinasyon at inspirasyon sa buhay, kailanman ay hindi natin maiisipan na sumuko. Sabi nga
nila ang buhay ay parang gulong minsan nasa itaas, minsan nama’y nasa ibaba, pero kung alam mong
sabayan ang gulong na ito, hindi tayo magpapatalo. Nabago din sa amin damdamin, na kailangan ay
maging matapang ka sa hamon ng buhay. Ngunit hindi ibig sabihin na kapag takot ka talunan ka na, bagkus
ang pagkatakot ay isang paraan upang mag-isip ng bagong estratehiya kung paano mo ipapakita ang
pagiging matapang.

Bisang Pangkaisipan

Nabago sa aming isipan na ang tapat na


pagmamahalan ang maaaring susi upang
matapos o labanan ang diskriminasyon.
Katulad nila Dan Merton at Noemi, dahil sa
tapat na pag-iibigan nila nagawa nilang
magapi ang diskriminasyon na dapat ay
mararanasan palang ni Noemi. Ang
diskriminasyon na patuloy na nararanasan
magpahanggang ngayon ay bunga din ng
nakaraan na pananakop sa atin.

7
Sariling Opinyon

Sinasalamin ng aloha ang pagkakaroon ng diskriminasyon ng bawat lahi at mapapansin din sa


teksto ang tipikal na pamilyang Pilipino na minsan hindi nagkakaunawaan sa bawat desisyong
ginagawa ng miyembro ng pamilya.Dagdag ipinakita rin sa teksto na walang kahit anong
katumbas na halaga ang tunay na pagmamahal. Hindi mapapalitan ng kahit gaano kalaking
salapi o anu pa man ang wagas na pagmamahalan ng magkasintahang Noemi at Dan Merton.

Makikita rin sa kuwento na ang diskriminasyon ay lumaganap na din noong panahon na yun. Sa
pamamagitan ng maikling kuwento na ito mas naipakita kung paano ba magagawang magapi o
labanan ang diskriminasyon na kinakaharap natin magpahanggang ngayon kasalukuyan.
Mababakas din sa kuwento na kahit na magkaiba ng lahi, kultura, paniniwala at pinanggalian hindi
ito magiging hadlang sa dalawang tunay na nagmamahalan. Marahil marami sa atin ngayon sa
panahong kasalukuyan, iba-iba ang depinisyon ng tunay na pag-ibig, pero kahit ganon pa man iisa
pa rin ang nais natin, ang mawala pagkakaiba at magkaroon ng pantay na karapatan sa lipunan.
Walang mahirap, walang mayaman, maski sa edad, sa kasarian at sitwasyon natin sa buhay. Lahat
tayo na naninirahan sa mundong ibabaw na ating kinagagalawan ay pareho at kawangis ng Diyos
na inilikha. Matuto tayong magpakumbaba, umunawa at ipaglaban ang ating karapatan sa tamang
paraan.

8
Sanggunian:

Elcomblus. 2022. https://www.elcomblus.com/aloha-ni-


deogracias-a-rosario.

Senin. 2021. Pangyayari sa Panahon ng Amerikano.


https://panahonhanggangngayon.blogspot.com/2021/07/pangya
yari-sa-panahon-ng-amerikano.html

N.A. 2019. Aloha Buod. Dokumen Tips.


https://dokumen.tips/documents/aloha-buod.html

E.V..Dumlao. 2011. Anotasyon ng Kuwentong “ALOHA” ni


Deogracias A. Rosario. Pambulilig: Samutsaring Sanaysay.
https://evdumlaosanaysay.blogspot.com/2011/01/anotasyon-
ng-kuwentong-aloha-ni.html

J.C.T. Gonzales. 2020. Pagsusuri ng Maikling Kuwento. Course


Hero. https://www.coursehero.com/file/72832171/PAGSUSURI-
NG-AKDANG-ALOHA-DEOGRACIAS-A-ROSARIOdocx/

You might also like