You are on page 1of 30

Panitikan sa Panahon

ng Amerikano

Inihanda ng Pangkat 2
Ng BSIT 1B
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PANITIKAN SA
PANAHON NG AMERIKANO

▪︎Noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946), ang


pamahalaan ng Estados Unidos ang namamahala sa pagbibigay ng edukasyon sa
Pilipinas.

▪︎Noong 1898 napasakamay sa mga Amerikano ang maynila, sinimulan na ang


pagtatatag ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas. Mga sundalong Amerikano
ang nag silbing unang guro o tagapayo.

▪︎Thomasites- pinakamalaking pangkat ng mga guro na dumating


sa Pilipinas noong 1901 lulan ng barkong Thomas.

▪︎Batas bilang 74, Kagawaran ng Pampublikong Instruksiyon (Department of Public


Instruction) - Sa pamamagitan ng batas na ito ay nabigyang-daan ang pagkakaroon sa bansa
ng mga normal school at trade school .
▪︎1906- Nagpadala ng mga Pilipinong iskolar ang pamahalaang kolonyal sa America. Tinawag silang
mga pensionado dahil tinutustusan ng pamahalaan ang kanilang pag-aaral.

▪︎1907- Naitatag ng Asamblea ng Pilipinas ang Batas Gabaldon . Sa pamamagitan ng batas na


ito, nabigyang-bisa ang pagtatayo ng dalawang pampublikong paaralan sa bawat lalawigan.

▪︎Noong Panahon ng Pananakop Estados Unidos

    - Malawak ang saklaw ng programang pang


edukasyon.

    - libre rin ang mga aklat, lapis at papel.

    - maaring ikulong ang mga magulang na hindi


pinapapasok ang kanilang mga anak sa paaralan.
▪︎Binigyang-laya rin ng mga Amerikano ang ibang sekta ng relihiyon na makapagtatag ng mga institusyong pang-akademya.

- Taong 1908 noong naitatag ang mga pamantasan tulad ng


Unibersidad ng Pilipinas.
University Of The Philippines    
- Taong 1901 ay naitatag ang Silliman University sa
Dumaguete sa isla ng Negros, at pribadong mga pamantasan
tulad ng Far Eastern University at University of Manila. Pati
na rin ang unibersidad para sa kababaihan tulad ng Escuela
de las Señoritas na ngayon ay kilala bilang Centro Escolar
University at Philippine Women’s University.

SILIMAN UNIVERSITY
ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO AT SEDISYON

• Edukasyon - ang pangunahing ambag sa Estados Unidos.

Sa panahong ito, inihandog ng mundo ang mga mahuhusay na mga Pilipinong


Makata na nagsulat ng parehas na Ingles, Tagalog at Kastila.

CECILIO APOSTOL
1910 - mas lalong umusbong ang panitikang ingles
at sumibol dito ang tanyag na Pilipinong manunulat
tulad ni:

Siya ang naging tanyag sa kaniyang pagsulat


ng mga Oda alay sa buhay at kadakilaan ni
Rizal.
Claro M. Recto

Siya sikat sa kanyang mga talumpati tulad ng Ang Akdang


Si Rizal at Si Bonifacio.

LOPE K. SANTOS

Siya ang sumulat ng isang obra-maestra na Banaag at Sikat at siya rin


ang nagpasikat ng mga sosyalistang mga akda.

Jose Corazon de Jesus

Siya ang makata ng pag-ibig at ang kaniyang madalas katunggali


sa mga timpalak ay si Florentino Collantes
Severino Reyes
mas sikat sa sagisag panulat na Lola Basyang. Itinuturing siyang Ama ng Dulang
Tagalog dahil sa kaniyang walang kamatayang dulang Walang Sugat.

Zoilo Galang
Siya ang itinuturing na pinakaunang nobelistang pilipino. Sumikat siya sa
kaniyang akdang A Child of Sorrow..

 Para sa mga Pilipino manunulat, hindi lang sila nagpopokus sa iisang paksa at nakakalabas sila sa ibang mga paksa upang magbigay puri sa
karangalan ng kanilang relihyong Kristyano. 

 Sa Ilalim ng Batas Sedisyon, hindi sila pwedeng magsulat labag sa mga Amerikano na maaring mag-alab ng damdaming makabayan.
Nahahati ang panahong 1901 -1942 sa tatlo:

a. Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan

Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan:


b. Panahon ng Romantisismo sa Panitikan.

c. Panahon ng Malasariling Pamahalaan


Nabigyan ng kalayaan ang mga Pilipino subalit katakatakang
may malaking balakid na humadlang sa pag-usbong ng
panitikang makabayan. 

Mga uri ng panitikan na sumibol sa panahon ng paghahangad ng kalayaan ay:

- Pagpapatingkad ng Nasyonalismo

- Pagmamahal sa Bayan
- Sariling Kalinangan • Ang Dula ay ginagamit ng mga manunulat upang ilahad ang kanilang
"paghihimagsik".
- Panitikan
• Subalit dahil nga sa batas ng Sedisyon at dahil sa pangkontrol ng mga Amerikano sa sarili nating kapakanan
- Wika
at sa katuparan ng kanilang mga makasariling layunin, naiba ang takbo ng panitikan.
Ang Romantisismo sa Panitikan

Naging isang mabisang kasangkapan ng mga Amerikano ang pagpapalaganap ng romantisismo sa kanilang pangkalahatan at mabilisang pagbabago sa
katutubong kamalayang Pilipino. Ito ang uring nahihimig sa Romantisismo ng Kanluran - lubhang emosyunal, malabis ang pagkamoralistiko, sadyang
sumusuma sa hindi kayang abutin ng isipan, dumadakila sa kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng matayog na imahinasyon o guni-
guni at bumabandila ng tungkol sa kalayaang sarili. Masasabing bagaman nakuha ng panitikang Pilipino ang romantisismong banyaga ay hindi naman
lubus-lubusan. Isang katangian ng manunulat na Pilipino ang kakayahang ihalo ang ‘hiniram’ na katulad ng romantisismo sa pansariling elemento na
angkop lamang sa kulturang Pilipino.

mga katangiang romantiko na napaloob sa mga pampanitikang sulatin


noon:
- nagasgas nang husto ang paboritong paksa, ang pag-ibig

- laging binibihisan ang mahirap at mayaman ng iba't ibang anyo at kulay, ito'y tungkol sa pag-iibigan ng isang mahirap at isang
mayaman.

- Ang ganitong kalakaran ng paksa ay malinaw na mababakas sa mga kuwentong lumitaw sa Mga Kuwentong Ginto:
Katipunan ng Pinakamahusay na Katha Mula sa 1925- 1935.

- Ito’y tinipon at ipinalagay na pinakamahusay nina Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla. Isa pang katangian ng
panitikang Romantiko ay ang pagpaksa sa katutubong buhat sa mga lalawigan, lalo na sa malalayong nayon.

- Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay ng aral batay sa mga ipinangangaral ng relihiyong
Kristiyanismo. Sa tuwina’y ikinikintal sa isipan na ang masama’y pinarurusahan at ang mabuti’y tumatanggap ng karampatang
gantimpala.
Mga Samahan ng mga
Manunulat

Mahahati ang panahong ito batay sa mga itinatag na


mga samahan ng mga manunulat noong ang Aklatang-
Bayan (1900- 1921), at Ilaw at Panitik (1922-1934).
Panahon ng Aklatang
Bayan (1900- 1921)
 Ang Pasingaw at Dagli

 Sang-ayon kay Lope K. Santos, ang maikling


kathang Tagalog ay matutuntong na
nagsupling sa anyo ng panitikang tinatawag na
Pasingaw. Ito’y kadalasang tungkol sa mga
dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba
nang lihim o pinaparunggitan dahil sa nais
tawagan ng pansin ang kapintasan sa pag-
uugali o sa hitsura. Kaya ang kadalasang
nagsusulat nito ay mga lalaking manunulat na
nagkukubli sa ilalim ng mga sagisag dahil na
rin sa “kaselanan” ng mga paksang
tinatalakay.

 Ang pasingaw ay naging dagli. Sa tiyakang


pagbibigay ng kahulugan , ang dagli ay isang
maikling salaysay na nangangaral, namumuna,
nagpapasaring at nanunuligsa.
Ang tula sa panahon ng aklatang bayan (1900 - 1921)

Mas lalo pang yumabong ang tula sa panahong ng Aklatang bayan. Ang pangunahing layunin ng
makata ay pukawin ang damdamin at ilipad ang katauhan at kaluluwa ng tao tungo sa lalong
pinakamabuti at lalong pinakamagandang buhay. Masasabi pa ngang sa lahat ng panitikan ng
panahong iyon ay sa tula nanaig nang ganap ang romantisismo. 

Ang tula sa panahon ng aklatang bayan (1900 - 1921)

Si Francisco Balagtas ay hindi maikakailang produkto ng


kaniyang panahon. Sa kaniyang mga isinulat na hindi nasunog at
sumapit sa kamay ng mga sumunod na henerasyon ay ganap na
mababakas ang labis na sentimentalismo ng kaniyang panahon. 
Ang mga manunulat ng panahon:
Jose Corazon de Jesus 

 Ang “Makata ng Puso” ang siyang higit sa kaninoman ay nakapagmana ng korona’t setro ng panulat
at papel ni Francisco Balagtas.

Pedro Gatmaitan 

Nagpakita ng pag-unawa sa kalagayang panlipunan ng kaniyang paligid. Taong 1913 nang kanyang
paksain ang tungkol sa maselan na temang nauukol sa lipunang pyudal. Sumulat din siya ng mga
nauukol sa pagmamahal sa bayan.

Iñigo Ed Regalado
Siya ay isa ring kuwentista, nobelista at mamamahayag ngunit ang buong linamnam at tamis ng
kaniyang pagkamulat ay sa kaniyang mga tula malalasap. Tinalakay niya sa kaniyang mga tula ang buhay
sa daigdig, ang mga bagay- bagay sa kapaligiran at ang mga di mapapasubaliang katotohan ng buhay.
Florentino Collantes 

Kasabay ni Jose Corazon de Jesus at mahigpit niyang nakaribal sa


titulong Hari ng Balagtasan. Itinuring siyang makata ng mga magsasaka
at may sagisag-panulat siyang Kuntil Butil

Julian Cruz Balmaceda 

Kilalang mandudula, mananalaysay, nobelista, mananaliksik wika at


makata. Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa hanggang
sa mamatay sa taong 1947.
MGA MANUNULAT NG DULA
Severino Reyes
Ipinanganak noong Pebrero 11,1861 at namatay noong Setyembre
15,1942. Siya ay isang Filipino writer at direktor. Kilala siya bilang
“Father of Tagalog Plays. Ang kanyang palayaw ay “Don Binoy”. Siya
ang nagsulat ng seryeng “Mga Kuwento ni Lola Basyang.

patricio mariano

Isinilang noong Marso 7,18877 sa Sta,Cruz,Maynila.


Si Patricio Mariano ang lumikha ng “Anak ng Dagat” Nakikilala din
siya bilang batiking makata,at nobelista. Humigit-kumulang sa 60 na
dula ang kaniyang naisulat.

URI NG MALA – DULANG PAGTATANGHAL


SARSUWELA
Isang dulang may sayawan at kantahan na mayroong isa hanggang sa limang
kabanata. Ito ay nagpapakita ng mga sitwasyon ng mga Pilipino na may kuwento
tungkol sa kontemporaryong isyu at pag-ibig. Ang mga kastila ang nagimpluwensiya
ng sarsuwela sa Pilipino. Ang nagpakilala ng sarsuwela noong 10 th century ay ang
Spanish direktor na si Alejandro Cubero
BALAGTASAN

Ito naman ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang panig sa isang paksa.


Hinango ang balagtasan mula sa pangalan ni Francisco Balagtas. Inilahahad
ito para maipahayag ang saloobin at sariling salita ang ginagamit sa labanan.
Nagsimula ang unang balagtasan sa Pilipinas noong Abril 6, 1924.

Balagtasan- Balitaw

Isang tradisyon ng mga Cebuano ang Balagtasa-Balitaw nag


kokombinasyon ng pagsasayaw,pag awit,at pakikipag debate ng
babae at lalaki. Tagisan sa kanta at katwiran. Pinagsanib ang
balitaw at duplo.

Batutian

Isang uri ng tulang patnigan na hinango sa balagtasan. Ito ay


kinikilalang “Unang Hari ng Balagtasan”. Ito ay ginagawa sa mga
lamayan para libangin ang mga tao.
Bukanegan

Ang bukanegan ay tawag ng pakikipag balagtasan ng mga


ilokano. Nag galling ito sa pangalan ni Pedro Bukaneg ang
itinuturing na Ama ng Panitikang Ilokano.

Crissotan

Isang uri ng tulang nagtatalo dito ang mga Kapampangan. Ang


“crissotan” ay hinango sa pangalan ni Crisostomo Sotto na
tinagurian siyang Ama ng Panitikang Capampangan.. Ang
Crissotan ay isang pagtatalong patula na katulad lamang din ng
balagtasan
Panahon ng Ilaw at Panitik

Ang Panahon ng law at Panitik ay nagsimula sa paglitaw ng magasing Liwayway noong 1922. Ito'y
nakilala muna sa tawag na Photo News noong mga unang taon nito. Hanggang sa sumusunod na
panahon ay patuloy itong nanatili sa sirkulasyon habang ang ibang nauna o kasabay nito ay
naglahong parang bula.

naglahong parang bula.


Maikling katha

Masasabi na ring masigla ang pagsulat at pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa maikling katha bagamat patuloy ang
pamamalasak ng romantisismo. Dahil sa Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo, Nagkaroon g inspirasyon ang mga
manunulat at naging masigla sila. Nagkaroon lalo ng matibay na dahilan upang paghusayin ang pamamaraan g kanilang
pagsusulat.
 
Ang Tula
Ang paglathala ng Liwayway noong taong 1922 ang siyang naging higit sa lahat na pampasigla sa
mga Pilipino. Naging lunsaran ito ng damdamin at malikhaing imahinasyon ng mga tao. Sa ganoong
paraan unti-unting umangat ang panitikang pilipino lalo na sa tula.
Amado V. Hernandez (1903-1970)

Ang makata ng Manggagawa. Ang mga tula niya ay naglalantad na tumawag at


nagmulat sa kamalayang panlipunan.

Tinatalakay niya sa kaniyang mga tula ang iba't ibang bahagi ng buhay: tao,
makina, bayani, gagamba, langgam, panahon at pati aso.

Ildefonso Santos (1897-1984)

Siya ang kauna-unahang gurong pilipino na nakapagturo sa National Teachers


College noon.

Halimbawa ng kaniyang mga gawa ay: Ilaw Silangan, “Gabi”, “Sa Tabi ng Dagat”,
Pilipinas Kong Mahal”, Pambansang Alagad ng Sining para sa Arkitektura Ildefonso
P. Santos Jr.
Nobela

Tunay na ang paglitaw ng magasing Liwayway sa panahong ito ay


nagbigay ng pagkakataon sa mga nobelista na makapaglathala ng
kanilang mga isinulat kahit payugto-yugto ang paglatha ng mga ito.
Subalit pagbibigay gantimpala sa katha ng taon hindi naging masigla
ang pagtanggap sa nobela.

Dula

Kung gaano kasigla ang pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa mga sarsuwela noong
unang taon ng mga Amerikano o sa panahon ng Aklatang-Bayan ay siya namang
panlalamig nila sa panahon ng Ilaw at Panitik. Hindi masisisi ang mga mandudula sa
panahong ito sapagkat ginawa nila ang makakaya upang mapanatili ang sigla ng mga dula.
Nauso ang bodabil sa stage shows at halos ay nawalan ng pagkakataon ang pagtatanghal ng
dula.
Panahon ng malasariling pamahalaan

Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong


nalalapit nang magwakas ang pananakop ng mga
Amerikano hanggang sa panahon ng Hapon.

Sa panahong ito, nabigyan ng Malasariling


Pamahalaan ang mga Pilipino na ang naging
Pangulo ng bansa ay si Manuel Luis Molina
Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang
Pambansa”. Siya ang nagpunyagi upang
magkaroon ng Wikang pambansa ang Pilipinas sa
panahon niya.
Juan Crisostomo Soto (27 Enero
1867-12 Hunyo 1918)

• Pangunahing mandudula, peryodista, at makata sa Kapampangan si


Juan Crisostomo Soto, at kilalá rin sa alyas niyáng “Crissot,”
• Nagsimula siyá bilang manunulat para sa mga progresibong
pahayagang tulad ng La Independencia, El Liberal at La Publicidad.
• Bilang isang makata, nagwagi ang kaniyang “Lira, Dalit at Sinta” ng
unang gantimpala sa pagdiriwang ng araw ni Rizal sa San Fernando
noong 1917.
• Isinilang si Soto noong 27 Enero 1867 at panganay sa tatlong anak
• Hindi niyá natapos ang pag-aaral sa Maynila dahil nahilig magsulat at
pagkuwa’y lumahok sa hukbo ni Heneral Tomas Mascardo sa
Himagsikang 1896.
Marcel M. Navarra (2 Hunyo
1914 – 28 Marso 1984)

• Tinagurian si Marcel M. Navarra na“Ama ng Modernong Maikling


Kuwentong Sebwano.”

• Ipinanganak siyá sa isang mahirap na pamilya sa Tuyom, Carcar, Cebu ngunit


matiyagang binasa ang anumang babasahín hanggang matutong sumulat.
Umaabot diumano sa sandaan ang maikling kuwento naisulat niya.

• Una siyáng nakilála nang magwagi sa timpalak sa magasing Bisaya ang


kuwentong “Ug Gianod Ako” (At Inaanod ako) noong 1937

• Sinikap niyang mamuhay sa pamamagitan ng pagsulat. Naging editor siyá ng


Bisaya sa Maynila sa mga taóng 1938–1941. Bumalik siyá sa Cebu sa panahon
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

• At Ako’y Inanod ni Marcel Navarra Salin sa Tagalog ni Dr. Teresita G. Maceda


Valeriano Hernandez-
Peña
• Si Valeriano Hernandez at Peña (ang Peña ay apelyido ng kanyang ina) ay
isinilang sa nayon ng San Jose, Bulakan, Bulakan noong 12 Disyembre
1858.

• Siya ay bunsong anak nina Marcos Hernandez at Dominga dela Peña. Ang
kanyang ama ay isang platero, at ang hanapbuhay na ito ang kanyang
ginamit upang maitawid ang kanyang pamilya sa pang-araw-araw na
pangangailangan.

• Siya ang tinatawag na “Ama ng Nobelang Tagalog.”

• Ang “Kasaysayan ng Pagkakaibigan nina Nena at Neneng ay Isang nobela


ni Valeriano Hernandez-Peña na unang nalathala noong 1903 sa pahayagang
Muling Pagsilang.

• Sumikat ang nasabing nobela, at isinaaklat noong 1905, saka muling


inilimbag noong 1911, 1948, at 1971. Si Peña, ayon sa kritikong si Soledad
S. Reyes, ang kinilalang “Ama ng Nobelang Tagalog.”
Buod ng Kasaysayan ng Pagkakaibigan nina Nena at Neneng

Inilahad sa nobela ang naging buhay at paglago nina Nena at Neneng, na kapuwa sinubok ng tadhana ang kanilang pagkakaibigan.
Nagkaroon ng kasintahan ang dalawang dalaga, ngunit nang magpakasal na'y magkataliwas ang naging bunga ng pagsasama.

Pumanatag at umangat si Nena sa piling ni Deogracias, samantalang naunsiyami si Neneng sa banang si Narciso na ang pagkaseloso'y
humahangga sa kawalan ng bait. Inakala ni Narciso na nagtaksil sa kaniya si Neneng, kaya nilayasan ang asawa. Nang magbalik siya
sa tahanan ay nabatid na yumao na si Neneng dahil sa sukdulang pagkasiphayo sa pag-ibig.

Tampok din sa nobela ang istorya ng malungkot na buhay ni Chayong, na ginahasa at ang puri ay sinira ni Miguel. Sugapa sa sugal si
Miguel, bukod sa sinungaling, at nabilanggo dahil sa kasamaan hanggang mabulok at namatay siya sa bilibid.

Tampok din sa nobela ang istorya ng malungkot na buhay ni Chayong, na ginahasa at ang puri ay sinira ni Miguel. Sugapa sa sugal si
Miguel, bukod sa sinungaling, at nabilanggo dahil sa kasamaan hanggang mabulok at namatay siya sa bilibid.

Pinatitining ng nasabing nobela ang ilang tema, gaya ng katapatan sa sinumpaan, pagpapahalaga sa puri, pagkakaibigan, at pagtitimpi
—na ayon kay Reyes ay pawang gagamitin din ng susunod na henerasyon ng mga nobelista.
Lope K. Santos

• Si Lope K. Santos ay isinilang sa Pasig, Lalawigan ng Maynila (ngayon


ay bahagi ng Metro Manila), noong Setyembre 25, 1879.

• Siya ay isang Pilipinong manunulat sa wikang Tagalog at dating


senador ng Pilipinas.

• Nakilala siya sa kanyang mga kontribusyon para sa pagbuo ng


gramatika ng Filipino at ortograpiyang Tagalog.

• Ang “ Baanag at Kiat” na kanyang Nobela ay Isa sa mga unang


nobelang pampanitikan na isinulat ng Pilipinong may-akda na si Lope
K. Santos sa wikang Tagalog noong 1906. Bilang isang aklat, tinawag
ito na “Bibliya ng mga Pilipinong Nagtatrabaho” o “Bible of working
class Filipinos”

• Ang nobela ay tungkol sa dalawang magkaibigan: sina Delfin, isang


sosyalista (Socialist) at si Felipe, isang anarkista. (Anarchist)
Buod ng Banaag at Sikat

Bilang isang sosyalista, gusto ni Delfin na magkaroon ng mas maraming karapatan ang mga manggagawa sa iba’t ibang
bagay sa lipunan. Naniniwala siya na ito ay pwedeng makamit sa mapayapang paraan.

Si Felipe, bilang isang anarkista, ay naniniwala na hindi makakamit ang pagkakapantay-pantay ng walang karahasan.
Gusto rin niya mapalayas ang mga abusadong miyembro ng lipunan. Anak din siya ng isang mayamang pinuno ng bayan.
Sa kabila nito, kinasusuklaman niya ang kalupitan ng kanyang ama.

Dahil sa kanyang pagkamuhi sa kanyang buhay bilang isang anak ng isang malupit at mayamang may-ari ng lupa, iniwan
ni Felipe ang kanyang tahanan upang mamuhay ng karalitaan. Iniwan niya ang kanyang marangyang buhay upang sumapi
sa karaniwang tao.

Nagpasya siyang manirahan kasama si Don Ramon, isang ninong sa pamamagitan ng Katolikong sakramento ng
kumpirmasyon, sa Maynila. Nang maglaon, nakaramdam din si Felipe ng pagkamuhi sa kanyang ninong na katulad ng
kanyang ama: isang mayaman na malupit sa kanyang mga katulong.

Si Felipe ay umibig kay Tentay, isang karaniwang tao ngunit may dignidad sa kabila ng pagiging mahirap. Si Felipe ay
pinilit ng kanyang ama na umuwi sa kanilang tahanan sa bayan ng Silangan, ngunit napilitan lamang na umalis ng
tahanan matapos turuan ang mga magsasaka at kasambahay tungkol sa kanilang likas na karapatang pantao.
Buod ng Banaag at Sikat

Si Don Ramon, ang ninong ni Felipe, ay may dalawang kapatid. Si Thalia ang panganay at si Meni ang bunsong anak
na babae. Si Delfin - kaibigan ni Felipe - ay umibig kay Meni. Nabuntis si Meni at itinakwil ni Don Ramon. Nagpasya
si Meni na tumira kay Delfin upang mamuhay bilang isang karaniwang tao.

Dahil sa ginawa ni Meni, umalis si Don Ramon ng Pilipinas, kasama ang isang pinapaboran na kasambahay na
nagngangalang Tekong, ngunit pinatay siya habang nasa New York City. Ang bangkay ni Don Ramon ay dinala
pabalik sa Pilipinas ni Ruperto, ang matagal nang nawawalang kapatid ni Tentay, ang kasintahan ni Felipe.

Si Ruperto ang nagpahayag ng dahilan kung bakit pinatay si Don Ramon ng hindi kilalang salarin: siya ay walang
awang nang-aabuso ng mga kasambahay niya.

Nagtapos ang nobela nang nagpasya sina Felipe at Delfin na manatili sandali sa libingan ni Don Ramon. Pinag-usapan
nila ang kanilang mga prinsipyo at paniniwala sa lipunan. Umalis sila sa sementeryo habang papalapit sa dilim at sa
lalim ng gabi.
Buod ng Walang Sugat Ni Severino Reyes

Sabi niya napagkamalan itong isang tulisan. Napatay ang kanyang ama na si kapitan Inggo at nais ni
Teyong na maghiganti kahit hindi ito gusto ng kasintahan na si Julia at kanyang ina na si kapitana Puten.

Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong. At dahil dito, may dumating
namang mangliligaw si Julia, isang mayang nag ngangalang Miguel.

Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong. At dahil dito, may dumating
namang mangliligaw si Julia, isang mayang nag ngangalang Miguel.

Ang huling kahilingan nito ay ikasal siya kay Julia. Pumayag naman si Tadeo ang ama ni Miguel at Juana,
ang ina ni Julia dahil mamatay rin naman si Tenyong at makakasal rin ang kanyang anak.

Subalit, biglang bumangon si Tenyong at nag sigawang ang lahat ng Walang Sugat! Walang Sugat!
Nilinlan lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay makasal kay Julia.
Pangkat 02
- Mga Miyembro -

Mark Jervey S. Evangelista


Alexandra S. Hilario
Miles Crystal P. Cervantes
Renel Jerome Orbeta
Luigi Angelo C. Pineda
Jonathan Cornelio Carlos
Caila Nicole M. Panginiban
Allyson Kaye Timpug
Hernando Tiongson
Geremie R. Grecia

You might also like