You are on page 1of 21

sosyedAD AT

LITERATURA
LESSON 2: PAHAPYAW NA
PAGTUNTON SA LITERATURANG
FILIPINO SA IBA’T-IBANG PANAHON
IKA-14 NA SIGLO
• Bago pa dumating ang mga Kastila, ang mga ninuno
natin ay mayroon nang sariling kakayahan at bago pa
sakupin ng imperyo ng Madjapahit noong ika-14 na siglo.
• Ang Literaturang Filipino ay naiiba sa kabuuan. Nag
simula ito sa tradisyong pasalita. Ang mga kalapit bansa
tulad ng Malaysia, Cambodia, Indonesia at Arabia ay
may kani-kaniyang ambag sa ating panitikan. Ang mga
ito ay nasa anyong awiting-bayan, alamat, karunungang
bayan at iba-ibang uri ng tula.
IKA-14 NA SIGLO
Halimbawa sa Visayas,
Ambahan – isang tula o talata na may 7 na
pantig.
Maririnig tuwing nakikipag debate ang
lalake sa babae ukol sa pag ibig.
Siday / Kandu – Kanta tunkol sa mga bayani
na umaabot ng hanggang 6 na oras.
Ika-16 na Siglo
• Surat Mangyan
• Tagbanwa
• Kulitan
Taong 1521
• Taong 1521 nang maligaw si Ferdinand Magellan sa
ating dalampasigan, subalit tuluyang sinakop at
inalipin ng mga Kastila ang mga Pilipino noong taong
1565 sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi.
• God, Gold, Glory. Espada at krus.
• Pinalaganap ng mga Kastila ang tradisyong Europa
na napapaloob sa komedya, sarswela, kurido, awit,
pasyon at tungkol sa mga Santo
Taong 1565 (Panahon ng Kastila)
• Taong 1872 nang magsimulang mag-alsa ang mga Pilipino sa
pangunguna ni Sarhento La Madrid, subalit ilang oras lamang at
napatay rin sila agad. Sinamantala ng mga prayleng Kastila ito at
sinangkot nila ang tatlong Paring Martir na sina Mariano Gomez,
José Burgos, and Jacinto Zamora.
• Dito na nagsimula ang pagsulat ng mga propagandista Sa
pangunguna ni Gat. Jose Rizal. Ginamit ang Tagalog, Kastila at
iba’t ibang wikain sa pagsulat ng mga nobela, tula, sanaysay at
ibang akda sa mga pahayagang Tagalog at Kastila. Ang mga akda
ay punungpuno ng damdaming makabayan at nagbunsod sa mga
Pilipino upang magkaisa at nagwakas sa Himagsikan.
Taong 1872 (Panahon ng Kastila)
•Halimbawa ng Zarzwela at Moro-
moro na parehong impluwensya ng
mga Kastila.
Taong 1896 – 1898 (Panahon ng Kastila)
• Sa panahon ng Himagsikan noong 1896, taon nang barilin
Sa Bagumbayan Si Gat. Jose P. Rizal noong Disyembre 30,
nagbago ang paksa ng mga panitikan. Naging maapoy,
mapanuligsa at mapaghamon, puno ng pagibig sa bayan,
paghahangad ng kalayaan at pagtuligsa sa mga dayuhan.
• Taong 1898 nang tuluyang lumisan ang mga Kastila sa bansa
subalit nasa ilalim pa rin tayo ng kapangyarihan ng mga
banyagang Amerikano. Pag ibig sa bayan ang ilan sa mga
tema at paksa na makikita sa mga panitikan o literatura
nung panahon ng himagsikan.
Taong 1898 – 1941 (Panahon ng
Amerikano)
• Mula Sa taong 1898 hanggang 1941, tayo ay kunwaring
tinulungan at pinalaya ng mga Amerikano sa kamay ng mga
Kastila. Namuhunan ang mga Amerikano. sa tratado ng Paris
noong Disyembre 10, 1898, napagkasunduang bilhin ng Amerika
ang Pilipinas sa mga Kastila.
• Dito lumitaw ang tunay na kulay at pakay ng Amerika sa
Pilipinas. Naging mas masahol pa ang pamamalakad ng mga
Kano kaysa sa mga Kastila. Itinuring tayong Indio ng mga
Kastila subalit baboy damo naman ang tingin ng mga kano sa
atin. Naghasa muli ng itak ang mga Pilipino. Nabalingan ang
panulat at ipinakita ang pabugsu-bugsong tema ng kalayaan.
Taong 1898 – 1941 (Panahon ng
Amerikano)
• Sa pananakop ng mga Amerikano, ang mga Pilipino ay
patuloy pa rin sa panunuligSang makikita sa mga
akdang isinulat sa wikang Ingles, Tagalog at iba’t ibang
wikain sa Pilipinas.
• Madaling natuto ng Ingles ang mga Pilipino kaya sa
loob ng humigit kumulang ng dalawampung taon ay
nagsisisulat na sila ng mga tula, sanaysay, maikling
kuwento at nobela sa Ingles. Dito nagsimulang
umunlad ang panitikang Pilipino sa Ingles.
Taong 1898 – 1941 (Panahon ng
Amerikano)
• Ang pampublikong paaralan ang isa sa mga
nagging ambag ng mga Ameikano sa lipunan.
• Maraming Pilipino ang nabigyan ng oportunidad
makapag aral.
• Dahil dito, lumawak ang pag iisip ng mga Pilipino
sa ibat ibang disiplina kasama narin ang panitikan
at literatura.  Natuto din sila magsalita at
sumulat ng Ingles.
Taong 1898 – 1941 (Panahon ng
Amerikano)
•Isa ang sine sa nagging ipluwensya ng
mga Amerikano, dahil dito nawili ang
mga Pilipino sa kulturang Amerika at
naimpluwensyan nito ang literaturang
Pilipino.
Taong 1942 – 1945 (Panahon ng Hapon)
• Naging napakasaklap ng buhay ng mga Pilipino sa
kamay ng mga Hapones. Gutom, kawalang katiyakan sa
buhay at kawalang pag-asa ang masasalamin sa
kanilang mga mata.
• Punung-puno ng paghihinagpis ang bawat tahanan dahil
sa kawalang pusong pamamalakad ng mga Hapones - sa
panahong ito namulaklak ang panitikang Tagalog sa
utos ng Hapon at gamitin ang sariling wika sa panulat.
Natuto ng Haiku at Tanaga ang mga Pilipino.
Taon 1946 – 1950 (Umpisa ng
Republika)
• Taong 1946 hanggang sa kasalukuyan ay Panahon
ng Republika. Masalimuot ang mga pangyayari sa
panahong ito. Unti-unting itinayo ang mga
establisyemento na sinira ng digmaan. Mga
masasakit na alaala ng kahapon na ang tanging
gamot ay malalalim na buntong-hininga.
Namamalasak sa mga tema ng panitikan sa
panahon na ito ang kabiguan, kalupitan at
masaklap na karanasan.
Taon 1946 – 1950 (UmpiSa ng
Republika)
•Imahe ng lungsod ng Maynila
matapos ang digmaan laban sa
mga Hapon. Mga biktima ng
digmaan at karahasan.
Taon 1946 – 1950 (Umpisa ng Republika)
•Matapos ang ikalawang digmaang
pandaigdig, muling bumangon at itinaguyod
ang mga ibat ibang lungsod ng Pilipinas mula
sa pagkasira. Ang ilan pang tema at paksa sa
panitikan sa panahon ito ay ang muling
pagbangon ng mga Pilipino at ang pag
bibigay pugay at respeto sa mga namatay at
nagsakripisyo ng buhay.
Dekada 50
Ang dekada-50 ay nagkaroon ng
sigla sa panulat dahil sa KADIPAN
(Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik)
at ang Gawad Palanca, na itinatag
ni Don Carlos Palanca ng La
Tondeña InCorporada.
Dekada 60 at 70
• Ang dekada-60 ay ang pagbibinhi ng aktibismo. Naging magulo
ang kapaligiran at dumami ang katiwalian.  Ang nagging tema
o paksa ng panitikan sa panahon na ito ay kalayaan, pag tutol sa
kolonialismo at imperialismo, national identiy, re-orientation,
kritisismo sa gobyerno, kahirapan, at pag ibig sa Diyos.
• Ang dekada-70 ay nauso ang paghawak ng mga plakard,
barikada at pagbulagta ng mga walang buhay sa kalsada.
Ibinaba ang Batas Militar. Hanggang magkaisa ang bayan sa
EDSA sa buwan ng Pebrero taong 1986. Ang sumunod ay isang
kasaysayang nadagdag sa ating lahi.
Dekada 60 at 70
•Imahe ng dekada 70s kung saan
lumaban ang mga Pilipino sa
maling pamamalakad ng
gobyerno
Dekada 80 - 2000 - Kasalukuyan
• Sa kasalukuyan, dalawang wika ang ginagamit sa pagsulat
ng panitikan: Ingles at Filipino. Dahil may kinikilala na
tayong wikang pambansa, ang Filipino, ay lubusan ng
ginagamit, pinalalaganap at itinuturo sa lahat ng antas ng
pag-aaral.
• Unti-unti na tayong nakabuo ng pambansang panitikang
naglalarawan ng tunay na layunin, damdamin at hangarin
ng bayan.  Paglaganap ng mga ibat ibang pelikulang
Pilipino na ukol sa realidad kabilang narin ang sa sexualidad
ang mga nagging tema ng panitikan sa panahong ito.
Dekada 80 - 2000 - Kasalukuyan
Sa kasalukuyan, nagkaroon ng
impluwensya ang iba pang produktong
banyaga sa ating panitikan gaya ng
Kpop, Holywood movies, anime, etc.
Lumaganap ito dahil sa pag lunsad ng
internet at social media.

You might also like