You are on page 1of 2

BICB

Ang Mga Sakripisyo Upang Makamit ang Kalayaan

Ang ating panitikan ay hindi gaano binibigyan ng halaga ng nakararami sa atin, hindi
gaano karami ang siyang interesado sa pag alam sa kasaysayan nito. Mga paghihirap na
dinanas ng mga pilipinong bayani nito upang ito’y ipaglaban, sa mga matitinding digmaaang
niranas ng ating inang bayan upang ito’y maipaglaban ito, at ang mga pambihirang mga
manunulat na nabaon sa limot.
Umpisahan natin kung saan nga ba nagsimula ang panitikan natin, umpisahan natin sa
lumang sistema ng pagsusulat na ginamit ng Pilipinas. Nagkakaroon ng Labing-pitong titik, 3
pantinig at 14 na katinig. Ito ay tinatawag na Baybayin sapagkat ang karamihan sa mga
tauhan nito ay makikita sa baybayin ng dagat, ito’y napagkamalang may kaugnayan sa
alpabetong Arabe na alif, ba, ta sapagkat sa katotohanan ay walang mi isang tauhan ang
magkapareha sa alpabeto ng Arabe. Pangalawa ay ang mga nakamamanghang manunulat sa
panahon ng Rebolusyong Pilipino,sa taon ng 1872 as nagsiulang maging mapaghimagsik ang
panitikan, kasama nito ang samahang propaganda, Sina Jose Rizal, Marcelo Del Pilar,
Graciano Lopez Jaena, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at iba pa. Ay ang mga taong
nagpamalas sa kanilang galit sa mga kastila, sila ang mga taong tumulung nagpaalab sa
pambansang damdaming makabayan ng mga tao, sila ang naghikayat mismo na magising,
magkaisa at maghanda para matamo ang minimithing kalayaan. Dahil sa kanilang katapangan
ay hindi tayo tuluyang nasakop at napailalim sa pamamahala sa mga Kastila, at dahil dito ay
nabubuhay ang ating wika, ginamit nina Andres Bonifacio at Emili Jacinto ang Salitang atin
upang maipakita sa mga Kastila na tayo’y hindi magpapasakop at malakas ang pagmamahal
natin sa inang bayan kaya’t ano man ang kapalit ng kalayaan ay gagawin nila ng walang pag-
aalinlangan. Ang Katangian ng Panitikan naman sa Panahon ng Amerikano, Pagkatapos ng
paghihimagsik ng mga pilipino ay nagkaroon ng digmaan pagitan sa mga Kastila at mga
Amerikano, dahil dito ay dumami ang mga naglilimbag ng kanilang mga gawa at nakabukas
ito ng mga bagong topiko kagaya ng politika, tungkol sa kalikasan at ibp., dahil sa pagpasok
ng mga bagong wika ay mas natulungan na mag palinang sa panitikan dahil din dito ay
lumitaw ang mga makatotohanang panitikan. Ang sumusunod ay ang mga manunulat sa
panahon ng Amerikano: Mga nagsusulat sa wikang Kastila ay sina Cecilio Apostol, Fernando
Maria Guerrerro, Manuel Bernabe, at Claro M. Recto. Ang mga nagsusulat naman sa wikang
tagalog ay sina Julian Cruz Balmaceda, Lope K. Santos, at Jose Corazon De Jesus. Ang mga
nagsusulat naman sa wikang Ingles ay sina Jose Garcia Villa at N.V.M. Gonzales lamang.
Nagkaroon na naman ng alitan ukol sa Wika noong Sinakop muli tayo ng Mga Hapon,
nahinto na naman ang pag-unlad ng panitikang Pilipino, ang mga nagsusulat sa wikang Ingles
ay bumaling sa pagsusulat sa Tagalog. 2 uri ng tula ang namayani sa panahong ito at ito ang
Karaniwan at Malaya. Napunan ng dalawa pang tulang impluwensya ng mga Hapon sa atin
na kilala parin hanggang ngayo at ito angHaiku at Tanaga, Nakilala rin sa panahon ng mga
Hapon ang Dula, Pinigil ang mga dulang Amerikano sa puntong ito at ang mga dulang
ipinapakita ay ang mga Dula ukol sa mga Hapones. Sa panahon naman ng pagsasarili ay
Wikang Ingles ang ginamit sa midyum ng pagtuturo, sa puntong ito wikang Ingles ang
ginamit sa pagtuturo ng Literatura, kultura, ekonomiya at pulitika at hindi rin pinapayagang
magturo ng kahit anong topiko na nagtatalakay ukol sa mga Pilipino kaya’t ito’y nagbigay
nga interest sa mga estudyanting alamin ang lahat ukol sa ating mga Pilipino. Hindi huminto
ang mga sabik na sabik sa pagsusulat maging sa wikang Tagalog at Ingles, Pagkaraan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ng maitaboy na ang mga Hapones ay muling Nabuhay na
naman ang Panitikang Pilipino lalo na sa Wikang mga nakasalin sa Wikang Ingles at mas
lalong umunlad ang Panitikang Pilipino sa Bagong Lipunan, nagkatulontulong ang
pamahalaan sa paaralan at mga samahan sa pagpapasigla sa pagsulat ng tula, dula, at
maikiling kwento. Panghuli ay ang Panitikan sa Panitikan sa Panahon ng Hanggang
kasalukuyan, maraming pagbabago na ang dinanas ng ating panitikan na kahit ano-anong
anyo na ng pamamahagi sa pagbabago at mga pagbabago nito upang ito’y mailarawan.
Ang lahat ng bagay ay mayroong pagsisimula kagaya ng buhay natin dito sa mundo,
subalit alam naman din nating ito’y may hangganan din, nakakalungkot mang sabihin ngunit
ito ang totoo na ang ating panitikan ay unti-unting nawawala dahilsa impluwensya ng ibang
bansa at atin. Hindi man natin ito ganoon kadaling tanggapin ang unti-unting pagkalimot
natin sa panitikan, wika, tradition, at ka aralan na bigay sa atin ng mga bayani, pinuno, at
matatapang na mga Pilipino na nakipaglaban para sa ating Kalayaan kahit buhay nila ang
kapalit nito.

You might also like