You are on page 1of 3

Aktwal na Pagsulat ng Pananaliksik,

Presentasyon at Publikasyon ng Pananalisik

Layunin ng Talakayan;

 Matukoy ang kahalagahan ng paglalathala at presentasyon ng pananaliksik


 Maisa-isa ang hakbang sa paglalathala ng akademikong pananaliksik
 Matutuhan kung paano gawin ang presentasyon ng pananaliksik

Daloy ng Talakayan;

 Kahalagahan ng Paglalathala at Presentasyon ng Pananaliksik


 Akademikong Publikasyon
 Presentasyon ng Pananaliksik

Kahalagahan ng Paglalathala at Presentasyon ng Pananaliksik

 Kasing halaga ng pagbuo ng pananaliksik ang pagbabahagi nito sa pamamagitan ng paglalathala o


presentasyon. Hindi kompleto ang proseso ng pananaliksik kung wala ito.
 May dakilang layunin ito na pataasin ang antas ng kaalaman at kamalayan ng mga taong pinag-uukulan
ng pananaliksik.

Akademikong Publikasyon

 Hindi kompleto ang anomang pananaliksik na walang publikasyon.


 Maaaring ilathala ang pananaliksik, buod, pinaikling bersiyon o isang bahagi nito sa pahayagan o
pamahayagang pangkampus, conference proceedings, monograph, aklat o sa refereed research
journals.
 Ang pinakatanggap at balidong paraan sa akademikong publikasyon ay mapasama sa isang refereed
research journal sa anomang larangan ang inyong pananaliksik.
 Ito ay dahil sa dumadaan ang refereed journals sa tinatawag na peer review. Ang peer review ay isang
proseso kung saan ang mga manuskrito o artikulo ay dumaraan sa screening o serye ng ebalwasyon
bago mailimbag sa mga journal.

Narito ang inisyal na mga hakbang kung

paano makapaglalathala sa isang research journal.

`
Narito ang isang halimbawa ng panawagan

para sa kontribusyon ng papel-pananaliksik.

Ito ay mula sa HASAAN Journal, Opisyal na

Journal ng Unibersidad ng Santo Tomas

na nakuha mula sa mga patalastas ng panitikan.ph

(http://www.panitikan.com.ph/content/panawagan-para-sa-hasaan-journalng-ust).

Presentasyon ng Pananaliksik

 Ang isa pang pamamaraan ng pagbabahagi ng pananaliksik ay ang presentasyon nito sa mga lokal,
pambansa, at pandaigdigang kumperensiya. Isa sa mga mahalagang linangin sa loob at labas ng
akademya ang maunlad na pagpapalitan ng kaalaman sa pamamagitan ng mga pampublikong gawain
tulad ng simposyum, forum, kumperensiya, at iba pa.
 Sa pamamagitan nito ay nalilinang ang kagustuhan ng mga miyembro ng akademya na maghanap ng
mas mataas na antas ng kaalaman at uri ng pag-iisip.
 Sa pamamagitan din nito, nagiging makabuluhan at napapanahon ang kaalaman ng mga guro at mag-
aaral at nadadala ito sa loob ng silid-aralan. Sa kabuuan ay nailulugar din nito ang silbi ng akademya sa
lipunan.

Mga Gabay sa Rebisyon

 Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng pananaliksik. Lahat ba ng ideya ay may kinalaman
sa pangunahing tesis ng papel? May mga ideya bang walang kinalaman sa paksa o tesis ng pag-
aaral? Kung mayroon man, kailangan mo bang baguhin ang tesis ng pag-aaral o alisin na lamang
ang ideya?
 Pakinisin ang gamit ng wika sa kabuuan ng papel-pananaliksik. May mga malabong ideya at
pangungusap ba dahil sa hindi maayos na gamit ng wika? Basahin nang malakas ang iyong papel at
pakinggan kung may hindi akmang mga salita at malabong ideya. Alisin ang mga salitang may
malabong kahulugan at maling paggamit.
 Alisin ang mga pagkakamaling gramatikal. May mga pagkakamali ba sa gramatika, pagbabantas, at
pagbaybay? Kung may pagkakamali, tiyakin ang maayos na pagtatala ng mga ito, at kung hindi
tiyak sa tamang gamit, maaaring komunsulta sa mga dalubhasa sa wika.
 Baguhin ang punto de bista mula sa pagiging mananaliksik tungong mambabasa. Magkunwang
binabasa mo ang pananaliksik ng ibang tao. Ano sa tingin mo ang mga punto ng kalakasan at
kahinaan ng papel? Bakit? Ano sa tingin mo ang mga magagawa upang mapabuti pa ang iba’t ibang
bahagi ng papel? Madali bang maunawaan ang kabuuan ng pananaliksik?

REFERENCE;

https://www.academia.edu/38736971/Presentasyon_at_Paglalathala_ng_Pananaliksik

You might also like