You are on page 1of 3

Nagsimula ang PP sa huling banda ng dekada setenta bilang isang kilusang

“indigenizing” sa loob ng isang grupo ng mga istoryador, na pinangunahan ni Zeus Salazar, sa


Unibersidad ng Pilipinas.
Bilang integral na aspeto ng panawagang “indigenizing” na nakasentro sa kultura, ang
mga tagapagtaguyod ng PP ay gumagamit sa Filipino, ang pambansang wika, bilang
pangunahing midyum ng kanilang mga sulatin.
Ngayon ay ating himayin ang pinag-ugatan ng kombinasyon ng mga salitang bumubuo sa
konsepto ng pantayong pananaw upang maiangkop ang teoryang ito sa isang espisipiko o tiyak
na pag-aaral.

Na ang kahulugan ay para sa nagsasalita at hindi kasama ang nakikinig nito. Sa kabilang
dako, ang kabiyak na salitang pananaw ay tumutukoy sa perspektiba o anggulo sapagkat lahat
ng wikang Pilipino, may mga konseptong katumbas ng “tayo”, “kami”, “sila”, at “kayo” na
tumutukoy sa mga nagsasalita at lahat ng kanyang kausap, kasama na kahit iyong wla sa
usapan.
Halimbawa:
Magkaiba ang “Tayong mga Pilipino” sa “kaming mga Pilipino”, na ang Pilipino lamang
an gang nagkakausap-usap at hindi kasama ang mga banyaga.
Ang pantayong pananaw ay isang konsepto at hinua ng historyador na si Dr. Zeus A.
Salazar na nag-aadhika ng isang nagsasariling diskurso ng mga Pilipino sa wikang pambansa
para sa kasaysayan at agham panlipunan.
ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/diskursong pangkalinangan o
pangkabihasnan.

Ang Pantayong Pananaw ay isang deskriptibong konsepto na tumutukoy sa anumang


kalipunan na nagtataglay ng pinag-isa at panloob na artikulasyon ng linggwistik-kultural na
istruktura ng komunikasyon at interaksyon ng kahalagahan ng pagkakaisa ng layunin at dahilan
ng pananatili.
Itinuturing na “Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino”. Siya ay isang historyador,
antropologo at tagapagtaguyod ng Pantayong Pananaw, na isang pag-aaral kung saan siya ay
mas nakilala.

Sa mga disiplina na katulad ng antropolohiya


at agham panlipunan, ang emic at etic ay tumutukoy sa dalawang sangay ng pananaliksik batay
sa pananaw

EMIC
Dito tinitingnan ang kanilang pananaw, pag-uugali, ano ang makabuluhan para sa kanila, at
kung paano nila tiningnan o ipinaliliwanag ang mga bagay-bagay. Tumutukoy sa paglalarawan
ng pag-uugali at paniniwala sa punto na mahalaga sa tao o actor ang konsepto ng emic ---
nanggaling sa tao sa loob ng kultura.
ETIC
Sa paggamit ng dulog na ito, binibigyang-diin ng ethnographer kung ano mahalaga batay sa
kanyang pagpapasya. Ang etic naman ay tumutukoy sa deskripsyon ng pag-uugali at
paniniwalang mga mag-aaral sa lipunan o siyentipikong tagamasid sa mga punto na maaaring
iugnay sa iba’t ibang kultura.

Ang ganitong dulog o anyo ng panulat ay nakatanggap na ng maraming kritisismo dahil sa ang
pagsulat ay ginagamitan ng Filipino samantalang ang paraan ng pag-iisip ay nasa kategoryang
banyaga.

Ang wika ng tektwal na eksposisyon at nakasulat din sa wikang Filipino.

You might also like