You are on page 1of 2

Paggawain/Task: CERAE - KERAE (25 pts)

1. Ano ang iyong natuklasan ukol sa pelikula batay sa videong napanood? (Konteksto)
- Batay sa napanood kong bidyo, natuklasan ko na ang pelikula ay sumasalamin sa
realismo o katotohan ng lipunan kung kaya ito ay may ma impluwensyang midyum.
Kalahatan sa mga sinasabi ng mga Direktor na napanood ko sa bidyo na ang pelikula ay
dapat malapit sa katotohan na kung asan maaring kapulutan ito ng aral ng mga
manonood.

2. Ano ang naging karanasan mo ukol sa iyong natuklasan sa pelikula? (Eksperyens)


- Marami akong natutunang leksyon base sa karanasan ko ukol sa aking natuklasan sa
pelikula. Isa na rito ay ang pagpapahalaga sa pelikula dahil nagpapakita ito ng
katotohanan sa buhay sa masining na paraan at nagbubukas sa kaalaman ng marami.

3. Bumuo ng sariling repleksyon batay sa iyong karanasan.  (Repleksyon)


- Ang pelikula ay maaaring gamitin bilang isang instrumento upang maikalat ang mensahe
sa isang malaking bilang ng mga tao habang inaaliw ang mga ito nang sabay.
Napagtanto ko na napakahalaga ng pelikula sa mga tao sapagkat ito ay nakakatulong
magbigay aral sa kahit kanino, pero sa pagpili ng isang pelikula ay dapat naayun parin
sa edad ng manonood. Ang pelikula din pinakamabisang paraan upang mapanatili ang
mga mensahe nito sa isip ng mga manonood na nais ipahayag ng pelikula.

4. Batay sa naging repleksyon mo, anong angkop na aksyon ang iyong gagawin ukol
dito?  (Panatilihin, ipagpapatuloy o iwasan ang naging karanasan). Pumili ng isa at
bakit? (Aksyon)
- Batay sa naging repleksyon ko, ang angkop na aksyon na aking gagawin ukol dito ay
ipagpapatuloy ang karanasan sapagkat nakatulong ito sa paghubog ng aking kaisipan
bilang isang mamamayan sa lipunang ito. Ako ay tipo ng isang tao na kung saan
handang harapin ang mga mapapait na realidad kung kaya’t nais kong ipagpatuloy ang
naging karanasan ko. Para sa akin ang pelikula ay nagsilbing liwanag sa mga bagay-
bagay na wari bang nasa dilim at mahirap unawain.

5. Tayahin o gumawa ng ebalwasyon ukol sa naging aksyon mo.  (Karapat-dapat na


panatilihin, Mahalagang ipagpatuloy, o kailangang iwasan na maulit muli) ang
karanasang iyon? Pumili ng isa at bakit?  (Ebalwasyon
- Kung ako ay gagawa ng ebalwasyon ukol sa naging aksyon ko, mahalagang ipagpatuloy
ko ang karanasang iyon dahil hindi ko hawak ang panahon at baka may marami
paakong kapupulutan ng aral sa mga pelikula na kung saan nagagamit ko ang wastong
paraan ng pag-aanalisa ug pagsusuri sa mga ito. Dapat imulat natin ang ating kaisipan
sa mga pelikulang mapapanood dahil sa paraang ito, mas madali nating maunawaan
ang mensaheng nais ipahatid.

You might also like