You are on page 1of 49

Metodolohiya at

Pagdalumat sa
Pananaliksik
 Pananaliksik– lohikal na proseso ng
paghahanp ng sagot sa mga tanong
ng mananaliksik na nakabatay sa
problema at metodo ng pag-aaral
tungo sa produksyon ng kaalaman at
kasanayan upang makatugon sa
pangangailangan ng tao at lipunan.
Kahulugan ng Pananaliksik

1. Paghahanap ng sagot
2. Paglalatag ng problema
3. Ginagabayan ng pamamaraan
4. May layunin at gamit
Tunguhin ng pananaliksik

Balidasyon ng kaalaman
Pagpapasubali ng kaalaman
Pagtuklas ng bagong
kaalaman
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

I. ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO


II. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-
ARAL
III. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
IV. KINALABASAN NG PAGTALAKAY
V. PAGWAWAKAS AT TAGUBILIN
Nagsisimula ang lahat sa…
 IDEYA – Matibay, matayog, makulit…nakahahawa. Sa
simulang nag-in-in na ang ideya sa isip natin—hindi
na ito mawawaglit. Ang ideyang mabulas, may
porma, may hugis at higit pang nalilirip ay
kumakapit, nakadikit sa kamalayan, diyan sa ating
isip.
 Ang ideya ang nagiging tesis
 Thesis statement/paglalahad ng tesis
 Ang tesis na inilahad ay magbubunsod ng maraming
tanong
 Ang tesis ay gagawing patanong…
At pinagyayaman ito ng
pagtatanong

 Praktikal na tanong
 Espekulatibo/pilosopikal
 Panandalian/tentatibo
 Imbestigatibo
 Disiplinal
Mula ideya hanggang limbag
 Ideya
 Tesis
 Tanong
 Suliranin
 Balangkas
 Metodo
 Dalumat
 Pagsulat
 Wakas
 Limbag
Mga uri ng pananaliksik at mga metodong maaaring gamitin

URI KATANGIAN METODO


Pangkasaysayan Pag-aaral sa nakaraan – Archival research
/Historikal pangyayari, tao, lugar, Paggamit ng pangunahing
gawi/tradisyon/kultura, dokumento, ebidensya,
at kaisipan artifact
Oral na kasaysayan

Tekstwal (Pampanitikan at Pag-aaral at pagsusuri ng Panunuring


Pansining) teksto o diskurso ayon sa pansining/pampelikula/pa
interpretasyon ng ng-musika/pandula
mambabasa o batay sa
teoryang gagamitin ng
mambabasa
URI KATANGIAN METODO
Pilosopikal Pagtatanong o Kritikal na pagtatanong-
pamimilosopiya hinggil sa tanong
buhay, reyalidad, Pilosopikal na analisis
kalayaan, kamatayan,
katwiran, pananaw sa
mundo, o kaisipan ng tao
Empirikal Siyentipikong pag-aaral ng Sarbey
tao sa kanyang sarili,
lipunan, kaisipan, pag-
unlad, at kapakanan
gamit ang estadistika at
metodong quantitative
Relasyunal (Sosyolohikal, Qualitative na pag-aaral Analisis ng diskurso
Antropolohikal, sa ugnayan ng tao bilang Obserbasyon
Sikolohikal, Agham indibidwal, grupo at sa Paglahok-obserbasyon
Pampulitika) kanyang institusyon, Interbyu
lipunan sa loob at labas FGD
ng bansa batay sa
kanyang lahi, gender, uri,
kapangyarihan, tradisyon,
at kultura
Uri ng Pananaliksik batay sa
pakay
1. Pangunahing pananaliksik (Basic Research)
 Umiikot ito sa mausisang pagtatanong ng mga
mananaliksik tungkol sa isang posibleng ideya;
phenomenon na mahirap ipaliwanag; suliraning
nararanasan sa lipunan, pagkatao at kalikasan;
at iba pang maaaring masagot o di kaya’y
mauunawaan lamang kapag natapos na ang
pananaliksik. May ilang tanong na wala
talagang tiyak na kasagutan sa kasalukuyan.
Uri ng Pananaliksik batay sa
pakay
 Halimbawa ng mga tanong:
 A.ano ang “black hole?” paano nito
maipaliliwanag ang simula ng kalawakan?
 B. Bakit may malulusog at mas magaganda ang
henerasyon ng mga bata sa ngayon?
 C. Ano ang dahilan ng makauring tunggalian sa
lipunan?
Uri ng Pananaliksik batay sa
pakay
2. Praktikal na pananaliksik (Applied research) –
umiikot ito sa hangaring matugunan at
masolusyunan ang isang praktikal na
suliraning sa lipunan. Isinasagawa ito dahil sa
direkta nitong kapakinabangan.
Halimbawa ng mga tanong:
Paano mas matututo ang kabataan sa loob ng
bahay?
Ano ang paraan ng pagpapataas ng ani ng palay
ngayong tag-init?
Ano-ano ang mga hakbang upang higit na
matugunan ang sakuna sa syudad?
Uri ng Pananaliksik batay sa
proseso
1. Descriptive- pananaliksik na nakatutok sa
pagpapakita ng pangyayari o nangyari: kung paano,
kailan at bakit nagsimula. Inuusisa nito ang
pinagmulan o kasaysayan ng isang bagay o
phenomenon sa pamamagitan ng masusi at
mabusising pangangalap ng datos o impormasyon.
Inilalarawan nito nang buo ang kuwento, diskurso o
phenomenon ayon sa pananaw at karanasan ng
impormante o kalahok sa pananaliksik.
Halimbawa: Ang Korean Pop at ang pagtangkilik nito
ng Kabataan.
Ang paglala ng krimen sa lungsod ng Maynila.
Uri ng Pananaliksik batay sa
proseso
2. Exploratory- pananaliksik na nagtatangkang
usisain ang nangyayaring phenomenon. Kasalukuyan
ang lunan at panahon ng pananaliksik na ito.
Nakikilahok ang mananaliksik upang sa kanyang
direktang karanasan at pag-aaral, maunawaan niya
ang paksa ng kanyang pananaliksik. Ang descriptive
na pananaliksik ay maaaring magbigay-daan sa isang
pananaliksik na exploratory at vice-versa.
Halimbawa ng paksa:
Ang pagkamaluho ng kabataan sa teknolohiya.
Ang paglala ng krimen sa Maynila sa Pananaw ng
mga kabataan.
Uri ng Pananaliksik batay sa
proseso
3. Explanatory- layunin ng pananaliksik na ito na
ipaliwanag ang sanhi at bunga o mga varyabol na
sangkot sa pagsusuri ng penomenon. Hindi lamang
ito simpleng paglalahad ng datos kundi
pagpapaliwanag o pagsusuri sa penomenong pinag-
aaralan.
Halimbawa ng mga paksa:
Ang epekto ng cramming sa ugali, pag-iisip, at
kalusugan ng mga estudyante.
Ang relasyon ng kakayang bumili at ang pagtaas ng
sahod ng empleyado.
Uri ng Pananaliksik batay sa
proseso
4. Experimental – sa istriktong depinisyon, ang
pananaliksik na ito ay ginagamit ng mga siyentista
upang kontrolin o manipulahin ang isa o maraming
varyabol at maipaliwanag ang kahihinatnan, sanhi-
bunga, o phenomenon batay sa mga salik o varyabol
na nakalatag sa disenyo ng pananaliksik.
Halimbawa ng mga paksa:
Mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng bata ng
kanyang unang wika.
Ang puyat at iba pang sanhi stress ng kabataan sa
gabi.
Uri ng Pananaliksik batay sa
proseso
5. Evaluative – ang pananaliksik ito na ginagawa
upang matukoy kung ang isang pananaliksik,
proyekto, programa, o polisiya ay nagging epektibo
o matagumpay sa pagsasakatuparan nito. Tinatawag
din itong impact study lalo na kung ang pananaliksik
ay may direktang pakinabang sa mamamayan.
Nakasalalay sa resulta ng ganitong pananaliksik kung
patuloy pa o hindi ang isang proyekto o programa.
Halimbawa ng mga paksa:
Ebalwasyon ng pagtuturo sa unang wika sa Carmona
Elementary School.
Ebalwasyon sa proyektong ronda sa gabi upang
pigilan ang krimen sa barangay San Rafael.
Uri ng Pananaliksik batay sa
saklaw na mga larangan
1.Disiplinari - nakatuon ito sa isang larangan batay
sa espesyalisasyon ng mananaliksik. Ang bawat
larangan ay may kanya-kanyang kalipunan ng
kaalaman (body of knowledge), metodo at mga
teorya at konseptong tinatalakay at pinag-aaralan
sa loob ng isang larangan.
Halimbawa ng mga paksa:
Ang mga bayaning mandirigma ng bayan ng San
Jacinto sa panahon ng pananakop ng Hapon
(larangan: Kasaysayan)
Uri ng Pananaliksik batay sa
saklaw na mga larangan
2. Multidisiplinari – ito ang tawag kapag higit sa
isang mananaliksik ang kabilang sa pananaliksik. Ang
mga mananaliksik ay mula sa magkakaibang
larangan at nakatuon para pag-aralan ang isang
paksa.
Halimbawa ng mga paksa:
Ang kapangyarihan ng kababaihan sa mundo ng
negosyo (pag-aaralan mula sa pananaw ng
sikolohista, sosyolohisya, historyador, ekonomista at
political scientist)
Uri ng Pananaliksik batay sa
saklaw na mga larangan
3. Interdisiplinari-ito ang kayarian ng pananaliksik
kung ang isang mananaliksik ay may background sa
dalawa o higit pang larangan. Inter/multidisiplinari
kung ang mga kalahok na mananaliksik ay may
pagsasanay sa dalawa o higit pang larangan.
Halimbawa ng paksa:
Ang tinig ng maralita sa kanilang panulaan (pag-
aaralan ng isang iskolar na may background sa
edukasyon, literature at antropolohiya)
Uri ng Pananaliksik batay sa
saklaw na mga larangan
4. Transdisiplinari-ganito ang pananaliksik kapag
tatahakin o pag-aaralan ng mananaliksik ang paksa
na kabilang sa larangang hindi niya gamay o
espesyalisasyon. Sabay niyang tutuklasin ang
larangan at ang kanyang paksang pinag-aaralan.
Halimbawa ng paksa:
Ang therapy ng poetika (pag-aaralan ng isang
clinical psychologist habang pinag-aaralan din niya
ang panulaan/poetika at ang epekto nito sa
makatang may sakit)
TAKDANG-ARALIN:
URI NG TITULO NG TESIS/ PANGALAN / KURSO
PANANALIKSIK BATAY DISERTASYON NG MAG-AARAL
SA PAKAY

Pangunahing
pananaliksik

Praktikal na
pananaliksik
TAKDANG-ARALIN:
URI NG TITULO NG TESIS/ PANGALAN / KURSO
PANANALIKSIK BATAY DISERTASYON NG MAG-AARAL
SA PROSESO

Descriptive

Exploratory

Explanatory

Experimental

Evaluative
TAKDANG-ARALIN:
URI NG TITULO NG TESIS/ PANGALAN / KURSO
PANANALIKSIK BATAY DISERTASYON NG MAG-AARAL
SA MGA SAKLAW NA
LARANGAN

Disiplinari

Multidisplinari

Interdisiplinari

Transdisiplinari
HAKBANG SA PAGPILI AT PAGBUO
NG PAKSA NG PANANALIKSIK
1. Alamin ang interes. Tukuyin kung anong paksa
ang tumatawag sa iyong pansin.
2. Gawing partikular o ispesipiko ang paksang
napili. Iwasan ang malawak na paksa.
3. Iangkop ang paksang napili ayon sa panahon o
time frame na inilaan upang matapos ang
pananaliksik.
4. Suriin kung ang paksang napili ay napapanahon.
5. Tukuyin kung may makakalap na sapat na datos
at sanggunian upang maisagawa ang
pananaliksik.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
A. Introduksyon at Paglalahad ng Tesis
Tatlo ang layunin ng bahaging ito:
una, para pukawin kaagad ang atensyon ng
mambabasa;
ikalawa, para magbigay ng maikling
background tungkol sa pag-aaral; at
huli, para ilatag kaagad ang pangunahing
ideya ng pag-aaral o tesis ng pag-aaral.
Hindi dapat lalagpas sa dalawang pahina ang
introduksyon; kung isang pahina lamang mas
mabuti.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
B. Paglalahad ng Suliranin
Ito ang mahalagang bahagi ng pananaliksik
dahil dito inilalatag ang mga tanong na
sasagutin ng mananaliksik sa kanyang pag-
aaral. May dalawang hati ang bahaging ito.
1. Pangunahing tanong-gagawing tanong ang
inilahad na tesis ng pag-aaral.
2. Mga sekondaryong tanong-layunin nitong
tutukan ang detalye ng pangunahing tanong
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga susi
at tiyak na tanong.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Hakbang sa Pagbuo ng Suliranin sa Pananaliksik
1. Tukuyin ang pangunahing ideya ng pananaliksik
o nais patunayan sa pag-aaral (tesis) at mga
layunin ng pananaliksik.
2. Ilista ang mga keywords na matatagpuan sa tesis
na pangungusap at layunin ng pananaliksik.
3. Gamit ang mga keywords, bumuo ng 3-5 tanong
na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
4. Tiyakin na ang mga nabuong tanong ay kayang
sagutin sa loob ng time frame na inilaan para sa
pagsulat ng pananaliksik.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Hakbang sa Pagbuo ng Layunin ng
Pananaliksik
 Isa lamang ang panuntunan sa
paglalahad ng layunin: gawing
pangungusap na paturol (declarative)
ang suliranin ng pag-aaral na
nakasulat sa pangungusap na
patanong.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
B. Suliranin ng pag-aaral
Ano ang pantawang pananaw ng
impersonasyon sa telebisyon at paano
nagiging isang kritisismo ang tawa o
pagtawa sa mga nangyayaring isyung
pulitikal sa bansa ng kinasasangkutan
ng iba’t ibang personalidad/tauhan sa
lipunan?
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
C. Layunin ng pag-aaral
Layunin ng pag-aaral na alamin ang
pantawang pananaw ng impersonasyon
sa telebisyon at kung paano nagsisilbing
kritisismo ang tawa o pagtawa sa mga
nangyayaring isyung pulitikal sa bansa
ng kinasasangkutan ng iba’t ibang
personalidad/tauhan sa lipunan.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
D. Kahalagahan ng Pag-aaral
E. Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral
Ang saklaw ang nagsasabi kung ano
lamang ang tatalakayin sa pananaliksik
at binabanggit naman sa limitasyon ang
hindi na saklaw ng pag-aaral. Lohikal
na makukuha ang saklaw ng pag-aaral
sa nilahad na tesis at sa mga suliraning
sasagutin sa pananaliksik.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
F. Balangkas Teoretikal
G. Paradigma ng Pag-aaral
H. Katuturan ng mga Termino
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT


PAG-AARAL
SURIIN, UNAWAIN AT MAGNILAY-NILAY

Sagutin ang mga sumusunod na


tanong. Ipaliwanag ang iyong sagot.
1. Ano ang pagkakaiba ng pangunahing
pananaliksik at praktikal na pananaliksik?
Bakit mahalaga ang dalawang ito? (2pts.)
2. Ipaliwanag ang kahulugan ng sistematikong
pananaliksik. Maglahad ng mga hakbang na
maaaring isagawa upang maging sistematiko
ang isang pananaliksik. (5pts.)
SURIIN, UNAWAIN AT MAGNILAY-NILAY

3. Tukuyin kung ano-ano ang mga


katangian ng isang mananaliksik. Sa
paanong paraan mahahasa ang mga
katangiang ito? (5pts.)
4. Isa-isahin ang uri ng pananaliksik
batay sa saklaw na mga larangan at
ibigay ang pagkakaiba-iba ng mga ito.
(8pts.)
Pinoy Nga! Ni Jess Abrera
Ano ang
ipinakikita ng
ganitong eksena
sa bus tungkol sa
identidad ng mga
Pilipino?

Nakatatawa ba
ang larawan?
Bakit o bakit
hindi?

Anong mga suliraning


panlipunan ang
makikita sa larawang
ito? Magbigay ng
dalawa at ipaliwanag
ang mga ito.
Metodolohiya sa Pananaliksik
 Ang metodolohiya ay kalipunan ng pamamaraan o
metodo na gagamitin o ginagamit ng mananaliksik
upang maisakatuparan ang ginagawang pag-aaral.

Tatlong Uri ng Metodolohiya


 Qualitative
 Quantitative
 Pinagsamang Metodolohiya (Qual-Quan)
Uri ng Metodolohiya
 Qualitative ang metodolohiya kung ang
hinihinging datos ay hinggil sa opinyon,
persepsyon at pananaw ng mga kalahok sa
pamamagitan ng interbyu, focus group
discussion, obserbasyon, at paglahok-
obserbasyon.
 Quantitative ang metodolohiya kung ang
hinihinging datos ay empirical batay sa
persepsyon, pananaw at pagtataya ng mga
kalahok sa pamamagitan ng sarbey at
paggamit ng estadistika.
Uri ng Metodolohiya
 Pinagsamang Metodolohiya (Qual-Quan)
kung sa kabuuan ng pananaliksik ay
ginagamit ang parehong uri upang makita sa
iba’t ibang anggulo o perspektiba ang
magiging resulta ng pag-aaral.
IBA’T IBANG METODO
1. Archival research - paghahanap ng mga
materyal tulad ng aklat, journal, pahayagan,
at magazine sa loob ng aklatan. Narito rin ang
koleksyon ng mga di pa nalilimbag na memoir,
talaarawan, personal na dokumento, mapa,
kalatas at marami pang iba na maaaring
gamiting pangunahing materyal.
OPAC –Online Public Access Catalog
IBA’T IBANG METODO
2. Oral na Kasaysayan-ginagamit ito ng mga
historyador upang saliksikin ang
impormasyong nagmumula mismo sa mga
taong kasangkot sa pangyayaring nakaraan na
o pangyayaring malaki ang naging ambag sa
ating kasaysayan. Kadalasan ang mga
impormante at mga buhay na saksi o malaki
ang partisipasyon sa mahalagang pangyayari
tulad ng pananakop ng mga Hapon, ang
proklamasyon ng batas militar, o rebolusyong
EDSA.
IBA’T IBANG METODO
3. Panunuring Pampanitikan – karaniwang
binabasa natin ang isang akda upang malaman
ang kuwento at maaliw dito. Subalit gamit
ang panunuring pampanitikan maaari nating
malaman ang tipo o uri ng karakter,
motibasyon ng bida at kontrabida, intensyon
ng awtor, ideolohiya ng teksto o akda,
reaksyon ng mambabasa, kritikal na pagbasa
at marami pang iba. Nangangailangang bihasa
sa iba’t ibang teoryang pampanitikan ang
mag-aaral upang suriin ang teksto.
IBA’T IBANG METODO
4. Pilosopikal na analisis – sa mga mag-aaral ng
pilosopiya, binibigyang pansin ang lohikal na
argumentasyon at ang kritikal na pagsusuri sa
diskurso, pananaw at kaisipan na tumatalakay sa mga
pilosopikal na tanong. Tulad ng: Paano natin
malalaman na alam natin ang ating kaalaman?
(epistemolohiya) ano ang kabutihan? (etika,
moralidad) Bakit kailangan nating magdusa o maghirap
habang nabubuhay? (existentialismo) Mayroon ba
tayong kalayaan? May buhay ba matapos ang
kamatayan? Ilan lamang ito sa mga maaaring suriin
gamit ang pilosopikal na lente. Ginagamit ang mga
pilosopiya ng mga dakilang palaisip o pilosopo upang
maging gabay sa gagawing pagsusuri.
IBA’T IBANG METODO
5. Paglahok-obserbasyon– ang obserbasyon ay
ginagawa upang tingnan o saksihan ang isang
pangyayaring kasalukuyang ginaganap-prusisyon sa
pista, live talk show sa studio, aksidente sa highway, o
simpleng pagmamasid sa palengke. Kailangang may
bitbit kang notebook at ballpen upang maisulat ang
nangyari na sariwa pa sa iyong isipan.
Halimbawa: sa loob ng palengke
Ano-ano ang organisasyon ng mga paninda sa loob?
Sino-sino ang madalas mamili?
Ano-ano ang madalas bilhin?
Sasagutin ng mananaliksik ang mga tanong bilang
IBA’T IBANG METODO
6. Focus Group Discussion (FGD) – isang uri ng
panayam na may apat (4) hanggang 16 na kalahok.
Naka-focus ang tanong sa paksang ipinaabot sa kanila
bago pa man ang FGD. Ang mga kalahok ay kailangang
may direktang kinalaman o may kaalaman sa paksa.
Halimbawa: Tungkol sa paggamit ng Social
Networking
Kailangang ang lahat nga kalahok ay may account dito
at talagang ginagamit ito. Kailangang kunin ang
pagsang-ayon ng mga kalahok kung irerekord o
kukunan ng video ang talakayan at kung gagamitin ang
kanilang tunay na pangalan.
KABANATA III
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Inilalahad sa bahaging ito ang mga pamamaraang
ginamit sa pananaliksik at angkop na instrumento na
ginamit sa nakalap na mga datos.
 Disenyo ng Pag-aaral
 Lugar ng Pag-aaral
 Mga Kalahok
 Instrumento ng Pananaliksik
 Pamamaraan ng Pag-aaral
 Estadistikang Pagtalakay

You might also like