You are on page 1of 3

University of the Cordilleras

Governor Pack Road, Baguio City

College of Arts and Sciences

Ikalawang Traymestre, T.P. 2018-2019

Walang Panginoon

Isang Masuring Pagsusuri

Ipinasa Bilang Katugunan

Sa Pangangailangan ng Asignaturang Filipino – 3 (Masining na Pagpapahayag)

Ipinasa kay:

Gng. Illuminada Isican

Ipinasa ni:

Arnel Olivas

Ika-4 ng Abril, 2019


I. Pamagat: Walang Panginoon

Akda: Deogracias A. Rosario

Si Deogracias A. Rosario ay isang mangangatha, mamamahayag, at makata. Kinikilala

siyá bilang “Ama ng Makabagong Maikling Kuwentong Tagalog.” Ipinanganak siyá noong

17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila sa isang mahirap na pamilya. Nag-aral siyá sa Manila

High School (ngayo’y Araullo High School. Namatay siyá noong 26 Nobyembre 1936.

Unang naging aktibo si Rosario sa larangan ng pamamahayag. Naging bahagi siyá ng

pahayagang Ang Demokrasya noong 1912 at ng satirikong magasing Buntot Pagi noong

1914. Noong 1917, naging reporter siyá ng Taliba at pagkaraa’y naging katuwang na editor

nitó. Sumulat din siyá sa Pagkakaisa ng Bayan at ng Photo-News (ngayo’y Liwayway).

Mas nakilala si Rosario sa mga naging ambag niyá sa larangan ng maikling kuwento.

Itinuturing na unang maikling kuwento sa Tagalog ang kaniyang akdang “Kung Ipaghiganti

ang Puso” na inilathala sa Liwayway noong21 Marso 1924. Ilan pa sa mga kinikilalang

mahuhusay niyáng kuwento ang “Aloha” (1932), “Ako’y Mayroong Isang Ibon” (1932) at

“Greta Garbo.” Ang mga kuwento niyá ay napabilang na sa mga antolohiya ng

pinakamahuhusay na akda.

Nakapagsulat si Rosario ng mahigit sa 80 maikling kuwento, dalawang maikling nobela,

dalawang de-seryeng nobela, at maraming personal na sanaysay, artikulo, at tula na

inilathala sa Photo-News. Nagkaroon din si Rosario ng kolum sa Taliba—ang “Mga Sulyap

na Pang-Sabado ni D.A.R.” na nagtampok ng mga rebyu ng aklat at mga ulat tungkol sa

mga pangyayari sa larangan ng panitikan.

II. Mga Tauhan at Tungkulin:

a) Marcos – binatang magsasaka na namatayan ng ama, tiyuhin, at kasintahan at masama ang

loob kay Don Teong

b) Don Teong – mayamang nagkamkam ng lupa nina Marcos at binuwisan sila, hanggang

mabigyan na ng taning na palayasin ang pamilya ng magsasaka sa kanilang lupa.


c) Anita – anak ni Don Teong at kasintahan ni Marcos. Namatay dahil sa pananakit ng ama.

d) Ina ni Marcos – ang kaisa-isang natirang kasama ni Marcos at dahilan kung bakit nagtitiis siya

para lumigaya ang ina.

III. Lugar ng Pinangyarihan: Lupang sakahan.

You might also like