You are on page 1of 14

Walang Panginoon

Deogracias A. Rosario
Talambuhay
• Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo,
Maynila noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang
magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong
1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa
Taliba.
• Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik,
Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga
Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya
ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong
Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng
tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng
kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga
akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa
kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.
• Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang
Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon
at iba pa. Ang pinaka-obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa
katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista. Binawian ng
buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyembre 26,
1936.
• Si Deogracias A. Rosario ay ang Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog sa
bansa. Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex, Delio, Dante A.
Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang
manunulat sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa
sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa pag-
unlad ng maikling kwentong Tagalog.
• Naging manunulat siya ng "Ang Democracia" noong 1915 at nang
kinalaunan ay nagsulat din siya para sa Taliba, na naglulunsad ng
buwanang patimpalak para sa tula at maiikling kwento. Sa Taliba, tumaas
ang kanyang posisyon bilang katulong ng patnugot at sa huli, ay naging
patnugot. Nagsulat din siya para sa Photo News, Sampaguita at Lipang
Kalabaw.
Pinagkunan ng Maikling Kwento
• Pluma 4 (Ikalawang Edisyon) Wika at
Panitikan para sa Mataas na Paaralan ni
Emily V. Marasigan. Ito ay inilathala ng
PHOENIX PUBLISHING HOUSE, INC.
927 Quezon Avenue, Quezon City
Tagpuan
• Kabukiran
Dito umikot ang buong kuwento. Dito
nakatira ang mag-inang Marcos. Ito’y
pagmamay-ari ni Don Teong.
Elemento
• MARCOS (bilog)
Ang pangunahing tauhan sa kuwento. Nakatira sa lupang
kinamkam ni Do Teong. Isang magsasaka at ang may-ari ng
kalabaw na sumuwag at nakapatay kay Don Teong.
• DON TEONG (lapad)
Ang gahamang may-ari ng lupang sinasaka nila Anito.
• INA NI MARCOS (lapad)
Ang butihing Ina ni Marcos. Isang madasalin at mapag-
arugang ina ni Marcos.
Banghay
• Linear na banghay na ginamit sa kwento. Ang Linear na
banghay ay nagpapakita ng pag-usad ng kwento mula sa
simula hanggang sa wakas. Ito rin ay tinuturing na
kombensyunal, tradisyunal at pangkaraniwang makikita sa
aklat. Simple lang daloy ng kwento. Nagkakaroon ng kaunting
pagbabalik tanaw ngunit kapag susundan ang daloy nito ito’y
nagsimula sa tahanan nila Marcos. Kinalaunan, nakatanggap
sila ng sulat na kailangan na nilang umalis sa lupang tinitirhan.
Hanggang sa gumawa ng hakbangin si Marcos kung paano
makakahiganti kay Don Teong. Hanggang sa isang hapon ay
nabalitaan ang pagkamatay ni Don Teong.
• Simula
Ipinakilala ang pangunahing tauhan na si Marcos. hindi malaman ni Marcos kung
saan siya magtutungo nang makita niya ang orasan na pasado 12: 40 na ng tanghali.
Isiniksik niya ang kanyang ulo kahit saan upang hindi marining ang animas. Ayaw ni
Marcos na makarinig ng tunog ng kampana na naghuhudyat ng panahong kailangang
ipagdasal ang mga kaluluwa ng mga yumao. Nakilala din ang butihing ina ni Marcos.
• Saglit na Kasiglahan
Nakatanggap ang mag-inang Marcos ng kautusan galling sa korte kung saan sila
ay pinapaalis na sa kanilang tirahan. Ang kautusang iyon ay kanilang natanggap dahil
sa kawalang kakayahang bayaran ang buwis nito. Ito ang lalolng nagpasidhi ng galit
ni Marcos kay Don Teong.
• Tunggalian
Tao laban sa tao (Si Marcos laban kay Don)
Bagamat ang tunay na nakapatay kay Don Teong ay ang kalabaw hindi naman ito
maisasakatuparan kung wala si Marcos. Sa umpisa pa lang ng kuwento ay alam na
natin ang tunggalian ni Marcos laban kay Don Teong. Upang makapaghiganti si
Marcos sa mga ginawa ni Don Teong ay nag-isip ito ng paraan kung saan hinding-
hindi siya matuturong salarin.
• Kasukdulan
Noong mabalitaan ng mag-inang Marcos na namatay na si Don
Teong. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay
Don Teong ay tila may sinumpang galit sapagka't bigla na lamang
sinibad ang matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis
na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay
tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay sinalo naman ng kabilang
sungay.
• Kakalasan
Gumawa ng imbestigasyon at napag-alamang ang kalabaw na
nakapatay kay Don Teong ay pag-aari ni Marcos.
• Wakas
Tumunog muli ang kampanang pampatay ngunit hindi na natatakot
si Marcos na makarinig nito. Nagunita niya ang kanyang alagang
hayop at nasabi niyang "Mapalad na hayop na walang panginoon”.
Teorya
• Teoryang Romantisismo
Ang Romantisismo ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda.
Ang damdaming ito ay ipinahihiwatig sa salita, parirala at pangungusap.
Nagbibigay ang teoryang ito ng patunay hinggil sa mga bahaging nagpapakita ng
pagtakas sa katotohanan, heroismo at pantasya.

Ang paggawa ng plano ni Marcos na mapatay si Don Teong na hindi siya


ang direktang magiging salarin.

Paliwanag: Sa kuwento ipinakita na si Marcos ang talagang dahilan kung bakit


namatay si Don Teong. Nilinlang niya ang kanyang alagang hayop at dahil dito’y
namatay si Don Teong. Ito’y dahil lamang sa kanyang naipong galit kay Don
Teong. Mula sa pagkamatay ng kanyang ama, kapatip at ang iniibig na si Anita.
• Teoryang Realismo
Ang teorya ng realismo ay ang paniniwala na ang karamihan ng
mga cognitive bias (kamalayang may kinikilingan) ay hindi pagkakamali,
kundi lohikal at paaran ng praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo sa "tunay
na mundo". Kasáma nito ang pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang
mas malawak na kaalaman kaysa sa kung ano ang sinasabi ng mga cognitive
experimenter (mga sumusubok sa kamalayan).

Ang panggigipit ng mga panginoong may lupa sa mga magsasaka.


 
• Paliwanag: Sa panahon ngayon, yumayaman ang mga mayaman at lalong
humihirap ang mga mahihirap. Sa kwento ipinakita ang kasakiman ni Don
Teong sa mga magsasaka. Ang ganitong pangyayari ay totoong nagyayari sa
panahon ngayon.
• Teoryang Ideyalismo
Pinakamaganda o pinakamagaling, mataas na pagtingin o
pagsasaalang-alang sa mga paksa ng sining o panitikan.
Pinakamahusay na dapat gawin.

Ang Ina ni Marcos


 
Paliwanag: Napaka-ideyal ng ina ni Marcos. Siya’y inang
maaalahanin, mapagmahal at higit sa lahat ay madasalin.
• Tema
Ang kasakiman ng mga mayayaman sa mga maralita.
Paliwanag: Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario na Walang
Panginoon, ay umiikot sa isang maralitang pamilya at sa kanilang
pakikipagtunggali sa mga mayayamang nagsasamantala sa
kanila. Mababatid ang pagtatagisan ng dalawang puwersa, ang
naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong at ng mababang
uri na makikita sa tauhang si Marcos. Dahil sa pangunahing
temang ito, maaaring suriin ang kuwentong ito ayon sa
Marxismong kritisismo.
Simbolismo
• Marcos- sumisimbolo sa mga taong api sa lipunan. Mga taong
inaalipusta ng mga may kapangyarihan at may kayamanan
ngnit sa huli gaya na rin ng katauhan ni Marcos ay may mga
tao na ring natututong lumaban.
• Don Teong- mga taong gahaman. Maaaring mga negosyanteng
walang ginawa kundi gawin ang ma bagay na lalong
magpapayaman sa kanila, o di kaya’y mga pulitikong
kinakamkam ang kaban ng bayan. Pareho silang walang paki-
alam sa ibang tao basta’t masunod lang ang kanilang nais.

You might also like