You are on page 1of 28

PANAHON NG

HAPON
KABANATA 7
(1941 hanggang 1945)
KALIGIRANG KASAYSAYAN
• Sinsabing ang panahong ng mga Hapones ay itinuturing na Gintong Panahon
ng Panitikang Tagalog sapagkat namayagpag sa panahong ito ang kalipunan ng
mga akdang binubuo ng mga maikling kuwento, sanaysay, tula at dula na
nasusulat sa wikang Tagalog.
• Nakatulong nang malaki ang pagbabawal ng pamahalaang Hapones sa pagsulat
ng anomang akda sa wikang Ingles, at dahil dito, ang mga dating sumusulat gamit
ang wikang Ingles ay bumaling sa pagsususlat sa Tagalog.
• Bagama’t nasasabing ang panahong ito ay tigib ng pangamba, takot, luha, dugo at
kamatayan, maituturing naman na ito rin ay panahon ng pagkamulat at paglinang
ng kamalayang pambansa o damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.
KALIGIRANG KASAYSAYAN
• Ang maikling kuwento ay naging maunlad at lubusang
namulaklak sa panahon ng Hapones at ang naging karaniwang
paksa ay buhay lalawigan.
• Hindi naging maunlad ang nobela sa panahong ito dahil sa
kakapusan ng papel.
• Ang mga naisulat na nobela ay Tatlong Maria (1944) ni Jose
Esperanza Cruz, Luha at Luwalhati ni Antonio Sempio (1942)
at Igorota sa Baguio ni Fausto Galauran (1945)
JOSE ESPERENZA CRUZ
• Baliuag, Bulacan
• Punong patnugot ng Liwayway Magazine
• Mga ambag:
• Villa Soliman (nobela) co-author: Amado
Yasona
Nobelang naisalan sa Pelikula:

1944

1937 1962
Tatlong Maria(1944)
Panakakumintil sa isipan ng mga tao
Serye sa Liwayway simula Enero 23 - Hunyo 26, 1943
Isinadula ni: Tsutomo Sawamura
Idinirihe ni: Gerardo de Leon
Ibang gumanap: Fernando Poe, Jose Padilla Jr., Carmen Rosales,
Norma Blancaflor at Liwayway Arceo
Adriano Laudico
• Kasama sa mga hanay ng
beteranong manunulat ng
Liwayway Magazine.
• Mamahayag at former editorial
director sa Liwayway Magazine
Ilan sa mga isinulat niya:

Bahay na Kristal (1952) Halimaw at Maynila (1959)


Iginuhit ni Nestor Redondo Aliwan Magazine

Alyas Madam Mr. Bold (1969)


Idinibuho ni Nes Ureta Bold Komiks

Ikaw at ako (1958)


Nestor Purugganan Rodondo
(Mayo 4, 1928 – Dec. 30, 1995)
• Kilala sa kanyang trabaho para sa DC
comics, Marvel Comics at iba pang
American publishers noong dekada 1970.
• Nag-aral ng arkitektura sa Mapua Institute
of Technology ngunit iniwan ito upang
simulan ang karera sa ilustrasyon.
Dr. Fausto J. Galauran
• Si Dr. Fausto Sanchez Jacinto Galauran ay
isang mahusay na manunulat sa panitikan.
May pinakamaraming nobela.
• Nakapagtapos ng kursong Medisina.
• Isinilang noong Oktubre 13,1904 at
nagsimulang maging manunulat sa gulang
na 15 taon.
Dr. Fausto J. Galauran
• Pinamamahalan ni Don Ramon Roces ang “Liwayway Magazine”.
• Inanyayahan siya ni Severino Reyes para magsulat.
• Kinuha siya ni Deogracias A. Rosario upang manunulat na walang
sahod.
• Noong 1923, ang kanyang kauna-unahang nobela “At Sa Wakas”.
• Ilaw at Panitik at Akademya ng Wikang Pilipino
• Tula, Maikling kwento, Tuluyan, Daglian, pang-Huebes na isyu
Taliba, Ang Mithi at sa ang Bansa, na isang Philippine National
Weekly.

Mga Akda:
• “Ang Rosaryo at ang Tabak” • “Ligaw na Bulaklak”
• “Anak ng Kriminal” • “Dilim at Liwanag”
• “Ang Hatol ng Langit” • “Bulaklak ng Bayan”
• “Lagrimas” • “La monjita”
Mga halimbawang nobela sa panahon ng Hapon
BUOD NG TATLONG MARIA
ni Jose Esperanza Cruz
Mga Tauhan:
• Maria Fe
• Maria Esperanza
• Maria Caridad
• Andres
• Donya Pilar
BUOD NG TATLONG MARIA
ni Jose Esperanza Cruz
• Sina Maria Fe at Esperanza ay magkapatid habang si Maria Caridad ay kapatid lamang sa
Ama.
• Ang ina ng dalawang Maria ay pumunaw na. Si Donya Pilar ay ang ina ni Caridad.
• Pantay-pantay ang pagmamahal ni Donya Pilar sa tatlong Maria.
• Ikakasal dapat si Caridad kay Andres at pumunta ang dalawang Maria hindi para dumalo
sa kasal kundi para tutulan ang kasal, sabihing paghatian na ang ari-arian.
• Nang hindi matuloy ang kasal, niyaya ng dalawang Maria si Caridad upang pumuntang
Maynila kung saan sila ay puro pagsasaya.
BUOD NG TATLONG MARIA
ni Jose Esperanza Cruz
• May ipinakilalang milyonaryong lalaki kay Caridad at nagkagusto ito sa kanya
ngunit ayaw niya.
• Isang araw ay sinadya ni Andres si Caridad sa Maynila upang sabihin na ang
kanyang inang si Donya Pilar ay nanghihina na.
• Sumama si Caridad pabalik ng lalawigan at sa sobrang saya ni Donya Pilar ay
ipinakasal niya ang dalawa, si Maria Caridad at Andres.
• Di kalaunan ay pumanaw na rin si Donya Pilar.
• Masaya silang namuhay ng simple. Nagtatrabaho si Andres sa kanilang bukirin.
BUOD NG TATLONG MARIA
ni Jose Esperanza Cruz
• Ngunit isang araw, ay may isang estranghero and kumatok sa kanilang
tahanan para sabihin na sila ay kinakailangan ng umalis sa loob ng
sampung araw. Nalaman nilang ibenenta pala ni Maria Fe ang lupa.
Kung kaya’t sinadya nilang puntahan si Maria Fe sa Maynila upang
kausapin ukol dito ngunit bigo ring bumalik ng lalawigan. Nang
magbago ang kapalaran, ang dalawang Maria naman ang nahirapan.
Bumalik sila ng lalawigan. Pinatawad at tinanggap naman sila ng buong
puso ni Caridad. Araw ng pagtatag ng (ikalawang) Republika nang
magsilang ng malusog na sanggol si Maria Caridad.
Boud ng Igorota sa baguio
ni Dr. Fausto J. Galauran
Si Serafin ay kailangang maging doktor dahil sa gusto ito ng kanyang
ama. Habang siya'y naglalakbay, biglang tumirik ang kanyang sasakyan,
binagyo at lumubog. Dinala siya kay Apo Lakay. Sabi naman ni Maan-Sip-
Ok na siya ay masamang espirito. Sinabi ni Imay na iyon ay hindi totoo.
Naniwala naman si Apo-Lakay. Isang araw nagkasakit ang kapatid ni
Imay na si Ulufa. Sinubukan itong pagalingin ni Serafin ngunit hindi siya
nagtagumpay. Isinigaw na lang ni Imay na magaling na si Ulufa. Tinuruan si
Serafin kung paano mamahay sa tribo.
Boud ng Igorota sa baguio
ni Dr. Fausto J. Galauran
Isang araw may nakita sila Serafin na taong pugot ang ulo at napagusapan
nilang gantihan si Apo Dagni. Sa pagsugod niya nakakita si Serafin ng isang
igorot. Sa takot ng igorot sinabi ng Diyos.
Nagulat at nagpasama si Serafin sa pari. Si Imay ay ipapakasal sa lalaki.
Tuluyan ng nagkalayo ang loob nina Serafin at Imay. Isang araw balak silang
bitayin ngunit sila ay nakatakas sa tulong ni Ulufa. Nagkaroon ng lindol at
namatay ang mga taong tribo. Kahit na namatay na ang pari kanyang
binigyan ng pangalan si Imay bilang Maria Trinidad at Valle Trinidad naman
sa kanyang tinirahan.
Tula
 isang anyo ng panitikan na nakatanggap ng higit na
pagbabago o impluwensya sa panahon ng Hapones.
 ang karaniwang paksa ng mga tula ay yaong tungkol sa
bayan o pagkamakabayan, pag-ibig, kalikasan, buhay-
lalawigan, pananampalataya, at sining.
Mauuri sa tatlo ang tulang lumaganap sa panahong ito:
1. Haiku – tulang binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtod.

Halimbawa ng Haiku ni Gonzalo K. Flores:


TUTUBI ANYAYA
Hila mo’y tabak Ulilang damo
Ang bulaklak, nanginig! Sa tahimik na ilog
Sa paglapit mo. Halika, sinta.
2. Tanaga – tulang maikli ngunit may sukat at tugma.

Halimbawa ng Tanaga ni Idefonso Santos:


PALAY KABIBI
Palay siyang matino kabibi ano ka ba?
Nang huminto’y yumuko May perlas maganda ka
Ngunit muling tumayo Kung idiit sa tainga
Nagkabunga ng ginto. Nagbubuntunghininga.
3. Karaniwang Anyo – tulang may tiyak na sukat, tugma, at
talingha.

Halimbawa ng isang saknong ng tulang may karaniwang anyo:


Ang mga tula ko’y huwag mong sunugin
Sila’y sugo lamang ng aking paggiliw
Kung ang magkaala’y puso ko, Giliaw
Puso ang iyong sunugin-durugin
Dula
Stage Shows – isang dulang walang tiyak na iskrip.
- karaniwang ito ay pinaghalong iyakan at
katatawanan. Ang mga pagtatanghal ay may paksang katawa-
tawa upang ikubli ang mga kapintasan ng mga hapones tulad
ng pangunguha ng ari-arian sa mga Pilipino o
nangungurakot.
Muling nabuhay ang dulang Tagalog na
pinamayanihan ng linguhang pagtatanghal ng
bagong dula sa:
• Avenue Theater – pinamahalaan at nasa panulat ni
Lamberto Avellana.
• State Theater – pinamahalaan ni Ramon Estella.
Lamberto Avellana
• isang pilipinong direktor na ipinagkakapuri at
respetado bago ang World War II.
• Noong 1976, si Lamberto Avellana ay pinangalanan ni
Presidente Ferdinand Marcos bilang pinakaunang
National Artist of the Philippines para sa mga
pelikula.
• Karamihan sa dulang nasulat ni Avellana ay
nagsasalamain sa buhay ng Pilipino noong panahon
ng Espanol. Tulad ng: “Panday Pira” ni Jose M.
Hernandez at “Sa Pula, sa Puti” ni Fransisco Soc
Rodrigo.
Maraming dulang panradyo na hinggil sa mga bayaning Pilipino na
pinagtulungang sulatin at itanghal sa entablado nina Jose M.
Hernandez at J. Villa Panganiban. Ang kinagiliwan ng mga nakinig
ay:
Ang Bayani ng Tirad Bago Matapon sa Dapitan
Utak Habang Panahon Sisa
Dramatic Philippines
• naitatag sa panahong ito na pinamahalaan nina Fransisco “Soc”
Rodrigo, Narciso Pimentel at mga kasama nila.
• naglalayon ito na magpakita ng panibagong paraan ng
pagtatanghal.
• Naitanghal ang Sino Ba Kayo? na isinulat at isinalin sa tagalog ni
Julian Cruz Balmaceda, Cyrano deentablo Bergarac, Charles Aunt
(Tia Upeng), The Golden Boy (Kid Labuyo) at ng ilang dula ni
Wilfrido Ma. Guerero sa Metropolitan at Opera House.
Dula
• Ang mga dulang pangtanghalan na itinayo sa panahong ito na
pinagtatanghalan ng mga tanyag sa pelikula at artista ay ang:
Avenue, Life, Manila Grand Opera, Metropolitan Theater, at
iba pa
• Kinagigiliwan din ng mga tao ang pakikinig sa mga dulang
panradyo bilang libangan o pampalipas oras.

You might also like