You are on page 1of 4

Pangalan: Jessa Vill Lopez Petsa: Mayo 13, 2023

Pagsusuri sa Akdang: Walang Panginoon

ni Deogracias A. Rosario

I. Uri ng Akdang Pampanitikan: Maikling kwento

II. Uri ng kwento: Maikling kwento

III. Paksa / Paksang –diwa at tema : Ang tema ng akda ay paghihiganti sa kapwa.

IV. Layunin ng May-akda ( Aral / Mensaheng ibig ihatid sa mga mambabasa)

Para sa akin , Ang tangi kong natutunan sa akdang ito na ang matinding galit at poot ay
ang tanging kalaban ng tao upang makagawa siya ng kasalanan. Ang paghihiganti ay hindi
lamang ang tanging paraan upang makamit ang hustisya at karapatan na nararapat nating
matamasa. Ang akdang ito ay nagpapaalala sa atin na ang lahat ng kasalanan ay may
karampatang parusa. Hindi nababatid ng Panginoon ang kasalanan ng hayop, ngunit
nalalaman ng Panginoon ang laman ng damdamin ng tao.

V. Nilalaman

a. Bakit gayong pamagat ang ginamit sa akda? Ano ang kaugnayan nito sa
nilalaman?
Ang maikling kwentong pinamagatang “Walang Panginoon” ay isang kwento ng
paghihiganti sa kapwa. Walang panginoon sapagkat ginamit ni Marcos ang isang
hayopupang makapag higanti o patayin si Don Teong na labis ang pagkamuhi ni marcos
dito. Ang hayop na kinasangkapan ni Marcos ay ang kanyang alagang kalabaw na kung
saan walang sinasanto ang kalabaw o anumang hayop kapag pumatay ng kahit anong
nilalang. Isinulat ito ng manunulat upang ipaalam sa mga mambabasa na ang lahat ng
sala ay may karampatang parusa. Ika nga sa isang sipi “May takdang parusa ang lahat
ng sala, ang pagtitimpi ay may hangganan, sa tao o sa hayop man ang pagtatanggol sa
sarili ay kailangan”

VI. Taglay ng Bisa


Nagtataglay ba ang akda/pelikula ng bisang dapat nitong taglayin tulad ng bisang
pangkaisipan, bisang pangkaasalan, bisang pandamdamin?a?

Bisang Pangkaisipan
Sa pamamagitan ng akdang ito ay nagbago ang aking kaisipan at pananaw sa buhay na
lalong
magsumikap upang kahit lumaki sa hirap ay hindi mananatiling nasa ilalim at patuloy na
maghangad sa pag-unlad. Dahil sa kwento, aking napagtanto na ang hustisya ay para
lamang sa mayaman at hindi mo makakamit ang tunay mong karapatan kapag ikaw ay
mahirap lamang. Gayundin, nabago nito ang aking kaisipan upang ipaglaban ang aking
mga karapatan at huwag pumayag na apihin at tapakan ng sinumang tao

Bisang Pandamdamin
Habang binabasa ko ang akda ay aking nararamdaman ang magkahalong awa, galit,
poot at pagkamangha. Sa karanasan pa lamang ng pamilya ni Marcos at sa mga
pang-aabuso na ginawa sa kanila ni Don Teong, ay hindi ko mapigilan ang
makaramdam ng awa sapagkat sila ay galing lamang sa mahirap na pamilya at patuloy
pa silang ginigipit ng mga nasa kapangyarihan. Gayundin, matinding poot at galit ang
aking nararamdaman nang patuloy na pahirapan ni Don Teong sina Marcos dahil sa
kautusan na pagpapalayas sa kanila sa kanilang lupain. At ang panghuli, ay ang
pagkamangha sa kadahilanang hindi isang pangkaraniwang bagay ang naisip ni Marcos
upang maghiganti kay Don Teong.

Bisang Pangkaasalan
Bilang isang tao, hindi na isang bagong bagay ang makaramdam o pagtatanim ng galit
sa isang tao na nagiging sanhi ng paghihiganti at ang hirap ng buhay, ika’y tinatapakan
ngnmayayamang walang puso’t kaluluwa. Kapag ika’y napuno o hindi na makapagtimpi,
ang naiisip mo na lamang ay ang paghihiganti.

VII . Paggamit ng guniguni .Nagtataglay ba ito ng kapangyarihan ng isip na


naglalarawan , nagbubuo at Lumilikha?

Ang ginamit na paraan sa pagpapahayag ng akda ay pormal. May mga ilan-ilan na


malalalim na salita ang ginamit na dumaloy sa paraang paglalarawan at pagsasalaysay.
Ang mga pangyayari ay masasagi sa isip ng mga mambabasa sa paggamit ng kanilang
imahinasyon.

VIII. Kaugnayan ng kwento/pelikula sa Pangunahing layunin ng edukasyon sa


kasalukuyan

Malaki ang naitulong ng kwentong ito sa edukasyon dahil ipinahayag dito na maraming
kabataan sa kasalukuyan ang kakikitaan ng matayog na pangarap sa buhay. Ang ilan
ay patuloy na nagsusumikap sa kabila ng iba’t ibang hamon.

IX. Iba pang Katangian

Ano ang katangiang ikinaiiba ng akda/pelikulang sinuri sa iba pang akda /pelikula?

Ang akda ay umiikot sa kwento ng kahirapan at mga epekto nito na nagsisilbing daan

Upang makita ang reyalidad sa lipunan.


X. Pagpapaunlad ng Akda/ Pelikula
Paano mo maaaring paunlarin ang akda/pelikula (Halimbawa maaaring palitan mo ang
pamagat, ang panimula ,ang wakas o di kaya’y sa tula naman, maaari mong palitan ang
mga salitang ginamit para lalong maging angkop sa paksa at temang ginamit at iba
pang maaaring pag
papalit tulad ng pangalan ng tauhan, dayalogo at iba pa).

Para sa akin ang aking babaguhin sa kwento ay ang wakas dahil wawakasan ko
ito na naging maayos ang pag-uusap nila Marcos at Don Teong tungkol sa suliranin nila
sa lupa at magkakaayos ang kanilang mga pamilya.

XI. Buod ng Akda( Kung ito’y nobela, dula, pelikula) Ibigay ang buong akda kung
ito’y Tula, awit, maikling kwento, sanaysay.

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa


mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng
pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama,
dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita ay
anak naman ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay
Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si
Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng
pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Sina
Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y
kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang
kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyan ang
dahilan ng
pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng
sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang
galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng
kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na
siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi
katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng
kampana.Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya naming pagdating ng isang
kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang
malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid.
Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang
tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng
mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don
Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si
Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos
ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon.
Pinakawalan niya ang kaniyang
kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling
araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga
gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan
ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang kaluluwa ng
namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw.
XII. Ano-anong teoryang pampanitikan ang ginamit sa akda at ano ang nangingibabaw
na teoryang pampanitikan? Patunayan. Ibigay ang bahagi na magpapatunay sa sagot.

Teoryang Klasismo
Ang teoryang klasismo ay naglalayon na maglahad ng mga pangyayaring ukol sa
pagkakaiba ng estado ng buhay ng dalawang nag-iibigan. Sa kwento, tunay na makikita
na mayroong malaking pagkakaiba sa estado ng pamumuhay ni Marcos at ni Anita. Sila
ay nag-iibigan bagaman si Marcos ay isang binatang magsasaka at si Anita naman ay
anak ng isang matandang haciendero.

Ang teoryang realismo


Ang layunin ng teoryang ito ay maipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng
may-akda sa kanyang lipunan. Hindi maipagkakaila na hanggang sa kasalukuyan ay
nagnyayari sa tunay na buhay ang mga pang-aabuso sa mga magsasaka at mga
mahihirap sa pamamagitan ng mga hindi tamang pamamalakad sa mga lupang
sakahan. Gaya na lamang sa akda, binubuwisan ang mga lupa ng mga mahihirap at
mga magsasaka upang ang makinabang ay ang mga makapangyarihan at mga tao na
sakim na sa kayamanan.

You might also like