You are on page 1of 3

I.

Pamagat ng Dula: “SA PULA,SA PUTI”


a. Sumulat ng Iskrip: FRANCISCO “SOC” RODRIGO
II. Buod ng Dula:

Si Kulas at Celing ay ang magasawang hindi masyadong mayaman o mahirap, katamtaman lang
ang katayuan nila sa buhay. Kaya lamang ang asawa nitong si Kulas ay nalululong sa bisyo ng pagsasabong
ng manok. Namomroblema itong si Celing sa asawa sapagkat lagi nalang talo kung umuwi ang asawang si
kulas galing sa sabong. Kung kaya ay umisip siya ng paraan para hindi sila tuluyang mabaon sa kahirapan.
Palihim niyang pinapupusta ang engot na kasambahay na si Teban sa manok ng kalaban upang kahit manalo
man o matalo si kulas sa sabong ay wala pa ring talo.
Nagpatuloy ang ganoong Gawain hanggang sa isang araw ay para yatang nawawalan nan g pag-
asa itong si Kulas sapagakat hindi naman daw pabor sa kanya ang suwerte kung kaya ay nakapagdesisyon
siyang iwan na ang pagsasabong. Ngunit nagbago na lamang ang kanyang isip ng siya ay mapagpayuhan
ni Castor, kasamahan rin niya sa sabongan, sa mga sandaling iyon ay tinuruan ni Castor si Kulas sa mga
nararapat nitong gawin na mga estratehiya upang manalo si kulas. Sa katagalan ng kanilang pag-uusap,
hangga ng sa muli nanamang nabuhayan itong si Kulas a mananalo siya sa sabong sa pagkakataong ito.
Muli ay nanghingi siya perang pamusta sa sabong kay Celing sabay nangakong kung matatalo pa siya sa
pagkakataong iyon ay malaya na si Celing na ihawin ang lahat ng kanyang Tinali at nangako rin siyang
kakalimutan na niya ang sabong.
Sumapit na nga ang oras ng pagsasabong at pumunta ng palihim si Kulas na pumusta sa manok ng
Kalaban gaya ng itinuro ni Castor sa kanya. Pinapusta rin ni Aling Celing si Teban sa manok ng kalaban.
Ngunit sa di inaasahang pangyayari ang manok ni Kulas na sadyang tinusok ng karayom ang paa upang
sadyang humina at tuluyang matalo ay siya palang mananalo sa labanan ng mga tinali. Sa pagkakataong
iyon ay kapwa natalo sa sugal ang mag-asawang Kulas at Castor at wala man lang silang nakuha kahit ni
katiting na kusing. At natupad ang kasunduan ng mag-asawa na iihawin ang lahat ng tinali at magbabago na
si Kulas sa kanyang bisyo ng psgsusugal.

III. Mga Tauhan


b. Pangunahing Tauhan
KULAS
- ang pangunahing tauhan sa kwento, isang sabongero na hindi nawawalan ng pag-asang suwertehin
sa pagsasabong.

c. Pantulong na Tauhan
CELING
- maybahay ni kulas, laging nagpapaalala kay kulas na tigilan na nito ang pagsasabong. Pumupusta
siya ng palihim sa manok ng kalaban dahil manalo man o matalo ang kanyang asawang si kulas ay
hindi mababawasan ang kanilang salapi.
SIONING
- kaibigang matalik ni Celing. Tanging napagsasabihan ni Celing ng kanyang mga saloobin patungkol
sa patuloy na pagsasabong ni kulas.
CASTOR
- isang bihasa sa pagsasabong na nagtulak pa lalo kay kulas para huwag mawalan ng pag-asa sa
pagsasabong. Pinagpayuhan niya si kulas sa mga nararapat umano nitong gawin upang manalo sa
sabong.
TEBAN
- isang engot na kasambahay nila Kulas at Celing. Siya ang inuutusan ni Celing upang pumusta ng
palihim sa manok ng kalaban ni Kulas.

IV. Tagpuan
SA SABUNGAN
- Kung saan laging pumupunta si Kulas upang pusta at magsugal.

V. Teoryang Nakapaloob
REALISMO
Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao,
anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o
paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga
naapi.

Masasabing ito ay kinapapalooban ng realismo dahil ang mga pangyayari sa kwentong ito ay nangyari na sa
totoong buhay. Katulad na lamang ng mga lalaking nalululong sa pagsasabong na gumagamit ng daya, gaya
ni Castor at Kulas, na kung saan ang ganitong mga gawain ay walang magagandang maidudulot sa pamilya,
lipunan at sa sarili.

VI. Paksang Diwa


Ang pagsusugal ay ang isa sa ipinagbabawal na gawain ng kapwa batas ng Tao at Diyos. Kapag
ang isang taong nalululong sa masasamang gawaing tulad nito ay hindi lamang ang taong nagsusugal ang
maaaring maapektuhan nito kundi pati na ang mga taong nasa kanyang paligid. Sa pagsusugal ay
gumagamit ng hindi mabilang na masasamang gawaing tulad ng pagdaraya. Labag ito sa kahit na sinuman.
Ang pagdaraya ay binubuo ng kasakiman at pagkamakasarili. Wala itong kinikilalang mali at tama. Wala rin
itong magandang maidudulot, bagkus ay doble ang balik nitong kamalasan sa taong gumagawa ng ganitong
uri ng gawain.

VII. Istilo at Pagkamasining


Isang magandang pagpapahiwatig ang ginamit ng may akda sapagkat ginawa niya itong
nakakaaliw at hindi naging mabigat ang tema. Maganda rin ang pagkakatagpi-tagpi ng mga pangayayri na
magdudulot ng patuloy pang pagbabasa. Pormal ang mga salitang ginamit, ngunit ito ay simple na
maiintidihan ninuman.

VIII. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman


a. Kahalagahang Sosyal at Pangkabuhayan
Ang paniniwala ng mga Pilipino sa swerte na nakakasama minsan, sapagkat tila tumatakbo na rito
ang buhay nila. Karagdagan pa ay ang bisyo sa sugal na nakakasama rin. Tulad sa akda na ang sugal
ay puno ng kasinungalingan at pandaraya. Dahil dito ay masasabing wala talagang nanalo sa sugal.

b. Kulturang Filipino
Namana nating kaugalian sa panahon ng Kastila ang pagsasabong na isang uri ng sugal na
kinahuhumalingan ng mga nakararami. Masasabi man nating may nahubog itong magandang
kauugalian tulad ng pagiging matapat sa akto ng pagtaya sa sabungan na pawang mga salita lamang
ang pinanghahawakan ng mga tagapamagitan na sumusubok sa panindigan ng salita ng isang indibidwal
matalo man o manalo ay isang narkotiko pa rin kung matuturing ang sugal. Sa akdang nasuri ay may
ilang kaisipang napalutang ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

" Magsanay ka sa ilang gawaing mapakinabangan upang ng may ipagtatawid-buhay. Iyan ang
mangangalaga sayo sa kinabukasan at maglalagay sayo sa isang kapurihang makaakit sa malas na
madla…." Isang halaw sa ani Pura Kalaw

c. Sinmolismong Filipino
Ang bansang Pilipinas bilang isang arkeplago sa Timog Kanlurang Asya aay mayaman sa mga sarili
at namanang kaugalia't tradisyon. Maging sa ating kulay ay namumukod tangi tayo sa pagkakaroon ng
kayumangging balat. Ngunit watak watak ang pulong ating kinatitirahan na di naman dahilan ng
pagkakawatk-watak natin bilang Pilipino. Kaya't mapadako ka man sa banyagang lupain ay di mo
maitatanging panabikan ang sariling atin. Ngunit ngayon, kahit noong una'y unti-unti na itong nalulusaw
dala marahil ng pagpasok ng ugali maski bagay na pawing mga kanluranin.

d. Kahalagahang Pangkatauhan
Kadalasan ang bisyo ay nagiging sanhi ng di pagkakaunawaan ng pamilya sapagkat maraming Tao
ang naghahangad ng biglang yaman sa pamamagitan g sugal suubalit may mga taong kapag natatalo
ay ayaw pa rin tumigil hanggang sa mabaon na sa utang at tuluyang maghirap. May kasabihan nga na
kung may galit ka sa isang Tao ay turuan mong magsugal at para ka na ring makaganti. Sa mga kilalang
Tao sa lipunan ay marami na ring nalulong at nasira ang buhay dahil sa sugal.

IX. Iskrip
Ang pagsulat ng iskrip ay napakadetalyado hanggang sa simpleng galaw lamang ng mga tauhan
ay maaantig at makakasabay ang manunuod/mambabasa. Mababaw lamang ang mga salita/pang araw-
araw na pananalita.

X. Pagwawasto ng Dula
Nakakatuwa ang ilang senaryo sa dula kung saan matatawa at mapapangiti ka. Para sa akin ay
wala nang dapat pang isaayos sa akdang ito sapagkat ito ay mahusay nang inilimbag.

XI. Pangkalahatang Puna at Mungkahi


Maganda ang kuwento, ang istruktura at ang pagkakalahad. Tunay na hahangaan ang may-akda
pagkat naipakita niya ang isang mabisang paglalahad ng kuwento. Nag-iwan rin ito ng magagandang
kaisipan na kapaki-pakinabang sa mambabasa. Naging kaiga-igaya at madaling maiuugnay ng bawat
yugto ng pangyayari sa ating buhay. Ang mga taong nalululong sa bisyo ng pagsasabong ay may pag-asa
pang magbago.

You might also like