You are on page 1of 6

LOBRIN, GELINE F.

ABRIL 18,2020
C19-11625
BSED III FILIPINO
DULAANG PILIPINO
FIL 219

PAGSUSURI NG DULANG NAPANOOD

A. Pamagat ng Dula: Sa Pula sa Puti

B. Awtor: Fransisco “Soc” Riodrigo

C. Panahon: Ang dulang ito nabibilang sa panahong isinulat ito ni Francisco “Soc” Rodrigo

at nabibilang pa rin sa kasalukuyang panahon.

D. Teoryang nakapaloob sa dula:

 Teoryang Realismo

- Ang dulang Sa Pula, Sa Puti ni Rodrigo ay nabibilang sa teoryang realismo

sapagkat ang mga kaganapan at kalagayan ng tauhan sa kwento ay makikita sa

tunay na buhay. Sa atiung bansa, tunay ngang ang mga pangyayari sa kwento ay

makikita sa buhay na mayroon ang mga Pilipino. Ang pagsasabong ay isa sa mga

bisyong talamak dito sa ating bansa. Katulad ng pangunahing tauhan sa dula na si

Kulas, maraming Pilipinong lalaki ang nahuhumaling sa sugal na ito at

karaniwang iniaasa rito ang kanilang swerte sa buhay. Makikita rin sa tunay na

buhay ang sitwasyon na mayroon ang asawa ni Kulas na si Ceiling na

namomroblema sa asawang adik sa pagsasabong. Sa panahon ngayon, ang

pagsasabong ay hindi mapigilan. Kahit na pandemya at walang kita ang maraming


Pilipino naging talamak pa rin ang nasabing sugal sa bansa dahil nauso ang E-

sabong na kung saan pumupusta ang mga kalalakihan sa online sa kadahilanang

bawal ang kumpulan sa panahon ng pandemya. Ang sitwasyong ito ay maiuugnay

sa dulang Sa Pula, Sa Puti at magpasahanggang ngayon, ang sabong ay

nangyayari pa rin at hindi mapigilan.

E. Sangkap ng Dula:

 Simula:

Nagsimula ang kwento sa pagtatalo ng mag asawang Kulas at Celing. Maaga pa

lamang ay nanghihingi na si Kulas ng pera sa kanyang asawa upang ipamusta sa sabong.

Nangako sya sa kanyang asawa na sa oras na matalo ito ay titigil na ito sa sabong ngunit

hindi naman ito tumupad. Lingid sa kanyang kaalaman, ang asawa nyang si Celing ay

napusta sa kalaban para makasiguro na babalik din ang perang tinaya ng kanyang asawa.

Si Teban ang inuutusan ni Celing na pumusta sa sabungan.

 Tauhan:

- Kulas – Siya ang pangunahing tauhan sa dula na nahilig sa pagsasabong

- Ceiling – Siya ang asawa ni Kulas na hindi sang-ayon sa pagsasabong ng

kaniyang asawa.

- Teban – Siya ang kapitbahay ng mag-asawa na inutusan ni Ceiling na pumusta sa

manok na kalaban ni Kulas.

- Castor - siya ang naghimok o tumulak kay Kulas na huwag umayaw sa

pagsasabong.
- Sioning – Siya ang matalik na kaibigan ni Ceiling.

 Suliranin:

Ang pangunahing suliraning mayroon ang tauhan sa dula ay ang pagkalulong nito

sa bisyong sabong na kung saan kahit paulit-ulit ang kaniyang pagkatalo ay hindi pa rin

siya tumitigil.

 Gitna:

Sa gitna ng dula, gumawa ng paraan si Ceiling sa hindi mapigil na bisyo ng

asawa. Pumupusta ito sa kalaban sa tulong ng kapitbahay nitong si Teban upang ang

perang naipatalo ni Kulas ay bumalik din sa kanya.

 Saglit na kasiglahan:

Sa patuloy na pagkatalo ni Kulas sa pagpusta nito sa kaniyang tinaling manok,

sinumpa niya kay Celing na hindi na siya muli pang sasabong. Ngunit nabali ang lahat ng

ito nang kinausap ni Castor si Kulas at isiniwalat ang kaniyang ginagawang pandaraya sa

tuwing pumupusta. Sa pamamagitan nito, muling nahimok si Kulas na magsabong muli at

nakumbinsing gawin dn ang ginawa ni Castor nang sa gayon siya ay manalo.

 Tunggalian;

- Tao laban sa Tao


Ang hindi pagsang-ayon ni Ceiling sa pagsasabong ng asawa dahil sa palagi

nitong pagkatalo. Dahil dito, madalas silang nag-aaway o nagtatalo at nagiging problem

ana ng mag-asawa.

 Kasukdulan:

Matapos pilayin ni Kulas ang kaniyang tinali, siya ay humingi ng malaking

pampusta kay Celing dahil nangako siyang ito’y huling sabong na at kikita at babawi siya

sa lahat ng perang nawala sa kanila. Dahil nga sa ayaw ni Celing na magtalo pa sila

niKulas ay binigay na nito ang dalawampung piso upang makapagsabong na ito. Tulad ng

nakasanayan ni Celing, pinasundan naman niya si Kulas kay Teban upang pumusta sa

kalaban nito. Hindi nila alam na sa kalaban din pupusta si Kulas dahil tiyak niya nang

matatalo ang kaniyang tinali.

 Wakas:

Natawa na lamang si Sioning at Celing dahil sa nangyarinh pagkatalo ng mag-

asawa ng malaking halaga. Ngunit dahil tuwang-tuwa si Celing na hindi na magsasabong

kailanman ang kaniyang asawa, inimbita niyang lahat ang kaniyang mga kaibigan dahil

siya ay maghahanda. Ipinaihaw nila ang manok na tinali at ginawang ulam nila ng gabing

iyon..

 Kakalasan:

Napag-alaman ni Kulas na sabungera pa lang pailalim ang kaniyang asawa at sa

kalaban pa ito pumupusta. Pinaliwanag naman ito ni Ceiling na kaya niya ito ginagawa

ay para kahit na matalo o manalo si Kulas ay hindi ay hindi sila mawawalan. Pina;iwanag

din ni Kulas na totong natalo si Teban at siya rin naman ay natalo sa pinustahan.
 Kalutasan:

Napagdesisyunan ni Ceiling na lihim na kalabanin ang asawa sa pagsasabong.

Dahil nga sa hindi pagsang-ayon nito sa pagsasabong ng asawa at sa tingin niya ay hindi

na ito mapigilan kahit ilang beses nang natalo, kinausap niya ang kaniyang kapitbahay na

si Teban na kalabanin ang manok na pinusta ni Kulas nang sa gayon kahit matalo ang

kaniyang asawa ay babalik pa rin sa kaniya ang pera.

F. Buod ng Dula;

Si Kulas at Celing ay ang magasawang hindi masyadong mayaman o mahirap,

katamtaman lang ang katayuan nila sa buhay. Kaya lamang ang asawa nitong si Kulas ay

nalululong sa bisyo ng pagsasabong ng manok. Namomroblema itong si Celing sa asawa

sapagkat lagi nalang talo kung umuwi ang asawang si kulas galing sa sabong. Kung kaya

ay umisip siya ng paraan para hindi sila tuluyang mabaon sa kahirapan. Palihim niyang

pinapupusta ang engot na kasambahay na si Teban sa manok ng kalaban upang kahit

manalo man o matalo si kulas sa sabong ay wala pa ring talo.

Nagpatuloy ang ganoong Gawain hanggang sa isang araw ay para yatang

nawawalan nan g pag-asa itong si Kulas sapagakat hindi naman daw pabor sa kanya ang

suwerte kung kaya ay nakapagdesisyon siyang iwan na ang pagsasabong. Ngunit nagbago

na lamang ang kanyang isip ng siya ay mapagpayuhan ni Castor, kasamahan rin niya sa

sabongan, sa mga sandaling iyon ay tinuruan ni Castor si Kulas sa mga nararapat nitong

gawin na mga estratehiya upang manalo si kulas. Sa katagalan ng kanilang pag-uusap,

hangga ng sa muli nanamang nabuhayan itong si Kulas a mananalo siya sa sabong sa

pagkakataong ito. Muli ay nanghingi siya perang pamusta sa sabong kay Celing sabay
nangakong kung matatalo pa siya sa pagkakataong iyon ay malaya na si Celing na ihawin

ang lahat ng kanyang Tinali at nangako rin siyang kakalimutan na niya ang sabong.

Sumapit na nga ang oras ng pagsasabong at pumunta ng palihim si Kulas na

pumusta sa manok ng Kalaban gaya ng itinuro ni Castor sa kanya. Pinapusta rin ni Aling

Celing si Teban sa manok ng kalaban. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ang manok ni

Kulas na sadyang tinusok ng karayom ang paa upang sadyang humina at tuluyang matalo

ay siya palang mananalo sa labanan ng mga tinali. Sa pagkakataong iyon ay kapwa natalo

sa sugal ang mag-asawang Kulas at Castor at wala man lang silang nakuha kahit ni

katiting na kusing. At natupad ang kasunduan ng mag-asawa na iihawin ang lahat ng

tinali at magbabago na si Kulas sa kanyang bisyo ng psgsusugal.

G. Kongklusyon:

Ang anumang sugal o bisyo ay hindi magdudulot ng maganda sa buhay ng tao.

Maganda man ang layunin at intensiyon ng taong nakikilahok dito, hindi pa rin itong

magandang paraan upang maging matagumpay. Sa kasalukyan, ang ganitong sugal ay

patuloy na lumalaganap sa ating bansa. Dahil sa ipinagbabawal nga ito, ang mga Pilipino

ay gumagawa pa rin ng paraan na kung saan ito ay nagiging iligal na.

Para sa akin, ang salitang swerte ay hindi dapat natin inaasahan. Mas paniwalaan natin

ang Diyos na tumutugon sa lahat ng ating pangangailangan. Magsumikap sa buhay at

magtrabaho nang marangal at huwag sa swerte iasa ang lahat.

Ang masamang gawain ay magdudulot ng masama.

You might also like