You are on page 1of 5

Sa Pula Sa Puti

(Dula)

Ipinasa ni: Maricar M. Paladan


Ipinasa kay: Bb. Janet T. Heredero
Buod:
Si Kulas, ang sabungerong asawa ni Ceiling, sumakatwid papaalis na si Kulas upang
tumungo sa sabungan. Bago pa siya umalis ay naikwento ang kanyang napaginipan, Ito
ay tungkol sa kalabaw na puti na sinasabing siyay siswertihin. Patuloy nitong hinihimas
himas ang manok habang nagkakausap sila Celing, at nang paalis ay dumating naman si
Sioning ang ang kaibigan ni Celing. Iniaanyayaan ni Sioning si Celing na pumunta kila
aling Kikay upang kumuha ng sabon, at nagkuwentuhan narin. Maya’t maya pa ay
tinawag ni Celing si Teban galing kusina at napagutusang pumunta sa sabungan at
tumaya sa kalaban. Nagtataka si Sioning kay Celing kung ito ba ay sabungera narin,
ipinaliwanag naman ni Celing ang dahilan na kung matatalo si Kulas ay mababawi
naman nito ang napiyerdeng pera at ito’y palihim lamang kay Kulas. Nang dumating na
si Teban ay agad nitong binalita na nanalo ang pusta ni Celing at agad siyang pinapunta
sa kusina. Umuwi si Kulas na talunan at sinabi kay Celing na isusumpa nya na ang
pagsasabong. Nang umalis na sila Sioning at Ceiling ay agad namang napadaan si
Castor kakilala ni Kulas, matanda ng kaunti sa kanya. Mainit ang ulo nim Kulas ngg
dumating si Castor, kinamustra ni Castor si Kulas. Nag kuwento naman si Kulas tungkol
sa kanyang pagkakatalo sa loob ng ilang taon. Naikwento rin ni Castor kung bakit siya
nakararanas ng pagkapanalo at inadbaysan nya si Kulas ng paraan upang siyay manalo.
Pinkakuha siya ng isa sa kanyang mgha natali, pinakuha rin siya ng karayom upng
mailagay sa manok at manghjina, dahil tatayaan ang kalaban ng pasekretro, dahil pag

natalo na ang sariling manok ay mananalo ang pusta sa kalaban.

Sinabihan narin ni Castor si Kulas na laki-lakihan niya ang hihingiing pang pusta, agad
namang pinaalis ni Kulas si Castor dahil ayaw niya itong makita ni Celing sa kanilang
bahay.Nang dumating na si Ceiling at Sioning ay agad ng humingi si Kulas ng kwarta
para agad na siyang pumunta sa sabungan. Nagtataka si Celing dahil ang akala niya’y
isusumpa na ni Kula ang pagsasabong. Ngunit itoy nangako na hindi na siya ulit
magsasabong,at sinabing silay makababawi. Ikibagulat naman ni Celing ang halaga na
hingi ni Kulas na dalawampung piso binigyan naman siyan dahil iyon na ang kahuli-
hulihan.Pumunta na si Kulas sa sabungan, tinawag naman ni Celing si Teban at binigyan
ng dalawampung piso upang tumaya sa kalaban, nagulat naman si Teban dahil
napakalaking halaga ang itataya nya. Maya’t maya pa ay natapos narin ang sabungan.
Umuwi narin si Teban at pinaalam kay Celing na piyerde ang kanilang pusta, ikinabahala
naman iyon ni Ceiling dahil alam niya’y panalo si Kulas. Sumunod namang umuwi si
Kulas, kanyang isusumpa ang pagsasabong, sabi niya kay Celing, ipinagtakan naman ito
ni Celing dahil natalo ang pusta ni Teban kayat si Kulas ang mananalo. Hinanap ni Celing
ang dalawampung piso kay Teban at inaakalang kinuha nya ito, naitanong naman ni
Kulas kay Ceiling kung siya ba ay sabungera narin, ipinaliwanag naman ni Ceiling kung
bakit siya nagtataya sa kalaban, nasabi naman ni Kulas na balewala lang pag siya ay
nanalo. Sinabi narin ni Kulas ang totoo kung bakit nanalo ang manok niya pero sya ay
talo. Agad na inutusa ni Ceilingt si Teban upang manghiram ng kaserola dahil silay
magdidiwang, dahil hindi na muling magsasabong sin Kulas. Lulutuin naman ni Ceiling
ang anim na natiranng manok ni kulas. Sa huli ay makikita sa kilos ni kulas na hindi na

siya muling magsasabong.


Tauhan: Kulas

Celing

Sioning

Teban

Castor

Tagpuan: Isang karaniwang tahanan sa lalawigan. Ang pintuan sa likuran ay patungo sa labas;
ang sa kanan ay patungo sa kusina.

Tunggalian: Pagkatapos na bigyan ni Cerling si Kulas ng pera, ay agad itong pumunta sa


sabungan at pumusta sa kalaban. Sa hindi inaasahan, kabibitaw pa lamang ay tumakbo na ang
diyasking manokng kalaban at nanalo ang manok ni Kulas.
Kasukdulan: Umuwi si Kulas ng talunan galing sabungan, isinusumpa nya ang sabong,,
pagkatapos niyang mapiyerde ay nasabi niyang bwisit ang sabong, sumakatwid ay natalo ang
dalawampung piso na naipusta nya.

Wakas: Sa huli ay hindi na nagsasabong si Kulas, at kita na sa kilos nya na hindi na siya
muling magsasabong. Nagkaroon ng salo-salo sa kanilang bahay kasama ang iba pang mga
kaibigan dahil sa ipinangako ni Kulas kay Celing.

Aral mula sa Akda: Matutong makuntento sa kung anong merong grasya meron ka. At
huwag umasa sa swerte-swerte, dahil ang kailangan ay ang tunay na pagsisikap.

You might also like