You are on page 1of 8

SA PULA, SA PUTI

Narrator: Isang karaniwang tahanan sa lalawigan. Ang pintuan sa likuran ay patungo


sa labas; ang sa kanan ay patungo sa kusina.
Matatambad sina Celing at Kulas, mag-asawa at ang kanilang mga anak. Kapwa sila
may kagulangan na at nakasuot na barong karaniwan sa mga taga lalawigan..
Nagsusulsi si Celing, samantalang si Kulas naman ay naghihimas ng tinali. Ang
kanilang mga anak na sina Anna, Laslyn at Celyn ay nag ce-celphone. Si Kulas ay
dudukot ng isang sigarilyo sa bulsa at hahatiin ang sigarilyo, sisindihan ang kalahati
ibabalik ang kalahati sa bulsa, pauusukan ang tinali, titingnan at hahangaan ang
kaliskis nito.
Samantala,maririnig ang sigawan ng mga tao sa sabungan sa malapit;

SCENE 1
Purgatorio, Roca, Bariquit, Atillo: Logro ang Diyes!!!!
Cabanlit, Rallos, Gemang, Cartilla: “SA PULA”
Purgatorio, Roca, Bariquit, Atillo: ‘SA PUTI”
Cabanlit, Rallos, Gemang, Cartilla: TABLA MANALO KA PULA!!!!

SCENE 2
Kulas (Jasper): A…heeem! Kamusta kayo ngayong umaga, Celing? Mga anak?
Celing (Ola-a): Mabuti naman Kulas. Salamat at naalala mo pa kaming kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin.
Anna(Rallos): Dahil yan tay sa pagdilat ng mata mo sa umaga, ang una mong
kinakamusta ay ang tinali mo, mas mahal mo pa ang tinali mo kaysa sa amin.
Kulas: Ano ba naman kayo, wala ng mas mahal sa akin sa buhay kong to kundi ang
asawa ko, kayo mga anak ko.!
Celing: Siya nga ba? Pag hinihimas mo yang tinali mo, nakakapagselos na.
Kulas:Celing naman! Alam mo namang inaalagan ko ang tina li kong toay para sa atin
din. Sila ay madadala sa atin ng GRASYA!!
Laslyn( Atillo); GRASYA ba o DISGRASYA na karaniwang nangyayari tay?
Kulas: Wag niyo ng ungkatin ang nakaraaan, dahil ngayon marami na akong
natutunan na mga bagong sistema.
Celyn(Bariquit): Natalo ka nga nung nakaraang linggo tay eh!
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang anak. Celing makinig ka, alam mo may
napanaginipan ako tungkol sa hinahabol ako ng kalabaw na puti.
Celing: Eh ano naman kung kalabaw na puti?
Kulas: Ang pilak ay puti. Ibig sabihin nun, hinahabol ako ng pera!
Anna: Wala ng perang pilak tay!
Kulas: Meron pa nakabaon lang anak. Kaya Celing bigyan mo lamang ako ng limang
piso ay walang salang magkakapera tayo.
Celing: Hindi ka ba nadadala sa panaginip mo? Noong nakaraang buwan, nanaginip
ka ng ahas na numero otso at nagkataon sa ika-8 ng Pebrero at sabi mo pera na ngunit
natalo ka ng anim na piso!
Kulas; Nagkamali ako ng kahulugan sa numero otso. Ang kailangan pala ay otsong
sultada ako pumusta.
Laslyn: At nagkamali ka rin ba? Nung nanaginip ka ng pusang pula ta? Pinusta mo
ang manok na pula at nadisgrasya ang walong piso at ngayon kalabaw na puti na
naman tay?!
Kulas: Oo nga, pero may batayan na ako ngayon hindi lamang
panaginip.Pinag-aaralan ko kung ang kaliskis ng tainga ng manok, ito’y walang
pagkatalo anak! Celing pangako huli na to.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas:Totoo. Sige na, magmadali ka at nagsusultada na. May katrato ako sa susunod
na sultada. Pag hindi ako dumating, eh nakakahiya!

Narrator:Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at naisip na wala ring saysay


kung makikipagtalo pa siya rito.Iiling-iling na lang na dumukot ng salapi sa kanyang
bulsa.

Celing: O buweno! Tagatago lang ako ng pera. O heto, huwag mo akong sisisihin
kung maubos yung kaunting pinagbilhan ng palay.
(Kinukuha ang salapi)
Kulas: Huwag ka mag-alala Celing. Itoy pera na panigurado ko sayo yan. O buweno,
diyan ka na muna.

Narrator: Nagmamadaling lumabas si Kulas at nakasalubong nito si Sioning sa may


pintuan kasama ang kumare nito.

Sioning( Camello)/: Kamusta ka Kulas?


Kulas: Kamusta. Ah e Sioning mauna na ako…….. Celing…! Celing…! nandito si
Sioning at mga kaibigan mo.!

SCENE 3
Sioning: Ano ba nangyari dun sa asawa mo? Pupunta ba yun sa sunog?
Celing: Ay Sioning mas masahol pa sa sunog ang pupuntahan nun. Ayun pupunta na
naman sa sabungan.!
Cynthia( Cartilla): Celing talaga bang….
Celing: Sandali lang ha. Cynthia, Sioning. ( sisigaw sa gawi ng kusina)
Celing: Teban! Teban! Teban!

Narrator: Si Teban ay masunurin ngunit may kahinaan ang ulo.

Teban(Cuadra): Ano po iyon, Aling Celing?

Narrator: Kukuha ng limang piso sa bulsa si Celing at ibibigay kay Teban.

Celing: O heto Teban. Limang piso, sundan mo si Kulas sa sabungan. Dali ipusta
moto! Bilisan mo at baka mahuli ka.!
Teban: Opo.

Narrator: Na nagmamadaling tinulak ni Celing sa labas.

Sioning: Ipusta ang limang piso?! Ano ba ito Celing, ikaw man ba’y naging sabungera
na rin?
Celing: Si sioning naman, gindi ako sabungera. Pero pag nagsasabong si Kulas ay
pumupusta na rin ako.
Cynthia: Ahh…. Hindi ka sabungera, pero pumupusta ka lang? Hoy Celing ano bang
pinagsasabi mo dyan
Celing: O bweno, Sioning, Cynthia. Maupo nga muna kayo at ipapaliwanag ko sa
inyo, pero atin ating lang to.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa amin.
Celing: Alam mo Sioning, Cynthia ako’y pumupusta sa sabong upang huwag kaming
matalo.
Cynthia: Ah pumupusta ka sa sabong para hindi ka matalo. Pinaglalaruan mo yata
kami.
Celing: Hindi. Alam nyo, marami ng perang nawala dahil sa pagsasabongni Kulas.
Nag-aalala ako baka pagdating ng araw, magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit
ko siya pigilan pero mauuwi lang ka mi sa pagtatalo. Upang hindi magtalo,nag-iisip
ako ng paraan. Na sa tuwing pupusta si Kulas sa kanyang manok ay painapapusta ko
si Teban sa sabungan upang pumusta sa kalaban.

Narrator: May kahinaan din ng ulo si Sioning, kaya…

Sioning: Sa anong dahilan?


Celing: Kapag matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako at kapag talo ako panalo si
Kulas. Kaya’t ang mangyayari hindi mababawasan ang aming pera.
Cynthia: Ah siya nga… Siya nga pala naman.

Narrator: Nag-uumpisang marinig ang sigawan buhat sa sabungan

Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang


iyan.
Sioning: Ikaw kasi eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat pa ng sabungan.
Celing: Hindi naman ako ang pumili sa bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi
ng simbahan,pero ito ang gusto ni Kulas sa tabi ng sabungan.

Narrator: Lalong lumakas ang sigawan.

Cynthia: Ah siya nga pala. Celing pumunta ako dito para ibalita sa iyo na dumating na
anag rasyon ng sabon ni Aling Kikay, baka tayo maubusan.
Celing: Ay salamat. Nagkasabon na din. Makapaglalaba na ako.
Sioning: Bweno, tayo na!

Narrator: Lalo pang lumakas ang sigawan at biglang napahinto sila Celing.
Celing: Ayan na tapos na din ang sultada. Hintayin muna natin si teban tutal malapit
lang din naman ang tindahan ni Aling Kikay.
Sioning: Pero baka maubusan tayo nyan.
Celing: Hindi yan ipagtitira tayo ni Aling Kikay, magkukumare naman tayo. O heto
na pala si Teban tumatakbo..
Teban: Nanalo tayo Aling Celing. Nanalo tayo!
Celing: Mabuti Teban. O magpunta ka na sa kusina baka dumating si Kulas, mahalata
tayo.
Sioning: O bweno, lumakad na tayo Celing

Narrator: Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na
sana siya ng makita niya si Kulas na papasok na walang kasigla sigla.

Celing: Ano ba Kulas, bat parang di ka inabutan ng kalabaw na puti.


Kulas:Huwag mo ngang banggitin iyan.Talaga ako ay malas Celing. Wala akong
swerte! Talagang bwesit ang sabong. Isusumpa ko na ang sabong! Ayaw ko ng makita
ang sabungang iyan!
Celing: Sana magkakatotoo na yan Kulas.

Narrator: Lalabas sina Celing, Sioning at Cynthia. Maiiwan ang balisang si Kulas,
siya namang papasok si Castor at Luther .

Castor(Queenie): Hoy Kulas kamusta ka?


Kulas: Ayy, Castor.. Luther kayo pala
Castor: Aba, bakit ka humihingal na parang manok na humahalimhim. Mayroon
tinaling napakang
Kulas: Ay, Castor wala wala nang taong pinaka-walang swerte na gaya ko. Hindi ko
na gustong makita pa uli ang sabungan.
Luther(Gemang): Ah, naperder na naman ba ang iyong tinali?
Kulas: Oo, lage nalang talo. Mas talaga ako! Akalain mo ang manok ko lumundag
agad at pinalo nang pailalim ng kalaban. Yumuko ang kalaban pero nakudlitan din
siya sa likod. Nagbwelta pareho at naggirian na parang boksingero. Palo diyan, palo
dito na walang kasugat-sugat ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Luther: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Ayaw ko na talaga ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sayo?
Kulas: Ano bang walang marami? Halos tutong walang natitira sa aming natitipon.
Luther: Ngunit hindi tamang katwiran ang hindi ka na magsabong.
Kulas: Ano pang hindi tama?
Castor: ‘pag hindi kana magsasabong, talagang hindi kana makakabawi sa perang
natalo mo. Samantalang kung ikaw ay mgsasabong pa, makakabawi siguro?
Kulas: Hindi Castor. Lalo lang akong mababaon. Tama si Celing na swerte-swerte
lang ang sugal.
Castor: Ano bang swerte-swerte? Iyan ang hindi totoo . Tignan mo ako Kulas, ako’y
hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Magtigil ka Castor! Parati kong nakikita na ang manok mo ay laging nakabitin
kung iuwi.
Castor: Itong si Kulas, nobatos ka na nga pala sa hwego. Oo, natatalo nga ang aking
manok, ngunit nanalo ako sa pustahan.
Kulas: Paano?
Castor: Akala ko ba ayaw mo nang maniwala? Nagagalit ka nga sa akin, talaga bang
gusto mong malaman?
Kulas: Aba, Oo.
Luther: Sabihin mo na Castor!
Castor? Talaga bang gustong malaman?
Kulas: Aba! Oo, sige na… Paulit-ulit?
Castor: Sige, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit alin ba sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin. Sige, kunin mo.
Kulas: O, Heto!
Luther: Kumuha ka nang isang karayom.
Kulas: Karayom?
Luther: Oo, iyong ipinanahi!
Kulas: Hmm. O, heto ang karayom.
Luther: Magmasid ka Kulas!
Castor: Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag dinuro ay hihina ang paa.
Narrator: At duduruin nga ni Castor ang hita ng tinali.

Luther: Hayan!
Castor: Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. At hindi iyon mahahalata sa ating
ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi
mkakapanalo
Kulas: Oo nga no? Hindi na mananlo ang manok na iyan at siguradong matatalo.
Castor: Natural! Kaya ang dapat nating gawin ay pumunta sa sabungan, ilaban ang
manok na iyan… At pumusta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala, magaling na paraan!
Luther: Nakikita mo na. Ang hirap sa’yo hindi mo ginagamit ulo mo.
Kulas: (balisa) Ngunit Castor, pandaraya ito.
Castor: Oo, pandaraya. Ngunit por diyos, sino bang hindi gumamit ng pandaraya kung
sugal ang pinag-usapan? Ito’y gagawin mo lang upang makabawi. Ano ang masama
nyan?
Kulas: Oo, nga no? Malaki na din ang natalo ko.
Castor: Akala mo kaya na sa pagkatalo mo hindi ka dinaya?
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Luther: o, eh… Ano pa ang hihintay mo? Tayo na?
Kulas: Este, Luther, hintayin lamang natin si Celing ang aking asawa.
Luther: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo, ang aking asawa ang may hawak ng supot sa baahy na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan, ay dehado pa sa bahay.
Castor(Cabanlit): Buweno diyan ka na. Laki-laki mo lang ang tipak ha?

Narrator(Gemang): Lalabas si Castor.Ngingiti si Kulas,hihimas-himasin ang kanyang


tinali, at hahangaan lang nadurong na hita ng tinali. Papasok sina Celing , Sioning,
Cynthia.
PAGKAKITA SA TINALI
Celing(Calumba): Ano ba iyan, kulas? Akala ko ba’y isinusumpa mo na ang
sabungan?
LULUNDAG NA PALAPIT SI KULAS
Kulas(Malinao):celing, ngayon na lamang ito.Pangko
Narrator(Gemang): Nangako si kulas na walang salang sila’y makakabawi at kapag
natalo pa siya ngayon ay papatayin lahat ng mga tinali niya.
Celing(Calumba): ngunit baka pangako na namang napapako.
Kulas(Malinao):hindi,celing!Hayan si sioning at cynthia, sila ang ating testigo.

You might also like