You are on page 1of 23

Grade 10

Sa Pula sa Puti (Francisco "Soc" Rodrigo )

Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga,


Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo
akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot
mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala
ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali.
Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang
mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para
sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw,
sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na
akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga
bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan
kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng
pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso
ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan,
nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta
na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang
kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang
sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol
sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag
hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-
iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan
kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si
Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito.
Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta
rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang
pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam
kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala
akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit
madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay
umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay
pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:
(May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si
Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya
nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit
ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa
tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating
ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila
walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking
manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino
ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng
sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay
ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y
natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim
ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at
nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas
tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang
lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo
kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo
sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang,
at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa
sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging
nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit
nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko
sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina
ang paa. Tingnan mo…
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!
(Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa,
ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na
iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit
ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang
makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo
siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag
ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:
(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha?
Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong
hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali.
Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan)
ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay
nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking
asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat
minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang
araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina
at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong
kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang
nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas,
samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o
matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang
pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok
ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang
aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina
Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng
ulam.
Kulas: Bakit?

Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-
uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay
hindi na siya magsasabong.
Ito Pala Ang Inyo
ni Frederico b. Sebastia

Part 1

Clary: sabik na sabik na akong makarating sa bahay bert.

Bert: totoo ba yan?

Clary: oo naman. Ang hangin sa lalawigan ay tunay na nakakaakit.

Bert: masaya ako dahil nasisiyahan ka mahal ko.

Clary: Nais ko na talagang makarating Bert sa ating paraiso!!!(papasok na sa maralitang bahay)

Clary: Ito pala ang sinasabi mong bahay Bert.

Bert: Oo mahal ko.

*tumitingin tingin pagkatapos umupo sa bangko ito ay bumagsak

Clary: Aray ko pohhh!!!!

Bert:Nasaktan ka ba mahal?

Clary:Nasaktan!?hello??!bumagsak kaya ako dahil sa upuan na yan!Hindi mo man lang sinabi na


bulok na pala yan.(galit na galit)

Bert: (aamuhin si Clary) Wag ka nang magalit.(I mamasahe ang binti ng babae) Matagal na kasi
ako hindi nakakauwi dito mahal.

*ngingiti na si Clary at babangon

Clary: ito pala ang sinasabi mong paraiso. Kita mo pala ang mga bituin kahit araw na araw.

Bert: oo nga. At ang sofa namin ay matigas lamang.

*tatawa ang dalawa

Clary: Bert….wala ka na bang damit maliban pa diyan?

Bert:Ano naman ang masama sa suot ko, mahal kong Claring?

Clary: (nagalit) Baket noong dumadalaw ka pa sa amin ang ayos ng iyong suot? And by the way
haven’t I told you call me Clary.

Bert: ayaw mo bang Claro na lang?(tatawa)

Clary: its not Claro its Claryyyyy!(lalayo kay bert at tatalikuran ito)
Bert: (yayakapin patalikod si Clary) sige Clary. Bakit nga pala tayo naguusap ng ganito,kakasal pa
lamang natin ah?

Clary: Oo nga.

Bert: Sige na, magbihis ka na muna.

Clary: saan ako magbibihis?

Bert: Aba saan pa e di dito. Wala naman taong makakakita sayo kundi…ako lang(titingin sa
manonood tapos tataas-taas ang kilay)

Clary: Dito?!(titingin sa nanonood)

Bert: Alam mo mahal ko, dito sa probinsya lalo na sa katulad kong mahirap wala ka ng makikita
pang room kundi ito lang.

Clary: mamayang gabi na lang ako magbibihis.(magdadabog)

Bert: Ikaw ang bahala. Pero ang gabi sa amin ay tunay na gabi?

Clary: Huh?

Bert: walang electrisidad dito, mahal ko.

Clary: OMG! Di na talaga ako makakapag bihis!!! Sa Maynila na nga lang ako magbibihis.

Bert: (tatawa)

Clary: (iirap) At saka asan pala ang ating bed?

Bert: wala tayng katre mahal ko….

Clary: Ano?! San Tayo matutulog?

Bert: sa sahig mahal ko.

Clary: Sa ganda kong ito matutulog ako sa sahig?

Bert: masanay ka na…sapagkat mahirap lang ak….

Clary: tama na! wala na akong magagawa!!!samahan mo na lang ako sa banyo at maliligo muna
ako.

Part 2

Alberto: Wag ka na maligo Clary. Malamig ang panahon at hindi ka pa masyado sanay ditto.

Clary: Bakit pati paliligo ko ay iyong pinapakialaman?At bakit ako magsasanay maligo, hindi ba
ako naliligo?
Alberto: Hindi sa hindi ka naliligo. Iba kase ang banyo mo sa maynila sa banyo namin. Hindi ka
nga makapagpalit dahil sa hiya ang pagliligo pa kaya sa batalan.

Clary: Sige na…..Mr. Alibi

Bert: (sa sarili) ang hirap pala magkaasawq lalo na ang tulad ni Clary na laki sa Maynila at
mayaman. At ano kaya ang mangyayari kung malaman niya na ako ay may mga anak….

*bumalik na galling sa batalan si Clary

Clary: Bert! Hindi ako pwedeng maligo doon….wala man lang harang yung…

Bert: batalan, mahal

Clary: at bert wala pa akong nakikitang gripo. Saan kayo kumukuha dito ng tubig?

Bert: kumukuha kami ng tubig sa poso mga kalahiting kilometro lang naman mula rito. Kung
maliligo ka, sabihin mo na para ako ay maguumpisa ng maglakad.

Clary: Wag na, bert! sa maynila na lang ako maliligo.

Bert: Sa maynila ka na rin maliligo at doon ka rin magbibihis?

Clary: oo.at asan dito yung….

Bert: Ano?

Clary: yung kasilyas.

Bert: wala kami. Karamihan sa amin ay wala pang toilet, lalo na ang mga mahihirap na tulad ko.
At hindi pa kase nakakarating ang sibilisasyon sa amin e.

Clary: ano?! Ano ang gingamit niyo?

Bert: nakikita mo ba yun?(tuturo sa kabilang direksyon)

Clary: yung kawayan?

Bert: oo, yun ang kasilyas naming.

Clarita: what?! Sukdulan na ang mga pagsubok mo sa akin bert! Dito mo ba ako ititira?! Akala ko
ba may sarili tayong paraiso at mamumuhay tayo ng parang si Adan at si Eba!!!? Ano ang
nangyari sa sinabi mo???

*magugulat na lang si Clary may pumasok na matanda

Bert: (gulat) Tiya Isyang!!!

Tiya Isyang: Berto!(nakakunot ang noo)

* ang mga bata ay pupunta kay bert


Mga bata: tatay!tatay! tatay! wala ka bang pasalubong sa amin?(with a cute face)

* gulat na gulat si clary(nakatingin lang sa nakikita niyang pangyayari)

Bert: tiya isyang siya ay si clary ang aking asawa , Clary ang aking tiya at aking mga….

Clary: Anak! Walang hiya ka, hindi ka nagsabi sa akin ng buong katotohanan.

Uuwi na lang ako sa maynila. Doon may banyo, toilet, bed, rooms at higit sa lahat walang mga
makukulit na bata ang manggugulo sa akin.

*umalis si Clary at hinabol naman siya ni bert at nahawakan sa kamay

Bert: Hindi ka maaring umalis na wala ako.

……(nag iiyakan ang mga anak)

Aling Isyang: Tumahimik kayo! Tinamaan kayo ng lintik.


Sanaysay

SANAYSAGING
ni: Epifanio G. Matute

Binubuo ng 29 talata ang buong sanaysaging ni Matute, at kabilang na rito ang paisa-isang salita
o pangungusap na paningit sa mga bloke ng salita. Simple lamang ang tesis ng sanaysay:
Kailangan ang saging para umunlad ang bansa, kaya dapat itong palaganapin at ilangkap sa
patakarang ekonomiko ng Filipinas. Pabalintuna at maparikala ang presentasyon ng gayong tesis,
dahil kahit sinasabi na kailangan ng Filipinas ang malawakang produksiyon ng saging ay lalo
nitong ibinabaon sa tuligsa ang gayong kalakaran. Ang naturang tesis ay hindi matatagpuan sa
unang talata bagkus sa ikatlong talata bago ang pangwakas na talata, at lumalagom sa tinagurian
niyang “sagingisasyon”—ang ganap na pananaig ng saging bilang produkto at sagisag ng bansa.

Ang siste ng sanaysay ay nakatuon sa personang naglalahad ng kaniyang karanasan hinggil sa


saging. Sa unang talata, ipababatid agad niya ang angking katangahan sa sining at siyensiya ng
pagtatanim hanggang pagpapahinog ng saging. Iuugnay niya ito sa ikalawa at ikatlong
talatang pumapaksa sa kakulangan ng suplay ng bigas sanhi ng digmaan, at ang pag-ugat sa
esensiya ng sisid rice, kamote, at kangkong. Ang pihit ng paglalahad ay sasapit sa ikaapat na
talata, nang makapulot ang persona ng inakala niyang punong saging, at pagsunod sa yapak ng
pagong sa kuwentong bayang itinala ni Jose Rizal.

Lilipas ang panahon at mabubuhay ang tanim, ngunit magtataka ang persona kung bakit hindi ito
namumunga. Nagbalik si Hen. Arthur MacArthur sa Leyte, winasak ng mga bomba at artilyeriya
ang Maynila, at bumaha sa bansa ang mga produktong mula pa sa Estados Unidos ngunit nabigo
pa ring mamunga ang pananim. Nang minsang mapadalaw ang amain ng persona ay sinabi
nitong hindi naman saging ang naturang tanim bagkus abaka. At ang abakang ito ay maaaring
pagkunan ng mga hibla ng lubid na puwedeng pambigti ng persona.

Halos isumpa ng persona ang saging, bagaman walang kasalanan ang saging sa kaniyang
katangahan. At magbabago lamang ang kaniyang palagay at prehuwisyo sa saging nang pumasok
sa eksena ang United Fruit Company na naglalayong isulong ang malawakang pagtatanim ng
saging sa Dabaw, palitan ang mga dating pananim na palay at mais at gulay, at kumbinsihin ang
taumbayan, batasan, at gobyerno sa pamamagitan ng mga anunsiyo sa diyaryo, radyo, telebisyon,
at iba pang lunan ng talakayan. Ngunit sasalungat si Senador Lorenzo Tañada, at ito ang
magwawakas sa tangkang pagbabago sa Saligang Batas na kikiling sa sagingisasyon ng
Filipinas. Ang “sagingisasyon” na taguri ni Matute ang katumbas ngayon ng “globalisasyon” sa
negatibo nitong pakahulugan, alinsunod sa malayang daloy ng palitan ng produkto at lakas-
paggawa sa iba’t ibang bansa.

Banayad ang banat ng persona hinggil sa United Fruit Co., na tinumbasan niya ng salin sa
Tagalog na ”Nagkakaisang Prutas.” Kunwa’y pinupuri niya ang pag-ulan ng latundan, lakatan,
at bungulan, ngunit ang totoo’y maligoy niyang hinahatak ang mga tao na pag-ukulan ng pansin
ang gayong patakarang ang makikinabang lamang ay ang nasabing dambuhalang kompanya.
Bagaman walang binanggit na estadistika si Matute, ang lupaing laan sa agrikultura sa bansa ay
aabot sa 12.84 milyong ektarya, at 66 porsiyento rito ay tinatamnan ng palay at mais, ayon sa
Environmental Law of the Philippines (1992). Ang pagpapanibago ng patakaran kung gayon sa
produksiyon ng palay at mais ay makaaapekto hindi lamang sa suplay nito sa buong bansa,
bagkus maging sa sistema ng pamumuhay ng mga tao. Mapangingibabaw ang pagtugon sa
pangangailangan ng tagaibang bansa, kaysa unahin ang pangangailangang pangkabuhayan dito
sa Filipinas.

Ang “Republika ng Saging” ay mahihinuhang hango sa “Banana Republic” na taguri sa mga


bansang nakasandig ang ekonomiya sa gaya ng saging, at iba pang produktong
pansakahang iniluluwas sa Estados Unidos at Europa. Ibinibilang dito ang gaya ng El Salvador,
Belize, Nicaragua, Honduras, at dating panlait sa mga pamahalaan nitong pinamumunuan ng
hunta militar. Nang lumaon, ang “Republika ng Saging” ay ibinansag na rin ng mayayamang
bansa kahit sa mga bansang walang matatag na ekonomiya, at laging nakasandig sa pagsusuplay
ng mga produktong pang-agrikultura o kaya’y lakas-paggawa sa mayayamang bansa. Sa kabila
ng lahat, ang Republika ng Saging ay masasabing produkto ng mga multi-nasyonal na
kompanyang gaya ng United Fruit Co. at ng kakutsaba nitong ahente sa pamahalaan at pribadong
sektor. At kung gayon nga, ang tinatawag na “sagingisasyon” ni Matute ay nagiging lehitimo
lamang kung papayagan ng taumbayan, at maipapaloob sa pambansang patakaran ukol sa
agrikultura at ekonomiya.

Manghihinayang ang persona at hindi matutupad ang sagingisasyon ng Filipinas. Ang


panghihinayang na ito ay ipapasok na lamang sa pambansang awit ng Filipinas: Bayang
masaging, Perlas ka ng Sagingan/ Puso ng saging, sa dibdib mo’y buhay./ Lupang Sinaging,
duyan ka ng latundan./ Sa kontra-saging, di ka padadagan./ Sa dagat at bundok,/ Sa simoy at sa
langit mong bughaw,/ May dilag ang saging/ at awit sa lakatang minamahal/. . . . Ang kontra-
saging na binanggit ng persona ay hindi naman talaga kontrabida, bagkus tagapagtanggol nga ng
bansa. Ikinukubli lamang ni Matute ang gayon sa pamamagitan ng pagpapatawa, nang mapagaan
ang panunuligsa sa pamahalaan.

Ispesimen ang sanaysaging ni Matute kung paano nagbabago ang uri ng sanaysay sa Filipinas.
Ang pag-urirat at pagsasakdal sa mga baluktot na patakaran ng pamahalaan ay hindi
kinakailangang laging tahas, at magagamit ang bisa ng ligoy at pagpapatawa. Ngunit hindi basta
pagpapatawa na gaya ng ginagawa ni Michael V. at iba pa niyang kauri na ginagagad lamang
ang realidad. Umiimbento ng realidad si Matute, at gumagamit ng mga tagpo sa lipunan at
kuwentong-bayan nang hindi nangyuyurak o pinagtatawanan ang karaniwang tao. Hinahamon
tayo ni Matute na kasangkapanin ang sanaysay sa pamamagitan ng madidilim na pagpapatawa, at
nasa atin na ang pagpapasiya makaraang mabusog sa sagingan ng kaniyang bait at pahiwatig.
PAGISLAM
ni: Elvira B. Estravo

Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di
kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na
kahalintulad ng binyag ga tinatawag na Pag-islam. Pinaniniwalaang ito ay ang pagbibinyag ng mga
Muslim.

Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremnyang panrelihiyon na napapaloob sa pag-islam, na


ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.

Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng adzan o sa
kanang tainga ng sanggol. Ito'y ginagawa upang dito'y ikintal na siya'y ipinanganak na Muslim at ang
kanyang unang salita maririnig ay ang pangalan ni Allah.

Ang pangalawang seremnya ay higit na kilala bilang pangganting o pangubad. Ginagawa itong pitong
araw pagkakaroon ng anak. Dito'y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.

Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang


nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito'y tinatawag na agiya, na ang ibig sabihi'y
paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.

Sa okasyong ito, ang bininyagan o pinarangalan ay binibigyan ng pangaln ng isang pandita pagkatapos na
makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na
buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok magiging maginhawa at
matagumpay ang tatahaking buhay ng bata ngunit kapg ito'y lumubog, siya'y magdaranas ng
paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremnya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi
ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanao. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na
kasama ng seremnya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin,
dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang
buaya ng manok na niluto ga gating kinulayan ng dilaw. Ninihahanda ito ng isang matandang babaeng
tinatawag nilang walian. Isang katutubong hilot na may kaalaman sa kinaugaliang ito. Ginagawa ito para
sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang
buaya.

Ang ikatlo at huling seremnya ay pag-islam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito
hanggang sampung taong gulang. Tampok na Gawain sa seremnoyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na
pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang
dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang
babae na may kinalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng mga
maulidin nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.
Sanaysay Grade 9

ANG KABABAIHAN NG TAIWAN, NGAYON AT NOONG NAKARAANG 50 TAON


Isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina

Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% 0 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring
isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan.
Ilang kababaihan lamang ng buong mundo ang nakakukuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad ng
kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito
ay makikita sa dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ikalawa ay ang pag-
unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.

Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad ng kasambahay o
housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos
ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan
sa tahanan.

Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay walang naging kumplikado. Sa bahay ng mga
Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho,
inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na
tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.

Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at


mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kumpanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng
babae at ang kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas.
Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaeng
namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang
estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung
ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.

At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita rin.
Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa mga nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa
nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa ng
batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.

Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing
noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan
na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring
kumpanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang
nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa
ring dapat magbago sa kalagayan ng kababihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at
pantay na karapatan nila sa lipunan.

Kay Estella Zeehandelar (Panitikang Indonesian) Mula sa mga liham ng isang Prinsesang Javanese
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Japara, Mayo 25, 1899

Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t
makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay,
puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang
kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi
ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na
tumatanaw sa malayong kanluran.

Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob
ang sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga
lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan,
ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos
pa ng tatlo o apat na hebenerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng
buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan.
Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga
institusyon naming. Wala akong iniisip gabi’t araw kindi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga
lumang tradisyon naming. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa king iwasan o putulin ang mga ito,
kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at
ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong
pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong was akin ang puso ng mga taong walang
naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?

Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay
nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y
may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito,
isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at
kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong
nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang
nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat,
sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla.

Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.

Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalki at babae.
Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo
noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa
mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may
edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa
kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking
nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa
Hoogere-Burger School, sng pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan ditto sa India.
Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa
Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga
babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan n gaming
lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t
kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal n gaming kaugalian na
lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang
kung sa paaralan, at ang tanginglugar na pagtuturong maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa
mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European.

Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taonng gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang “ikahon”
ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong
hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-
kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko
namamalayan. Noong banding huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago
ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit
wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na
mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang
mundong nasa labas.

Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y
pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman
ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong
iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan
ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng
panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t
matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa
ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-
inanyayahang panauhin.

Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos!
Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At
mabilis pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming
kalayaan.

Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina
ng Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming kalayaan. Sa kauna-
unahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad
na pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng
mga kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang
“mundo” nagging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming
mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa
ako nasisiyahan. LAgi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring
makapamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig
kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-aral, hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat,
hindi para pag-asawahin nang sapilitan.

Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang
magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong
babae sa kanyang pamilya.

At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba
hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at
hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?

Pag-ibig! Anong nalalaman namin dito ukol sa pag-ibig? Paano namin maiibigan ang isang lalaking hindi
namin kailanman nakilala? At paano nila kami iibigin? Hindi yata maaring mangyari iyon. Mahhigpit na
pinaghihiwalay ang mga kababatang babae at lalaki, at kailanma'y hindi pinapayagang magkakilala.
Tiyo Simon
Dula

Pilipinas ni N.P.S. Toribio

Mga Tauhan:
Tiyo Simon -isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga
paniniwala sa buhay
na hindi
maunawaan ng kaniyang hipag na relihiyosa

Ina –ina ni Boy

Boy–pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang

Oras –Umaga, halos hindi pa sumisikat ang araw.

Tagpo :Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na


kinapapatungan ng mga langis at pomada sa buhok, toniko,
suklay at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng
tokador,nakadikit sa dingding ang isang malaking
larawan ng Birheng nakalabas ang puso at may tarak itong punyal. Sa tabi
ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng
higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan.
Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na binibihisan ng kaniyang ina. Nakabakas sa mukha ng bata ang
pagkainip
samantalang sinusuklay ang kaniyang buhok.

(Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.)
Ina: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis.
Boy: (Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa... Pagagalitin mo na naman ako, e! At ano’ng gagawin mo rito sa
bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw?
Boy: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ... si Tiyo Simon...
Ina: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang ... Patawarin ako ng Diyos.
Boy: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo
Simon...
Ina: (Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa
banal na pangalan ng Panginoon?
Boy: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
Ina: A, husto ka na ... Husto na, bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong
araw na ito nang may dumi sa kalooban
Boy: Pero...
Ina: Husto na sabi, e!(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay,
palapit sa nakapinid na
pinto ng silid. Saglit na
titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.)
Ina: (Paungol) Uh ... sino ‘yan?
Tiyo Simon:(Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong ...(Padabog na tutunguhin ng babae ang
pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.)
Tiyo Simon: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy ...
Boy: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay
Mama.
Ina: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, Kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan ...

(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob. Hahawakan sa balikat si Boy.)Tiyo
Simon:Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo... kung gusto mong isama
ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis ... Magsisimba tayo.
(Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kaniyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay
napamangha rin. Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa. Pagkuwa’y
babaling ang ina kay Boy.)

Ina: Nakapagtataka! Ano kaya’ng nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin?
Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos ...

Boy: Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako ...

Ina: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi, e, hindi ka rin sasama.
Pero, mabuti rin iyon ... Mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi
ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring ...(Mapapayuk
o ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas lamang si Boy.)

Ina: (Mahina at waring sa sarili lamang). Namatay siyang hindi man lamang nakapagpa-Hesus. Kasi’y
matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid, sila ng iyong amain.
Sana;y magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kaniyang
kapatid na sumakabilang buhay na ...

(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng hindi pantay na yabag, at ilang
sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang kaniyang
mukha, pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.)

Ina: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y ... diyan muna kayo ni Boy, Kuya ...
(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang
naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa
harapan niya.)

Tiyo Simon: (Maghihikab) Iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina ang katawan at ...
(biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kaniyang may kapansanang paa.
Matatawa.)

Boy: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng Diyos? ...

Tiyo Simon: (Matatawa) Sinabi ba ng Mama mo ‘yon?

Boy: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi ...

Tiyo Simon: (Mapapabuntong-hininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako na naniniwala sa Diyos...
Boy: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo nangingilin kung araw ng pangilin.
Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon?

Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba sa
pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling
pagkamulat ... ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig
ko kay Bathala.

Boy: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?...

Tiyo Simon: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan
ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng
pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako nagingmaligaya.

(Titigilsi Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat sa malayo ay
biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kampana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuwa’y
titigil ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntunghininga si Tiyo Simon, titingnan ang kaniyang may
kapansanang paa, tatawa nang mahina at saka titingin kay Boy).

Tiyo Simon: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko ang tumalikod, hindi lamang sa
simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Ma
ughamat ako’y nanalig sa pilosopiyang pinanaligan ng kaniyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging
maligaya. Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan.

Boy: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?...

Tiyo Simon:Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, wa


lang natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako ... hanggang sa
isang araw ay nangyari sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin.

Boy: Ano iyon, Tiyo Simon...? (Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot s
a kaniyang lukbutan. Maglalabas ng isang bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit)

Tiyo Simon: Ito ay manika ng isang batang nasagasaan ng trak. Patawid siya noon at sa kaniyang
pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ngunit siyang pagdaan ng isang trak at siya’y nasagasaan
...Nasagasaan siya, nadurog ang kaniyang isang binti, namatay ang bata... namatay...nakita ko, ng
dalawang mata, ako noo’y naglalakad sa malapit... At aking nilapitan, ako ang unang lumapit kaya
nakuha ko ang manikangito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit
sa kamatayan...

Boy: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari, Tiyo Simon?

Tiyo Simon:Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking sarili...sapagkat
nang yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa
bibig ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng kaniyang buto... ngiting tila ba nananalig na siya ay
walang kamatayan..

.(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si


Boy. Muling maririnig ang tunog ng batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang
higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y
titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.)
Tiyo Simon:Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi
ko ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapaalalang lagi sa akin ng
matibay at mataos na pananalig ng isang batang hangggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At
aking tinandaan sa
isip: kailangan ng isang tao ang pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa anong bagay, lalong mabuti kung
pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga
kasawian... upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay.

(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na papalapit.
Susungaw ang mukha ng
ina ni Boy sa pinto.)
Ina:Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. . Hinanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako
natagalan. Tayo na, Boy...Kuya

Boy:(Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na, Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang
kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo na!(Muling maririnig ang tugtog ng kampana
sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng kampana
lalong magiging malakas, habang bumababa ang tabing)

You might also like